< Hosea 7 >
1 Kapag nais kong pagalingin ang Israel, mabubunyag ang kasalanan ng Efraim, ganun din ang masamang mga gawa ng Samaria, sapagkat gumagawa sila ng panlilinlang, pumasok ang isang magnanakaw at isang pangkat ng mandarambong ang lumusob sa lansangan.
De schuld van Efraïm is aan het licht getreden, De boosheid van Samaria openbaar: Ze plegen bedrog; de dief dringt binnen de huizen, De rover plundert op straat.
2 Hindi napagtanto ng kanilang mga puso na naalala ko ang lahat ng kanilang masasamang gawa. Ngayon, napalibutan sila ng kanilang masasamang gawa, sila ay nasa aking harapan.
En ze bedenken niet bij zichzelf, Dat Ik Mij al hun boosheid herinner; Dat hun werken hen steeds vergezellen, En voor mijn aangezicht staan!
3 Pinasaya nila ang hari sa kanilang kasamaan at ang mga opisyal sa kanilang mga kasinungalingan.
In hun boosheid maken zij den koning lustig, In hun leugens de vorsten:
4 Mangangalunya silang lahat, tulad ng pinapainit na isang pugon ng panadero, na humihinto sa paggalaw sa apoy mula sa pagmamasa hanggang sa pag-alsa nito.
Ze verhitten hen allen als een oven, Door den bakker gestookt. Als het deeg is gekneed, houdt hij op met stoken, Totdat het gegist is;
5 Sa araw ng ating hari, nilasing ng mga opisyal ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng init ng alak. Iniabot niya ang kaniyang kamay sa mga nangutya.
Maar zij maken onzen koning onpasselijk, De vorsten bevangen door wijn. Ze blijven aan de lustigen schenken,
6 Sapagkat tulad ng isang pugon ang kanilang mga puso, binabalangkas nila ang mapanlinlang nilang mga balak. Magdamag na nagbabaga ang kanilang galit; nagliliyab ito na tulad ng apoy sa umaga.
Listig hun hart als een oven verhitten: Heel de nacht sluimert hun woede, Maar ‘s morgens slaat ze in vlammen uit.
7 Mainit silang lahat tulad ng isang pugon, at pinagpapatay nila ang mga namumuno sa kanila. Bumagsak ang lahat ng kanilang mga hari; wala kahit isa sa kanila ang tumawag sa akin.
Toen allen waren verhit als een oven, Hebben zij hun meesters verteerd: Al hun koningen zijn gevallen, Zonder dat iemand van hen tot Mij riep!
8 Nakihalo ang Efraim sa mga tao, isang manipis na tinapay ang Efraim na hindi pa nabaliktad.
Efraïm is onder de volken Een afgeleefde geworden; Efraïm werd als een koek, Die niet is omgekeerd.
9 Inubos ng mga dayuhan ang kaniyang lakas, ngunit hindi niya ito nalalaman. Nagkalat ang kaniyang puting buhok, ngunit hindi niya ito nalalaman.
Vreemden verteren zijn schatten: Hij merkt het niet; Zijn haar begint al te grijzen: Hij bespeurt het niet.
10 Ang pagmamataas ng Israel ay nagpatotoo laban sa kaniya; gayunpaman, hindi sila nagbalikloob kay Yahweh na kanilang Diyos, ni hinanap nila siya, sa kabila ng lahat ng ito.
De trots ligt Israël op het gelaat: Ze bekeren zich niet tot Jahweh, hun God; Ze zoeken Hem niet, Wat ook gebeurt!
11 Tulad ng isang kalapati ang Efraim, mapaniwalain at walang pang-unawa, tumatawag sa Egipto at lilipad patungong Asiria.
Efraïm is als een duif Onnozel en dom; Ze roepen Egypte om hulp, En trekken naar Assjoer.
12 Kapag aalis sila, ilalatag ko sa kanila ang aking lambat, ibabagsak ko sila tulad ng mga ibon sa kalangitan. Parurusahan ko sila sa kanilang pagsasama-sama.
Maar zodra ze vertrekken, Werp Ik mijn net over hen uit, Haal ze omlaag als een vogel uit de lucht, Sluit ze op om de faam van hun boosheid!
13 Kahabag-habag sila! Dahil kumawala sila mula sa akin. Darating sa kanila ang pagkawasak! Naghimagsik sila laban sa akin! Ililigtas ko sana sila, ngunit nagsalita sila ng kasinungalingan laban sa akin.
Wee hun, omdat ze van Mij zijn weggevlucht, Verderf over hen, omdat ze tegen Mij hebben gezondigd; Ik bracht hun verlossing, Maar zij verloochenden Mij.
14 Hindi sila tumawag sa akin ng buong puso, ngunit humagulgol sila sa kanilang mga higaan. Sinusugatan nila ang kanilang mga sarili upang magkaroon ng trigo at bagong alak at lumayo sila mula sa akin.
Ze roepen Mij niet van harte aan, Maar huilen op hun legerstede; Ze kerven zich om brood en wijn, Maar van Mij lopen ze weg.
15 Bagama't sinanay ko sila at pinalakas ang kanilang mga bisig, nagbabalak sila ngayon ng masama laban sa akin.
Ik heb hun arm onderricht en gesterkt, Maar zij zinnen op kwaad tegen Mij;
16 Bumalik sila, ngunit hindi sila bumalik sa akin, ang Kataas-taasan. Tulad sila ng isang sirang pana. Babagsak ang kanilang mga opisyal sa pamamagitan ng espada dahil sa kawalang-galang ng kanilang mga dila. Magiging dahilan ito ng pangungutya sa kanila sa lupain ng Egipto.
Ze springen terug op wat hen niet helpt, Als een weerspannige boog. Hun vorsten vallen door het zwaard, Om het gezwets van hun tong; Dan worden ze nog uitgelachen In het land van Egypte!