< Genesis 38 >

1 Dumating ang panahon na iniwan ni Juda ang kanyang mga kapatid na lalaki at tumira sa isang Adullamita, na ang pangalan ay Hira.
そのころユダは兄弟たちを離れて下り、アドラムびとで、名をヒラという者の所へ行った。
2 Nakilala niya si Sua na anak ng Cananeo na lalaki na ang pangalan ay Sua. Pinakasalan niya at sinipingan niya.
ユダはその所で、名をシュアというカナンびとの娘を見て、これをめとり、その所にはいった。
3 Siya ay nabuntis at nagkaroon ng anak na lalaki. Siya ay pinangalanan Er.
彼女はみごもって男の子を産んだので、ユダは名をエルと名づけた。
4 Nabuntis ulit siya at nagkaroon ng isang anak na lalaki. Tinawag niya siyang Onan.
彼女は再びみごもって男の子を産み、名をオナンと名づけた。
5 Nagkaroon ulit siya ng isang anak at tinawag siya sa pangalang Selah. Ito ay sa Kizib kung saan siya ipinanganak.
また重ねて、男の子を産み、名をシラと名づけた。彼女はこの男の子を産んだとき、クジブにおった。
6 Nakahanap si Juda ng isang asawa para kay Er, panganay niya. Ang pangalan niya ay Tamar.
ユダは長子エルのために、名をタマルという妻を迎えた。
7 Ang panganay niyang anak na si Er ay napakasama sa paningin ni Yahweh. Pinatay siya ni Yahweh.
しかしユダの長子エルは主の前に悪い者であったので、主は彼を殺された。
8 Sinabi ni Juda kay Onan, “Sumiping ka kasama ng asawa ng iyong kapatid na lalaki. Gawin mo ang tungkulin bilang isang kapatid na lalaki, at palakihin mo ang isang bata para sa iyong kapatid.
そこでユダはオナンに言った、「兄の妻の所にはいって、彼女をめとり、兄に子供を得させなさい」。
9 Alam na ni Onan na ang bata ay hindi kanya. Kapag sumisiping siya kasama ng asawa ng kanyang kapatid na lalaki, tinatapon niya sa lupa ang kanyang semilya upang hindi siya magkaroon ng anak para sa kanyang kapatid na lalaki.
しかしオナンはその子が自分のものとならないのを知っていたので、兄の妻の所にはいった時、兄に子を得させないために地に洩らした。
10 Ang ginawa niya ay naging masama sa paningin ni Yahweh. Pinatay din siya ni Yahweh.
彼のした事は主の前に悪かったので、主は彼をも殺された。
11 Pagkatapos sinabi ni Juda kay Tamar, na kanyang manugang, “Manatili kang biyuda sa bahay ng iyong ama hanggang sa lumaki si Selah na aking anak.” Dahil sa isip niya, “Baka mamatay din siya katulad ng kanyang mga kapatid.” