< Mga Hebreo 12 >

1 Samakatwid, sapagkat napapaligiran tayo ng napakaraming mga saksi, itapon nating lahat ang mga bagay na nagpapabigat sa atin at ang kasalanan na madaling makagapos sa atin. Dapat may katiyagaan tayong magpatuloy sa takbuhin na inilagay sa ating harapan.
Τοιγαροῦν καὶ ἡμεῖς, τοσοῦτον ἔχοντες περικείμενον ἡμῖν νέφος μαρτύρων, ὄγκον ἀποθέμενοι πάντα καὶ τὴν εὐπερίστατον ἁμαρτίαν, δι’ ὑπομονῆς τρέχωμεν τὸν προκείμενον ἡμῖν ἀγῶνα,
2 Dapat nating ituon ang ating mga mata kay Jesus, ang may-akda at nagpapaganap ng ating pananampalataya, dahil sa kagalakan na inilaan sa kaniya, na nagdala sa kaniya na nagtiis sa krus sa kabila ng kahihiyan, at umupo sa kanang kamay ng trono ng Diyos.
ἀφορῶντες εἰς τὸν τῆς πίστεως ἀρχηγὸν καὶ τελειωτὴν Ἰησοῦν, ὃς ἀντὶ τῆς προκειμένης αὐτῷ χαρᾶς ὑπέμεινεν σταυρὸν αἰσχύνης καταφρονήσας, ἐν δεξιᾷ τε τοῦ θρόνου τοῦ Θεοῦ κεκάθικεν.
3 Kaya isinaalang-alang niya na tiisin ang mga masasakit na salita mula sa mga makasalan laban sa kaniya upang tayo ay hindi na mapapagod at manghihina.
ἀναλογίσασθε γὰρ τὸν τοιαύτην ὑπομεμενηκότα ὑπὸ τῶν ἁμαρτωλῶν εἰς ἑαυτὸν ἀντιλογίαν, ἵνα μὴ κάμητε ταῖς ψυχαῖς ὑμῶν ἐκλυόμενοι.
4 Hindi niyo pa tinanggihan o nilabanan ang kasalanan na humantong sa pagkaubos ng dugo.
Οὔπω μέχρις αἵματος ἀντικατέστητε πρὸς τὴν ἁμαρτίαν ἀνταγωνιζόμενοι,
5 At nakalimutan na ninyo ang ibinigay na lakas at pag-asa na itinuro sa inyo bilang mga anak:” Aking anak, huwag mong babaliwalain ang pagdidisiplina ng Panginoon, ni ilayo ang iyong puso kung ikaw ay kanyang tinutuwid”
καὶ ἐκλέλησθε τῆς παρακλήσεως, ἥτις ὑμῖν ὡς υἱοῖς διαλέγεται Υἱέ μου, μὴ ὀλιγώρει παιδείας Κυρίου, μηδὲ ἐκλύου ὑπ’ αὐτοῦ ἐλεγχόμενος·
6 Sapagkat ang Panginoon ay nagdidisiplina sa sinumang minamahal niya, at pinarurusahan niya ang bawat anak na kanyang tinatanggap.
ὃν γὰρ ἀγαπᾷ Κύριος παιδεύει, μαστιγοῖ δὲ πάντα υἱὸν ὃν παραδέχεται.
7 Tiisin ang pagsubok bilang pagdisiplina. Nakikitungo ang Diyos sa inyo bilang mga anak, sapagkat sino bang anak ang hindi dinidisiplina ng kaniyang ama?
εἰς παιδείαν ὑπομένετε· ὡς υἱοῖς ὑμῖν προσφέρεται ὁ Θεός· τίς γὰρ υἱὸς ὃν οὐ παιδεύει πατήρ;
8 Ngunit kung kayo ay walang disiplina, kung saan lahat tayo ay dapat kabahagi, kung gayon hindi kayo mga tunay na anak at mga anak sa labas.
εἰ δὲ χωρίς ἐστε παιδείας, ἧς μέτοχοι γεγόνασιν πάντες, ἄρα νόθοι καὶ οὐχ υἱοί ἐστε.
9 Bukod dito, mayroon tayong mga makamundong amang nagdidisiplina sa atin, at iginagalang natin sila. Hindi ba dapat nararapat na mas higit tayong sumunod sa Ama ng mga espiritu at mabuhay?
