< Genesis 41 >
1 Nangyari na pagkatapos ng dalawang buong taon, na nagkaroon si Paraon ng panaginip. Masdan, nakatayo siya sa tabi ng Ilog Nilo.
過了兩年,法郎作了一夢,夢見自己站在尼羅河畔。
2 Masdan, may pitong bakang kanais-nais at matataba ang umahon mula sa Nilo, at nanginain sila sa mga tambo.
看見從尼羅河中上來了七隻母牛,色美體肥,在蘆葦中吃草。
3 Masdan, may pitong iba pang mga bakang hindi kanais-nais at payat ang umahon kasunod nila sa Nilo. Tumayo sila katabi ng ibang mga baka sa pampang ng ilog.
隨後,從尼羅河中,又上來了七隻色醜體瘦的母牛,站在尼羅河岸上靠近那些母牛身旁。
4 Pagkatapos, kinain ng pitong hindi kanais-nais at payat na baka ang pitong kanais-nais at matabang baka. Pagkatapos, nagising si Paraon.
這些色醜體瘦的母牛,竟將那七隻色美體肥的母牛吞了下去;法郎便驚醒了。
5 Natulog siya at nanaginip sa pangalawang pagkakataon. Masdan, pitong uhay ng butil ang tumubo sa isang tangkay, malulusog at mabubuti.
他又睡下,作了一個夢,夢見一根麥莖上,生出了七枝又肥又美的麥穗;
6 Masdan, pitong uhay, payat at nilanta ng silangang hangin ang umusbong kasunod nila.
隨後,又發出了七枝又細弱,而又為東風吹焦了的麥穗。
7 Nilunok ng mga payat na uhay ang pitong malulusog at buong uhay. Gumising si Paraon at masdan, iyon ay panaginip.
這些細弱的麥穗竟將那七枝又肥又實的麥穗吞了下去。法郎驚醒了,原是一場夢。
8 Kinaumagahan ay nabagabag ang kaniyang espiritu. Pinapunta niya at pinatawag ang lahat ng mga salamangkero at mga pantas ng Ehipto. Sinabi sa kanila ni Paraon ng kaniyang mga panaginip, pero walang ni isa ang makapagpaliwanag ng mga iyon kay Paraon.
到了早晨,他心煩意亂,遂遣人將埃及所有的術士和賢士召來,給他們講述了自己的夢,卻沒有人能給法郎解釋。
9 Pagkatapos sinabi ng punong tagahawak ng saro kay Paraon, “Ngayon naiisip ko ang aking mga pagkukulang.
那時司酒長向法郎說:「我今天想起了我的過犯。
10 Nagalit si Paraon sa kaniyang mga lingkod, at inilagay ako sa pangangalaga sa bahay ng kapitan ng mga bantay, ang punong panadero at ako.
有一次陛下對自己的臣僕發怒,將我和司廚長關在衛隊長府內的拘留所內。
11 Nanaginip kami ng isang panaginip sa parehong gabi, siya at ako. Nanaginip kami bawat tao ayon sa paliwanag ng kaniyang panaginip.
我和他在同一夜裏,各作了一夢,我們每人的夢都有它的意義。
12 Doon kasama namin ang isang binatang Hebreo, na isang lingkod ng kapitan ng mga bantay. Sinabi namin sa kaniya at pinaliwanag niya sa amin ang aming mga panaginip. Ipinaliwanag niya sa bawat isa sa amin na ayon sa aming panaginip.
在那裏有個希伯來少年人與我們在一起,他是衛隊長的僕人;當我們把夢告訴了他,他就給我們加以解釋,給每個人的夢都說明了它的意義。
13 Nangyari na kung ano ang ipinaliwanag niya sa amin, iyon ang nangyari. Binalik ako ni Paraon sa aking tungkulin, pero ang isa ay kaniyang binitay.”
果然都照他給我們所解釋的應驗了:我恢復了原職,他卻被吊死了。」
14 Pagkatapos pinadala at pinatawag ni Paraon si Jose. Mabilis nila siyang inilabas mula sa piitan. Inahitan niya ang kaniyang sarili, pinalitan ang kaniyang damit, at pumunta kay Paraon.
