< Genesis 50 >
1 Pagkatapos niyakap ni Jose ang mukha ng kaniyang ama, nagdalamhati siya at hinalikan niya siya.
若瑟伏在他父親的臉上,痛哭親吻,
2 Inutusan ni Jose ang kanyang mga lingkod na manggagamot na embalsamuhin ang kanyang ama. Kaya inembalsamo ng mga manggagamot si Israel.
然後吩咐照料自己的醫生,用香料包殮他父親;醫生便用香料包殮了以色列。
3 Ginawa nila ito ng apatnapung araw, dahil iyon ang ganap na panahon ng pag-eembalsamo. Umiyak ang mga taga-Ehipto ng pitumpung araw.
為他共費了四十天,因為用香料包殮屍體原需要這些天數。埃及人為他舉哀七十天。
4 Nang matapos ang mga araw ng pag-iyak, nakipag-usap si Jose sa hukuman ng Paraon at sinabing, “Kung ngayon may nahanap akong pabor sa iyong mga mata, pakiusap, kausapin mo si Paraon, sabihing,
舉哀期一過,若瑟就向法郎的朝廷說:「我如在你們眼中得寵,請你們代我轉告法郎說:
5 'Pinanumpa ako sa aking ama, sinabing, “Tingnan mo, malapit na akong mamatay, Ilibing mo ako sa aking libingan na hinukay ko doon sa lupain ng Canaan. Doon mo ako ilibing.” Ngayon hayaan ninyo akong umakyat at ilibing ang aking ama, at pagkatapos ay babalik din ako.”
我父親曾叫我起誓,對我說:看,我快要死了! 我在客納罕地,曾為自己鑿了一個墳墓,你應把我葬在那裏。現在請讓我上去埋葬我父親,然後回來。」
6 Sumagot ang Paraon, “Lumakad ka at ilibing ang iyong ama, tulad ng ipinanumpa niya sa iyo.”
法郎回覆說:「你就照你父親令你起的誓,上去埋葬他罷! 」
7 Umakyat si Jose para ilibing ang kanyang ama. Kasama niyang umakyat ang lahat ng mga opisyal ng Paraon, ang mga tagapayo sa kanyang sambahayan, at ang lahat ng mga nakakatandang opisyal sa lupain ng Ehipto,
於是若瑟上去埋葬他父親,與他一同去的,有法郎的一切臣僕,朝廷的顯要,和埃及國所有的紳士;
8 kasama lahat ng sambahayan ni Jose at kanyang mga kapatid, at sambahayan ng kanyang ama. Pero iniwan nila ang mga bata, kanilang mga kawan, at ang kanilang mga kalipunan, sa lupain ng Gosen.
還有若瑟全家和他的兄弟們,並他父親的家屬,只留下家中幼小,羊群和家畜在哥笙地。
9 Pumunta kasama niya ang mga karwahe at mga mangangabayo. Ito ay isang napakalaking pulutong ng tao.
與他同去的,尚有車輛和騎兵:實在是一大隊行列。
10 Nang sila ay dumating sa giikan ni Atad na nasa kabilang dako ng Jordan, sila ay nagluksa ng napakatindi at napakalungkot na pagdadalamhati. Doon si Jose ay nagluksa ng pitong araw para sa kanyang ama.
當他們到了約但河對岸的阿塔得打禾場,就在那裏舉行了極備哀榮的隆重喪禮;若瑟又為自己的父親舉哀了七天。
11 Nang nakita ng mga nananahan sa lupaing yaon, ng mga Cananeo, ang pagluluksa sa giikan ni Atad, kanilang sinabi, “Ito ay isang napakalungkot na pagluluksa ng mga Ehipto.” Kaya ang pangalang itinawag sa lugar na iyon ay Abel-Mizraim, na nasa kabilang dako ng Jordan.
住在當地的客納罕人見了阿塔得打禾場上的喪禮,就說:「這為埃及人實是一場極備哀榮的喪禮。」因而給那在約但對岸的地方,起名叫阿貝耳米茲辣殷。
12 Kaya ginawa ng kanyang mga anak kay Jacob ang ayon sa inihabilin niya sa kanila.
雅各伯的兒子們完全照他們的父親所吩咐的給他辦了:
13 Dinala siya ng kanyang mga anak sa lupain ng Canaan at inilibing siya sa kuweba sa bukid ng Macpela, malapit sa Mamre. Binili ni Abraham ang kuweba na may bukid para maging lugar na paglilibingan. Binili niya ito kay Ephron na Hetheo.
