< Mga Hebreo 11 >

1 Ngayon ang pananampalataya ay ang katiyakan ng sino man kung siya ay nagtitiwalang naghihintay sa isang bagay. Ito ang katiyakan tungkol sa hindi pa nakita.
Ἔστι δὲ πίστις ἐλπιζομένων ὑπόστασις, πραγμάτων ἔλεγχος οὐ βλεπομένων.
2 Sapagkat sa pamamagitan nito pinagtibay ang ating mga ninuno dahil sa kanilang pananampalataya.
Ἐν ταύτῃ γὰρ ἐμαρτυρήθησαν οἱ πρεσβύτεροι.
3 Sa pamamagitan ng pananampalataya, nauunawaan natin na nilikha ang buong sanlibutan sa pamamagitan ng utos ng Diyos, upang kung ano man ang nakikita ay hindi nilikha mula sa mga bagay na nakikita. (aiōn g165)
Πίστει νοοῦμεν κατηρτίσθαι τοὺς αἰῶνας ῥήματι Θεοῦ, εἰς τὸ μὴ ἐκ φαινομένων τὰ βλεπόμενα γεγονέναι. (aiōn g165)
4 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Abel ay nag-alay ng mas higit na kalugod-lugod na handog sa Diyos kaysa sa ginawa ni Cain. At dahil dito pinuri siya sa pagiging matuwid. Pinuri siya ng Diyos dahil sa mga handog na kaniyang inialay. Dahil diyan, si Abel ay nagsasalita pa rin kahit na siya ay patay na.
Πίστει πλείονα θυσίαν Ἄβελ παρὰ Κάϊν προσήνεγκε τῷ Θεῷ, δι᾽ ἧς ἐμαρτυρήθη εἶναι δίκαιος, μαρτυροῦντος ἐπὶ τοῖς δώροις αὐτοῦ τοῦ Θεοῦ· καὶ δι᾽ αὐτῆς ἀποθανὼν ἔτι λαλεῖται.
5 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Enoc ay kinuha pataas at hindi nakita ang kamatayan. “Hindi siya nahanap, dahil siya ay kinuha ng Diyos.” Sapagkat ito ay sinabi sa kaniya na ang Diyos ay nalugod sa kaniya bago siya kunin.
Πίστει Ἐνὼχ μετετέθη τοῦ μὴ ἰδεῖν θάνατον, καὶ οὐχ εὑρίσκετο, διότι μετέθηκεν αὐτὸν ὁ Θεός· πρὸ γὰρ τῆς μεταθέσεως αὐτοῦ μεμαρτύρηται εὐηρεστηκέναι τῷ Θεῷ·
6 Kung walang pananampalataya hindi maaaring bigyan ng kaluguran ang Diyos, at ang sino man na lalapit sa Diyos ay kinakailangang manalig na siya ay umiiral at gagantimpalan niya ang sino man na humahanap sa kaniya.
χωρὶς δὲ πίστεως ἀδύνατον εὐαρεστῆσαι· πιστεῦσαι γὰρ δεῖ τὸν προσερχόμενον τῷ Θεῷ, ὅτι ἔστι, καὶ τοῖς ἐκζητοῦσιν αὐτὸν μισθαποδότης γίνεται.
7 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Noe, ay binalaan ng Diyos ukol sa mga bagay na hindi pa nakita, nang may maka-diyos na paggalang ay gumawa ng isang daong upang mailigtas ang kaniyang pamilya. Sa paggawa nito, hinatulan niya ang mundo at naging tagapagmana ng katuwiran na nanggagaling sa pananampalataya.
Πίστει χρηματισθεὶς Νῶε περὶ τῶν μηδέπω βλεπομένων, εὐλαβηθεὶς κατεσκεύασε κιβωτὸν εἰς σωτηρίαν τοῦ οἴκου αὐτοῦ· δι᾽ ἧς κατέκρινε τὸν κόσμον, καὶ τῆς κατὰ πίστιν δικαιοσύνης ἐγένετο κληρονόμος.
8 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Abraham nang siya ay tinawag, Siya ay sumunod at nagtungo sa lugar na kaniyang tatanggapin bilang isang tagapagmana. Pumunta siya na hindi niya nalalaman kung saan siya tutungo.
Πίστει καλούμενος Ἀβραὰμ ὑπήκουσεν ἐξελθεῖν εἰς τὸν τόπον ὃν ἤμελλε λαμβάνειν εἰς κληρονομίαν, καὶ ἐξῆλθε μὴ ἐπιστάμενος ποῦ ἔρχεται.
9 Sa pamamagitan ng pananampalataya siya ay nanirahan sa lupang ipinangako bilang isang dayuhan. Siya ay namuhay sa tolda na kasama sina Isaac at Jacob na parehong tagapagmana ng pangako.