法郎於是遣人去召若瑟,人就快把他從地牢裏提出來;他剃了頭,刮了臉,換了衣服,來到法郎跟前。
15 Sinabi ni Paraon kay Jose, “Mayroon akong panaginip pero walang tagapagpaliwanag nito. Pero narinig ko ang tungkol sa iyo, na kapag makarinig ka ng panaginip ay maipapaliwanag mo ito.”
法郎對若瑟說:「我作了一夢,沒有人能夠解釋。我聽見人說,你聽了夢就能解釋。」
16 Sinagot ni Jose si Paraon, sinabing, “Hindi ito nasa akin. Ang Diyos ang sasagot kay Paraon na may kagandahang loob.”
若瑟回答法郎說:「這不是我所能的,只有天主能給陛下一個吉祥的解答。」
17 Nagsalita si Paraon kay Jose, “Sa panaginip ko, masdan, nakatayo ako sa pampang ng Nilo.
法郎遂向若瑟說:「我夢見我站在尼羅河上,
18 Masdan, pitong mga bakang matataba at kanais-nais ang umahon mula sa Nilo at nanginain sila sa mga tambo.
看見從河中上來了七隻母牛,體肥色美,在蘆葦叢中吃草。
19 Masdan, pitong ibang mga bakang mahihina, hindi kanais-nais at payat ang umahon kasunod nila. Hindi kailanman ako nakakita sa buong lupain ng Ehipto ng ganoong pagka hindi kanais-nais na katulad nila.
隨後,又上來了七隻母牛,軟弱無力,色醜體瘦,那種醜陋,我在埃及全國從未見過。
20 Kinain ng payat at hindi kanais-nais na mga baka ang unang pitong matatabang mga baka.
這些又瘦又醜的母牛,竟將先上來的那七隻肥母牛吞了下去。
21 Nang matapos nilang kainin ang mga ito, hindi malalamang sila ay kinain nila, dahil sa sila ay nanatiling hindi kanais-nais tulad ng dati. Pagkatapos nagising ako.
牠們吞下去之後,竟看不出來牠們吞了下去,因為牠們醜陋的樣子和先前一樣,我就驚醒了。
22 Tumingin ako sa aking panaginip at masdan, pitong uhay ang umusbong sa isang tangkay, puno at mabubuti.
以後我又夢見在一根麥莖上,生出了七枝粗大美麗的麥穗。
23 Masdan, pito pang mga uhay, lanta, payat at nilanta ng silangang hangin, ang umusbong kasunod nila.
隨後,又發出了七枝枯萎細弱而又被東風吹焦了的麥穗。
24 Nilunok ng mga payat na uhay ang pitong mabubuting uhay. Sinabi ko itong mga panaginip na ito sa mga salamangkero, pero walang ni isa ang makapagpaliwanag nito sa akin.”
這些細弱的麥穗竟將那七枝美麗的麥穗吞了。我講給了術士們聽,但沒有人能給我解說。」
25 Sinabi ni Jose kay Paraon, “Ang mga panaginip ni Paraon ay magkatulad. Kung ano ang gagawin ng Diyos, ipinahayag na niya kay Paraon.
若瑟遂對法郎說:「陛下的夢只是一個。天主已將所要作的告訴陛下:
26 Ang pitong mga mabubuting baka ay pitong taon at ang pitong mga mabubuting uhay ay pitong taon. Ang mga panaginip ay magkatulad.
七隻美好的母牛表示七年,七枝美好的麥穗也表示七年。這原是一個夢。
27 At ang pitong payat at hindi kanais-nais na mga baka na umahon kasunod nila ay pitong taon, at saka ang pitong payat na uhay na nilanta ng silangang hangin ay magiging pitong taon ng taggutom.
隨後上來的那七隻又瘦又弱的母牛,和那七枝空虛而又被東風吹焦了的麥穗,都表示將有七個荒年。
28 Iyon ang bagay na sinabi ko kay Paraon. Kung ano ang gagawin ng Diyos ipinakita na niya kay Paraon.
這即是我對陛下所說:天主已將他要作的顯示給陛下了。
29 Tingnan mo, pitong taon ng dakilang kasaganahan ang darating sa buong lupain ng Ehipto.
看埃及全國將有七年大豐收。
30 Pitong taon ng taggutom ay darating pagkatapos nila at lahat ng kasaganahan ay makakalimutan sa lupain ng Ehipto at ang taggutom ay wawasak sa lupain.
