< Mga Hebreo 3 >

1 Kaya, mga banal na kapatid, mga kasama sa makalangit na pagtawag, alalahanin ninyo si Jesus na Apostol at Pinakapunong Pari na aming ipinapahayag.
ⲁ̅ⲈⲐⲂⲈⲪⲀⲒ ⲚⲀⲤⲚⲎⲞⲨ ⲚⲀⲄⲒⲞⲤ ⲞⲨⲞϨ ⲚϢⲪⲎ ⲢⲚⲦⲈ ⲠⲒⲐⲰϨⲈⲘ ⲚⲦⲈⲦⲪⲈ ⲘⲀⲒⲀⲦⲈⲚ ⲐⲎⲚⲞⲨ ⲘⲠⲒⲀⲠⲞⲤⲦⲞⲖⲞⲤ ⲞⲨⲞϨ ⲚⲀⲢⲬⲎⲈⲢⲈⲨⲤ ⲚⲦⲈⲠⲈⲚⲞⲨⲰⲚϨ ⲈⲂⲞⲖ ⲒⲎⲤⲞⲨⲤ.
2 Siya ay tapat sa Diyos, na naghirang sa kaniya, katulad ng pagiging tapat ni Moises sa lahat ng sambahayan ng Diyos.
ⲃ̅ⲪⲀⲒ ⲈⲦⲈⲚϨⲞⲦ ⲘⲪⲎ ⲈⲦⲀϤⲐⲀⲘⲒⲞϤ ⲔⲀⲦⲀ ⲪⲢⲎϮ ϨⲰϤ ⲘⲘⲰⲨⲤⲎⲤ ⲈϨⲢⲎⲒ ⲈϪⲈⲚ ⲠⲈϤⲎⲒ.
3 Sapagkat si Jesus ay itinuring na higit na karapat-dapat na maluwalhati kaysa kay Moises, dahil ang gumawa ng bahay ay higit na may karangalan kaysa sa bahay mismo.
ⲅ̅ⲀⲪⲀⲒ ⲄⲀⲢ ⲘⲠϢⲀ ⲚϨⲞⲨⲞ ⲦⲀⲒⲞ ⲈϨⲞⲦⲈ ⲘⲰⲨⲤⲎⲤ ⲔⲀⲦⲀ ⲪⲢⲎϮ ⲈⲦⲈ ⲞⲨⲞⲚⲦⲀϤ ⲘⲘⲀⲨ ⲚϨⲞⲨⲞ ⲦⲀⲒⲞ ⲈϨⲞⲦⲈ ⲠⲒⲎⲒ ⲚϪⲈⲪⲎ ⲈⲦⲀϤⲐⲀⲘⲒⲞϤ.
4 Sapagkat ang bawat bahay ay itinayo ng isang tao, ngunit ang nagtayo ng lahat ng bagay ay ang Diyos.
ⲇ̅ⲎⲒ ⲄⲀⲢ ⲚⲒⲂⲈⲚ ⲈϢⲀⲨⲤⲈⲂⲦⲞⲦⲞⲨ ⲈⲂⲞⲖ ϨⲒⲦⲈⲚ ⲞⲨⲀⲒ ⲪⲎ ⲆⲈ ⲈⲦⲀϤⲐⲀⲘⲒⲈ ⲈⲚⲬⲀⲒ ⲚⲒⲂⲈⲚ ⲪⲚⲞⲨϮ ⲠⲈ.
5 Sa katunayan, si Moses ay isang tapat na lingkod sa lahat ng sambahayan ng Diyos, nagbibigay patotoo tungkol sa mga bagay na sinasabing magaganap sa hinaharap.
