< Genesis 41 >

1 Nangyari na pagkatapos ng dalawang buong taon, na nagkaroon si Paraon ng panaginip. Masdan, nakatayo siya sa tabi ng Ilog Nilo.
Après un intervalle de deux années, Pharaon eut un songe, où il se voyait debout au bord du fleuve.
2 Masdan, may pitong bakang kanais-nais at matataba ang umahon mula sa Nilo, at nanginain sila sa mga tambo.
Et voici que du fleuve sortaient sept vaches belles et grasses, qui se mirent à paître dans l’herbage;
3 Masdan, may pitong iba pang mga bakang hindi kanais-nais at payat ang umahon kasunod nila sa Nilo. Tumayo sila katabi ng ibang mga baka sa pampang ng ilog.
puis sept autres vaches sortirent du fleuve après elles, celles là chétives et maigres et s’arrêtèrent près des premières au bord du fleuve;
4 Pagkatapos, kinain ng pitong hindi kanais-nais at payat na baka ang pitong kanais-nais at matabang baka. Pagkatapos, nagising si Paraon.
et les vaches chétives et maigres dévorèrent les sept vaches belles et grasses. Alors Pharaon s’éveilla.
5 Natulog siya at nanaginip sa pangalawang pagkakataon. Masdan, pitong uhay ng butil ang tumubo sa isang tangkay, malulusog at mabubuti.
Il se rendormit et eut un nouveau songe. Voici que sept épis, pleins et beaux, s’élevaient sur une seule tige;
6 Masdan, pitong uhay, payat at nilanta ng silangang hangin ang umusbong kasunod nila.
puis sept épis maigres et flétris par le vent d’est, s’élevèrent après eux,
7 Nilunok ng mga payat na uhay ang pitong malulusog at buong uhay. Gumising si Paraon at masdan, iyon ay panaginip.
et ces épis maigres engloutirent les sept épis grenus et pleins. Pharaon s’éveilla et c’était un songe.
8 Kinaumagahan ay nabagabag ang kaniyang espiritu. Pinapunta niya at pinatawag ang lahat ng mga salamangkero at mga pantas ng Ehipto. Sinabi sa kanila ni Paraon ng kaniyang mga panaginip, pero walang ni isa ang makapagpaliwanag ng mga iyon kay Paraon.
Mais, le matin venu, son esprit en fut troublé et il manda tous les magiciens de l’Égypte et tous ses savants. Pharaon leur exposa son rêve, mais nul ne put lui en expliquer le sens.
9 Pagkatapos sinabi ng punong tagahawak ng saro kay Paraon, “Ngayon naiisip ko ang aking mga pagkukulang.
Alors le maître échanson parla devant Pharaon en ces termes: "Je rappelle, en cette occasion, mes fautes.
10 Nagalit si Paraon sa kaniyang mga lingkod, at inilagay ako sa pangangalaga sa bahay ng kapitan ng mga bantay, ang punong panadero at ako.
Un jour, Pharaon était irrité contre ses serviteurs; et il nous fit enfermer dans la maison du chef des gardes, moi et le maître panetier.
11 Nanaginip kami ng isang panaginip sa parehong gabi, siya at ako. Nanaginip kami bawat tao ayon sa paliwanag ng kaniyang panaginip.
Nous eûmes un rêve la même nuit, lui et moi, chacun selon le pronostic de son rêve.
12 Doon kasama namin ang isang binatang Hebreo, na isang lingkod ng kapitan ng mga bantay. Sinabi namin sa kaniya at pinaliwanag niya sa amin ang aming mga panaginip. Ipinaliwanag niya sa bawat isa sa amin na ayon sa aming panaginip.
Là était avec nous un jeune hébreu, esclave du chef des gardes. Nous lui racontâmes nos songes et il nous les interpréta, à chacun selon le sens du sien.
13 Nangyari na kung ano ang ipinaliwanag niya sa amin, iyon ang nangyari. Binalik ako ni Paraon sa aking tungkulin, pero ang isa ay kaniyang binitay.”
Or, comme il nous avait pronostiqué, ainsi fut-il: moi, je fus rétabli dans mon poste et lui on le pendit."
14 Pagkatapos pinadala at pinatawag ni Paraon si Jose. Mabilis nila siyang inilabas mula sa piitan. Inahitan niya ang kaniyang sarili, pinalitan ang kaniyang damit, at pumunta kay Paraon.
Pharaon envoya quérir Joseph, qu’on fit sur le champ sortir de la geôle; il se rasa et changea de vêtements, puis il parut devant Pharaon.
15 Sinabi ni Paraon kay Jose, “Mayroon akong panaginip pero walang tagapagpaliwanag nito. Pero narinig ko ang tungkol sa iyo, na kapag makarinig ka ng panaginip ay maipapaliwanag mo ito.”
