< Genesis 43 >
1 Matindi na ang taggutom sa lupain.
The famine continued to be really bad in Canaan,
2 Dumating ang panahon nang maubos na nilang kainin ang butil na kinuha nila mula sa Ehipto, sinabi ng kanilang ama, “Humayo kayong muli at bumili ng pagkain natin.
so once they had finished the grain they'd brought from Egypt, their father told them, “You have to go back and buy some more grain for us.”
3 Sinabi sa kanya ni Juda “Mahigpit kaming binalaan ng lalaki, 'Hindi ninyo makikita ang aking mukha maliban na lamang kung kasama ninyo ang iyong kapatid.
But Judah responded, “The man was adamant when he warned us, ‘I won't even see you unless your brother is with you.’
4 Kung hahayaan mong isama namin ang aming kapatid, bababa kami at bibili ng pagkain para sa iyo.
If you send our brother Benjamin with us then we'll go and buy food for you.
5 Ngunit kung hindi mo siya ipapasama, hindi kami bababa. Dahil sinabi ng lalaki sa amin, “Hindi ninyo makikita ang aking mukha maliban na lamang kung kasama ninyo ang inyong kapatid.
But if you won't send him, then we won't go, because the man was very clear, ‘I won't even see you unless your brother is with you.’”
6 Sinabi ni Israel, “Bakit mo ako pinakikitunguhan ng masama sa pamamagitan ng pagsasabi sa taong iyon na meron pa kayong isang kapatid?”
“Why have you made things so bad for me by telling the man you had another brother?” Israel asked.
7 Sinabi nila, “Nagtanong ang lalaki ng mga bagay tungkol sa amin at sa ating pamilya. Sinabi niya, 'Buhay pa ba ang iyong ama? Mayroon pa ba kayong ibang kapatid?' Sinagot namin siya ayon sa mga tanong na ito. Paano namin malalaman na sasabihin niyang, “Dalhin mo dito ang iyong kapatid?”
“The man kept on asking direct questions about us and our family like ‘Is your father still alive?’ and ‘Do you have another brother?’” they replied. “We just answered his questions. How were we to know he'd say, ‘Bring your brother here!’?”
8 Sinabi ni Judah sa kanyang ama, “Ipadala mo ang batang lalaki sa amin. Tatayo kami at aalis upang mabuhay kami at hindi mamatay, kapwa kami, ikaw, at ang aming mga anak.
Judah said to his father Israel, “Send the boy in my care, and we'll leave immediately, so that we can stay alive and not die—and that includes you and us and our children!
9 Ako ang mananagot sa kanya. Ako ang pananagutin mo. Kung hindi ko siya maibabalik sa iyo at maihaharap sa iyo hayaan mong ako ang masisi habang buhay.
I promise to take care of him—I'll be personally responsible for bringing him back to you. If I don't, then I will always carry the blame!
10 Kung hindi kami maaantala, sigurado ngayon nakabalik na kami dito nang pangalawang beses”.
Now let's go, because if we hadn't hesitated, we could have gone there and come back twice by now.”
11 Sinabi ng kanilang ama na si Israel, “Kung ganoon, gawin ninyo ito ngayon. Kumuha kayo ng mga pinaka magandang produkto sa ating lupain sa inyong mga sisidlan. Magdala kayo ng regalo sa taong iyon: tulad ng balsamo at pulot-pukyutan, pabango at mirra, pili at almendra.
“If it has to be, then this is what you'll do,” Israel replied. “Take with you the best our country produces. Pack your bags with gifts for the man—balm, a little honey, spices, myrrh, pistachios, and almonds.
12 Doblehin ninyo ang perang dala ninyo. Ang perang naisuli mula sa pagbukas ng inyong mga sako, dalhin ninyo ulit sa inyong mga kamay. Baka isa lang itong pagkakamali.
Take double the money that was returned to you in your sacks—maybe it was a mistake.
13 Dalhin rin ang inyong kapatid na lalaki. Tumayo at pumunta kayo ulit sa taong iyon.
Take your brother and go back to the man right away.
14 Nawa'y kaawaan kayo ng Makapangyarihang Diyos sa harap ng taong iyon, upang palayain niya sa inyo ang iba niyong mga kapatid at si Benjamin. Kung ako'y nagdadalamhati sa aking mga anak, ako'y nagdadalamhati.
May God Almighty make the man treat you kindly so when you come before him he'll release your other brother and send Benjamin back. As for me, if I am to lose all my children, then so be it.”
15 At dinala ng mga lalaki ang regalong iyon. Kumuha sila ng dobleng salapi sa kanilang mga kamay at si Benjamin. Tumayo sila, pumunta pababa sa Ehipto, at tumayo sa harapan ni Jose.
So they packed the gifts, took double the money, and set off, accompanied by Benjamin. They arrived in Egypt and went to have an audience with Joseph.
16 Nang makita ni Jose na kasama nila si Benjamin, sinabi niya sa katiwala ng kanyang bahay, “Dalhin mo ang mga lalaki sa bahay, kumatay kayo ng hayop at ihanda ito, dahil ang mga lalaki ay kakain kasama ko ngayong tanghalian.
When Joseph saw Benjamin was with them, he told his household supervisor, “Take these men to my house. Slaughter an animal and make a meal, for they are going to eat with me at noon.”
17 Ginawa ng katiwala ang sinabi ni Jose. Dinala niya ang mga lalaki sa bahay ni Jose.
The man did as Joseph ordered and took them to Joseph's house.
18 Natakot ang mga lalaki dahil sila ay dinala sa bahay ni Jose. Sinabi nila, “Ito ay dahil sa perang isinauli sa aming mga sako sa unang pagkakataon na pumunta kami dito, para makahanap siya ng pagkakataon laban sa amin. Maaari niya kaming hulihin at gawin lipin, at kunin ang aming mga asno.
