< Genesis 45 >

1 Pagkatapos hindi nakapagpigil si Jose sa kanyang sarili sa harapan ng lahat ng mga lingkod na nakatayo sa kanyang tabi. Sinabi niya ng malakas, “Iwanan ninyo akong lahat.” Kaya walang lingkod na nakatayo sa tabi niya nang siya ay nagpakilala sa kanyang mga kapatid na lalaki.
Joseph was not able to control his feelings any longer. He did not want to cry in front of his servants, so he said to them loudly, “All of you go outside!” After they went outside, there was no one else there with Joseph when he told his brothers who he was.
2 Umiyak siya ng malakas, narinig ito ng mga taga-Ehipto at ang tahanan ng Paraon ay nakarinig ito.
He cried so loudly that the people of Egypt who were outside heard it, and even the people in the king’s palace heard it.
3 Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid na lalaki, “Ako si Jose. Buhay pa ba ang aking ama?” Ang kanyang mga kapatid na lalaki ay hindi makasagot sa kanya, sapagkat sila ay nabigla sa kanyang presensiya.
Joseph said to his brothers, “I am Joseph! Is our father still alive?” But his brothers were not able to reply, because they were frightened because of what he said.
4 Pagkatapos sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid na lalaki, “Pakiusap, lumapit kayo sa akin.” Lumapit sila. Sinabi niya, “Ako si Jose ang inyong kapatid na lalaki, na inyong ipinagbili sa Ehipto.
Then Joseph said to his brothers, “Come close to me!” When they came closer, he said, “I am your brother Joseph! I am the one you sold to traders who brought me here to Egypt!
5 At ngayon huwag kayong magdalamhati o magalit sa inyong mga sarili na ipinagbili ninyo ako dito, sapagkat nauna na akong ipinadala ng Diyos sa inyo upang pangalagaan ang buhay ninyo.
But now, do not be distressed, and do not be angry with yourselves for having sold me to people who brought me here, because it was to save you from dying [because of the famine] that God sent me here ahead of you.
6 Nasa tagtuyot ang lupain nitong mga dalawang taon at magkakaroon pa nang limang dagdag na mga taon na walang pag-aararo o walang ani.
There has been a famine in this country for two years, and it will continue for five more years, so that no one will plow ground, and there will be no crops to harvest.
7 Nauna na akong ipinadala ng Diyos sa inyo upang pangalagaan kayo bilang mga nalalabi dito sa mundo at nang mapanatili kayong buhay sa pamamagitan ng dakilang kaligtasan.
But God sent me here ahead of you, to keep you from starving, and to make sure that your descendants will survive.
8 Kaya ngayon, hindi kayo ang nagpadala sa akin dito kung hindi ang Diyos, at ginawa niya akong ama ng Paraon, amo ng lahat ng kanyang tahanan, at pinuno ng lahat ng lupain sa Ehipto.
Therefore, it was not you who sent me here; it was God who sent me here! He has caused me to become like a father to the king. I am in charge of everything in his palace and the governor of everyone in Egypt!
9 Magmadali kayo at umakyat patungo sa aking ama at sabihin sa kanya 'Ito ang sinabi ng inyong anak na si Jose, ginawa ako ng Diyos na amo ng buong Ehipto. Bumaba ka dito sa akin at huwag mag-atubili.
Now return to my father quickly, and say to him, ‘This is what your son Joseph says: “God has caused me to become the governor over the whole land of Egypt. Come down to me immediately!
10 Maninirahan ka sa lupain ng Gosen at nang ikaw ay mapalapit sa akin, ikaw at ang iyong mga anak at ang mga anak ng iyong mga anak, at ang iyong mga hayop at ang iyong mga baka, at ang lahat ng nasa iyo.
You can live in the Goshen region. You and your children and your grandchildren, your sheep and goats and cattle, and everything that you own, will be near me.
11 Tutustusan kita doon sapagkat mayroon pang limang mga taon na tagtuyot upang hindi ka humantong sa kahirapan, ikaw, ang iyong tahanan, at ang lahat ng nasa iyo.'
Since there will be five more years of famine, I will make sure that you have food. If you do not come here, you and your family and all of your servants will starve. [EUP]”’
12 Tingnan ninyo, nakikita ng inyong mga mata, at mga mata ng aking kapatid na lalaki na si Benjamin, na itong aking bibig ang nakikipag-usap sa inyo.
“Look closely, and all of you can see, including my brother Benjamin, that it is really I, Joseph, who am speaking to you.
13 Sasabihin ninyo sa aking ama ang tungkol sa lahat ng aking kapangyarihan sa Ehipto, at ang lahat ng inyong mga nakita. Magmamadali kayo at dalhin ang aking ama dito.”
Go and tell my father about how greatly I am honored here in Egypt. And tell him about everything else that you have seen. And bring my father down here quickly!”