將他運到客納罕地,葬在面對瑪默勒的瑪革培拉田裏的山洞內;這塊田是亞巴郎由赫特人厄斐龍買了來作為私有墳地。
14 Matapos niyang ilibing ang kanyang ama, bumalik si Jose patungong Ehipto, siya, kasama ang kanyang mga kapatid na lalaki, siya, at lahat ng sumama sa kaniya sa paglilibing sa kanyang ama.
若瑟葬了父親以後,遂和他兄弟們,以及所有與他上來埋葬他父親的人們,返回了埃及。
15 Nang nakita ng mga kapatid na lalaki ni Jose na ang kanilang ama ay patay na, sinabi nila, “Paano kung si Jose ay may dinadala pang sama ng loob at nais niyang pagbayarin tayo ng buo para sa lahat ng kasamaan na ginawa natin sa kanya?”
若瑟的兄弟們見父親已死,就說:「或者若瑟仍懷恨我們,要報復我們對他所行的一切惡事。」
16 Kaya nagpadala sila ng mensahe kay Jose, na nagsasabing, “Nagbigay ng mga tagubilin ang iyong ama bago siya mamatay, na nagsasabing.
因此便派人去見若瑟說:「你父親未死以前曾囑咐說:
17 'Ganito ang sabihin ninyo kay Jose, “Pakiusap patawarin mo ang kasalanan ng iyong mga kapatid at ang kamalian na kanilang nagawa nang pinagmalupitan ka nila.” Ngayon pakiusap patawarin mo ang mga lingkod ng Diyos ng iyong ama. Si Jose ay umiyak nang dinala ang mensahe sa kanila.
你們要這樣對若瑟說:請你務必饒恕你兄弟們的過失和罪惡,因為他們實在虐待了你。現在,求你饒恕你父親的天主的僕人們的過失罷! 」若瑟聽他們對他說出這樣的話,就哭了起來。
18 Nagpunta rin ang kanyang mga kapatid na lalaki at nagpatirapa sa harap niya. Sinabi nila, “Tingnan mo, kami ay iyong mga lingkod.”
後來他的兄弟們還親自來,俯伏在他面前說:「看,我們都是你的奴隸! 」
19 Pero sinagot sila ni Jose, “Huwag kayong matakot. Nasa lugar ba ako ng Diyos?
若瑟對他們說:「不要害怕! 我豈能替代天主﹖
20 At para sa inyo, ninais niyo na ipahamak ako, pero ninais ng Diyos ito para sa kabutihan, para pag-ingatan ang buhay ng maraming tao, gaya ng nakikita ninyo ngayon.
你們原有意對我作的惡事,天主卻有意使之變成好事,造成了今日的結果:挽救了許多人民的性命。
21 Kaya ngayon huwag kayong matakot. Paglalaanan ko kayo at ang inyong mga anak.” Inaliw niya sila sa paraang ito at nakipag-usap ng may kagandahang-loob sa kanila.
所以,你們不必害怕,有我維持你們和你們的孩子。」他這樣撫慰他們,使他們安心。
22 Nanirahan si Jose sa Ehipto, kasama ng sambahayan ng kanyang ama. Nabuhay siya ng isandaan at sampung taon.
若瑟和他父親的家屬,以後就住在埃及。若瑟活到了一百一十歲,
23 Nakita ni Jose ang mga anak ni Efraim hanggang sa ikatlong salinlahi. Nakita niya rin ang mga anak ni Makir na anak ni Manases. Sila ay “ipinanganak sa kanyang mga tuhod.”
見到了厄弗辣因的第三代子孫;默納協的兒子瑪基爾的兒子們,也都生在若瑟的膝下。
24 Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid, “Malapit na akong mamatay; pero tiyak na pupuntahan kayo ng Diyos at pangungunahan kayo palabas ng lupaing ito papunta sa lupain na kanyang ipinangakong ibibigay kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob.”
若瑟對自己的兄弟們說:「我快要死了;但天主要看顧你們,領你們由這地回到他誓許給亞巴郎、依撒格和雅各伯的地方去。」
25 Pagkatapos ipinasumpa ni Jose ang mga anak ni Israel. Sinabi niya, “Tiyak na pupuntahan kayo ng Diyos. Sa panahong iyon kailangan ninyong dalhin ang aking mga buto mula rito.”
若瑟又叫以色列的兒子們起誓說「當天主看顧你們時,你們應將我的骨骸由這裏帶回去。」
26 Kaya namatay si Jose sa gulang na isandaan at sampung taon. Pagkatapos siyang embalsamuhin, siya ay inilagay nila sa isang kabaong sa Ehipto.
若瑟死了,享壽一百一十歲。人遂用香料包殮了他,放在棺墎內,安厝在埃及。