< Mga Hebreo 11 >

1 Ngayon ang pananampalataya ay ang katiyakan ng sino man kung siya ay nagtitiwalang naghihintay sa isang bagay. Ito ang katiyakan tungkol sa hindi pa nakita.
Faith is the realisation of things hoped for — the proof of things not seen.
2 Sapagkat sa pamamagitan nito pinagtibay ang ating mga ninuno dahil sa kanilang pananampalataya.
And it was for faith that the men of old were renowned.
3 Sa pamamagitan ng pananampalataya, nauunawaan natin na nilikha ang buong sanlibutan sa pamamagitan ng utos ng Diyos, upang kung ano man ang nakikita ay hindi nilikha mula sa mga bagay na nakikita. (aiōn g165)
Faith enables us to perceive that the universe was created at the bidding of God — so that we know that what we see was not made out of visible things. (aiōn g165)
4 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Abel ay nag-alay ng mas higit na kalugod-lugod na handog sa Diyos kaysa sa ginawa ni Cain. At dahil dito pinuri siya sa pagiging matuwid. Pinuri siya ng Diyos dahil sa mga handog na kaniyang inialay. Dahil diyan, si Abel ay nagsasalita pa rin kahit na siya ay patay na.
Faith made the sacrifice which Abel offered to God a better sacrifice than Cain’s, and won him renown as a righteous man, God himself establishing his renown by accepting his gifts; and it is by the example of his faith that Abel, though dead, still speaks.
5 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Enoc ay kinuha pataas at hindi nakita ang kamatayan. “Hindi siya nahanap, dahil siya ay kinuha ng Diyos.” Sapagkat ito ay sinabi sa kaniya na ang Diyos ay nalugod sa kaniya bago siya kunin.
Faith led to Enoch’s removal from earth, that he might not experience death. ‘He could not be found because God had removed him.’ For, before his removal, he was renowned as having pleased God;
6 Kung walang pananampalataya hindi maaaring bigyan ng kaluguran ang Diyos, at ang sino man na lalapit sa Diyos ay kinakailangang manalig na siya ay umiiral at gagantimpalan niya ang sino man na humahanap sa kaniya.
but without faith it is impossible to please him, for he who comes to God must believe that God exists, and that he rewards those who seek for him.
7 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Noe, ay binalaan ng Diyos ukol sa mga bagay na hindi pa nakita, nang may maka-diyos na paggalang ay gumawa ng isang daong upang mailigtas ang kaniyang pamilya. Sa paggawa nito, hinatulan niya ang mundo at naging tagapagmana ng katuwiran na nanggagaling sa pananampalataya.
It was faith that enabled Noah, after he had received the divine warning about what could not then be foreseen, to build, in reverent obedience, an ark in which to save his family. By his faith he condemned the world, and became possessed of that righteousness which follows upon faith.
8 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Abraham nang siya ay tinawag, Siya ay sumunod at nagtungo sa lugar na kaniyang tatanggapin bilang isang tagapagmana. Pumunta siya na hindi niya nalalaman kung saan siya tutungo.
It was faith that enabled Abraham to obey the Call that he received, and to set out for the place which he was afterwards to obtain as his own; and he set out not knowing where he was going.
9 Sa pamamagitan ng pananampalataya siya ay nanirahan sa lupang ipinangako bilang isang dayuhan. Siya ay namuhay sa tolda na kasama sina Isaac at Jacob na parehong tagapagmana ng pangako.
It was faith that made him go to live as an emigrant in the Promised Land — as in a strange country — living there in tents with Isaac and Jacob, who shared the promise with him.
10 Ito ay dahil sa tumingin siya sa hinaharap sa pagtatayo ng isang lungsod na ang arketekto at tagapagpatayo ay ang Diyos.
For he was looking for the City with the sure foundations, whose architect and builder is God.
11 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Abraham, at kahit na si Sarah mismo ay tumanggap ng kakayahang magbuntis kahit sila ay matanda na, sapagkat itinuring nila ang Dios na tapat, ang nangako sa kanila ng isang anak.
Again, it was faith that enabled Sarah to conceive (though she was past the age for child-bearing), because she felt sure that he who had given her the promise would not fail her.
12 Samakatuwid galing din sa lalaking ito na malapit ng mamatay ay maipapanganak ang hindi mabilang na salinlahi. Sila ay naging kasing dami ng mga bituin sa langit at nang hindi mabilang na mga butil ng buhangin sa tabing dagat.
