< Mga Hebreo 6 >
1 Kung gayon, iwan na natin ang mga unang natutunan tungkol sa mensahe ni Cristo, kailangan nating magpatuloy sa pagiging ganap, at huwag na muling ilagay ang saligan ng pagsisisi mula sa mga patay na gawa at ng pananampalataya sa Diyos,
ᎾᏍᎩ ᎢᏳᏍᏗ ᎢᏗᎯᏯᏍᎬ ᎠᎴᏅᏙᏗ ᎦᎶᏁᏛ ᎤᏤᎵ ᏗᏕᏲᏗ ᎨᏒᎢ, ᏂᎦᎷᎶᎬᎾ ᎨᏒ ᎢᏴᏛ ᏫᏗᏰᎢᎶᎦ; ᏔᎵᏁ ᎦᎫᏍᏛᏗ ᏂᏗᎲᏍᎬᎾ ᎦᏁᏟᏴᏍᏗ ᎨᏒ ᎣᏓᏅᏛ ᎤᎬᏩᎵ, ᎠᏓᎯᎯᏉ ᏗᎦᎸᏫᏍᏓᏁᏗ ᏥᎩ, ᎠᎴ ᎤᏁᎳᏅᎯ ᎪᎯᏳᏗ ᎨᏒᎢ,
2 ni ang saligan ng katuruan tungkol sa mga pagbabautismo, pagpapatong ng mga kamay, ang muling pagkabuhay ng mga patay, at sa hatol na walang hanggan. (aiōnios )
ᏗᏓᏬᏍᏗ ᎨᏒ ᏗᏕᏲᏅᎯ ᎤᎬᏩᎵ, ᎠᎴ ᏗᏓᏏᏔᏗᏍᏗ ᎨᏒ ᎤᎬᏩᎵ, ᎠᎴ ᏧᏂᏲᎱᏒᎯ ᏧᎾᎴᎯᏐᏗ ᎨᏒ ᎤᎬᏩᎵ, ᎠᎴ ᎤᎵᏍᏆᏗᏍᏗ ᏂᎨᏒᎾ ᏗᎫᎪᏙᏗ ᎨᏒ ᎤᎬᏩᎵ. (aiōnios )
3 Gagawin din natin ito kung papahintulutan ng Diyos.
ᎠᎴ ᎾᏍᎩ ᎯᎠ ᏅᏓᏓᏛᏁᎵ ᎢᏳᏃ ᎤᏁᎳᏅᎯ ᏱᎦᎵᏍᎪᎸᏓᏁᎸ.
4 Sapagkat imposible para sa kanila na minsan nang naliwanagan, na nakalasap na ng kaloob ng kalangitan, na naging kabahagi ng Banal na Espiritu,
ᎬᏩᏟᏍᏗᏰᏃ ᎾᏍᎩ Ꮎ ᎢᎸᎯᏳ ᎢᎦ ᎨᎦᏗᏍᏓᏁᎸᎯ ᎨᏒᎢ, ᎠᎴ ᎤᎾᏁᎶᏔᏅᎯ ᎨᏒ ᎦᎸᎶᎢ ᏅᏓᏳᏓᎴᏅᎯ ᎠᏓᏁᏗ ᎨᏒᎢ, ᎠᎴ ᎦᎸᏉᏗᏳ ᎠᏓᏅᏙ ᎨᎦᏠᏯᏍᏔᏅ ᎨᏥᏁᎸᎯ.
5 at sila na nakalasap na ng mabuting salita ng Diyos at ng mga kapangyarihan ng kapanahunang darating, (aiōn )
ᎠᎴ ᎤᎾᏁᎶᏔᏅᎯ ᏥᎩ ᎣᏍᏛ ᎧᏃᎮᏛ ᎤᏁᎳᏅᎯ ᎤᏤᎵᎦ, ᎠᎴ ᎤᎵᏂᎩᏛ ᎨᏒ ᎤᎵᏍᏆᎸᏗ ᎨᏒᎢ, (aiōn )
6 at sila nga na nahulog na—ito ay imposible nang ibalik silang muli sa pagsisisi. Ito ay dahil sa ipinako nilang muli para sa kanilang mga sarili ang nag-iisang Anak ng Diyos, ginawa siyang dahilan ng lantarang kahihiyan.
