< Mga Hebreo 12 >

1 Samakatwid, sapagkat napapaligiran tayo ng napakaraming mga saksi, itapon nating lahat ang mga bagay na nagpapabigat sa atin at ang kasalanan na madaling makagapos sa atin. Dapat may katiyagaan tayong magpatuloy sa takbuhin na inilagay sa ating harapan.
Furthermore, since we also have so great a cloud of witnesses over us, let us set aside every burden and sin which may surround us, and advance, through patience, to the struggle offered to us.
2 Dapat nating ituon ang ating mga mata kay Jesus, ang may-akda at nagpapaganap ng ating pananampalataya, dahil sa kagalakan na inilaan sa kaniya, na nagdala sa kaniya na nagtiis sa krus sa kabila ng kahihiyan, at umupo sa kanang kamay ng trono ng Diyos.
Let us gaze upon Jesus, as the Author and the completion of our faith, who, having joy laid out before him, endured the cross, disregarding the shame, and who now sits at the right hand of the throne of God.
3 Kaya isinaalang-alang niya na tiisin ang mga masasakit na salita mula sa mga makasalan laban sa kaniya upang tayo ay hindi na mapapagod at manghihina.
So then, meditate upon him who endured such adversity from sinners against himself, so that you may not become weary, failing in your souls.
4 Hindi niyo pa tinanggihan o nilabanan ang kasalanan na humantong sa pagkaubos ng dugo.
For you have not yet resisted unto blood, while striving against sin.
5 At nakalimutan na ninyo ang ibinigay na lakas at pag-asa na itinuro sa inyo bilang mga anak:” Aking anak, huwag mong babaliwalain ang pagdidisiplina ng Panginoon, ni ilayo ang iyong puso kung ikaw ay kanyang tinutuwid”
And you have forgotten the consolation which speaks to you like sons, saying: “My son, do not be willing to neglect the discipline of the Lord. Neither should you become weary, while being rebuked by him.”
6 Sapagkat ang Panginoon ay nagdidisiplina sa sinumang minamahal niya, at pinarurusahan niya ang bawat anak na kanyang tinatanggap.
For whomever the Lord loves, he chastises. And every son whom he accepts, he scourges.
7 Tiisin ang pagsubok bilang pagdisiplina. Nakikitungo ang Diyos sa inyo bilang mga anak, sapagkat sino bang anak ang hindi dinidisiplina ng kaniyang ama?
Persevere in discipline. God presents you to himself as sons. But what son is there, whom his father does not correct?
8 Ngunit kung kayo ay walang disiplina, kung saan lahat tayo ay dapat kabahagi, kung gayon hindi kayo mga tunay na anak at mga anak sa labas.
But if you are without that discipline in which all have become sharers, then you are of adultery, and you are not sons.
9 Bukod dito, mayroon tayong mga makamundong amang nagdidisiplina sa atin, at iginagalang natin sila. Hindi ba dapat nararapat na mas higit tayong sumunod sa Ama ng mga espiritu at mabuhay?
Then, too, we have certainly had the fathers of our flesh as instructors, and we reverenced them. Should we not obey the Father of spirits all the more, and so live?
10 Sapagkat ang ating mga ama nga ay nagdidisplina sa atin ng ilang mga taon sa alam nilang tama para sa kanila, subalit tayo ay dinidisiplina ng Diyos upang tayo ay makibahagi sa kaniyang kabanalan.
And indeed, for a few days and according to their own wishes, they instructed us. But he does so to our benefit, so that we may receive his sanctification.
11 Walang disiplina sa kasalukuyan na masaya kundi masakit. Gayunpaman, sa ibang pagkakataon ito ay magbibigay ng mapayapang bunga ng katuwiran para sa sinumang nagsanay sa pamamagitan nito.
Now every discipline, in the present time, does not seem a gladness, of course, but a grief. But afterwards, it will repay a most peaceful fruit of justice to those who become trained in it.
12 Samakatuwid itaas ninyo ang inyong mga kamay na nakababa at palakasing muli ang nanghihinang mga tuhod;
Because of this, lift up your lazy hands and your lax knees,
13 gawin mong matuwid ang mga daan ng iyong mga paa, upang ang sinumang pilay ay hindi maliligaw sa halip ay gagaling.
and straighten the path of your feet, so that no one, being lame, may wander astray, but instead may be healed.
14 Sikapin ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at gayundin ang kabanalan na kung wala ito walang makakakita sa Panginoon.
Pursue peace with everyone. Pursue sanctity, without which no one shall see God.
15 Maging maingat upang walang sinuman ang hindi maisama mula sa biyaya ng Diyos, at walang ugat ng kapaitan ang tumubo upang maging dahilan ng hindi pagkakaunawaan at mahawa ang marami.