And so from one man — and that when his powers were dead — there sprang a people as numerous ‘as the stars in the heavens or the countless grains of sand upon the shore.’
13 Ang lahat ng ito ay namatay sa pananampalataya na hindi tinanggap ang mga pangako, sa halip kahit malayo pa nakita at tinanggap na nila, na sila ay mga dayuhan at banyaga dito sa lupa.
All these died sustained by faith. They did not obtain the promised blessings, but they saw them from a distance and welcomed the sight, and they acknowledged themselves to be only aliens and strangers on the earth.
14 Kaya sa mga nagsasabi ng ganoong mga bagay ay nagbibigay linaw na sila ay naghahanap ng kanilang sariling bayan.
Those who speak thus show plainly that they are seeking their fatherland.
15 Sa katunanayan, kung ang iniwan nilang lupain ang kanilang iniisip, sila ay may pagkakataon pang bumalik,
If they had been thinking of the land that they had left, they could have found opportunities to return.
16 Subalit naghahangad sila ng mas mabuting bayan, na isang makalangit. Kaya naman hindi nahihiya ang Diyos na tawaging kanilang Diyos sapagkat naghanda siya ng isang lungsod para sa kanila.
But no, they were longing for a better, a heavenly, land! And therefore God was not ashamed to be called their God; indeed he had already prepared them a city.
17 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Abraham pagkatapos subuking ialay si Isaac. Oo siya na masayang tumanggap ng mga pangako ay inialay ang kaniyang nag-iisang anak,
It was faith that enabled Abraham, when put to the test, to offer Isaac as a sacrifice — he who had received the promises offering up his only son,
18 tungkol sa kaniya ang sinabi, “Magmumula kay Isaac ang iyong mga salinlahi.”
of whom it had been said — ‘It is through Isaac that there shall be descendants to bear thy name.’
19 Isinaalang- alang ni Abraham na bubuhayin ng Diyos si Isaac mula sa mga patay, at sa matalinhagang pagsasalita, natanggap niya siyang muli.
For he argued that God was able even to raise a man from the dead — and indeed, figuratively speaking, Abraham did receive Isaac back from the dead.
20 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na pinagpala ni Isaac sina Jacob at Esau tungkol sa mga bagay na darating.
It was faith that enabled Isaac to bless Jacob and Esau, even with regard to the future.
21 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Jacob, nang siya ay mamamatay na, pinagpala niya ang bawat isa sa mga anak ni Jose. Si Jacob ay sumamba na nakahilig sa taas ng kaniyang tungkod.
Faith enabled Jacob, when dying, to give his blessing to each of the sons of Joseph, and ‘to bow himself in worship as he leant upon the top of his staff.’
22 Ito ay sa pamamagitan din ng pananamplataya na si Jose, nang malapit na ang kaniyang katapusan, ay nagsalita patungkol sa paglisan ng mga anak ng Israel mula sa Egipto at inutos na dalhin kasama nila ang kaniyang mga buto.
Faith caused Joseph, when his end was near, to speak of the future migration of the Israelites, and to give instructions with regard to his bones.
23 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Moises, nang siya ay ipanganak ay itinago siya ng kaniyang mga magulang ng tatlong buwan dahil nakita nila na siya ay isang magandang bata at hindi sila takot sa utos ng hari.
Faith caused the parents of Moses to hide the child for three months after his birth, for they saw that he was a beautiful child; and they would not respect the King’s order.
24 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Moises, nang lumaki na ay tumangging tawagin na anak ng anak na babae ni Faraon.
It was faith that caused Moses, when he was grown up, to refuse the title of ‘Son of a Daughter of Pharaoh.’
25 Sa halip, pinili niyang makibahagi sa paghihirap ng mga tao ng Diyos kaysa sa magpakasaya sa panandaliang aliw ng kasalanan.
He preferred sharing the hardships of God’s People to enjoying the short-lived pleasures of sin.
26 Itinuring niya na ang kahihiyan sa pagsunod kay Cristo ay higit pa sa kayamanan kaysa sa mga yaman ng mga Egipto, sapagkat itinuon niya ang kaniyang paningin sa hinaharap na darating na gantimpala.
For he counted ‘the reproaches that are heaped upon the Christ’ of greater value than the treasures of Egypt, looking forward, as he did, to the reward awaiting him.