ᎾᏍᎩ ᏧᏂᏲᏒᎯ ᎨᏒᎢ, ᎬᏩᏟᏍᏗ ᏔᎵᏁ ᎢᏤ ᎢᎨᎬᏁᏗᏱ ᎦᏁᏟᏴᏍᏗ ᎨᏒ ᏚᎾᏓᏅᏛ ᏭᏂᎷᎯᏍᏗᏱ; ᎤᏅᏒᏰᏃ ᏔᎵᏁ ᎤᎾᏓᏛᏁᎸᎯ ᎢᎩ ᎤᏁᎳᏅᎯ ᎤᏪᏥ, ᎠᎴ ᎬᏂᎨᏒ ᎬᏩᏕᎰᎯᏍᏔᏅᎯ ᎢᎩ.
7 Sapagkat ang lupang tumanggap ng ulan na madalas bumuhos dito at nagbibigay ng pananim na kapaki-pakinabang para sa kanila na nagtrabaho ng lupa, ay tumanggap ng pagpapalang galing sa Diyos.
ᎦᏙᎯᏰᏃ ᏣᏗᏔᏍᎪ ᎠᎹ ᏯᏃ ᎤᎦᎿᎭᏂᎯᎲᎢ, ᎠᎴ ᏥᎦᎾᏄᎪᏫᏍᎪ ᎠᏛᏒᎥᏍᎩ ᎪᎱᏍᏗ ᎤᏅᏙᏗ ᎾᏍᎩ Ꮎ ᎦᏙᎯ ᎨᏥᎶᎦᏁᎸᎯ, ᎾᏍᎩ ᎤᏁᎳᏅᎯ ᎣᏍᏛ ᎾᏛᏁᎰᎢ.
8 Ngunit kung tubuan ito ng tinik at dawag, ito ay walang pakinabang at nanganganib na maisumpa. At ang kahahantungan nito ay pagkasunog.
ᎾᏍᎩᏍᎩᏂ Ꮎ ᏥᏍᏚᏂᎩᏍᏗ ᎠᎴ ᎧᏄᎦᎸ ᎠᏛᏍᎬᎢ ᎠᏗᏅᏗᏉ, ᎠᎴ ᎠᏍᎦᎢᏍᏗᏱ ᎨᏒ ᎾᎥᏂᏳ ᏄᏍᏗᏕᎪᎢ, ᎾᏍᎩ ᎤᎵᏍᏆᎸᏗ ᎨᏒ ᎠᎪᎲᏍᏙᏗ ᏥᎩ.
9 Kahit na kami ay nagsasalita na gaya nito, minamahal kong mga kaibigan, kami ay naniniwala sa mas mabuting mga bagay ukol sa inyo at sa mga bagay na tungkol sa kaligtasan.
ᎠᏎᏃ, ᏂᎯ ᎨᏒ ᎢᏨᎨᏳᎢ, ᏅᏟᎯᏳ ᎣᏍᏛ ᎤᏚᎩ ᎢᏨᏴᎾᏁᎭ, ᎠᎴ ᎠᎵᏍᏕᎸᏙᏗ ᎨᏒ ᎤᎬᏩᎵ ᏔᎵ ᎤᏛᏗᏕᎬᎢ, ᎯᎠᏍᎩᏂᏃᏅ ᏃᏥᏪᎭ.
10 Sapagkat ang Diyos ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pag-ibig na inyong ipinakita para sa kaniyang pangalan, sa ganoon naglingkod kayo sa mga mananampalataya at patuloy na naglingkod sa kanila.