Πίστει παρῴκησεν εἰς γῆν τῆς ἐπαγγελίας, ὡς ἀλλοτρίαν, ἐν σκηναῖς κατοικήσας μετὰ Ἰσαὰκ καὶ Ἰακώβ, τῶν συγκληρονόμων τῆς ἐπαγγελίας τῆς αὐτῆς·
10 Ito ay dahil sa tumingin siya sa hinaharap sa pagtatayo ng isang lungsod na ang arketekto at tagapagpatayo ay ang Diyos.
ἐξεδέχετο γὰρ τὴν τοὺς θεμελίους ἔχουσαν πόλιν, ἧς τεχνίτης καὶ δημιουργὸς ὁ Θεός.
11 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Abraham, at kahit na si Sarah mismo ay tumanggap ng kakayahang magbuntis kahit sila ay matanda na, sapagkat itinuring nila ang Dios na tapat, ang nangako sa kanila ng isang anak.
Πίστει καὶ αὐτὴ Σάρρα δύναμιν εἰς καταβολὴν σπέρματος ἔλαβε, καὶ παρὰ καιρὸν ἡλικίας ἔτεκεν, ἐπεὶ πιστὸν ἡγήσατο τὸν ἐπαγγειλάμενον.
12 Samakatuwid galing din sa lalaking ito na malapit ng mamatay ay maipapanganak ang hindi mabilang na salinlahi. Sila ay naging kasing dami ng mga bituin sa langit at nang hindi mabilang na mga butil ng buhangin sa tabing dagat.
Διὸ καὶ ἀφ᾽ ἑνὸς ἐγεννήθησαν, καὶ ταῦτα νενεκρωμένου, καθὼς τὰ ἄστρα τοῦ οὐρανοῦ τῷ πλήθει, καὶ ὡς ἡ ἄμμος ἡ παρὰ τὸ χεῖλος τῆς θαλάσσης ἡ ἀναρίθμητος.
13 Ang lahat ng ito ay namatay sa pananampalataya na hindi tinanggap ang mga pangako, sa halip kahit malayo pa nakita at tinanggap na nila, na sila ay mga dayuhan at banyaga dito sa lupa.
Κατὰ πίστιν ἀπέθανον οὗτοι πάντες, μὴ λαβόντες τὰς ἐπαγγελίας, ἀλλὰ πόρρωθεν αὐτὰς ἰδόντες, καὶ ἀσπασάμενοι, καὶ ὁμολογήσαντες ὅτι ξένοι καὶ παρεπίδημοί εἰσιν ἐπὶ τῆς γῆς.
14 Kaya sa mga nagsasabi ng ganoong mga bagay ay nagbibigay linaw na sila ay naghahanap ng kanilang sariling bayan.
Οἱ γὰρ τοιαῦτα λέγοντες ἐμφανίζουσιν ὅτι πατρίδα ἐπιζητοῦσι.
15 Sa katunanayan, kung ang iniwan nilang lupain ang kanilang iniisip, sila ay may pagkakataon pang bumalik,
Καὶ εἰ μὲν ἐκείνης ἐμνημόνευον ἀφ᾽ ἧς ἐξῆλθον, εἶχον ἂν καιρὸν ἀνακάμψαι.
16 Subalit naghahangad sila ng mas mabuting bayan, na isang makalangit. Kaya naman hindi nahihiya ang Diyos na tawaging kanilang Diyos sapagkat naghanda siya ng isang lungsod para sa kanila.
Νῦν δὲ κρείττονος ὀρέγονται, τοῦτ᾽ ἔστιν, ἐπουρανίου· διὸ οὐκ ἐπαισχύνεται αὐτοὺς ὁ Θεός, Θεὸς ἐπικαλεῖσθαι αὐτῶν· ἡτοίμασε γὰρ αὐτοῖς πόλιν.
17 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Abraham pagkatapos subuking ialay si Isaac. Oo siya na masayang tumanggap ng mga pangako ay inialay ang kaniyang nag-iisang anak,
Πίστει προσενήνοχεν Ἀβραὰμ τὸν Ἰσαὰκ πειραζόμενος, καὶ τὸν μονογενῆ προσέφερεν ὁ τὰς ἐπαγγελίας ἀναδεξάμενος,
18 tungkol sa kaniya ang sinabi, “Magmumula kay Isaac ang iyong mga salinlahi.”
πρὸς ὃν ἐλαλήθη, ὅτι Ἐν Ἰσαὰκ κληθήσεταί σοι σπέρμα·
19 Isinaalang- alang ni Abraham na bubuhayin ng Diyos si Isaac mula sa mga patay, at sa matalinhagang pagsasalita, natanggap niya siyang muli.
