< Hosea 8 >
1 “Maglagay ng isang trumpeta sa inyong mga labi. Paparating ang isang agila sa aking tahanan, si Yahweh. Nangyayari ito dahil sinuway ng mga tao ang aking kasunduan at naghimagsik laban sa aking kautusan.
Set the horn to thy mouth. As a vulture he cometh against the house of the LORD; because they have transgressed My covenant, and trespassed against My law.
2 Tumawag sila sa akin, 'Aking Diyos, kami sa Israel ay kilala ka.'
Will they cry unto Me: 'My God, we Israel know Thee'?
3 Ngunit tinatalikuran ng Israel kung ano ang mabuti, at tutugisin siya ng kaniyang kaaway.
Israel hath cast off that which is good; the enemy shall pursue him.
4 Nagtalaga sila ng mga hari, ngunit hindi sa pamamagitan ko, gumawa sila ng mga prinsipe, ngunit hindi ko nalalaman. Sa pamamagitan ng kanilang mga pilak at ginto gumawa sila ng mga diyus-diyosan para sa kanilang mga sarili, ngunit ito ay nangyari upang sila ay mapapahamak.”
They have set up kings, but not from Me, they have made princes, and I knew it not; of their silver and their gold have they made them idols, that they may be cut off.
5 Sinabi ng propeta, “itinapon niya ang inyong guya, Samaria.” sinabi ni Yahweh, “Nagliliyab ang aking galit laban sa mga taong ito. Hanggang kailan sila mananatiling marumi?
Thy calf, O Samaria, is cast off; Mine anger is kindled against them; how long will it be ere they attain to innocency?
6 Sapagkat nagmula ang diyus-diyosang ito sa Israel; ginawa ito ng manggagawa; hindi ito Diyos! Dudurugin ng pira-piraso ang guya ng Samaria.
For from Israel is even this: the craftsman made it, and it is no God; yea, the calf of Samaria shall be broken in shivers.
7 Sapagkat itinanim ng mga tao ang hangin at umani ng ipu-ipo. Ang nakatayong trigo ay walang mga uhay; hindi ito makapagbibigay ng harina. Kung mahihinog man ito, uubusin ito ng mga dayuhan.
For they sow the wind, and they shall reap the whirlwind; it hath no stalk, the bud that shall yield no meal; if so be it yield, strangers shall swallow it up.
8 Nilunok ang Israel, ngayon nagsinungaling sila sa mga bansa tulad ng walang pakinabang.
Israel is swallowed up; now are they become among the nations as a vessel wherein is no value.
9 Sapagkat pumunta sila sa Asiria tulad ng mailap na asno na nag-iisa. Umupa ang Efraim ng mangingibig para sa kaniyang sarili.
For they are gone up to Assyria, like a wild ass alone by himself; Ephraim hath hired lovers.
10 Kahit na umupa sila ng mangingibig sa mga bansa, muli ko silang titipunin. Sisimulan ko silang itatapon dahil sa pang-aapi ng hari at mga prinsipe.
Yea, though they hire among the nations, now will I gather them up; and they begin to be minished by reason of the burden of king and princes.
11 Sapagkat nagparami ng mga altar ang Efraim na alayan para sa kasalanan, subalit naging mga altar ang mga ito para makagawa ng mga kasalanan.
For Ephraim hath multiplied altars to sin, yea, altars have been unto him to sin.
12 Maaari kong isulat ng sampung libong beses ang aking kautusan para sa kanila, ngunit titingnan lang nila ito tulad ng isang bagay na kakaiba sa kanila.
Though I write for him never so many things of My Law, they are accounted as a stranger's.
13 Patungkol sa mga alay na mga handog sa akin, nag-alay sila ng karne at kinain ito, ngunit ako, si Yahweh, ay hindi tinatanggap ang mga ito. Ngayon alalahanin ko ang kanilang kasamaan at parurushan ang kanilang mga kasalanan. Babalik sila sa Egipto.
As for the sacrifices that are made by fire unto Me, let them sacrifice flesh and eat it, for the LORD accepteth them not. Now will He remember their iniquity, and punish their sins; they shall return to Egypt.
14 Kinalimutan ako ng Israel, ang kaniyang manlilikha at nagpatayo ng mga palasyo. Pinatibay ni Juda ang maraming mga lungsod, ngunit magpapadala ako ng apoy sa kaniyang mga lungsod at sisirain nito ang kaniyang mga kuta.
For Israel hath forgotten his Maker, and builded palaces, and Judah hath multiplied fortified cities; but I will send a fire upon his cities, and it shall devour the castles thereof.