Be contemplative, lest anyone lack the grace of God, lest any root of bitterness spring up and impede you, and by it, many might be defiled,
16 Maging maingat na walang maki-apid sa inyo, o hindi maka-diyos na tao kagaya ni Esau na ipinagpalit sa isang pagkain ang karapatan bilang panganay.
lest any fornicator or worldly person be like Esau, who, for the sake of one meal, sold his birthright.
17 Sapagkat alam ninyo na pagkatapos, nang kaniyang naising makamit ang biyaya, siya ay tinanggihan dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magsisisi sa kaniyang ama, kahit na pilit niya itong hinangad nang may mga luha.
For you know that afterwards, when he desired to inherit the benediction, he was rejected. For he found no place for repentance, even though he had sought it with tears.
18 Sapagkat hindi kayo lumapit sa isang bundok na nahahawakan, isang bundok na nag-aalab ng apoy, kadiliman, kalungkutan at bagyo.
But you have not drawn near to a tangible mountain, or a burning fire, or a whirlwind, or a mist, or a storm,
19 Hindi kayo pumarito dahil sa ingay ng trumpeta, o sa mga salitang galing sa isang tinig na ang mga nakarinig nito ay nagmamaka-awang wala ng salitang sasabihin sa kanila.
or the sound of a trumpet, or a voice of words. Those who had experienced these things excused themselves, lest the Word be spoken to them.
20 Sapagkat hindi nila kayang tanggapin kung ano man ang iniutos: na kahit may isang hayop na hahawak sa bundok, dapat itong batuhin,”
For they could not bear what was said, and so, if even a beast would have touched the mountain, it would have been stoned.
21 Kaya nakakatakot ang tanawin na sinabi ni Moises,” Ako ay sobrang nasindak na ako ay nanginginig.
And what was seen was so terrible that even Moses said: “I am terrified, and so, I tremble.”
22 Sa halip, kayo ay lumapit sa Bundok ng Zion at sa lungsod ng Diyos na buhay, ang makalangit na Jerusalem, at sa hindi mabilang na hukbo ng mga anghel na nagdiriwang.
But you have drawn near to mount Zion, and to the city of the living God, to the heavenly Jerusalem, and to the company of many thousands of Angels,
23 Kayo ay lumalapit sa kapulungan ng mga unang ipinanganak na inilista sa langit, sa Diyos na hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng katuwiran na naging ganap.
and to the Church of the first-born, those who have been inscribed in the heavens, and to God, the judge of all, and to the spirits of the just made perfect,
24 Kayo ay lumapit kay Jesus na tagapamagitan ng isang bagong tipan, at sa dugong naikalat na higit na nagsasalita ng mabuti kaysa sa dugo ni Abel.
and to Jesus, the Mediator of the New Testament, and to a sprinkling of blood, which speaks better than the blood of Abel.
25 Tiyakin ninyo na hindi ninyo tinanggihan ang nagsasalita. Sapagkat kung hindi sila nakatakas ng sila ay tumanggi sa isang nagbigay babala sa kanila dito sa lupa, tiyak na hindi tayo makakatakas, kung tatalikod tayo mula sa nagbabala mula sa langit.
Be careful not to reject the One who is speaking. For if those who rejected him who was speaking upon the earth were not able to escape, so much more we who might turn away from the One who is speaking to us from heaven.
26 At sa mga oras na iyon ang kaniyang tinig ang yayanig sa lupa. Subalit ngayon nangako siya at sinabi, “Minsan ko pang yayanigin hindi lamang ang lupa ngunit maging ang kalangitan.”
Then, his voice moved the earth. But now, he makes a promise, saying: “There is still one more time, and then I will move, not only the earth, but also heaven itself.”
27 Ang mga salitang ito na,” Ngunit minsan pa,” ay nagpapahiwatig sa pagtanggal ng mga bagay na nayayanig, iyon ay ang mga bagay na nilikha, upang ang mga bagay na hindi nayayanig ay mananatili.
And so, in saying, “There is still one more time,” he declares the transfer of the moveable things of creation, so that those things which are immoveable may remain.
28 Samakatuwid, magpapasalamat tayo sa pagtanggap ng isang kahariang hindi nayayanig, at sa ganitong pagpupuri sa Diyos sa paraang katanggaptanggap na may paggalang at paghanga
Thus, in receiving an immoveable kingdom, we have grace. So, through grace, let us be of service, by pleasing God with fear and reverence.
29 sapagkat ang ating Diyos ay parang apoy na nakakatupok
For our God is a consuming fire.

< Mga Hebreo 12 >