< Genesis 49 >
1 Pagkatapos tinawag ni Jacob ang kanyang mga anak na lalaki, at sinabi: “Magsama-sama kayo, para sabihin ko kung ano ang mangyayari sa inyo sa hinaharap.
Derpaa kaldte Jakob sine Sønner til sig og sagde: »Saml eder, saa vil jeg forkynde eder, hvad der skal hændes eder i de sidste Dage:
2 Magpulong kayo at makinig, kayong mga anak na lalaki ni Jacob. Makinig kayo kay Israel, ang inyong ama.
Kom hid og hør, Jakobs Sønner, lyt til eders Fader Israel!
3 Ruben, ikaw ang aking panganay, aking lakas, at ang simula ng aking kalakasan, katangi-tangi ang dangal at katangi-tangi ang kapangyarihan.
Ruben, du er min førstefødte, min Styrke og min Mandskrafts første, ypperst i Højhed, ypperst i Kraft!
4 Katulad ng hindi mapipigilan na matuling agos ng tubig, hindi ka magkakaroon ng katanyagan, dahil sumampa ka sa kama ng iyong ama. Dinungisan mo ito; sumampa ka sa aking higaan.
Du skummer over som Vandet, men du mister din Forret; thi du besteg din Faders Leje. Skændigt handled du da han besteg mit Leje!
5 Sina Simeon at Levi ay magkapatid. Mga armas na marahas ang kanilang mga tabak.
Simeon og Levi, det Broder Par, Voldsredskaber er deres Vaaben.
6 O aking kaluluwa, huwag kayong pumunta sa kanilang konseho, huwag kayong makiisa sa kanilang pagpupulong, dahil labis ang karangalan ng aking puso para dito. Papatay sila ng mga tao dahil sa kanilang galit. Pipilayan nila ang baka para sa kanilang kasiyahan.
I deres Raad giver min Sjæl ej Møde, i deres Forsamling tager min Ære ej Del; thi i Vrede dræbte de Mænd, egenraadigt lamslog de Okser.
7 Nawa sumpain ang kanilang galit, dahil ito ay mabagsik—at ang kanilang matinding galit, dahil ito ay malupit. Hahatiin ko sila kay Jacob at ikakalat ko sila sa Israel.
Forbandet være deres Vrede, saa vild den er, deres Hidsighed, saa voldsom den er! Jeg spreder dem i Jakob, splitter dem ad i Israel!
8 Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid na lalaki. Ang iyong kamay ay nasa leeg ng iyong mga kaaway. Yuyuko sa iyo ang mga anak na lalaki ng iyong ama.
Juda, dig skal dine Brødre prise, din Haand skal gribe dine Fjender i Nakken, din Faders Sønner skal bøje sig for dig.
9 Si Juda ay isang batang leon. Anak ko, tapos ka na sa iyong mga biktima. Yumuko siya, yumukod siya katulad ng leon, katulad ng leona. Sino ang hahamon na gisingin siya?
En Løveunge er Juda. Fra Rov stiger du op, min Søn! Han ligger og strækker sig som en Løve, ja, som en Løvinde, hvo tør vække ham!
10 Hindi mawawala ang setro sa Juda, kahit ang tungkod ng pinuno mula sa pagitan ng kanyang mga paa, hanggang dumating ang Silo. Susunod ang mga bansa sa kanya.
Ikke viger Kongespir fra Juda, ej Herskerstav fra hans Fødder, til han, hvem den tilhører; kommer, ham skal Folkene lyde.
11 Pagkatali ng kanyang batang kabayo sa puno ng ubas at ng batang asno sa piling puno ng ubas, nilabhan niya ang kanyang mga kasuotan ng alak at ang kanyang balabal sa dugo ng mga ubas.
Han binder sit Æsel ved Vinstokken, ved Ranken Asenindens Fole, tvætter i Vin sin Kjortel, sin Kappe i Drueblod,
12 Ang mata niya ay magiging kasing itim ng alak, at ang kanyang ngipin ay kasing puti ng gatas.
med Øjnene dunkle af Vin og Tænderne hvide af Mælk!
13 Titira si Zebulon sa tabing-dagat. Magiging daungan siya ng mga barko at aabot ang kanyang hangganan sa Sidon.
Zebulon har hjemme ved Havets Kyst, han bor ved Skibenes Kyst, hans Side er vendt mod Zidon.
14 Malakas na asno si Isacar na nakahiga sa gitna ng tupahan.
Issakar, det knoglede Æsel, der strækker sig mellem Foldene,
15 Nakakakita siya ng mabuting lugar na pagpahingahan at kaaya-ayang lupain. Iyuyukod niya ang kanyang balikat para pumasan at naging isang alipin para sa tungkulin.
fandt Hvilen sød og Landet lifligt; derfor bøjed han Ryg under Byrden og blev en ufri Træl.
16 Hahatulan ni Dan ang kanyang mga tao bilang isa sa mga lipi ng Israel.
Dan dømmer sit Folk saa godt som nogen Israels Stamme.