27 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Moises ay iniwan ang Egipto. Hindi siya natakot sa galit ng hari, sapagkat tiniis niya sa pamamagitan ng pagtingin sa isang hindi pa nakikita.
Faith caused him to leave Egypt, though undaunted by the King’s anger, for he was strengthened in his endurance by the vision of the invisible God.
28 Dahil sa kaniyang pananampalataya sinunod niya ang “Paskua” at ang pagwisik ng dugo upang ang mangwawasak sa bawat panganay ay hindi makahawak sa mga panganay na anak na lalaki ng mga Israelita.
Faith led him to institute the Passover and the Sprinkling of the Blood, so that the Destroyer might not touch the eldest children of the Israelites.
29 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na sila ay tumawid sa dagat ng mga Tambo na parang nasa ibabaw ng tuyong lupa. Nang sinubok ng mga taga Ehipto na gawin ito, sila ay nilamon nito.
Faith enabled the people to cross the Red Sea, as if it had been dry land, while the Egyptians, when they attempted to do so, were drowned.
30 Sa pamamagitan ng pananampalataya nawasak ang pader ng Jerico matapos silang umikot sa palibot ng pitong araw.
Faith caused the walls of Jericho to fall after being encircled for seven days.
31 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Rahab, ang babaeng nagbebenta ng aliw ay hindi namatay kasama ng mga suwail, dahil tinanggap niya ng may pag-iingat ang mga ispiya.
Faith saved Rahab, the prostitute, from perishing with the unbelievers, after she had entertained the spies with friendliness.
32 At ano pa ba ang aking sasabihin? Hindi na sapat ang aking oras kung isasalaysay ko pa ang tungkol kina Gideon, Barak, Samson, Jepta, David, Samuel, at ng mga propeta,
Need I add anything more? Time would fail me if I attempted to relate the stories of Gideon, Barak, Samson, and Jephthah, and those of David, Samuel, and the Prophets.
33 na sa pamamagitan ng pananampalataya ay sumakop ng mga kaharian, gumawa ng may katarungan, at tumanggap ng mga pangako. Sila ay nagpatikom ng bibig ng mga lion,
By their faith they subdued kingdoms, ruled righteously, gained the fulfilment of God’s promises, ‘shut the mouths of lions,’
34 pinawi ang kapangyarihan ng apoy, tumakas sa talim ng espada, kung saan gumaling mula sa mga karamdaman, naging tanyag sa pakikipaglaban, at naging dahilan ng pagtakas ng mga sundalong dayuhan.
quelled the fury of the flames, escaped the edge of the sword, found strength in the hour of weakness, displayed their prowess in war, and routed hostile armies.
35 Tinanggap ng mga kababaihan ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay. Ang iba ay pinahirapan, ng hindi tinatanggap ang kanilang paglaya upang maranasan nila ang mas mainam na muling pagkabuhay.
Women received back their dead raised to life. Some were tortured on the wheel, and refused release in order that they might rise to a better life.
36 Ang iba ay nagdusa ng pangaalipusta, at paghampas, oo, kahit ng mga kadena at pagkakulong.
Others had to face taunts and blows, and even chains and imprisonment.
37 Kung saan binato sila. Nilagari sila sa dalawa. Pinatay sila sa pamamagitan ng espada. Sila ay namuhay na nakadamit ng balat ng mga tupa at balat ng mga kambing na hirap na hirap, nagpakasakit at pinagmalupitan,
They were stoned to death, they were tortured, they were swan asunder, they were put to the sword; they wandered about clothed in the skins of sheep or goats, destitute, persecuted, ill-used —
38 ( Sila na hindi karapat-dapat sa mundo), naglibot sa ilang, sa mga kabundukan, sa mga kuweba at sa mga butas sa lupa.
men of whom the world was not worthy — roaming in lonely places, and on the mountains, and in caves and holes in the ground.
39 Bagamat ang lahat ng mga taong ito ay pinagtibay ng Diyos dahil sa kanilang pananampalataya, hindi nila natanggap ang anumang kaniyang ipinangako.
Yet, though they all won renown by their faith, they did not obtain the final fulfilment of God’s promise;
40 May inihanda ang Diyos sa simula pa na mas mainam para sa atin, dahil kung wala tayo hindi sila magiging ganap.
since God had in view some better thing for us, that they, apart from us, should not attain perfection.

< Mga Hebreo 11 >