ⲉ̅ⲞⲨⲞϨ ⲘⲰⲨⲤⲎⲤ ⲘⲈⲚ ϤⲈⲚϨⲞⲦ ϦⲈⲚⲠⲈϤⲎⲒ ⲦⲎⲢϤ ⲘⲪⲢⲎϮ ⲚⲞⲨⲂⲰⲔ ⲈⲨⲘⲈⲦⲘⲈⲐⲢⲈ ⲚⲚⲎ ⲈⲦⲞⲨⲤⲀϪⲒ ⲘⲘⲰⲞⲨ.
6 Ngunit si Cristo ang Anak na pinagkatiwalaan sa sambahayan ng Diyos. Tayo ang kaniyang bahay kung ating mahigpit na panghahawakan ang ating pananalig at kapurihan ng pananalig.
ⲋ̅ⲠⲬⲢⲒⲤⲦⲞⲤ ⲆⲈ ⲘⲪⲢⲎϮ ⲚⲞⲨϢⲎⲢⲒ ⲈϪⲈⲚ ⲠⲈϤⲎⲒ ⲈⲦⲈ ⲀⲚⲞⲚ ⲠⲈ ⲠⲈϤⲎⲒ ⲈϢⲰⲠ ⲀⲚϢⲀⲚⲀⲘⲞⲚⲒ ⲘⲠⲒⲞⲨⲰⲚϨ ⲈⲂⲞⲖ ⲚⲈⲘ ⲠⲒϢⲞⲨϢⲞⲨ ⲚⲦⲈϮϨⲈⲖⲠⲒⲤ ⲈϤⲦⲀϪⲢⲎⲞⲨⲦ ϢⲀ ⲈⲂⲞⲖ.
7 Kaya, gaya ng sinasabi ng Banal na Espiritu, “Sa araw na ito, kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,
ⲍ̅ⲔⲀⲦⲀ ⲪⲢⲎϮ ⲈⲦⲈϤϪⲰ ⲘⲘⲞⲤ ⲚϪⲈⲠⲒⲠⲚⲈⲨⲘⲀⲈⲐⲞⲨⲀⲂ ϪⲈ ⲘⲪⲞⲞⲨ ⲈϢⲰⲠ ⲀⲢⲈⲦⲈⲚϢⲀⲚⲤⲰⲦⲈⲘ ⲈⲦⲈϤⲤⲘⲎ
8 Huwag patigasin ang inyong mga puso gaya ng panghihimagsik na ginawa ng mga Israelita sa panahon ng pagsubok sa ilang.
ⲏ̅ⲘⲠⲈⲢϮⲚϢⲰⲦ ⲚϪⲈⲚⲈⲦⲈⲚϨⲎⲦ ⲘⲪⲢⲎϮ ϦⲈⲚⲠⲒϪⲰⲚⲦ ⲔⲀⲦⲀ ⲠⲒⲈϨⲞⲞⲨ ⲚⲦⲈⲠⲒⲠⲒⲢⲀⲤⲘⲞⲤ ⲚϨⲢⲎⲒ ϨⲒ ⲠϢⲀϤⲈ
9 Ito ay nang naghimagsik ang inyong mga ninuno sa pagsubok sa akin, at nang apatnapung taon na, nakita nila ang aking mga gawa.
ⲑ̅ⲪⲎ ⲈⲦⲀⲨⲈⲢⲠⲒⲢⲀⲌⲒⲚ ⲘⲘⲞⲒ ⲚϦⲎⲦϤ ⲚϪⲈⲚⲈⲦⲈⲚⲒⲞϮ ϦⲈⲚⲞⲨϬⲰⲚⲦ ⲀⲨⲚⲀⲨ ⲈⲚⲀϨⲂⲎⲞⲨⲒ
10 Kaya hindi ako nalugod sa lahing ito. Sinabi ko, “Sila ay palaging naliligaw sa kanilang mga puso at hindi nila alam ang aking mga paraan.
