< Genesis 39 >

1 Dinala si Jose pababa sa Ehipto. Binili siya ni Potipar, na isang opisyal at kapitan ng mga bantay ni Paraon at isang taga-Ehipto, mula sa mga Ismaelita, na nagdala sa kanya doon.
Now Ioseph was brought downe into Egypt: and Potiphar an Eunuche of Pharaohs (and his chiefe stewarde an Egyptian) bought him at the hande of the Ishmeelites, which had brought him thither.
2 Si Yahweh ay kasama ni Jose at siya'y naging mayamang tao. Nanirahan siya sa bahay ng kanyang amo na taga-Ehipto.
And the Lord was with Ioseph, and he was a man that prospered and was in the house of his master the Egyptian.
3 Nakita ng kanyang amo na kasama niya si Yahweh at lahat ng ginawa niya ay pinasagana ni Yahweh.
And his master sawe that the Lord was with him, and that the Lord made all that hee did to prosper in his hande.
4 Nakitaan si Jose ng pabor sa kanyang paningin. Pinaglingkuran niya si Potipar. Ginawa ni Potipar na tagapangasiwa si Jose ng kanyang bahay, at lahat ng nasa kanya, nilagay niya lahat sa ilalim ng kanyang pangangalaga.
So Ioseph founde fauour in his sight, and serued him: and he made him ruler of his house, and put all that he had in his hand.
5 Dumating ang panahon na ginawa siyang tagapangasiwa ng kanyang bahay at sa lahat ng kanyang pagmamay-ari, kaya pinagpala ni Yahweh ang buong bahay ng taga-Ehipto dahil kay Jose. Ang pagpapala ni Yahweh ay nasa lahat ng bagay na pagmamay-ari ni Potipar sa kanyang bahay at sa kanyang bukid.
And from that time that he had made him ruler ouer his house and ouer all that he had, the Lord blessed the Egyptians house for Iosephs sake: and the blessing of the Lord was vpon all that he had in the house, and in the fielde.
6 Inilagay ni Potipar ang lahat ng nasa kanya sa ilalim ng pangangalaga ni Jose. Hindi na niya kailangan mag-isip tungkol sa anumang bagay maliban sa pagkain na kinakain niya. Ngayon si Jose ay matipuno at kaakit-akit.
Therefore he left all that he had in Iosephs hand, and tooke accompt of nothing, that was with him, saue onely of the bread, which he did eate. And Ioseph was a faire person, and well fauoured.
7 Dumating ang panahon na pinagnanasaan si Jose ng asawa ng kanyang amo. Sinabi niya, “Sumiping ka sa akin”.
Nowe therefore after these thinges, his masters wife cast her eyes vpon Ioseph, and saide, Lye with me.
8 Ngunit tinanggihan niya ito at sabay sabi sa asawa ng kanyang amo, “Tingnan mo, ang amo ko ay di-nagbigay pansin sa kung ano ang pinaggagawa ko dito sa bahay, at nilagay niya lahat ng kanyang pag-aari sa ilalim ng aking pangangalaga.
But he refused and said to his masters wife, Beholde, my master knoweth not what he hath in the house with me, but hath committed all that he hath to mine hande.
9 Walang mas nakakataas sa pamamahay na ito maliban sa akin. Wala siyang anumang pinagkait sa akin maliban sa iyo, dahil ikaw ang asawa niya. Paano ko kaya magagawa itong malaking kasamaan at magkakasala laban sa Diyos?”
There is no man greater in this house then I: neither hath he kept any thing from me, but only thee, because thou art his wife: how then can I do this great wickednes and so sinne against God?
10 Kinausap niya si Jose sa bawat araw, ngunit tumanggi pa rin siya na sipingan siya o para makasama siya.
And albeit she spake to Ioseph day by day, yet he hearkened not vnto her, to lye with her, or to be in her company.
11 Dumating ang isang araw na pumunta siya sa bahay para gawin ang kanyang gawain. Walang sinuman sa mga lalaki sa bahay ang naroon sa bahay.
Then on a certaine day Ioseph entred into the house, to doe his businesse: and there was no man of the houshold in the house:
12 Siya ay hinablot niya sa pamamagitan ng kanyang damit at sinabi, “Sipingan mo ako.” Naiwanan niya ang kanyang damit sa kanyang kamay, lumayo, at nagpunta sa labas.
Therefore she caught him by his garmet, saying, Sleepe with me: but he left his garment in her hand and fled, and got him out.
13 Dumating ang panahon, nang makita niya na naiwanan ni Jose ang kanyang damit sa kanyang kamay at lumayo palabas,
Nowe when she sawe that he had left his garment in her hand, and was fled out,
14 tinawag niya ang mga lalaki sa kanyang bahay at sinabi sa kanila, “Tingnan ninyo, nagdala si Potipar ng isang Hebreo para hamakin tayo. Pinuntahan niya ako para sipingan ako, at ako ay sumigaw.
She called vnto the men of her house, and tolde them, saying, Beholde, he hath brought in an Ebrewe vnto vs to mocke vs: who came in to me for to haue slept with me: but I cryed with a loude voyce.
15 Dumating ang panahon nang marinig niya akong sumigaw, naiwan niya ang kanyang damit sa akin, lumayo, at pumunta sa labas.”
And when he heard that I lift vp my voice and cryed, he left his garment with me, and fled away, and got him out.
16 Tinabi niya ang damit hanggang sa makauwi ang kanyang amo sa bahay.
So she layde vp his garment by her, vntill her lord came home.
17 Sinabi niya sa kanya ang paliwanag na ito, “Ang lingkod na Hebreo na dinala mo sa amin ay nagpunta sa akin para hamakin ako.
Then she tolde him according to these words, saying, The Ebrew seruat, which thou hast brought vnto vs, came in to me, to mocke me.
18 Nang sumigaw ako, iniwan niya ang kanyang damit sa akin at lumayo palabas.”
But assoone as I lift vp my voyce and cried, he left his garment with me, and fled out.
19 Dumating ang panahon, nang marinig ng kanyang amo ang pagpapaliwanag ng kanyang asawa sa kanya, “Ito ang ginawa ng iyong lingkod sa akin,” siya ay naging labis na galit.
Then when his master heard the wordes of his wife, which she tolde him, saying, After this maner did thy seruant to me, his anger was kindled.
20 Kinuha si Jose ng kanyang amo at siya ay nilagay sa bilangguan, ang lugar na kung saan nakakulong ang mga bilanggo ng hari. Siya ay naroon sa bilangguan.
And Iosephs master tooke him and put him in prison, in the place, where the kings prisoners lay bounde: and there he was in prison.
21 Ngunit si Yahweh ay kasama ni Jose at siya ay nagpakita katapatan sa tipan sa kanya. Siya ay binigyan niya ng kagandahang-loob sa paningin ng bantay ng kulungan.
But the Lord was with Ioseph, and shewed him mercie, and got him fauour in the sight of the master of the prison.
22 Binigay ng bantay ng kulangan sa kamay ni Jose ang pamamahala sa lahat ng bilanggo sa kulungan. Kahit anong gawin nila roon, si Jose ang namamahala.
And the keeper of the prison committed to Iosephs hande all the prisoners that were in the prison, and whatsoeuer they did there, that did he.
23 Wala ng inaalalang anuman ang bantay ng kulungan na nasa kamay ni Jose, dahil si Yahweh ay kasama niya. Kahit anong gawin niya, pinasagana siya ni Yahweh.
And the keeper of the prison looked vnto nothing that was vnder his hande, seeing that the Lord was with him: for whatsoeuer he did, the Lord made it to prosper.

< Genesis 39 >