< Hagai 2 >
1 Sa ikadalawampu't isang araw ng ikapitong buwan, dumating ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Hagai, ang propeta at sinabi,
ダリヨス王の二年の七月二十一日に、主の言葉が預言者ハガイに臨んだ、
2 “Magsalita ka sa gobernador ng Juda, kay Zerubabel na anak ni Sealtiel at sa punong pari na si Josue na anak ni Josadac at sa mga natitirang tao. Sabihin mo,
「シャルテルの子、ユダの総督ゼルバベルと、ヨザダクの子、大祭司ヨシュア、および残りのすべての民に告げて言え、
3 'Sino ang nananatili sa inyo na nakakita sa dating kaluwalhatian ng tahanang ito? At paano ninyo ito nakikita ngayon? Parang wala lang ba ito sa inyong paningin?
『あなたがた残りの者のうち、以前の栄光に輝く主の家を見た者はだれか。あなたがたは今、この状態をどう思うか。これはあなたがたの目には、無にひとしいではないか。
4 Ngayon, magpakatatag ka, Zerubabel!' -ito ang pahayag ni Yahweh- at magpakatatag ka, punong paring Josue anak ni Josadac; at magpakatatag kayong lahat na mga tao sa lupain!'—ito ang pahayag ni Yahweh— 'at gumawa kayo sapagkat kasama ninyo ako! —ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.
主は言われる、ゼルバベルよ、勇気を出せ。ヨザダクの子、大祭司ヨシュアよ、勇気を出せ。主は言われる。この地のすべての民よ、勇気を出せ。働け。わたしはあなたがたと共にいると、万軍の主は言われる。
5 'Sa pamamagitan ng mga pangakong nakapaloob sa kasunduang itinatag ko sa inyo nang lumabas kayo sa Egipto at ang aking Espiritu ay kasama ninyo, huwag kayong matakot!'
これはあなたがたがエジプトから出た時、わたしがあなたがたに、約束した言葉である。わたしの霊が、あなたがたのうちに宿っている。恐れるな。
6 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Sa sandaling panahon yayanigin kong muli ang kalangitan at ang lupa, ang karagatan at ang tuyong lupain!
万軍の主はこう言われる、しばらくして、いま一度、わたしは天と、地と、海と、かわいた地とを震う。
7 At yayanigin ko ang bawat bansa, at ang bawat bansa ay magdadala ng kanilang mga mahahalagang bagay sa akin, at pupunuin ko ang tahanang ito ng kaluwalhatian!' sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
わたしはまた万国民を震う。万国民の財宝は、はいって来て、わたしは栄光をこの家に満たすと、万軍の主は言われる。
8 Akin ang pilak at ginto!'—ito ang pahayag ni Yahweh ng mga Hukbo.
銀はわたしのもの、金もわたしのものであると、万軍の主は言われる。
9 Magiging mas dakila ang kaluwalhatian ng tahanang ito sa hinaharap kaysa sa simula, sabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'at ibibigay ko ang kapayapaan sa lugar na ito!'—ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.”
主の家の後の栄光は、前の栄光よりも大きいと、万軍の主は言われる。わたしはこの所に繁栄を与えると、万軍の主は言われる』」。
10 Sa ikadalawampu't apat na araw ng ikasiyam na buwan, sa ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ni Hagai, ang propeta at sinabi,
ダリヨスの二年の九月二十四日に、主の言葉が預言者ハガイに臨んだ、
11 “Ganito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Tanungin mo ang mga pari tungkol sa kautusan, at sabihin mo:
「万軍の主はこう言われる、律法について祭司たちに尋ねて言え、
12 Kung magdadala ang isang tao ng isang karne na naitalaga kay Yahweh sa laylayan ng kaniyang damit, at kung masagi ng laylayan ng kaniyang damit ang tinapay o sabaw, alak o langis, o anumang pagkain, magiging banal din ba ang mga pagkaing iyon?” Sumagot ang mga pari at sinabi, “Hindi.”
『人がその衣服のすそで聖なる肉を運んで行き、そのすそがもし、パンまたはあつもの、または酒、または油、またはどんな食物にでもさわったなら、それらは聖なるものとなるか』と」。祭司たちは「ならない」と答えた。
13 Pagkatapos, sinabi ni Hagai, “Kung masagi ng isang taong marumi dahil sa patay ang alinman sa mga bagay na ito, magiging marumi ba ang mga ito? Sumagot ang mga pari at sinabi, “Oo, magiging marumi ang mga ito.”