17 Magiging tulad ng ahas si Dan sa gilid ng daan, isang nakalalasong ahas sa daan na nanunuklaw ng mga sakong ng kabayo, upang mahulog ng patalikod ang kanyang sakay.
Dan blive en Slange ved Vejen, en Giftsnog ved Stien, som bider Hesten i Hælen, saa Rytteren styrter bagover! —
18 Maghihintay ako sa iyong pagliligtas, Yahweh.
Paa din Frelse bier jeg, HERRE!
19 Si Gad—lulusubin siya ng mga mananalakay, pero sasalakay siya sa kanilang mga sakong.
Gad, paa ham gør Krigerskarer Indhug, men han gør Indhug i Hælene paa dem.
20 Magiging masagana ang pagkain ni Aser, at magbibigay siya ng mga pagkain sa maharlika.
Aser, hans Føde er fed, Lækkerier for Konger har han at give.
21 Si Nephtali ay isang malayang babaeng usa; magkakaroon siya ng magandang mumunting mga usa.
Naftali er en løssluppen Hind, han fremfører yndig Tale.
22 Si Jose ay magiging mabungang sanga, isang mabungang sanga malapit sa batis at aakyat sa pader ang mga sanga.
Et yppigt Vintræ er Josef, et yppigt Vintræ ved Kilden, Ranker slynger sig over Muren.
23 Lulusubin siya, papanain at guguluhin ng mga namamana.
Bueskytter fejder imod ham, strides med ham, gør Angreb paa ham,
24 Pero mananatili ang kanyang pana, at magiging dalubhasa ang kanilang mga kamay dahil sa mga kamay ng Makapangyarihan kay Jacob, dahil sa pangalan ng Pastol, at ang Bato ng Israel.
men hans Bue er stærk, hans Hænders Arme rappe; det kommer fra Jakobs Vældige, fra Hyrden, Israels Klippe,
25 Dahil ang Diyos ng iyong ama, na siyang tutulong sa iyo, at dahil sa makapangyarihang Diyos na siyang magbabasbas sa iyo ng pagpapala sa kalangitan, mga pagpapala sa kailaliman na nasa ibaba, mga pagpapala sa mga dibdib at sinapupunan.
fra din Faders Gud — han hjælpe dig! Og Gud den Almægtige, han velsigne dig med Himmelens Velsignelser oventil og Dybets Velsignelser nedentil, med Brysters og Moderlivs Velsignelser!
26 Mas malaki pa ang mga pagpapala ng iyong ama kaysa sa mga sinaunang bundok o kanais-nais na mga bagay ng walang hanggang mga burol. Sila ay nasa ulo ni Jose, pagpapala na kokorona sa ulo ng isang prinsipe na nakakataas sa kanyang mga kapatid.
Din Faders Velsignelser overgaar de ældgamle Bjerges Velsignelser, de evige Højes Herlighed. Maatte de komme over Josefs Hoved, over Issen paa Fyrsten blandt Brødre!
27 Gutom na lobo si Benjamin. Lalamunin niya ang kanyang nahuli sa umaga, at hahatiin niya ang mga nakaw sa gabi.”
Benjamin, den rovlystne Ulv, om Morgenen æder han Rov, om Aftenen deler han Bytte!«
28 Ito ang mga labindalawang lipi ng Israel. Ito ang sinabi ng kanilang ama nang sila ay pinagpala niya. Bawat isa ay pinagpala niya ng nararapat na pagpapala.
Alle disse er Israels Stammer, tolv i Tal, og det var, hvad deres Fader talte til dem, og han velsignede dem, hver især af dem gav han sin særlige Velsignelse.
29 Tinuruan niya sila at sinabihang, “Ako nga ay pupunta na sa aking mga tao. Ilibing ninyo ako kasama ng aking mga ninuno sa kuweba na nasa bukid ni Efron ang Heteo,
Og han sagde til dem som sin sidste Vilje: »Nu samles jeg til mit Folk; jord mig da hos mine Fædre i Hulen paa Hetiten Efrons Mark,
30 sa kuweba na nasa bukid ng Macpela, na malapit sa Mamre sa lupain ng Canaan, ang bukid na binili ni Abraham kay sa Efron ang Heteo para maging libingan.
i Hulen paa Makpelas Mark over for Mamre i Kana'ans Land, den Mark, som Abraham købte af Hetiten Efron til Gravsted,
31 Doon inilibing si Abraham at Sara na kanyang asawa; inilibing nila roon si Isaac at Rebeca na kanyang asawa; at inilibing ko roon si Lea.
hvor de jordede Abraham og hans Hustru Sara, hvor de jordede Isak og hans Hustru Rebekka, og hvor jeg jordede Lea.
32 Binili ang bukid at ang kuweba rito mula sa mga Heth.”
Marken og Hulen derpaa blev købt af Hetiterne.«
33 Nang matapos ni Jacob ang kanyang mga tagubilin sa kanyang mga anak na lalaki, iniunat niya ang kanyang mga paa sa kama at inihinga ang huling hininga, at pumunta sa kanyang mga tao.
Dermed havde Jakob givet sine Sønner sin Vilje til Kende, og han strakte sine Fødder ud paa Lejet, udaandede og samledes til sin Slægt.