繼之而來的是七個荒年,那時人都忘記了埃及國曾有過豐收。當飢荒蹂躪此地時,
31 Ang kasaganahan ay hindi na maaalala sa lupain dahil sa taggutom na susunod, dahil ito ay magiging napakalala.
誰也覺不到此地曾有過豐收,因為相繼而來的飢荒實在太嚴重了。
32 Ang panaginip ay inulit kay Paraon sa kadahilanang ang mga bagay ay itinatag na ng Diyos at hindi magtatagal ay gagawin ito ng Diyos.
至於陛下的夢重複了兩次,是表示這事已由天主命定,天主就快要實行。
33 Ngayon hayaang maghanap si Paraon ng taong marunong at matalino, at ilagay siya sa pamamahala sa lupain ng Ehipto.
所以陛下現在應當尋找一個聰明,有智慧的人,派他管理埃及國。
34 Hayaan si Paraon na gawin ito: hayaan siyang humirang ng mga tagapangasiwa sa lupain. Hayaan silang kumuha ng ikalima sa mga pananim ng Ehipto sa pitong saganang taon.
陛下應設法在地方上派定督辦,在七個豐年內,徵收埃及國所出產的五分之一;
35 Hayaan silang tipunin lahat ng pagkain ng mga paparating na mabubuting taon. Hayaan silang mag-imbak ng mga butil sa ilalim ng kapangyarihan ni Paraon para sa pagkain sa mga siyudad. Hayaan silang bantayan ito.
使他們將未來豐年內的一切食糧,聚斂起來,將五穀都儲藏在陛下手下,貯在城內備作食糧,妥為保管。
36 Ang pagkain ay magiging panustos sa lupain para sa pitong taong taggutom na mangyayari sa lupain ng Ehipto. Sa ganitong paran ang lupain ay hindi mawawasak dahil sa taggutom.”
這些食糧應作為本地的存糧,以應付那在埃及國要出現的七個荒年,免得全國因飢荒而滅亡。
37 Ang payong ito ay mabuti sa mga mata ni Paraon at sa mga mata ng lahat ng kaniyang mga lingkod.
這番話使法郎和他的群臣十分贊成,
38 Sinabi ni Paraon sa kaniyang mga lingkod, “Makakasumpong kaya tayo ng ganitong tao, na kinakasihan ng Espiritu ng Diyos?”
於是法郎對他的臣僕說:「像他這樣的人,有天主的神住在他內,我們豈能找著另一個﹖」
39 Kaya sinabi ni Paraon kay Jose, “Dahil pinakita ng Diyos ang lahat ng ito sa iyo, wala ng ibang marunong at matalinong tulad mo.
法郎遂對若瑟說:「天主既使你知道這一切,就再沒有像你這樣聰敏富有智慧的人了。
40 Mangingibabaw ka sa aking bahay at ayon sa salita mo pamamahalaan ang lahat ng tauhan ko. Tanging sa trono lamang ako ay magiging higit na mataas kaysa sa iyo.
你要掌管我的朝廷,我的人民都要聽從你的號令;只在寶座上我比你大。」
41 Sinabi ni Paraon kay Jose, “Tingnan mo, inilagay kita sa itaas ng buong lupain ng Ehipto.”
法郎又對若瑟說:「看,我立你統治全埃及國。」
42 Tinanggal ni Paraon ang kaniyang singsing na pantatak mula sa kaniyang kamay at nilagay niya ito sa kamay ni Jose. Binihisan niya siya ng mga damit na pinong lino at nilagyan ng gintong kuwintas sa kaniyang leeg.
遂由自己手上取下打印的戒指,戴在若瑟手上,給他穿上細麻長袍,將金鏈戴在他的頸項上;
43 Pinasakay niya siya sa ikalawang karo na pag-aari niya. Sumigaw ang mga lalaki sa harapan niya, “Ibaluktot ang tuhod.” Nilagay siya ni Paraon sa itaas ng lupain ng Ehipto.
又使他坐在自己的第二部御車上,人們在他前面喊說:「跪下! 」法郎就這樣立他管理全埃及國。
44 Sinabi ni Paraon kay Jose, “Ako si Paraon at maliban sa iyo, walang taong magtataas ng kaniyang kamay o kaniyang paa sa lahat ng lupain ng Ehipto.”
