< Hosea 3 >

1 Sinabi sa akin ni Yahweh, “Humayo kang muli, umibig ka sa isang babae, na inibig ng kaniyang asawa, ngunit isang mangangalunya. Ibigin mo siya gaya ko, si Yahweh, na iniibig ang mga tao ng Israel, kahit na bumabaling sila sa ibang mga diyos at iniibig ang mga tinapay na may pasas.”
Then said the Lord to me, Goe yet, and loue a woman (beloued of her husband, and was an harlot) according to the loue of the Lord toward the children of Israel: yet they looked to other gods, and loued the wine bottels.
2 Kaya binili ko siya para sa aking sarili ng labinlimang pirasong pilak at ng isang homer at isang lethek ng sebada.
So I bought her to me for fifteene pieces of siluer, and for an homer of barlie and an halfe homer of barlie.
3 Sinabi ko sa kaniya, “Mamuhay ka kasama ko ng mahabang panahon. Hindi ka na magiging babaing nagbebenta ng aliw o magiging pag-aari ng sinumang ibang lalaki. gayundin naman, makakasama mo ako.”
And I said vnto her, Thou shalt abide with me many dayes: thou shalt not play the harlot, and thou shalt be to none other man, and I will be so vnto thee.
4 Sapagkat mamumuhay sa mahabang panahon ang mga tao ng Israel nang walang hari, prinsipe, alay, haliging bato, efod o mga diyus-diyosan sa sambahayan.
For the children of Israel shall remaine many dayes without a King and without a prince, and without an offering, and without an image, and without an Ephod and without Teraphim.
5 Pagkatapos, manunumbalik at hahanapin ng mga tao ng Israel si Yahweh na kanilang Diyos at si David na kanilang hari. At sa huling mga araw, lalapit silang nanginginig sa harapan ni Yahweh at sa kaniyang kabutihan.
Afterward shall the children of Israel conuert, and seeke the Lord their God, and Dauid their King, and shall feare the Lord, and his goodnes in the latter dayes.

< Hosea 3 >