εἶτα τοὺς μὲν τῆς σαρκὸς ἡμῶν πατέρας εἴχομεν παιδευτὰς καὶ ἐνετρεπόμεθα· οὐ πολὺ μᾶλλον ὑποταγησόμεθα τῷ Πατρὶ τῶν πνευμάτων καὶ ζήσομεν;
10 Sapagkat ang ating mga ama nga ay nagdidisplina sa atin ng ilang mga taon sa alam nilang tama para sa kanila, subalit tayo ay dinidisiplina ng Diyos upang tayo ay makibahagi sa kaniyang kabanalan.
οἱ μὲν γὰρ πρὸς ὀλίγας ἡμέρας κατὰ τὸ δοκοῦν αὐτοῖς ἐπαίδευον, ὁ δὲ ἐπὶ τὸ συμφέρον εἰς τὸ μεταλαβεῖν τῆς ἁγιότητος αὐτοῦ.
11 Walang disiplina sa kasalukuyan na masaya kundi masakit. Gayunpaman, sa ibang pagkakataon ito ay magbibigay ng mapayapang bunga ng katuwiran para sa sinumang nagsanay sa pamamagitan nito.
πᾶσα μὲν παιδεία πρὸς μὲν τὸ παρὸν οὐ δοκεῖ χαρᾶς εἶναι ἀλλὰ λύπης, ὕστερον δὲ καρπὸν εἰρηνικὸν τοῖς δι’ αὐτῆς γεγυμνασμένοις ἀποδίδωσιν δικαιοσύνης.
12 Samakatuwid itaas ninyo ang inyong mga kamay na nakababa at palakasing muli ang nanghihinang mga tuhod;
Διὸ τὰς παρειμένας χεῖρας καὶ τὰ παραλελυμένα γόνατα ἀνορθώσατε,
13 gawin mong matuwid ang mga daan ng iyong mga paa, upang ang sinumang pilay ay hindi maliligaw sa halip ay gagaling.
καὶ τροχιὰς ὀρθὰς ποιεῖτε τοῖς ποσὶν ὑμῶν, ἵνα μὴ τὸ χωλὸν ἐκτραπῇ, ἰαθῇ δὲ μᾶλλον.
14 Sikapin ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at gayundin ang kabanalan na kung wala ito walang makakakita sa Panginoon.
Εἰρήνην διώκετε μετὰ πάντων, καὶ τὸν ἁγιασμόν, οὗ χωρὶς οὐδεὶς ὄψεται τὸν Κύριον,
15 Maging maingat upang walang sinuman ang hindi maisama mula sa biyaya ng Diyos, at walang ugat ng kapaitan ang tumubo upang maging dahilan ng hindi pagkakaunawaan at mahawa ang marami.
ἐπισκοποῦντες μή τις ὑστερῶν ἀπὸ τῆς χάριτος τοῦ Θεοῦ, μή τις ῥίζα πικρίας ἄνω φύουσα ἐνοχλῇ καὶ διὰ ταύτης μιανθῶσιν οἱ πολλοί,
16 Maging maingat na walang maki-apid sa inyo, o hindi maka-diyos na tao kagaya ni Esau na ipinagpalit sa isang pagkain ang karapatan bilang panganay.
μή τις πόρνος ἢ βέβηλος ὡς Ἠσαῦ, ὃς ἀντὶ βρώσεως μιᾶς ἀπέδετο τὰ πρωτοτόκια ἑαυτοῦ.
17 Sapagkat alam ninyo na pagkatapos, nang kaniyang naising makamit ang biyaya, siya ay tinanggihan dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magsisisi sa kaniyang ama, kahit na pilit niya itong hinangad nang may mga luha.
ἴστε γὰρ ὅτι καὶ μετέπειτα θέλων κληρονομῆσαι τὴν εὐλογίαν ἀπεδοκιμάσθη, μετανοίας γὰρ τόπον οὐχ εὗρεν, καίπερ μετὰ δακρύων ἐκζητήσας αὐτήν.
18 Sapagkat hindi kayo lumapit sa isang bundok na nahahawakan, isang bundok na nag-aalab ng apoy, kadiliman, kalungkutan at bagyo.
Οὐ γὰρ προσεληλύθατε ψηλαφωμένῳ καὶ κεκαυμένῳ πυρὶ καὶ γνόφῳ καὶ ζόφῳ καὶ θυέλλῃ
19 Hindi kayo pumarito dahil sa ingay ng trumpeta, o sa mga salitang galing sa isang tinig na ang mga nakarinig nito ay nagmamaka-awang wala ng salitang sasabihin sa kanila.