法郎又對若瑟說:「我是法郎,沒有你的同意,全埃及國,任何人不得做任何事。」
45 Tinawag ni Paraon ang pangalan ni Jose na “Zafenat-panea.” Binigay niya si Asenat, ang anak na babae ni Potifera na pari ng On, para maging asawa. Ang kapangyarihan ni Jose ay nasa itaas ng buong Ehipto.
法郎給若瑟起名叫匝斐納特帕乃亞,又將翁城的司祭頗提斐辣的女兒阿斯納特給他為妻。若瑟便出去巡行埃及全國。
46 Si Jose ay tatlumpung taong gulang nang tumayo siya sa harap ni Paraon, hari ng Ehipto. Lumabas si Jose mula sa presensya ni Paraon at pumunta sa buong lupain ng Ehipto.
若瑟立於埃及王法郎前時,年三十歲。他由法郎面前出去巡行了埃及全國。
47 Sa pitong mabiyayang taon ang lupain ay nagbunga nang masagana.
七個豐年內,土地出產極其豐富。
48 Tinipon niya lahat ng pagkaing nasa lupain ng Ehipto ng pitong taon at inilagay ang pagkain sa mga siyudad. Inilagay niya sa bawat siyudad ang pagkain galing sa mga bukid na nakapaligid dito.
若瑟聚斂了埃及國七個豐年內所有的糧食,積蓄在城內;每城城郊田間所出的糧食,也都儲藏在本城內。
49 Inimbak ni Jose ang mga butil na parang buhangin ng dagat, na sa kalabisan ay tumigil na siya sa pagbilang dahil ito ay hindi mabilang.
這樣若瑟聚斂了大量的五穀,多得有如海沙,無法計算,無法勝數。
50 May dalawang anak na lalaki si Jose bago dumating ang mga taon ng taggutom, na isinilang para sa kaniya ni Asenat, ang anak na babae ni Potifera na pari ng On.
在荒年未來以前,若瑟已有了兩個兒子,是翁城的司祭頗提斐辣的女兒阿斯納特給他生的。
51 Tinawag ni Jose ang pangalan ng kaniyang panganay na Manases, at sinabi niya, “Ginawa ng Diyos na makalimutan ko ang lahat ng aking mga bagabag at lahat ng sambahayan ng aking ama.”
若瑟給長子起名叫默納協,說:「天主使我忘盡了我的一切困苦和我父的全家。
52 Tinawag niya ang pangalan ng kaniyang pangalawang anak na Efraim, dahil sinabi niya, “Ginawa akong mabunga ng Diyos sa lupain ng aking dalamhati.”
給次子起名叫厄弗辣因,說:「天主使我在我受苦的地方有了子息。」
53 Ang pitong saganang mga taon na nasa lupain ng Ehipto ay natapos na.
埃及國的七個豐年一過,
54 Ang pitong taon ng taggutom ay nagsimula, ayon sa nasabi ni Jose. Mayroong taggutom sa lahat ng mga lupain, pero sa lahat ng lupain ng Ehipto ay mayroong pagkain.
七個荒年隨著就來了,恰如若瑟所預言的;各地都發生了飢荒,唯獨全埃及國還有食糧。
55 Nang ang buong lupain ng Ehipto ay gutom na gutom na, tumawag ng malakas ang mga tao kay Paraon para sa pagkain. Sinabi ni Paraon sa lahat ng mga taga Ehipto, “Pumunta kayo kay Jose at gawin ang anumang sabihin niya.”
及至埃及全國鬧飢荒時,人民便向法郎呼求糧食;法郎對埃及民眾說:「你們到若瑟那裏去,照他對你們所說的做。」
56 Ang taggutom ay nasa buong lupain. Binuksan ni Jose ang lahat ng mga kamalig at nagbenta sa mga taga-Ehipto. Ang taggutom ay napakatindi sa lupain ng Ehipto.
當時飢荒彌漫天下,若瑟便開了國內所有的糧倉,將糧食賣給埃及人,因為埃及的飢荒很嚴重。
57 Ang buong mundo ay pumupunta sa Ehipto upang bumili ng butil kay Jose dahil ang taggutom ay matindi sa buong mundo.
天下的人都來到埃及,向若瑟購買食糧,因為天下各地都大鬧飢荒。