< Habacuc 1 >
1 Ang pahayag na tinanggap ni propetang Habakuk:
哈巴谷先知在神視中所得的神諭。
2 “Yahweh, hanggang kailan ako dapat humingi ng tulong, at hindi mo pakikinggan? Sumisigaw ako sa iyo dahil sa matinding takot, 'Karahasan!' ngunit hindi mo ako ililigtas!
上主,我呼救而你不予垂聽,要到何時﹖向你呼喊「殘暴」,而你仍不施救﹖
3 Bakit mo ipinapakita sa akin ang kasamaan at ipinamamasid ang maling gawain? Pagkawasak at karahasan ang nasa aking harapan; may alitan, at pagtatalong nabubuo!
為什麼你仗我見到邪惡,人受壓迫,而你竟坐視﹖在我面前,只有壓害和殘暴,爭吵不休,辯論迭起。
4 Kaya ang kautusan ay humina, at ang katarungan ay hindi na umiiral. Dahil pinalibutan ng masama ang matuwid; kaya hindi totoong katarungan ang lumalabas.” Tumugon si Yahweh kay Habakuk.
為此法律鬆馳,正義不彰,惡人包圍了義人,因而產生歪曲的審判。
5 “Tingnan mo ang mga bansa at suriin ang mga ito; magtaka at mamangha! Sapagkat tinitiyak ko na mayroon akong gagawin sa mga araw mo na hindi mo paniniwalaan kapag ito ay ibinalita sa iyo.
你們應觀察列邦,且應注意視,你們必要詑異驚奇,因在你們的日子內,我要做一件事,縱然有人述說,你們也不相信。
6 Sapagkat tingnan mo! Ibabangon ko ang mga Caldeo—ang malupit at marahas na bansa—sila ay lumalakad sa buong kaluwangan ng lupain upang sakupin ang mga tahanan na hindi sa kanila.
看,我要激起加色丁人──那殘暴凶猛的民族,向廣大的地區進發,侵佔別人的居所。
7 (Sila) ay nakakasindak at nakakatakot; ang kanilang paghuhukom at karangyaan ay mula sa kanilang sarili!
這民族獨斷獨行,目中無人,實令人恐怖。
8 Ang kanilang mga kabayo ay mas matulin kaysa sa mga leopardo, mas mabilis kaysa sa mga lobo sa gabi! Ang kanilang mga mangangabayo ay mula sa malayo kaya ang kanilang mga kabayo ay mabilis tumakbo—lumilipad silang gaya ng agila na nagmamadaling manakmal!
他們的馬捷於虎豹,猛於夜狼;他們的馬隊由遠方飛奔而來,像撲食的老鷹;
9 Dumating silang lahat para sa karahasan, ang karamihan sa kanila ay pumunta na tulad ng hangin ng disyerto at tinitipon nila ang mga bihag na tulad ng buhangin!
大事摧殘,而面目焦燥,有如烈風;聚集的俘虜,多似塵沙。
10 Kaya kinukutya nila ang mga hari, at ang mga namumuno ay kakutyaan lang sa kanila! Tinatawanan nila ang bawat kutang tanggulan, dahil nagbubunton (sila) ng lupa at kinukuha ang mga ito!
他們嘲笑列王,譏諷諸侯,嗤笑任何堡壘只堆一堆土,即可攻下;
11 At ang hangin ay mabilis na daraan; lalampas ito—mga taong may kasalanan, (sila) na ang kanilang diyos ay ang kanilang kapangyarihan!” Nagtanong si Habakuk kay Yahweh ng isa pang katanungan.
然後鼓起勇氣向前猛進,以自己的力量為神。
12 “Hindi ba mula ka sa walang hanggan, Yahweh na aking Diyos, ang aking Banal? Hindi kami mamamatay. Itinalaga (sila) ni Yahweh para sa paghatol, at ikaw na Bato ang nagtatag sa kanila para sa pagtutuwid!
吾主,你自古不就是我的天主,我的聖者﹖你決不會死亡! 上主,你派他們來是為審判;磐石,你立定他們是為懲罰。
13 Ang iyong mga mata ay napakadalisay upang tumitig sa kasamaan, at hindi mo kayang tumingin sa maling gawain nang may pagsang-ayon; ngunit bakit ka tumingin nang may pagsang-ayon sa mga nagkakanulo? Bakit ka tahimik habang nilulunok ng mga taong masama ang mga higit na matuwid kaysa sa kanila?
你的眼睛這樣純潔,以致見不得邪惡,見不得折磨! 你為什麼垂顧背信的人﹖當惡人吞噬較他們更義的人,你又為什麼緘默﹖
14 Ginawa mong gaya ng mga isda sa dagat ang mga tao, gaya ng mga bagay na gumagapang na walang namumuno sa kanila.
你竟把人當作海裏的魚,當作沒有主宰的爬蟲!
15 Inangat silang lahat sa pamamagitan ng pamingwit, kinakaladkad nila palayo ang mga tao gamit ang mga lambat at iniipon (sila) sa kanilang lambat. Ito ang dahilan kaya (sila) ay nagagalak at sumisigaw nang masayang-masaya!
他們把所有的一切用鉤子鉤上來,用網拉上來,用罟收集起來,為此歡欣踴躍,
16 Kaya (sila) ay naghahandog sa kanilang lambat at nagsusunog ng insenso sa kanilang lambat, sapagkat ang mga pinatabang hayop ang kanilang bahagi, at ang matatabang karne ang kanilang pagkain!
向網祭獻,向罟焚香,因為給他們帶來了富裕的財物,豐美的飲食。
17 Kaya aalisin ba nila ang lahat ng laman ng kanilang lambat at ipagpapatuloy na patayin ang mga bansa, nang walang pagkahabag?”
難道因此他們就應時常倒空自己的羅,無情地屠殺萬民﹖