< Hosea 13 >

1 “Nang nagsalita si Efraim ay mayroong panginginig. Itinaas niya ang kaniyang sarili sa Israel, ngunit siya ay nagkasala dahil sa pagsamba kay Baal, at namatay siya.
從前以法蓮說話,人都戰兢, 他在以色列中居處高位; 但他在事奉巴力的事上犯罪就死了。
2 Ngayon sila ay mas lalong nagkakasala. Gumagawa sila ng mga larawang hinulma mula sa kanilang pilak, mga diyus-dyosan na hanggat maaari ay ginawa ng mahusay, lahat ng mga ito ay gawa ng mga mahuhusay na manggagawa. Sinasabi ng mga tao tungkol sa kanila, 'Ang mga kalalakihang ito na nag-aalay ay humalik sa mga guya.'
現今他們罪上加罪, 用銀子為自己鑄造偶像, 就是照自己的聰明製造, 都是匠人的工作。 有人論說, 獻祭的人可以向牛犢親嘴。
3 Kaya sila ay magiging tulad ng ulap sa umaga, tulad ng hamog na nawawala ng maaga, tulad ng ipa na tinatangay ng hangin palayo mula sa giikan, at tulad ng usok na lumalabas mula sa isang pausukan.
因此,他們必如早晨的雲霧, 又如速散的甘露, 像場上的糠詷被狂風吹去, 又像煙氣騰於窗外。
4 Ngunit ako si Yahweh na inyong Diyos, na nagpalabas sa inyo mula sa lupain ng Egipto. Wala kang dapat kilalaning Diyos kundi ako; dapat ninyong kilalanin na liban sa akin, wala nang ibang tagapagligtas.
自從你出埃及地以來, 我就是耶和華-你的上帝。 在我以外,你不可認識別神; 除我以外並沒有救主。
5 Nakilala kita sa ilang, sa lupain ng may malaking katuyuan.
我曾在曠野乾旱之地認識你。
6 Nang kayo ay nagkaroon ng pastulan, saka kayo nabusog; nang kayo ay nabusog, ang inyong puso ay naging mapagmalaki; dahil doon kinalimutan ninyo ako.
這些民照我所賜的食物得了飽足; 既得飽足,心就高傲, 忘記了我。
7 Naging tulad ako ng isang leon sa kanila; tulad ng isang leopardo, ako ay magbabantay sa tabi ng daan.
因此,我向他們如獅子, 又如豹伏在道旁。
8 Sasalakayin ko sila tulad ng isang oso na ninakawan ng kaniyang mga anak. lalaslasin ko ang kanilang mga dibdib, at doon ay lalapain ko sila tulad ng isang leon— tulad ng isang mabangis na hayop na pipilasin sila ng pira-piraso.
我遇見他們必像丟崽子的母熊, 撕裂他們的胸膛。 在那裏,我必像母獅吞吃他們; 野獸必撕裂他們。
9 Ito ang iyong kapahamakan na darating, Israel, dahil ikaw ay laban sa akin, na tumutulong sa iyo.
以色列啊,你與我反對, 就是反對幫助你的,自取敗壞。
10 Nasaan ngayon ang iyong hari, upang mailigtas ka sa lahat ng iyong mga lungsod? Nasaan ang iyong mga pinuno, na sinabi mo sa akin, 'Bigyan mo ako ng hari at mga prinsipe'?
你曾求我說: 給我立王和首領。 現在你的王在哪裏呢? 治理你的在哪裏呢? 讓他在你所有的城中拯救你吧!
11 Sa aking galit, binigyan kita ng hari, at sa aking poot, tinanggal ko siya.
我在怒氣中將王賜你, 又在烈怒中將王廢去。
12 Ang kasamaan ni Efraim ay nakatago; ang kaniyang pagkakasala ay nakatago.
以法蓮的罪孽包裹; 他的罪惡收藏。
13 Darating sa kaniya ang mga sakit ng panganganak, ngunit siya ay isang hindi matalinong anak, sapagkat sa panahon na isisilang, hindi siya lumabas mula sa sinapupunan.
產婦的疼痛必臨到他身上; 他是無智慧之子, 到了產期不當遲延。
14 Ililigtas ko ba talaga sila mula sa kapangyarihan ng sheol? Ililigtas ko ba talaga sila mula sa Kamatayan? Kamatayan, nasaan ang iyong mga salot? Dalhin mo sila rito. Sheol, nasaan ang iyong pagwawasak? Dalhin mo ito dito. Nakatago mula sa aking mga mata ang kahabagan.” (Sheol h7585)
我必救贖他們脫離陰間, 救贖他們脫離死亡。 死亡啊,你的災害在哪裏呢? 陰間哪,你的毀滅在哪裏呢? 在我眼前絕無後悔之事。 (Sheol h7585)
15 Kahit na masagana si Efraim sa kaniyang mga kapatid, darating ang isang hanging silangan; iihip ang hangin ni Yahweh mula sa ilang. Matutuyo ang bukal ni Efraim, at mawawalan ng tubig ang kaniyang balon. Sasamsamin ng kaniyang mga kaaway ang bawat mamahaling bagay sa kaniyang kamalig.
他在弟兄中雖然茂盛, 必有東風颳來, 就是耶和華的風從曠野上來。 他的泉源必乾; 他的源頭必竭; 仇敵必擄掠他所積蓄的一切寶器。
16 Nagkasala ang Samaria, sapagkat siya ay naghimagsik laban sa kaniyang Diyos. Mamamatay sila sa pamamagitan ng espada; ang kanilang mga sanggol ay gugutayin ng pira-piraso at lalaslasin ang tiyan ng kanilang mga nagdadalang tao.
撒馬利亞必擔當自己的罪, 因為悖逆她的上帝。 她必倒在刀下; 嬰孩必被摔死; 孕婦必被剖開。

< Hosea 13 >