Et Pharaon dit à Joseph: "J’Ai eu un songe et nul ne l’explique; mais j’ai ouï dire, quant à toi, que tu entends l’art d’interpréter un songe."
16 Sinagot ni Jose si Paraon, sinabing, “Hindi ito nasa akin. Ang Diyos ang sasagot kay Paraon na may kagandahang loob.”
Joseph répondit à Pharaon en disant: "Ce n’est pas moi, c’est Dieu, qui saura tranquilliser Pharaon."
17 Nagsalita si Paraon kay Jose, “Sa panaginip ko, masdan, nakatayo ako sa pampang ng Nilo.
Alors Pharaon parla ainsi à Joseph: "Dans mon songe, je me tenais au bord du fleuve.
18 Masdan, pitong mga bakang matataba at kanais-nais ang umahon mula sa Nilo at nanginain sila sa mga tambo.
Et voici que du fleuve sortirent sept vaches grasses et de belle taille, qui vinrent paître dans l’herbage;
19 Masdan, pitong ibang mga bakang mahihina, hindi kanais-nais at payat ang umahon kasunod nila. Hindi kailanman ako nakakita sa buong lupain ng Ehipto ng ganoong pagka hindi kanais-nais na katulad nila.
puis sept autres vaches les suivirent, maigres, d’apparence fort chétive et toutes décharnées: je n’en ai point vu d’aussi misérables dans tout le pays d’Égypte.
20 Kinain ng payat at hindi kanais-nais na mga baka ang unang pitong matatabang mga baka.
Ces vaches maigres et chétives dévorèrent les sept premières vaches, les grasses.
21 Nang matapos nilang kainin ang mga ito, hindi malalamang sila ay kinain nila, dahil sa sila ay nanatiling hindi kanais-nais tulad ng dati. Pagkatapos nagising ako.
Celles ci donc passèrent dans leur corps, mais on ne se serait pas douté qu’elles y eussent passé: elles étaient chétives comme auparavant. Je m’éveillai.
22 Tumingin ako sa aking panaginip at masdan, pitong uhay ang umusbong sa isang tangkay, puno at mabubuti.
Puis je vis en songe sept épis, s’élevant sur une même tige, pleins et beaux;
23 Masdan, pito pang mga uhay, lanta, payat at nilanta ng silangang hangin, ang umusbong kasunod nila.
ensuite sept épis secs, maigres, brûlés par le vent d’est, s’élevèrent après eux,
24 Nilunok ng mga payat na uhay ang pitong mabubuting uhay. Sinabi ko itong mga panaginip na ito sa mga salamangkero, pero walang ni isa ang makapagpaliwanag nito sa akin.”
et ces épis maigres absorbèrent les sept beaux épis. Je l’ai raconté aux magiciens et nul ne me l’a expliqué."
25 Sinabi ni Jose kay Paraon, “Ang mga panaginip ni Paraon ay magkatulad. Kung ano ang gagawin ng Diyos, ipinahayag na niya kay Paraon.
Joseph dit à Pharaon: "Le songe de Pharaon est un: ce que Dieu prépare, il l’a annoncé à Pharaon.
26 Ang pitong mga mabubuting baka ay pitong taon at ang pitong mga mabubuting uhay ay pitong taon. Ang mga panaginip ay magkatulad.
Les sept belles vaches, ce sont sept années; les sept beaux épis, sept années: c’est un même songe.
27 At ang pitong payat at hindi kanais-nais na mga baka na umahon kasunod nila ay pitong taon, at saka ang pitong payat na uhay na nilanta ng silangang hangin ay magiging pitong taon ng taggutom.
Et les sept vaches maigres et laides qui sont sorties en second lieu, sept années, de même que les sept épis vides frappés par le vent d’est. Ce seront sept années de famine.
28 Iyon ang bagay na sinabi ko kay Paraon. Kung ano ang gagawin ng Diyos ipinakita na niya kay Paraon.
C’Est bien ce que je disais à Pharaon ce que Dieu prépare, il l’a révélé à Pharaon.
29 Tingnan mo, pitong taon ng dakilang kasaganahan ang darating sa buong lupain ng Ehipto.
Oui, sept années vont venir, abondance extraordinaire dans tout le territoire d’Égypte.
30 Pitong taon ng taggutom ay darating pagkatapos nila at lahat ng kasaganahan ay makakalimutan sa lupain ng Ehipto at ang taggutom ay wawasak sa lupain.
Mais sept années de disette surgiront après elles et toute abondance disparaîtra dans le pays d’Égypte et la famine épuisera le pays.
