< Hosea 12 >

1 Pinapakain si Efraim sa hangin at sumusunod sa hanging silangan. Patuloy siyang nagpaparami ng mga kasinungalingan at karahasan. Gumawa sila ng kasunduan kasama ang Asiria at nagdala ng langis ng Olibo sa Egipto.
אפרים רעה רוח ורדף קדים--כל היום כזב ושד ירבה וברית עם אשור יכרתו ושמן למצרים יובל
2 May paratang din si Yahweh laban kay Juda at parurusahan si Jacob sa kaniyang nagawa; magbabayad siya sa kaniyang mga ginawa.
וריב ליהוה עם יהודה ולפקד על יעקב כדרכיו כמעלליו ישיב לו
3 Hinawakan ni Jacob sa sinapupunan ng mahigpit ang sakong ng kaniyang kapatid, at sa kaniyang paglaki nakipagbuno siya sa Diyos.
בבטן עקב את אחיו ובאונו שרה את אלהים
4 Nakipagbuno siya sa Anghel at nanalo. Umiyak siya at humingi ng awa. Nakatagpo niya ang Diyos sa Bethel; at doon nakipag-usap sa kaniya ang Diyos.
וישר אל מלאך ויכל בכה ויתחנן לו בית אל ימצאנו ושם ידבר עמנו
5 Si Yahweh ito, ang Diyos ng mga hukbo; “Yahweh” ang kaniyang pangalan na tatawagan.
ויהוה אלהי הצבאות--יהוה זכרו
6 Kaya magbalik-loob ka sa inyong Diyos. Panghawakan ang matapat na kasunduan at katarungan, at patuloy na maghintay sa inyong Diyos.
ואתה באלהיך תשוב חסד ומשפט שמר וקוה אל אלהיך תמיד
7 Hindi tama ang timbangan ng mga mangangalakal sa kanilang mga kamay; kinagigiliwan nila ang mandaya.
כנען בידו מאזני מרמה--לעשק אהב
8 Sinasabi ni Efraim, “Talagang naging napaka-yaman ko; nakahanap ako ng kayamanan para sa aking sarili. Wala silang makitang anumang kasamaan sa akin sa lahat ng aking ginagawa, anumang bagay na kasalanan.”
ויאמר אפרים--אך עשרתי מצאתי און לי כל יגיעי לא ימצאו לי עון אשר חטא
9 Ako si Yahweh na inyong Diyos, na kasama ninyo mula pa sa lupain ng Egipto. Patitirahin ko kayong muli sa mga tolda, katulad nang itinakdang mga araw ng pista.
ואנכי יהוה אלהיך מארץ מצרים עד אושיבך באהלים כימי מועד
10 Kinausap ko narin ang mga propeta, at binigyan ko sila ng maraming mga pangitain para sa inyo. Binigyan ko kayo ng mga talinghaga sa pamamagitan ng mga propeta.”
ודברתי על הנביאים ואנכי חזון הרביתי וביד הנביאים אדמה
11 Kung mayroong kasamaan sa Galaad, tiyak na walang kabuluhan ang mga tao. Nag-aalay sila sa Gilgal ng mga toro; Magiging tulad sa mga tambak na bato na dinaanan ng araro sa mga bukid ang kanilang mga altar.
אם גלעד און אך שוא היו בגלגל שורים זבחו גם מזבחותם כגלים על תלמי שדי
12 Tumakas si Jacob sa lupain ng Aram; nagtrabaho si Israel upang magkaroon ng asawa; at nangangalaga ng mga kawan ng mga tupa upang magkaroon ng isang asawa.
ויברח יעקב שדה ארם ויעבד ישראל באשה ובאשה שמר
13 Inilabas ni Yahweh ang Israel mula sa Egipto sa pamamagitan ng isang propeta, at iningatan niya sila sa pamamagitang ng isang propeta.
ובנביא העלה יהוה את ישראל ממצרים ובנביא נשמר
14 Labis na ginalit ni Efraim si Yahweh. Kaya iiwanan ng kaniyang Panginoon ang kasalanan ng kaniyang dugo sa kaniya at pagbayarin siya sa kaniyang kahiya-hiyang mga gawa.
הכעיס אפרים תמרורים ודמיו עליו יטוש וחרפתו ישיב לו אדניו

< Hosea 12 >