14 Niyakap niya ang kanyang kapatid na si Benjamin sa leeg at umiyak, at si Benjamin ay umiyak sa kanyang leeg.
Then he threw his arms around his [younger] brother Benjamin’s neck and cried. And Benjamin hugged him and cried.
15 Hinagkan niya ang lahat ng kanyang mga lalaking kapatid at umiyak sa kanila. Pagkatapos noon nakipag-usap sa kanya ang kanyang mga kapatid na lalaki.
And then as he kissed his older brothers [on their cheeks], he cried. After that, his brothers started to talk with him.
16 Ang balita tungkol dito ay sinabi sa bahay ng Paraon: “Dumating ang mga lalaking kapatid ni Jose.” Ito ay labis na ikinalugod ng Paraon at ng kanyang mga lingkod.
Someone went to the palace and told the news that Joseph’s brothers had come. The king and all his officials were pleased.
17 Sinabi ng Paraon kay Jose, “Sabihin mo sa iyong mga lalaking kapatid, 'Gawin ito: lagyan ninyo ang inyong mga hayop at pumunta sa lupain ng Canaan.
The king said to Joseph, “Tell your brothers this: ‘Put loads of grain on your animals and return to the Canaan region.
18 Kunin ninyo ang inyong ama at ang inyong mga sambahayan at pumunta sa akin. Ibibigay ko sa inyo ang kasaganahan ng lupain ng Ehipto, at kakainin ninyo ang taba ng lupain.'
Then bring your father and your families back here. I will give you the best land in Egypt, and you will have the best food in the land to eat.’
19 Kayo ngayon ay inuutusan ko kayo 'Gawin ninyo ito, kumuha kayo ng mga karitela mula sa lupain ng Ehipto para sa inyong mga anak at mga asawa. Kunin ninyo ang inyong ama at pumarito.
“Also tell this to your brothers: ‘Take some carts from Egypt to carry your children and your wives, and get them and your father and come back here quickly.
20 Huwag na kayong mag-alala tungkol sa inyong mga ari-arian, sapagkat sa inyo na ang kasaganahan ng lahat ng lupain sa Ehipto.'”
Do not worry about bringing your possessions, because the best things in Egypt will be yours. Because of that, you will not need to bring any of your things from Canaan.’”
21 Ginawa ito ng mga anak ni Israel. Binigayan sila ni Jose ng mga karitela, ayon sa utos ng Paraon at binigyan sila ng mga panustos para sa paglalakbay.
Jacob’s sons did what the king suggested. Joseph gave them carts and food to eat along the way, as the king had ordered.
22 Sa kanilang lahat nagbigay siya sa bawat tao ng mga pampalit na damit, ngunit kay Benjamin nagbigay siya ng tatlong daang mga piraso ng pilak at limang mga pampalit na damit.
To each of them he gave new clothes, but he gave 300 pieces of silver and five sets of new clothes to Benjamin!
23 Ito ang kanyang ipinadala para sa kanyang ama: Sampung mga asno na may kargang magandang mga kagamitan ng Ehipto, at sampung babaeng mga asno na may karga na mga butil, tinapay, at iba pang mga gamit para sa kanilang ama para sa paglalakbay.
And this is what he sent to his father: Ten male donkeys, loaded with some of the best goods that come from Egypt, and ten female donkeys loaded with grain and bread and other food for his father’s trip to Egypt.
24 Kaya pinadala niya ng papalayo ang kanyang mga lalaking kapatid at sila ay umalis. Sinabi niya sa kanila, “Tiyakin ninyo na huwag kayong mag-aaway sa paglalakbay”.
Then he sent his brothers on their way, saying to them “Do not quarrel along the way!”
25 Umalis sila mula sa Ehipto at dumating sa lupain ng Canaan, kay Jacob na kanilang ama.
So they left Egypt and came to their father Jacob in Canaan.
26 Sinabi nila sa kaniya, “Buhay pa si Jose at siya ang namumuno sa buong lupain ng Ehipto”. At ang kanyang puso ay namangha, sapagkat hindi niya sila pinaniniwalaan.
One of them told him, “Joseph is still alive! In fact, he is the governor over all of Egypt!” Jacob was extremely astonished; he could not believe that it was true.
27 Sinabi nila sa kanya ang lahat ng mga salita ni Jose na kanyang sinabi sa kanila. Muling nabuhay ang espiritu ni Jacob na kanilang ama nang makita ni Jacob ang mga karitela na ipinadala ni Jose na magdadala sa kanya,
But they told him everything that Joseph had said to them, and Jacob saw the carts that Joseph had sent to carry him and his family and possessions to Egypt. Then their father Jacob’s shock ended.
28 Sinabi ni Israel, “Sapat na ito. Buhay pa ang aking anak na si Jose. Pupunta ako at makikipagkita sa kanya bago ako mamatay.”
He said, “What you have said is enough to convince me! My son Joseph is still alive, and I will go and see him before I die!”

< Genesis 45 >