ハガイはまた言った、「もし、死体によって汚れた人が、これらの一つにさわったなら、それは汚れるか」。祭司たちは「汚れる」と答えた。
14 Kaya sumagot si Hagai at sinabi, “'Gayon din ang mga taong ito at ang bansa na nasa aking harapan! —ito ang pahayag ni Yahweh—'at maging ang lahat ng mga bagay na ginawa ng kanilang mga kamay: ang kanilang mga inialay sa akin ay marumi.
そこで、ハガイは言った、「主は言われる、この民も、この国も、わたしの前では、そのようである。またその手のわざもそのようである。その所で彼らのささげるものは、汚れたものである。
15 Kaya ngayon, isipin ninyo mula sa araw na ito at sa mga susunod pa, bago maipatong ang alinmang bato sa isa pang bato sa templo ni Yahweh,
今、あなたがたはこの日から、後の事を思うがよい。主の宮で石の上に石が積まれなかった前、あなたがたは、どんなであったか。
16 sa tuwing pupunta ang sinuman sa kamalig para kumuha ng dalawampung sukat ng butil, sampu lamang ang mayroon, at sa tuwing pupunta ang sinuman sa pagawaan ng alak upang kumuha ng limampung sukat ng alak, dalawampu lamang ang mayroon.
あの時には、二十枡の麦の積まれる所に行ったが、わずかに十枡を得、また五十桶をくもうとして、酒ぶねに行ったが、二十桶を得たのみであった。
17 Pinahirapan ko kayo at ang lahat ng gawa ng inyong mga kamay sa pamamagitan ng pagkabulok at pagkaaamag, ngunit hindi pa rin kayo bumalik sa akin'-ito ang pahayag ni Yahweh.
わたしは立ち枯れと、腐り穂と、ひょうをもってあなたがたと、あなたがたのすべての手のわざを撃った。しかし、あなたがたは、わたしに帰らなかったと主は言われる。
18 Isipin ninyo mula sa araw na ito at sa mga susunod na mga araw, mula sa ikadalawampu't apat na araw ng ikasiyam na buwan, mula sa araw na nailagay ang pundasyon ng templo ni Yahweh. Isipin ninyo ito!
あなたがたはこの日より後、すなわち、九月二十四日よりの事を思うがよい。また主の宮の基をすえた日から後の事を心にとめるがよい。
19 Mayroon pa bang mga binhi sa kamalig? Ang puno ng ubas, ang puno ng igos, ang granada, at ang puno ng olibo ay walang bunga! Ngunit pagpapalain ko kayo mula sa araw na ito!'”
種はなお、納屋にあるか。ぶどうの木、いちじくの木、ざくろの木、オリブの木もまだ実を結ばない。しかし、わたしはこの日から、あなたがたに恵みを与える」。
20 At sa pangalawang pagkakataon muling dumating kay Hagai ang salita ni Yahweh sa ikadalawampu't apat na araw ng buwan at sinabi
この月の二十四日に、主の言葉がふたたびハガイに臨んだ、
21 “Makipagusap ka sa gobernador ng Juda, kay Zerubabel at sabihin mo, 'Yayanigin ko ang kalangitan at ang lupa.
「ユダの総督ゼルバベルに告げて言え、わたしは天と地を震う。
22 Sapagkat pababagsakin ko ang trono ng mga kaharian at sisirain ko ang kalakasan ng mga kaharian ng bansa, pababagsakin ko ang kanilang mga karwahe at ang mga mangangarwahe nito. Ang mga kabayo at mga mangangabayo ay malalaglag ang bawat isa dahil sa espada ng kaniyang kapatid.
わたしは国々の王位を倒し、異邦の国々の力を滅ぼし、また戦車、およびこれに乗る者を倒す。馬およびこれに乗る者は、たがいにその仲間のつるぎによって倒れる。
23 Sa araw na iyon'—ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo—' kukunin kita Zerubabel anak ni Sealtiel bilang aking lingkod'- Ito ang pahayag ni Yahweh. Gagawin kitang tulad ng isang selyo sa aking singsing, sapagkat ikaw ang aking pinili! -ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo!”
万軍の主は言われる、シャルテルの子、わがしもべゼルバベルよ、主は言われる、その日、わたしはあなたを立て、あなたを印章のようにする。わたしはあなたを選んだからであると、万軍の主は言われる」。