λογισάμενος ὅτι καὶ ἐκ νεκρῶν ἐγείρειν δυνατὸς ὁ Θεός· ὅθεν αὐτὸν καὶ ἐν παραβολῇ ἐκομίσατο.
20 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na pinagpala ni Isaac sina Jacob at Esau tungkol sa mga bagay na darating.
Πίστει περὶ μελλόντων εὐλόγησεν Ἰσαὰκ τὸν Ἰακὼβ καὶ τὸν Ἠσαῦ.
21 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Jacob, nang siya ay mamamatay na, pinagpala niya ang bawat isa sa mga anak ni Jose. Si Jacob ay sumamba na nakahilig sa taas ng kaniyang tungkod.
Πίστει Ἰακὼβ ἀποθνῄσκων ἕκαστον τῶν υἱῶν Ἰωσὴφ εὐλόγησε, καὶ προσεκύνησεν ἐπὶ τὸ ἄκρον τῆς ῥάβδου αὐτοῦ.
22 Ito ay sa pamamagitan din ng pananamplataya na si Jose, nang malapit na ang kaniyang katapusan, ay nagsalita patungkol sa paglisan ng mga anak ng Israel mula sa Egipto at inutos na dalhin kasama nila ang kaniyang mga buto.
Πίστει Ἰωσὴφ τελευτῶν περὶ τῆς ἐξόδου τῶν υἱῶν Ἰσραὴλ ἐμνημόνευσε, καὶ περὶ τῶν ὀστέων αὐτοῦ ἐνετείλατο.
23 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Moises, nang siya ay ipanganak ay itinago siya ng kaniyang mga magulang ng tatlong buwan dahil nakita nila na siya ay isang magandang bata at hindi sila takot sa utos ng hari.
Πίστει Μωϋσῆς γεννηθεὶς ἐκρύβη τρίμηνον ὑπὸ τῶν πατέρων αὐτοῦ, διότι εἶδον ἀστεῖον τὸ παιδίον· καὶ οὐκ ἐφοβήθησαν τὸ διάταγμα τοῦ βασιλέως.
24 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Moises, nang lumaki na ay tumangging tawagin na anak ng anak na babae ni Faraon.
Πίστει Μωϋσῆς μέγας γενόμενος ἠρνήσατο λέγεσθαι υἱὸς θυγατρὸς Φαραώ,
25 Sa halip, pinili niyang makibahagi sa paghihirap ng mga tao ng Diyos kaysa sa magpakasaya sa panandaliang aliw ng kasalanan.
μᾶλλον ἑλόμενος συγκακουχεῖσθαι τῷ λαῷ τοῦ Θεοῦ ἢ πρόσκαιρον ἔχειν ἁμαρτίας ἀπόλαυσιν·
26 Itinuring niya na ang kahihiyan sa pagsunod kay Cristo ay higit pa sa kayamanan kaysa sa mga yaman ng mga Egipto, sapagkat itinuon niya ang kaniyang paningin sa hinaharap na darating na gantimpala.
μείζονα πλοῦτον ἡγησάμενος τῶν Αἰγύπτου θησαυρῶν τὸν ὀνειδισμὸν τοῦ Χριστοῦ· ἀπέβλεπε γὰρ εἰς τὴν μισθαποδοσίαν.
27 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Moises ay iniwan ang Egipto. Hindi siya natakot sa galit ng hari, sapagkat tiniis niya sa pamamagitan ng pagtingin sa isang hindi pa nakikita.
Πίστει κατέλιπεν Αἴγυπτον, μὴ φοβηθεὶς τὸν θυμὸν τοῦ βασιλέως· τὸν γὰρ ἀόρατον ὡς ὁρῶν ἐκαρτέρησε.
28 Dahil sa kaniyang pananampalataya sinunod niya ang “Paskua” at ang pagwisik ng dugo upang ang mangwawasak sa bawat panganay ay hindi makahawak sa mga panganay na anak na lalaki ng mga Israelita.
Πίστει πεποίηκε τὸ Πάσχα καὶ τὴν πρόσχυσιν τοῦ αἵματος, ἵνα μὴ ὁ ὀλοθρεύων τὰ πρωτότοκα θίγῃ αὐτῶν.
29 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na sila ay tumawid sa dagat ng mga Tambo na parang nasa ibabaw ng tuyong lupa. Nang sinubok ng mga taga Ehipto na gawin ito, sila ay nilamon nito.
Πίστει διέβησαν τὴν Ἐρυθρὰν θάλασσαν ὡς διὰ ξηρᾶς· ἧς πεῖραν λαβόντες οἱ Αἰγύπτιοι κατεπόθησαν.