ⲓ̅ⲚⲘ ⲚⲢⲞⲘⲠⲒ ⲈⲐⲂⲈⲪⲀⲒ ⲀⲒⲘⲈⲤⲦⲈ ⲠⲒϪⲰⲞⲨ ⲈⲦⲈⲘⲘⲀⲨ ⲞⲨⲞϨ ⲀⲒϪⲞⲤ ϪⲈ ⲤⲈⲤⲰⲢⲈⲘ ϦⲈⲚⲠⲞⲨϨⲎⲦ ⲚⲤⲎⲞⲨ ⲚⲒⲂⲈⲚ ⲚⲐⲰⲞⲨ ⲆⲈ ⲘⲠⲞⲨⲤⲞⲨⲈⲚ ⲚⲀⲘⲰⲒⲦ
11 Kaya sa galit ko sila ay aking isinumpa: sila ay hindi makapapasok sa aking pahingahan.”
ⲓ̅ⲁ̅ⲘⲪⲢⲎϮ ⲈⲦⲀⲒⲰⲢⲔ ϦⲈⲚⲠⲀϪⲰⲚⲦ ϪⲈ ⲀⲚ ⲤⲈⲚⲀϢⲈ ⲈϦⲞⲨⲚ ⲈⲠⲀⲘⲀ ⲚⲈⲘⲦⲞⲚ.
12 Mag-ingat kayo mga kapatid, upang hindi magkaroon ng isang masamang puso na walang pananampalataya sa sinuman sa inyo, isang puso na tatalikod mula sa buhay na Diyos.
ⲓ̅ⲃ̅ⲀⲚⲀⲨ ϪⲈ ⲚⲀⲤⲚⲎⲞⲨ ⲘⲎⲠⲞⲦⲈ ⲚⲦⲈⲞⲨϨⲎⲦ ⲈϤϨⲰⲞⲨ ϢⲰⲠⲒ ϦⲈⲚⲞⲨⲀⲒ ⲘⲘⲰⲦⲈⲚ ⲚⲦⲈⲞⲨⲘⲈⲦⲀⲐⲚⲀϨϮ ⲈⲐⲢⲈⲦⲈⲚϨⲈⲚ ⲐⲎⲚⲞⲨ ⲈⲂⲞⲖ ϨⲀ ⲪⲚⲞⲨϮ ⲈⲦⲞⲚϦ.
13 Sa halip, palakasin ang loob ng bawat isa araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang ngayon, upang walang sinuman sa inyo ang maaaring mapatigas sa pamamagitan ng pandaraya ng kasalanan.
ⲓ̅ⲅ̅ⲀⲖⲖⲀ ⲘⲀⲚⲞⲘϮ ⲚⲚⲈⲦⲈⲚⲈⲢⲎⲞⲨ ⲘⲘⲎⲚⲒ ϢⲀ ⲪⲎ ⲈⲦⲞⲨⲘⲞⲨϮ ⲈⲢⲞϤ ϪⲈ ⲪⲞⲞⲨ ϨⲒⲚⲀ ⲚⲦⲈϢⲦⲈⲘ ⲞⲨⲀⲒ ⲈⲂⲞⲖ ϦⲈⲚⲐⲎⲚⲞⲨ ⲈⲚϢⲰⲦ ϦⲈⲚⲞⲨⲀⲠⲀⲦⲎ ⲚⲦⲈⲪⲚⲞⲂⲒ.
14 Sapagkat tayo ay naging kasama ni Cristo kung patuloy nating panghahawakan ang ating pananalig sa kaniya mula sa simula hanggang sa katapusan.
ⲓ̅ⲇ̅ⲀⲚⲈⲢϢⲪⲎⲢ ⲄⲀⲢ ⲠⲈ ⲈⲠⲬⲢⲒⲤⲦⲞⲤ ⲈϢⲰⲠ ⲀⲚϢⲀⲚⲀⲘⲞⲚⲒ ⲚⲦⲀⲢⲬⲎ ⲚϮϨⲨⲠⲞⲤⲦⲀⲤⲒⲤ ϢⲀ ⲈⲂⲞⲖ ⲈⲤⲦⲀϪⲢⲎⲞⲨⲦ.
