< Hosea 5 >

1 Pakinggan ninyo ito, mga pari! Bigyan ninyo ng pansin, sambahayan ng Israel! Makinig, sambahayan ng hari! Sapagkat paparating na ang paghuhukom laban sa inyong lahat. Naging isang bitag kayo sa Mizpa at isang nakalatag na lambat sa buong Tabor.
眾祭司啊,要聽我的話! 以色列家啊,要留心聽! 王家啊,要側耳而聽! 審判要臨到你們, 因你們在米斯巴如網羅, 在他泊山如鋪張的網。
2 Nalunod sa pagkakatay ang mga maghihimagsik, ngunit sasawayin ko silang lahat.
這些悖逆的人肆行殺戮, 罪孽極深; 我卻斥責他們眾人。
3 Kilala ko ang Efraim at hindi lingid sa akin ang Israel. Efraim, ngayon na naging tulad ka ng isang babaing nagbebenta ng aliw; nadungisan ang Israel.
以法蓮為我所知; 以色列不能向我隱藏。 以法蓮哪,現在你行淫了, 以色列被玷污了。
4 Hindi sila pahihintulutan ng kanilang mga gawa upang manumbalik sa akin, na kanilang Diyos, sapagkat nasa kanila ang espiritu ng pangangalunya, at hindi nila ako nakikilala, si Yahweh.
他們所行的使他們不能歸向上帝; 因有淫心在他們裏面, 他們也不認識耶和華。
5 Nagpapatotoo ang pagmamataas ng Israel laban sa kaniya; kaya matitisod ang Israel at Efraim sa kanilang mga kasalanan; at matitisod din ang Juda kasama nila.
以色列的驕傲當面見證自己。 故此,以色列和以法蓮必因自己的罪孽跌倒; 猶大也必與他們一同跌倒。
6 Aalis sila kasama ang kanilang mga kawan at mga bakahan upang hanapin si Yahweh, ngunit hindi nila siya matatagpuan, sapagkat lumayo siya sa kanila.
他們必牽着牛羊去尋求耶和華,卻尋不見; 他已經轉去離開他們。
7 Hindi sila naging tapat kay Yahweh, sapagkat nagkaroon sila ng mga anak sa labas. Lalamunin sila ngayon ng mga pista ng bagong buwan kasama ng kanilang mga bukirin.
他們向耶和華行事詭詐,生了私子。 到了月朔,他們與他們的地業必被吞滅。
8 Hipan ang tambuli sa Gibea, at ang trumpeta sa Rama. Patunugin ang hudyat ng pakikipaglaban sa Beth-aven: 'Susunod kami sa iyo, Benjamin!'
你們當在基比亞吹角, 在拉瑪吹號, 在伯‧亞文吹出大聲,說: 便雅憫哪,有仇敵在你後頭!
9 Magiging isang lagim ang Efraim sa araw ng pagpaparusa. Kabilang sa mga tribo ng Israel na aking ipinahayag kung ano ang tunay na mangyayari.
在責罰的日子,以法蓮必變為荒場; 我在以色列支派中,指示將來必成的事。
10 Ang mga pinuno ng Juda ay tulad ng mga naglilipat ng batong palatandaan. Ibubuhos ko sa kanila ang aking galit na tulad ng tubig.
猶大的首領如同挪移地界的人, 我必將忿怒倒在他們身上,如水一般。
11 Nadurog ang Efraim, nadurog siya sa paghuhukom, dahil disidido siyang yumukod sa mga diyus-diyosan.
以法蓮因樂從人的命令, 就受欺壓,被審判壓碎。
12 Para akong isang tanga sa damit sa Efraim, at tulad ng bulok sa tahanan ng Juda.
我使以法蓮如蟲蛀之物, 使猶大家如朽爛之木。
13 Nang makita ng Efraim ang kaniyang pagkakasakit, at nakita ng Juda ang kaniyang sugat, pumunta ang Efraim sa Asiria at nagpadala ang Juda ng mga mensahero sa dakilang hari. Ngunit wala siyang kakayahan upang pagalingin kayong mga tao o pagalingin ang inyong sugat.
以法蓮見自己有病, 猶大見自己有傷, 他們就打發人往亞述去見耶雷布王, 他卻不能醫治你們, 不能治好你們的傷。
14 Kaya magiging tulad ako ng isang leon sa Efraim, at tulad naman ng isang batang leon naman sa sambahayan ng Juda. Ako, maging ako, ang gugutay at aalis; ako ang mag-aalis sa kanila at walang sinuman ang makapagliligtas sa kanila.
我必向以法蓮如獅子, 向猶大家如少壯獅子。 我必撕裂而去, 我要奪去,無人搭救。
15 Aalis ako at babalik sa aking lugar, hanggang sa aminin nila ang kanilang kasalanan at hanapin ang aking mukha, hanggang sa hanapin nila ako ng masigasig sa kanilang pagdadalamhati.”
我要回到原處, 等他們自覺有罪,尋求我面; 他們在急難的時候必切切尋求我。

< Hosea 5 >