ᎤᏁᎳᏅᎯᏰᏃ ᎥᏝ ᏂᏚᏳᎪᏛᎾ ᎢᎬᏩᏛᏁᏗ ᏱᎩ ᎾᏍᎩ ᎤᏩᎨᏫᏍᏗᏱ ᏕᏥᎸᏫᏍᏓᏁᎸ ᎠᎴ ᎬᏂᎨᏒ ᏂᏨᏁᎸ ᎢᏥᎨᏳᏒ ᏕᎤᏙᎥᎢ. ᎾᏍᎩ ᏕᏥᏍᏕᎸᎯᏙᎸ ᎤᎾᏓᏅᏘ, ᎠᎴ ᎠᏏᏉ ᏕᏥᏍᏕᎵᏍᎬᎢ.
11 At labis naming ninanais na ang bawat isa sa inyo ay magpakita ng parehong kasipagan hanggang sa wakas na may buong katiyakan ng pagtitiwala.
ᎠᎴ ᎣᎦᏚᎵᎭ ᏂᏥᎥ ᎢᏥᏏᏴᏫᎭ ᎨᏒ ᎬᎵᏍᏆᏗᏍᎩ ᎾᏍᎩᏯ ᎢᎦᎢ ᎢᏣᏟᏂᎬᏁᏗᏱ ᎬᏂ ᎤᏣᏘ ᏄᏜᏓᏏᏛᏒᎾ ᎤᏚᎩ ᎬᏗ ᎨᏒ ᏫᏥᏱᎶᎸᎭ;
12 Ayaw namin na maging mabigat ang inyong katawan, sa halip maging katulad kayo ng mga magmamana ng mga pangako dahil sa pananampalataya at pagtitiis.
ᎾᏍᎩ ᎢᏳᏍᏗ ᏞᏍᏗ ᎢᏣᏓᏄᎸᏗᏉ ᏱᎨᏎᏍᏗ, ᏗᏥᏍᏓᏩᏕᎩᏍᎩᏂ ᎨᏎᏍᏗ ᎾᏍᎩ Ꮎ ᎤᏃᎯᏳᏒ ᎠᎴ ᏗᏅᏂᏗᏳ ᎨᏒ ᎠᏅᏗᏍᎬ ᎤᎾᏤᎵ ᏄᏅᏁᎸ ᎠᏚᎢᏍᏔᏅᎢ.
13 Sapagkat nang ginawa ng Diyos ang kaniyang pangako kay Abraham, siya ay nanumpa sa kaniyang sarili, sapagkat hindi siya makapanumpa sa mas higit sa kaniya.
ᎤᏁᎳᏅᎯᏰᏃ ᎡᏆᎭᎻ ᎤᏚᎢᏍᏓᏁᎸ, ᎾᏍᎩ ᎩᎶ ᏅᏩᏓᎴ ᎤᏟ ᎢᏯᏥᎸᏉᏗ ᏒᎲ ᎬᏩᏎᎵᏙᏗ ᏂᎨᏒᎾ ᎨᏎᎢ, ᎤᏩᏒ ᎡᎲ ᎤᏎᎵᏙᏔᏁᎢ,
14 Sinabi niya, “Tunay na ikaw ay aking pagpapalain, at labis kong dadagdagan ang iyong mga kaapu-apuhan.''
ᎯᎠ ᏄᏪᏎᎢ, ᎤᏙᎯᏳᎯᏯ ᎤᏣᏘ ᎣᏍᏛ ᏅᏓᎬᏯᏛᏁᎵ, ᎠᎴ ᎤᏣᏘ ᏓᎬᏁᏉᎢ.
15 Sa ganitong paraan, natanggap ni Abraham kung ano ang ipinangako pagkatapos niyang maghintay ng may pagtitiis.
ᎰᏩᏃ ᎪᎯᏗᏳ ᎤᎦᏘᏛ ᎠᏥᏁᎴ ᎠᏚᎢᏍᏔᏅᎯ ᎨᏒᎢ.
16 Sapagkat ang mga tao ay nanunumpa sa mas mataas sa kanilang mga sarili, at sa bawat pagtatalo nila, ang sinumpaan ang siyang pangwakas bilang pagpapatunay.