30 Sa pamamagitan ng pananampalataya nawasak ang pader ng Jerico matapos silang umikot sa palibot ng pitong araw.
Πίστει τὰ τείχη Ἰεριχὼ ἔπεσε, κυκλωθέντα ἐπὶ ἑπτὰ ἡμέρας.
31 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Rahab, ang babaeng nagbebenta ng aliw ay hindi namatay kasama ng mga suwail, dahil tinanggap niya ng may pag-iingat ang mga ispiya.
Πίστει Ῥαὰβ ἡ πόρνη οὐ συναπώλετο τοῖς ἀπειθήσασι, δεξαμένη τοὺς κατασκόπους μετ᾽ εἰρήνης.
32 At ano pa ba ang aking sasabihin? Hindi na sapat ang aking oras kung isasalaysay ko pa ang tungkol kina Gideon, Barak, Samson, Jepta, David, Samuel, at ng mga propeta,
Καὶ τί ἔτι λέγω; Ἐπιλείψει γάρ με διηγούμενον ὁ χρόνος περὶ Γεδεών, Βαράκ τε καὶ Σαμψὼν καὶ Ἰεφθάε, Δαυίδ τε καὶ Σαμουὴλ καὶ τῶν προφητῶν·
33 na sa pamamagitan ng pananampalataya ay sumakop ng mga kaharian, gumawa ng may katarungan, at tumanggap ng mga pangako. Sila ay nagpatikom ng bibig ng mga lion,
οἳ διὰ πίστεως κατηγωνίσαντο βασιλείας, εἰργάσαντο δικαιοσύνην, ἐπέτυχον ἐπαγγελιῶν, ἔφραξαν στόματα λεόντων,
34 pinawi ang kapangyarihan ng apoy, tumakas sa talim ng espada, kung saan gumaling mula sa mga karamdaman, naging tanyag sa pakikipaglaban, at naging dahilan ng pagtakas ng mga sundalong dayuhan.
ἔσβεσαν δύναμιν πυρός, ἔφυγον στόματα μαχαίρας, ἐνεδυναμώθησαν ἀπὸ ἀσθενείας, ἐγενήθησαν ἰσχυροὶ ἐν πολέμῳ, παρεμβολὰς ἔκλιναν ἀλλοτρίων.
35 Tinanggap ng mga kababaihan ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay. Ang iba ay pinahirapan, ng hindi tinatanggap ang kanilang paglaya upang maranasan nila ang mas mainam na muling pagkabuhay.
Ἔλαβον γυναῖκες ἐξ ἀναστάσεως τοὺς νεκροὺς αὐτῶν· ἄλλοι δὲ ἐτυμπανίσθησαν, οὐ προσδεξάμενοι τὴν ἀπολύτρωσιν, ἵνα κρείττονος ἀναστάσεως τύχωσιν·
36 Ang iba ay nagdusa ng pangaalipusta, at paghampas, oo, kahit ng mga kadena at pagkakulong.
ἕτεροι δὲ ἐμπαιγμῶν καὶ μαστίγων πεῖραν ἔλαβον, ἔτι δὲ δεσμῶν καὶ φυλακῆς·
37 Kung saan binato sila. Nilagari sila sa dalawa. Pinatay sila sa pamamagitan ng espada. Sila ay namuhay na nakadamit ng balat ng mga tupa at balat ng mga kambing na hirap na hirap, nagpakasakit at pinagmalupitan,
ἐλιθάσθησαν, ἐπρίσθησαν, ἐπειράσθησαν, ἐν φόνῳ μαχαίρας ἀπέθανον· περιῆλθον ἐν μηλωταῖς, ἐν αἰγείοις δέρμασιν, ὑστερούμενοι, θλιβόμενοι, κακουχούμενοι—
38 ( Sila na hindi karapat-dapat sa mundo), naglibot sa ilang, sa mga kabundukan, sa mga kuweba at sa mga butas sa lupa.
ὧν οὐκ ἦν ἄξιος ὁ κόσμος—ἐν ἐρημίαις πλανώμενοι καὶ ὄρεσι καὶ σπηλαίοις καὶ ταῖς ὀπαῖς τῆς γῆς.
39 Bagamat ang lahat ng mga taong ito ay pinagtibay ng Diyos dahil sa kanilang pananampalataya, hindi nila natanggap ang anumang kaniyang ipinangako.
Καὶ οὗτοι πάντες, μαρτυρηθέντες διὰ τῆς πίστεως, οὐκ ἐκομίσαντο τὴν ἐπαγγελίαν,
40 May inihanda ang Diyos sa simula pa na mas mainam para sa atin, dahil kung wala tayo hindi sila magiging ganap.
τοῦ Θεοῦ περὶ ἡμῶν κρεῖττόν τι προβλεψαμένου, ἵνα μὴ χωρὶς ἡμῶν τελειωθῶσι.

< Mga Hebreo 11 >