< Genesis 44 >
1 Inatasan ni Jose ang katiwala ng kanyang bahay, sinabing, “Punuin mo ang sako ng mga lalaki ng pagkain, hangga't sa makakaya nilang buhatin, at ilagay ang bawat pera ng lalaki sa ibabaw ng kanyang sako.
He commanded the steward of his house, saying, “Fill the men’s sacks with food, as much as they can carry, and put each man’s money in his sack’s mouth.
2 Ilagay ang aking baso, ang pilak na baso, sa ibabaw ng sako ng bunso, at ganoon din ang kanyang pera para sa butil.” Ginawa ng katiwala ang sinabi ni Jose.
Put my cup, the silver cup, in the sack’s mouth of the youngest, with his grain money.” He did according to the word that Joseph had spoken.
3 Nang nagbubukang-liwayway na, at ang mga lalaki ay pinaalis na, sila at ang kanilang mga asno.
As soon as the morning was light, the men were sent away, they and their donkeys.
4 Nang sila ay nakalabas sa lungsod subalit hindi pa nakakalayo, sinabi ni Jose sa kanyang katiwala, “Tumayo ka, sundan mo ang mga lalaki, at kung maabutan mo sila, sabihin mo sa kanila, 'Bakit ninyo sinuklian ng kasamaan ang kabutihan?
When they had gone out of the city, and were not yet far off, Joseph said to his steward, “Up, follow after the men. When you overtake them, ask them, ‘Why have you rewarded evil for good?
5 Hindi ba ito ang baso mula sa iniinuman ng aking amo, at ang baso na ginagamit niya para sa kanyang panghuhula? Gumawa kayo ng masama, ang bagay na ito na inyong ginawa.”'
Isn’t this that from which my lord drinks, and by which he indeed divines? You have done evil in so doing.’”
6 Naabutan sila ng katiwala at sinabi ang mga salitang ito sa kanila.
He overtook them, and he spoke these words to them.
7 Sinabi nila sa kanya, “Bakit po sinasabi ng aking amo ang ganitong mga salita? Malayong gawin ng inyong mga lingkod ang bagay na iyan.
They said to him, “Why does my lord speak such words as these? Far be it from your servants that they should do such a thing!
8 Tingnan ninyo, ang pera na nakita sa aming mga sako, ay muli naming dinala sa inyo sa labas ng lupain ng Canaan. Paano naman namin nanakawin mula sa tahanan ng inyong amo ang pilak o ginto?
Behold, the money, which we found in our sacks’ mouths, we brought again to you out of the land of Canaan. How then should we steal silver or gold out of your lord’s house?
9 Kung sinuman sa inyong lingkod ang makitaan, hayaan mo siyang mamatay, at kami rin ay magiging mga alipin ng aming amo.”
With whomever of your servants it is found, let him die, and we also will be my lord’s slaves.”
10 Sinabi ng katiwala, “Ngayon rin hayaang magkaganoon ayon sa iyong mga salita. Siya na mahanapan ng baso ay magiging alipin ko, at ang iyong mga kapatid ay mapapawalangsala.”
He said, “Now also let it be according to your words. He with whom it is found will be my slave; and you will be blameless.”
11 At nagmamadali ang bawat lalaki at dinala ang kanilang sako pababa sa lupa, at binuksan ng bawat lalaki ang kanilang mga sako.
Then they hurried, and each man took his sack down to the ground, and each man opened his sack.
12 Naghanap ang katiwala. Nagsimula siya sa pinaka-panganay at natapos sa bunso, at nahanap ang baso sa sako ni Benjamin.
He searched, beginning with the oldest, and ending at the youngest. The cup was found in Benjamin’s sack.
13 Pagkatapos pinunit nila ang kanilang mga damit. Nilagay ng bawat lalaki ang kanilang asno at bumalik sa lungsod.
Then they tore their clothes, and each man loaded his donkey, and returned to the city.
14 Si Juda at ang kanyang mga kapatid ay pumunta sa tahanan ni Jose. Siya ay nanatili pa roon, at sila'y yumuko sa lupa sa harapan nito.
Judah and his brothers came to Joseph’s house, and he was still there. They fell on the ground before him.
15 Sinabi ni Jose sa kanila, “Ano itong ginagawa ninyo? Hindi ba ninyo alam na ang lalaking tulad ko ay bihasa sa panghuhula?”
Joseph said to them, “What deed is this that you have done? Don’t you know that such a man as I can indeed do divination?”
16 Sinabi ni Juda, “Ano ang maari naming sabihin sa inyo aming amo? O kaya, paano namin maipagtatanggol ang aming sarili? Nalaman ng Diyos ang kasalanan ng iyong mga lingkod. Tingnan ninyo, kami ay alipin na ng aming amo, kami at siyang nahanapan ng baso.”
Judah said, “What will we tell my lord? What will we speak? How will we clear ourselves? God has found out the iniquity of your servants. Behold, we are my lord’s slaves, both we and he also in whose hand the cup is found.”
17 Sinabi ni Jose, “Malayong gawin ko iyan. Ang lalaking nahanapan ng baso sa kanyang kamay, ang lalaking iyon rin ang magiging alipin ko, subalit ang mga iba ay makakauwi na ng mapayapa sa inyong ama.”