31 Ang kasaganahan ay hindi na maaalala sa lupain dahil sa taggutom na susunod, dahil ito ay magiging napakalala.
Le souvenir de l’abondance sera effacé dans le pays par cette famine qui surviendra, car elle sera excessive.
32 Ang panaginip ay inulit kay Paraon sa kadahilanang ang mga bagay ay itinatag na ng Diyos at hindi magtatagal ay gagawin ito ng Diyos.
Et si le songe s’est reproduit à Pharaon par deux fois, c’est que la chose est arrêtée devant Dieu, c’est que Dieu est sur le point de l’accomplir.
33 Ngayon hayaang maghanap si Paraon ng taong marunong at matalino, at ilagay siya sa pamamahala sa lupain ng Ehipto.
Donc, que Pharaon choisisse un homme prudent et sage et qu’il le prépose au pays d’Égypte.
34 Hayaan si Paraon na gawin ito: hayaan siyang humirang ng mga tagapangasiwa sa lupain. Hayaan silang kumuha ng ikalima sa mga pananim ng Ehipto sa pitong saganang taon.
Que Pharaon avise à ce qu’on établisse des commissaires dans le pays et qu’on impose d’un cinquième le territoire d’Égypte durant les sept années d’abondance.
35 Hayaan silang tipunin lahat ng pagkain ng mga paparating na mabubuting taon. Hayaan silang mag-imbak ng mga butil sa ilalim ng kapangyarihan ni Paraon para sa pagkain sa mga siyudad. Hayaan silang bantayan ito.
Qu’on amasse toute la nourriture de ces années fertiles qui approchent; qu’on emmagasine du blé sous la main de Pharaon, pour l’approvisionnement des villes et qu’on le tienne en réserve.
36 Ang pagkain ay magiging panustos sa lupain para sa pitong taong taggutom na mangyayari sa lupain ng Ehipto. Sa ganitong paran ang lupain ay hindi mawawasak dahil sa taggutom.”
Ces provisions seront une ressource pour le pays, lors des sept années de disette qui surviendront en Égypte, afin que ce pays ne périsse pas par la famine."
37 Ang payong ito ay mabuti sa mga mata ni Paraon at sa mga mata ng lahat ng kaniyang mga lingkod.
Ce discours plut à Pharaon et à tous ses serviteurs.
38 Sinabi ni Paraon sa kaniyang mga lingkod, “Makakasumpong kaya tayo ng ganitong tao, na kinakasihan ng Espiritu ng Diyos?”
Et Pharaon dit à ses serviteurs: "Pourrions-nous trouver un homme tel que celui-ci, plein de l’esprit de Dieu?"
39 Kaya sinabi ni Paraon kay Jose, “Dahil pinakita ng Diyos ang lahat ng ito sa iyo, wala ng ibang marunong at matalinong tulad mo.
Et Pharaon dit à Joseph: "Puisque Dieu t’a révélé tout cela, nul n’est sage et entendu comme toi.
40 Mangingibabaw ka sa aking bahay at ayon sa salita mo pamamahalaan ang lahat ng tauhan ko. Tanging sa trono lamang ako ay magiging higit na mataas kaysa sa iyo.
C’Est toi qui sera le chef de ma maison; tout mon peuple sera gouverné par ta parole et je n’aurai sur toi que la prééminence du trône."
41 Sinabi ni Paraon kay Jose, “Tingnan mo, inilagay kita sa itaas ng buong lupain ng Ehipto.”
Pharaon dit à Joseph: "Vois! je te mets à la tête de tout le pays d’Égypte."
42 Tinanggal ni Paraon ang kaniyang singsing na pantatak mula sa kaniyang kamay at nilagay niya ito sa kamay ni Jose. Binihisan niya siya ng mga damit na pinong lino at nilagyan ng gintong kuwintas sa kaniyang leeg.
Et Pharaon ôta son anneau de sa main et le passa à celle de Joseph; il le fit habiller de byssus et suspendit le collier d’or de son cou.
43 Pinasakay niya siya sa ikalawang karo na pag-aari niya. Sumigaw ang mga lalaki sa harapan niya, “Ibaluktot ang tuhod.” Nilagay siya ni Paraon sa itaas ng lupain ng Ehipto.
Il le fit monter sur son second char; on cria devant lui: Abrêk et il fut installé chef de tout le pays d’Égypte.
44 Sinabi ni Paraon kay Jose, “Ako si Paraon at maliban sa iyo, walang taong magtataas ng kaniyang kamay o kaniyang paa sa lahat ng lupain ng Ehipto.”
Pharaon dit à Joseph: "Je suis le Pharaon; mais, sans ton ordre, nul ne remuera la main ni le pied dans tout le pays d’Égypte."