15 Tungkol dito ito sinabing, “Ngayong araw, kung makikinig kayo sa kaniyang tinig, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso gaya ng ginawa ng mga Israelita sa kanilang paghihimagsik.”
ⲓ̅ⲉ̅ϦⲈⲚ ⲠϪⲒⲚϪⲞⲤ ϪⲈ ⲘⲪⲞⲞⲨ ⲈϢⲰⲠ ⲀⲢⲈⲦⲈⲚϢⲀⲚⲤⲰⲦⲈⲘ ⲈⲦⲈϤⲤⲘⲎ ⲘⲠⲈⲢϮⲈⲚϢⲰⲦ ⲚϪⲈⲚⲈⲦⲈⲚϨⲎⲦ ⲘⲪⲢⲎϮ ⲚϦⲢⲎⲒ ϦⲈⲚⲠⲒϪⲰⲚⲦ.
16 Sino ang nakarinig sa Diyos at naghimagsik? Hindi ba't ang lahat na pinangunahan ni Moses na lumabas sa Egipto?
ⲓ̅ⲋ̅ϨⲀⲚⲞⲨⲞⲚ ⲄⲀⲢ ⲈⲦⲀⲨⲤⲰⲦⲈⲘ ⲀⲨϮϪⲰⲚⲦ ⲀⲖⲖⲀ ⲞⲨⲞⲚ ⲚⲒⲂⲈⲚ ⲀⲚ ⲈⲦⲀⲨⲒ ⲈⲂⲞⲖ ϦⲈⲚⲬⲎⲘⲒ ⲈⲂⲞⲖ ϨⲒⲦⲈⲚ ⲘⲰⲨⲤⲎⲤ.
17 At kanino nagalit ang Diyos sa apatnapung taon? Hindi ba't sa mga nagkasala, na ang mga patay na katawan ay nakaratay sa ilang?
ⲓ̅ⲍ̅ⲚⲒⲘ ⲆⲈ ⲚⲈⲚⲎ ⲈⲦⲀϤϨⲢⲞϢ ⲈⲢⲰⲞⲨ ⲚⲘⲚⲢⲞⲘⲠⲒ ⲘⲎ ⲚⲎ ⲀⲚ ⲚⲈⲈⲦⲀⲨⲈⲢⲚⲞⲂⲒ ⲚⲎ ⲈⲦⲀ ⲚⲞⲨⲔⲈⲖⲒ ϨⲈⲒ ϨⲒ ⲠϢⲀϤⲈ.
18 Kanino sumumpa ang Diyos na hindi na sila makapapasok sa kaniyang kapahingahan, hindi ba ang mga sumuway sa kaniya?
ⲓ̅ⲏ̅ⲚⲒⲘ ⲆⲈ ⲚⲈⲚⲎ ⲈⲦⲀϤⲰⲢⲔ ⲚⲰⲞⲨ ⲈϢⲦⲈⲘⲒ ⲈϦⲞⲨⲚ ⲈⲠⲈϤⲘⲀ ⲚⲈⲘⲦⲞⲚ ⲘⲎ ⲚⲎ ⲀⲚ ⲚⲈⲈⲦⲀⲨⲈⲢⲀⲦⲤⲰⲦⲈⲘ.
19 Nakita natin na hindi sila nakapasok sa kaniyang kapahingahan dahil sa kawalan ng pananampalataya.
ⲓ̅ⲑ̅ⲞⲨⲞϨ ⲦⲈⲚⲚⲀⲨ ϪⲈ ⲘⲠⲞⲨϢϪⲈⲘϪⲞⲘ ⲚⲒ ⲈϦⲞⲨⲚ ⲈⲐⲂⲈ ⲦⲞⲨⲘⲈⲦⲀⲐⲚⲀϨϮ.

< Mga Hebreo 3 >