He said, “Far be it from me that I should do so. The man in whose hand the cup is found, he will be my slave; but as for you, go up in peace to your father.”
18 Pagkatapos lumapit si Juda sa kanya at sinabing, “Aking amo pakiusap, pahintulutan po ninyo akong makapagsalita sa pandinig ng aking amo, at huwag hayaang umapoy sa galit laban sa iyong alipin, sapagkat katulad ka ni Paraon.
Then Judah came near to him, and said, “Oh, my lord, please let your servant speak a word in my lord’s ears, and don’t let your anger burn against your servant; for you are even as Pharaoh.
19 Ang aking amo ay nagtanong sa kanyang mga lingkod, sinasabing, 'Mayroon pa ba kayong ama o kapatid?
My lord asked his servants, saying, ‘Have you a father, or a brother?’
20 At sinabi namin sa aming amo, 'Mayroon kaming matandang ama, at anak niya sa kanyang katandaan, isang bunso. At patay na ang kanyang kuya, at siya ay nag-iisa na lamang na naiwan mula sa kanyang ina, at mahal na mahal siya ng kanyang ama.'
We said to my lord, ‘We have a father, an old man, and a child of his old age, a little one; and his brother is dead, and he alone is left of his mother; and his father loves him.’
21 At sinabi mo sa iyong mga lingkod, 'Dalhin ninyo siya rito sa akin para makita ko siya.'
You said to your servants, ‘Bring him down to me, that I may set my eyes on him.’
22 At sinabi namin sa aming amo, 'Hindi kayang iwan ng bata ang kanyang ama. Sapagkat kung iiwan niya ang kaniyang ama ikamamatay ito ng kanyang ama.'
We said to my lord, ‘The boy can’t leave his father, for if he should leave his father, his father would die.’
23 At sinabi mo sa iyong mga lingkod, 'Kung hindi ninyo kasama pababa ang bunso ninyong kapatid, hindi na ninyo muli makikita ang aking mukha.'
You said to your servants, ‘Unless your youngest brother comes down with you, you will see my face no more.’
24 At nangyari nga nang kami ay nakabalik sa aking ama na iyong mga lingkod, isinalaysay namin sa kanya ang mga salita ng aming amo.
When we came up to your servant my father, we told him the words of my lord.
25 At sinabi ng aming ama, 'Umalis kayo muli, bumili kayo ng ilang makakain.'
Our father said, ‘Go again and buy us a little food.’
26 At sinabi namin, 'Hindi na kami makabababa. Kung kasama namin ang aming nakababatang kapatid, kami ay makakaalis pababa, sapagkat hindi na kami hahayaan na makita pa muli ang mukha ng lalaki kung hindi namin kasama ang bunso naming kapatid.'
We said, ‘We can’t go down. If our youngest brother is with us, then we will go down: for we may not see the man’s face, unless our youngest brother is with us.’
27 Sinabi ng aking ama na iyong lingkod, 'Alam ninyong dalawa lamang ang ipinanganak ng aking asawa.
Your servant, my father, said to us, ‘You know that my wife bore me two sons.
28 At ang isa ay nawala mula sa akin at sinabi ko. “Talaga ngang siya ay nagkapira-piraso, at hindi ko na siya nakita mula noon.”
One went out from me, and I said, “Surely he is torn in pieces;” and I haven’t seen him since.
29 At kung kukunin rin ninyo itong isa sa akin at muling mapahamak, dadalhin ninyo ako sa katandaan na puno ng dalamhati sa kamatayan.' (Sheol )
If you take this one also from me, and harm happens to him, you will bring down my grey hairs with sorrow to Sheol.’ (Sheol )
30 Kaya ngayon, kung pupunta ako sa aking ama na inyong alipin, at hindi ko kasama ang bata, sapagkat ang kanyang buhay ay karugtong na ng buhay ng batang lalaki,
Now therefore when I come to your servant my father, and the boy is not with us; since his life is bound up in the boy’s life;
31 kapag ito ay nangyari, na hindi niya makita na kasama namin ang bata siguradong ikamamatay niya ito. At ang iyong alipin ay magiging dahilan ng pagdurusa ng ama ng iyong alipin sa kamatayan. (Sheol )
it will happen, when he sees that the boy is no more, that he will die. Your servants will bring down the grey hairs of your servant, our father, with sorrow to Sheol. (Sheol )
32 Sapagkat ang iyong alipin ang katiyakan sa bata para sa aking ama at sinabi kong, 'Kung hindi ko madadala ang bata sa iyo, papasanin ko ang kasalanan magpakailanman sa aking ama.
For your servant became collateral for the boy to my father, saying, ‘If I don’t bring him to you, then I will bear the blame to my father forever.’
33 Kaya ngayon, ako po ay nagmamakaawa hayaang manatili ang iyong lingkod sa halip na ang bata ang maging alipin ng aking amo, at hayaang makabalik ang bata kasama ng kanyang mga kapatid.
Now therefore, please let your servant stay instead of the boy, my lord’s slave; and let the boy go up with his brothers.
34 Sapagkat paano ako makakabalik sa aking ama kung hindi ko kasama ang bata? Natatakot akong makita ang masamang mangyayari sa aking ama.”
For how will I go up to my father, if the boy isn’t with me?—lest I see the evil that will come on my father.”