< Hosea 10 >
1 Ang Israel ay isang malagong puno ng ubas na namumunga. Habang dumarami ang kaniyang bunga, mas dumarami ang mga altar na kaniyang itinatayo. Habang namumunga ng marami ang kaniyang lupain, pinapabuti niya ang kaniyang mga banal na haligi.
“Israel [is] an empty vine, He makes fruit like to himself, According to the abundance of his fruit, He has multiplied for the altars, According to the goodness of his land, They have made good standing-pillars.
2 Mapanlinlang ang kanilang puso; kinakailangan nila ngayong pasanin ang kanilang kasalanan. Bubuwagin ni Yahweh ang kanilang mga altar; at wawasakin niya ang kanilang mga banal na haligi.
Their heart has been divided, now they are guilty, He breaks down their altars, He destroys their standing-pillars.
3 Sapagkat sasabihin nila ngayon, “Wala kaming hari, sapagkat hindi kami natatakot kay Yahweh. At sa isang hari—ano ang magagawa niya para sa atin?”
For now they say: We have no king, Because we have not feared YHWH, And the king—what does he do for us?
4 Nagsalita sila ng mga salitang walang kabuluhan at gumagawa ng mga kasunduan sa pamamagitan ng pagsumpa ng hindi totoo. Kaya lumitaw ang katarungan tulad ng mga nakakalasong damo sa mga tudling ng isang bukid.
They have spoken words, To swear falsehood in making a covenant, And flourished as a poisonous herb has judgment, on the furrows of a field.
5 Matatakot ang mga naninirahan sa Samaria dahil sa mga guya ng Beth-aven. Ipinagluksa sila ng mga tao nito, gaya ng ginawa ng mga paring sumasamba sa mga diyus-diyosan na nagalak sa kanila at sa kanilang kaluwalhatian, ngunit wala na sila roon.
For the inhabitants of Samaria fear the calves of Beth-Aven, Surely its people have mourned on account of it, And its priests leap about on account of it, Because of its glory, for it has removed from it,
6 Dadalhin sila tungo sa Asiria bilang isang kaloob para sa dakilang hari. Malalagay sa kahihiyan ang Efraim, at mapapahiya ang Israel dahil sa pagsunod sa mga payo ng mga diyus-diyosan.
Also, it is carried to Asshur, a present to a warlike king, Ephraim receives shame, And Israel is ashamed of its own counsel.
7 Wawasakin ang hari ng Samaria, tulad ng isang maliit na piraso ng kahoy na nasa ibabaw ng tubig.
Samaria is cut off! Its king [is] as wrath on the face of the waters.
8 Ang mga dambana ng kasamaan—ang kasalanan ng Israel—ay mawawasak. Tutubo ang mga tinik at mga dawag sa kanilang mga altar. Sasabihin ng mga tao sa mga bundok, “Takpan ninyo kami!” at sa mga burol, “Bumagsak kayo sa amin!”
And high places of Aven have been destroyed, the sin of Israel. Thorn and bramble go up on their altars, And they have said to hills, Cover us, And to heights, Fall on us.
9 “Israel, nagkasala ka mula pa noong mga araw ng Gibea; nanatili ka roon. Hindi ba nalampasan ng digmaan ang mga gumagawa ng kasamaan sa Gibea?
From the days of Gibeah you have sinned, O Israel, There they have stood, Battle does not overtake them in Gibeah, Because of sons of perverseness.
10 Kung nanaisin ko ito, itutuwid ko sila. Magtitipun-tipon ang lahat ng mga bansa laban sa kanila at gagapusin sila dahil sa kanilang dalawahang kasamaan.
When I desire, then I bind them, And peoples have gathered against them, When they bind themselves to their two iniquities.
11 Naturuang isang dumalagang baka si Efraim na kinagigiliwang mag-giik ng butil, kaya maglalagay ako ng isang pamatok sa kaniyang magandang leeg. Lalagyan ko ng pamatok ang Efraim; mag-aararo ang Juda; si Jacob mismo ang hihila sa pangsuyod.
And Ephraim [is] a trained heifer—loving to thresh, And I have passed over on the goodness of its neck, I cause [one] to ride Ephraim, Judah plows, Jacob harrows for him.
12 Magtanim ng katuwiran para sa inyong sarili, at anihin ang bunga ng matapat na kasunduan. Bungkalin ninyo ang hindi pa naaararong lupa, sapagkat panahon na upang hanapin si Yahweh, hanggang sa siya ay dumating at magpa-ulan ng katuwiran sa inyo.
Sow for yourselves in righteousness, Reap according to loving-kindness, Till for yourselves tillage of knowledge, To seek YHWH, Until He comes and shows righteousness to you.
13 Nag-araro kayo ng kasamaan; umani kayo ng kawalan ng katarungan. Kinain ninyo ang bunga ng pandaraya dahil nagtiwala kayo sa inyong mga plano at sa inyong maraming mga kawal.
You have plowed wickedness, Perversity you have reaped, You have eaten the fruit of lying, For you have trusted in your way, In the abundance of your might.
14 Kaya isang ingay ng digmaan ang babangon sa gitna ng inyong mga tao, at ang lahat ng inyong matitibay na mga lungsod ay mawawasak. Magiging tulad ito sa pagwasak ni Salman sa Beth-arbel sa araw ng labanan, nang ang mga ina ay ginutay-gutay ng pira-piraso kasama ng kanilang mga anak.
And a tumult rises among your people, And all your fortresses are spoiled, As the spoiling of Shalman of Beth-Arbel, In a day of battle, Mother against sons dashed in pieces.
15 Kaya mangyayari din ito sa inyo, Bethel, dahil sa napakalaki mong kasamaan. Tiyak na mamamatay ang hari ng Israel sa pagsapit ng bukang-liwayway.”
Thus has Beth-El done to you, Because of the evil of your wickedness, In the dawn a king of Israel is utterly cut off!”