They were really worried that they were being taken to Joseph's house. “It's because of the money that was put in our sacks the first time we came,” they said to each other. “That's why we're being brought in—so he can accuse us and attack us! He'll make us his slaves and take our donkeys!”
19 Nilapitan nila ang katiwala ng bahay ni Jose, at siya ay kinausap nila sa may pintuan ng bahay,
So they went and spoke to Joseph's household supervisor at the entrance to the house.
20 sinabing, “Aking amo, noong unang pagkakataon na pumunta kami dito ay para bumili ng pagkain.
“Please excuse us, my lord,” they said. “We came down the first time to buy food,
21 Nangyari na, nang makarating na kami sa lugar kung saan kami ay pansamantalang nakatira, na binuksan namin ang aming mga sako, at, tingnan, ang bawat pera ng tao ay nandoon sa bukasan ng kanilang sako, ang aming pera na sakto ang halaga. Ibinalik namin ito sa aming mga kamay.
and when we stopped for the night, we opened our sacks and each of us found our money—the exact amount—at the top of our sacks. So we've brought it back with us.
22 Ang ibang pera ay dinala rin namin sa aming kamay para bumili ng pagkain. Hindi namin alam kung sino ang naglagay ng pera sa aming mga sako.”
We've also brought more money to buy food. We've no idea who put our money in our sacks!”
23 Sinabi ng katiwala, “Ang kapayapaan ay sumainyo, huwag kayong matakot. Ang inyong Diyos at ang Diyos ng inyong ama ang maaaring naglagay ng pera sa inyong mga sako. Natanggap ang iyong pera.” Inilabas naman ng katiwala si Simeon sa kanila.
“Everything's fine!” he told them. “Don't worry! Your God, the God of your father, must have given you the treasure hidden in your sacks. I got your money.” Then he brought Simeon out to meet them.
24 Dinala ng katiwala ang mga lalaki sa bahay ni Jose. Binigyan niya ito ng tubig, at hinugasan nila ang kanilang mga paa. Binigyan niya ng mga pagkain ang kanilang mga asno.
The steward took them inside Joseph's house, gave them water to wash their feet, and supplied food for their donkeys.
25 Inihanda nila ang mga regalo sa pagdating ni Jose sa tanghali, sapagkat narinig nila na sila ay kakain doon.
They got their gifts ready for when Joseph would come at noon, because they had found out that they were going to eat there.
26 Nang dumating si Jose sa bahay, dinala nila ang mga regalo na nasa kamay nila doon sa bahay, at sila'y yumuko sa harapan niya sa sahig.
When Joseph arrived at the house they gave him the gifts they had brought for him, and bowed low to the ground before him.
27 Tinanong niya sila tungkol sa kanilang kalagayan at nagsabing, “Mabuti ba ang kalagayan ng inyong ama, ang matanda na inyong binabanggit? Buhay pa ba siya?”
He asked how they were, and then he asked, “How is your elderly father doing that you spoke of? Is he still alive?”
28 Sila ay nagsalita, “Ang iyong lingkod ang aming ama ay mabuti naman. Siya ay buhay pa.” Sila ay dumapa at yumuko.
“Yes, your servant our father is still alive, and is well,” they replied and bowed low in respect.
29 Itinuon niya ang kanyang mga mata pataas at nakita si Benjamin ang kanyang kapatid na lalaki, ang anak ng kanyang ina, na nagsasabing, “Ito ba ang sinasabi mong nakababatang kapatid mo na iyong binabanggit sa akin? Sinabi niya, “Ang Diyos ay maging maawain sa iyo, aking anak”.
Then Joseph looked over at his brother Benjamin, the son of his own mother. “Is this your youngest brother that you told me about?” he asked. “God be gracious to you, my son,” he said.
30 Nagmamadali si Jose na lumabas sa loob, dahil labis siyang naantig tungkol sa kanyang kapatid na lalaki. Naghanap siya ng lugar upang iyakan. Pumunta siya sa kanyang silid at doon umiyak.
Joseph had to run out quickly because he was becoming so emotional at seeing his brother. He looked for a place to cry, and went to his room to weep there.
31 Naghilamos siya at lumabas. Pinigilan niya ang kanyang sarili, na nagsasabing “Ihain na ang pagkain”.
Then he washed his face, got his emotions under control, and went back out. “Serve the food,” he ordered.
32 Pinagsilbihan ng mga lingkod si Jose na siya lang at ang kanyang mga kapatid na lalaki na sila lang. Ang mga taga-Ehipto ay kumain doon kasama niya ng sila-sila lang dahil ang taga-Ehipto ay hindi kumakain ng tinapay kasama ng mga Hebreo, dahil ito ay hindi katanggap-tanggap sa mga taga-Ehipto.
Joseph was served at a table by himself, and his brothers were served at a separate table. The Egyptians were also served at another table, because Egyptians cannot eat with Hebrews because they find this repulsive.
33 Ang mga kapatid niya ay umupo sa tapat niya, ang panganay ayon sa kanyang karapatan, at ang pinaka bata ayon sa kanyang pagkabata. Ang mga lalaki ay sama-samang namangha.
The brothers had been seated in front of him in order by age, from the firstborn, the oldest, down to the youngest, and they looked at each other in complete surprise.
34 Nagpadala si Jose ng mga parte sa kanila mula sa pagkain na nasa harapan niya. Pero ang parte ng kay Benjamin ay limang beses ang dami kaysa sa kanyang mga kapatid. Sila'y nag inuman at nagpakasaya na kasama niya.
The food was served to them from Joseph's table, and Benjamin received five times as much as anyone else. So they ate and drank plenty with him.