ᏴᏫᏰᏃ ᎤᏙᎯᏳᎯ ᎤᏟ ᎢᏯᏥᎸᏉᏗ ᎡᎲ ᎨᎦᏎᎵᏙᏗᏍᎪᎢ; ᎠᎴ ᎠᏎᎵᏔᏅᎯ ᎨᏒ ( ᎪᎱᏍᏗ ) ᎠᏍᏓᏱᏗᏍᏙᏗ ᎠᏲᎯᏍᏗᏍᎩ ᎨᏐ ᎠᎾᏗᏒᎯᎲᎢ.
17 Nang nagpasya ang Diyos na ipakita ng mas malinaw sa mga tagapagmana ng pangako ang hindi nagbabagong katangian ng kaniyang layunin, tiniyak niya ito ng may panunumpa.
ᎾᏍᎩ ᎢᏳᏍᏗ ᎤᏁᎳᏅᎯ ᎤᏚᎵᏍᎬ ᎤᏟ ᎢᎦᎢ ᎬᏂᎨᏒ ᎢᏧᏩᏁᏗᏱ ᎨᏥᏚᎢᏍᏓᏁᎸᎯ ᎾᏍᎩ ᎬᏩᏓᏁᏟᏴᏍᏗ ᏂᎨᏒᎾ ᎨᏒ ᏄᏍᏛ ᎠᏓᏅᏖᏍᎬᎢ, ᎠᏎᎵᏛᏍᎬ ᎤᏍᏓᏱᏍᏔᏁᎢ.
18 Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng dalawang bagay na hindi nababago, na kung saan hindi maaaring magsinungaling ang Diyos, tayo na nagsitakas para magpakupkop ay magkaroon ng matatag na lakas ng loob upang matibay na panghawakan ang pagtitiwala na inilagay sa ating harapan.
ᎠᎴ ᎾᏍᎩ ᏔᎵ ᏄᎵᏁᏨ ᏕᏛᏗᏍᎬ ᎾᏍᎩ ᎬᏩᏓᏁᏟᏴᏍᏗ ᏂᎨᏒᎾ ᎨᏒᎢ, ᎾᎿᎭᎬᏩᏥᎪᏗ ᏂᎨᏒᎾ ᏥᎨᎭ ᎤᏁᎳᏅᎯ, ᎠᏴ ᎢᎩᏲᎸᎯ ᏥᎩ ᎢᎦᏗᏍᎦᎶᏗᏱ, ᎤᎵᏂᎩᏛ ᎢᎩᎦᎵᏍᏓᏗᏍᎩ ᎨᎩᏩᏛᏗ ᎢᏳᎵᏍᏙᏗᏱ, ᎾᏍᎩ ᏗᎩᏂᏴᏗᏱ ᎤᏚᎩ ᎬᏗ ᎡᎩᏩᏌᏓᏁᎲᎢ;
19 Mayroon tayo nitong pagtitiwala bilang matatag at maaasahan na angkla ng ating mga kaluluwa, ang pagtitiwala na pumapasok sa dakong loob sa likod ng tabing.
ᎾᏍᎩ ᎤᏚᎩ ᎬᏗ ᎨᏒ ᎾᏍᎩᏯ ᎠᏓᏅᏙ ᎦᎾᎯᏍᏙᏗ ᏥᎩ, ᎡᏍᎦ ᏂᎦᎵᏍᏗᏍᎬᎾ ᎠᎴ ᎬᏗᏏᏴᏍᏗ ᏂᎨᏒᎾ, ᎠᎴ ᎾᏍᎩ ᏥᏩᏴᎯᎭ ᎾᏍᎩ ᎠᏰᏙᎳᏛ ᎤᏗᏗᏢ;
20 Pumasok si Jesus sa dakong iyon bilang tagapanguna para sa atin, at naging pinaka-punongpari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquisedec. (aiōn )
ᎾᎿᎭᏥᏌ ᎢᎬᏱ ᎡᎩ ᏫᎩᏴᏎᎸᎯ ᏥᎩ, ᎾᏍᎩ ᏄᎬᏫᏳᏒ ᎠᏥᎸ-ᎨᎶᎯ ᏂᎪᎯᎸ ᎠᏥᎧᏅᎯ ᏥᎩ, ᎺᎵᎩᏏᏕᎩ ᏄᏍᏛ ᎾᏍᎩᏯᎢ. (aiōn )