45 Tinawag ni Paraon ang pangalan ni Jose na “Zafenat-panea.” Binigay niya si Asenat, ang anak na babae ni Potifera na pari ng On, para maging asawa. Ang kapangyarihan ni Jose ay nasa itaas ng buong Ehipto.
Pharaon surnomma Joseph Çâfenath Panéah et il lui donna pour femme Asenath, fille de Pôti Féra, prêtre d’On. Joseph fit une excursion dans le pays d’Égypte.
46 Si Jose ay tatlumpung taong gulang nang tumayo siya sa harap ni Paraon, hari ng Ehipto. Lumabas si Jose mula sa presensya ni Paraon at pumunta sa buong lupain ng Ehipto.
Or, Joseph avait trente ans lorsqu’il parut devant Pharaon, roi d’Egypte. Joseph, étant sorti de devant Pharaon, parcourut tout le pays d’Egypte.
47 Sa pitong mabiyayang taon ang lupain ay nagbunga nang masagana.
La terre, pendant les sept années de fertilité, produisit d’abondantes moissons.
48 Tinipon niya lahat ng pagkaing nasa lupain ng Ehipto ng pitong taon at inilagay ang pagkain sa mga siyudad. Inilagay niya sa bawat siyudad ang pagkain galing sa mga bukid na nakapaligid dito.
On amassa toutes les denrées des sept années, qui se trouvèrent dans le pays d’Égypte et l’on approvisionna les villes: on mit dans chaque ville les denrées des campagnes d’alentour.
49 Inimbak ni Jose ang mga butil na parang buhangin ng dagat, na sa kalabisan ay tumigil na siya sa pagbilang dahil ito ay hindi mabilang.
Et Joseph fit des amas de blé considérables comme le sable de la mer; tellement qu’on cessa de le compter, car c’était incalculable.
50 May dalawang anak na lalaki si Jose bago dumating ang mga taon ng taggutom, na isinilang para sa kaniya ni Asenat, ang anak na babae ni Potifera na pari ng On.
Or, il naquit à Joseph, avant qu’arrivât la période de disette, deux fils, que lui donna Asenath, fille de Pôti Féra, prêtre d’On.
51 Tinawag ni Jose ang pangalan ng kaniyang panganay na Manases, at sinabi niya, “Ginawa ng Diyos na makalimutan ko ang lahat ng aking mga bagabag at lahat ng sambahayan ng aking ama.”
Joseph appela le premier né Manassé: "Car Dieu m’a fait oublier toutes mes tribulations et toute la maison de mon père."
52 Tinawag niya ang pangalan ng kaniyang pangalawang anak na Efraim, dahil sinabi niya, “Ginawa akong mabunga ng Diyos sa lupain ng aking dalamhati.”
Au second, il donna le nom d’Éphraïm: "Car Dieu m’a fait fructifier dans le pays de ma misère."
53 Ang pitong saganang mga taon na nasa lupain ng Ehipto ay natapos na.
Quand furent écoulées les sept années de l’abondance qui régnait dans le pays d’Égypte,
54 Ang pitong taon ng taggutom ay nagsimula, ayon sa nasabi ni Jose. Mayroong taggutom sa lahat ng mga lupain, pero sa lahat ng lupain ng Ehipto ay mayroong pagkain.
survinrent les sept années dedisette, comme l’avait prédit Joseph. II y eut famine dans tous les pays, mais dans tout le pays d’Égypte il y avait du pain.
55 Nang ang buong lupain ng Ehipto ay gutom na gutom na, tumawag ng malakas ang mga tao kay Paraon para sa pagkain. Sinabi ni Paraon sa lahat ng mga taga Ehipto, “Pumunta kayo kay Jose at gawin ang anumang sabihin niya.”
Tout le territoire égyptien étant affligé par la disette, le peuple demanda à grands cris, à Pharaon, du pain. Mais Pharaon répondit à tous les Égyptiens: "Allez à Joseph; ce qu’il vous dira, vous le ferez."
56 Ang taggutom ay nasa buong lupain. Binuksan ni Jose ang lahat ng mga kamalig at nagbenta sa mga taga-Ehipto. Ang taggutom ay napakatindi sa lupain ng Ehipto.
Comme la famine régnait sur toute la contrée, Joseph ouvrit tous les greniers et vendit du blé aux Égyptiens. La famine persista dans le pays d’Égypte.
57 Ang buong mundo ay pumupunta sa Ehipto upang bumili ng butil kay Jose dahil ang taggutom ay matindi sa buong mundo.
De tous les pays on venait en Égypte pour acheter à Joseph, car la famine était grande dans toute la contrée.

< Genesis 41 >