καὶ σάλπιγγος ἤχῳ καὶ φωνῇ ῥημάτων, ἧς οἱ ἀκούσαντες παρῃτήσαντο μὴ προστεθῆναι αὐτοῖς λόγον·
20 Sapagkat hindi nila kayang tanggapin kung ano man ang iniutos: na kahit may isang hayop na hahawak sa bundok, dapat itong batuhin,”
οὐκ ἔφερον γὰρ τὸ διαστελλόμενον Κἂν θηρίον θίγῃ τοῦ ὄρους, λιθοβοληθήσεται·
21 Kaya nakakatakot ang tanawin na sinabi ni Moises,” Ako ay sobrang nasindak na ako ay nanginginig.
καί, οὕτω φοβερὸν ἦν τὸ φανταζόμενον, Μωϋσῆς εἶπεν Ἔκφοβός εἰμι καὶ ἔντρομος·
22 Sa halip, kayo ay lumapit sa Bundok ng Zion at sa lungsod ng Diyos na buhay, ang makalangit na Jerusalem, at sa hindi mabilang na hukbo ng mga anghel na nagdiriwang.
ἀλλὰ προσεληλύθατε Σιὼν ὄρει καὶ πόλει Θεοῦ ζῶντος, Ἱερουσαλὴμ ἐπουρανίῳ, καὶ μυριάσιν ἀγγέλων, πανηγύρει
23 Kayo ay lumalapit sa kapulungan ng mga unang ipinanganak na inilista sa langit, sa Diyos na hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng katuwiran na naging ganap.
καὶ ἐκκλησίᾳ πρωτοτόκων ἀπογεγραμμένων ἐν οὐρανοῖς, καὶ Κριτῇ Θεῷ πάντων, καὶ πνεύμασι δικαίων τετελειωμένων,
24 Kayo ay lumapit kay Jesus na tagapamagitan ng isang bagong tipan, at sa dugong naikalat na higit na nagsasalita ng mabuti kaysa sa dugo ni Abel.
καὶ διαθήκης νέας μεσίτῃ Ἰησοῦ, καὶ αἵματι ῥαντισμοῦ κρεῖττον λαλοῦντι παρὰ τὸν Ἄβελ.
25 Tiyakin ninyo na hindi ninyo tinanggihan ang nagsasalita. Sapagkat kung hindi sila nakatakas ng sila ay tumanggi sa isang nagbigay babala sa kanila dito sa lupa, tiyak na hindi tayo makakatakas, kung tatalikod tayo mula sa nagbabala mula sa langit.
Βλέπετε μὴ παραιτήσησθε τὸν λαλοῦντα· εἰ γὰρ ἐκεῖνοι οὐκ ἐξέφυγον ἐπὶ γῆς παραιτησάμενοι τὸν χρηματίζοντα, πολὺ μᾶλλον ἡμεῖς οἱ τὸν ἀπ’ οὐρανῶν ἀποστρεφόμενοι·
26 At sa mga oras na iyon ang kaniyang tinig ang yayanig sa lupa. Subalit ngayon nangako siya at sinabi, “Minsan ko pang yayanigin hindi lamang ang lupa ngunit maging ang kalangitan.”
οὗ ἡ φωνὴ τὴν γῆν ἐσάλευσεν τότε, νῦν δὲ ἐπήγγελται λέγων Ἔτι ἅπαξ ἐγὼ σείσω οὐ μόνον τὴν γῆν ἀλλὰ καὶ τὸν οὐρανόν.
27 Ang mga salitang ito na,” Ngunit minsan pa,” ay nagpapahiwatig sa pagtanggal ng mga bagay na nayayanig, iyon ay ang mga bagay na nilikha, upang ang mga bagay na hindi nayayanig ay mananatili.
τὸ δὲ Ἔτι ἅπαξ δηλοῖ τὴν τῶν σαλευομένων μετάθεσιν ὡς πεποιημένων, ἵνα μείνῃ τὰ μὴ σαλευόμενα.
28 Samakatuwid, magpapasalamat tayo sa pagtanggap ng isang kahariang hindi nayayanig, at sa ganitong pagpupuri sa Diyos sa paraang katanggaptanggap na may paggalang at paghanga
Διὸ βασιλείαν ἀσάλευτον παραλαμβάνοντες ἔχωμεν χάριν, δι’ ἧς λατρεύωμεν εὐαρέστως τῷ Θεῷ, μετὰ εὐλαβείας καὶ δέους·
29 sapagkat ang ating Diyos ay parang apoy na nakakatupok
καὶ γὰρ ὁ Θεὸς ἡμῶν πῦρ καταναλίσκον.

< Mga Hebreo 12 >