< Hosea 6 >

1 Halikayo, manumbalik tayo kay Yahweh. Sapagkat pinagpira-piraso niya tayo, ngunit pagagalingin niya tayo; Sinugatan niya tayo, ngunit tatalian niya ang ating mga sugat.
Vinde, e tornemos ao Senhor, porque ele despedaçou, e nos sarará, feriu, e nos atará a ferida.
2 Pagkatapos ng dalawang araw, bubuhayin niya tayo; ibabangon niya tayo sa ikatlong araw, at mabubuhay tayo sa kaniyang harapan.
Depois de dois dias nos dará a vida: ao terceiro dia nos resuscitará, e viveremos diante dele.
3 Kilalanin natin si Yahweh; sikapin nating makilala si Yahweh. Ang kaniyang paglabas ay tiyak na parang bukang-liwayway; darating siya sa atin tulad ng ambon, tulad ng ulan sa tagsibol na dumidilig ng lupain.”
Então conheceremos, e proseguiremos em conhecer, ao Senhor: como a alva, está aparelhada a sua saída: e ele a nós virá como a chuva, como chuva serodia que rega a terra.
4 Ano ang gagawin ko sa inyo, Efraim? Ano ang gagawin ko sa inyo, Juda. Ang inyong katapatan ay tulad ng ulap sa umaga, tulad ng hamog na mabilis na nawawala.
Que te farei, ó Ephraim? que te, farei, ó Judá? visto que a vossa beneficência é como a nuvem da manhã, e como o orvalho da madrugada, que passa.
5 Kaya pinutol ko sila ng pira-piraso sa pamamagitan ng mga propeta, pinatay ko sila ng mga salita ng aking mga bibig. Ang iyong utos ay tulad ng ilaw na nagliliwanag.
Por isso os cortei pelos profetas: pela palavras da minha boca os matei; e os teus juízos sairão como a luz.
6 Sapagkat hangad ko ang katapatan at hindi mga handog at ang aking kaalaman, ang Diyos ay higit pa sa mga susunuging handog.
Porque o que eu quero é a misericórdia, e não o sacrifício; e o conhecimento de Deus, mais do que os holocaustos.
7 Tulad ni Adan, sinira nila ang kasunduan; hindi sila naging tapat sa akin.
Porém eles traspassaram o concerto, como Adão; ali se portaram aleivosamente contra mim.
8 Ang Gilead ay isang lungsod ng mga gumagawa ng kasamaan, puno ng bakas ng dugo.
Gilead é uma cidade dos que obram iniquidade, calcada de sangue.
9 Gaya ng pangkat ng mga magnanakaw na naghihintay sa isang tao, kaya nagsama-sama ang mga pari upang pumatay sa daan patungong Shekem; nakagawa sila ng kahiya-hiyang mga kasalanan.
Como as tropas dos salteadores a alguns esperam, assim é a companhia dos sacerdotes; matam no caminho para Sichem, porque fazem abominações.
10 Nakita ko sa sambahayan ng Israel ang mga kakila-kilabot na bagay. Nandoon ang pagbebenta ng aliw ng Efraim, at nadungisan ang Israel.
Vejo uma coisa horrenda na casa de Israel: ali está a fornicação de Ephraim; Israel é contaminado.
11 Sa iyo man, Juda, ay may nakatakdang pag-aani, kapag naibalik ko na ang mabuting kapalaran ng aking mga tao.
Também para ti, ó Judá, foi assinada uma sega; quando eu tornar o cativeiro do meu povo.

< Hosea 6 >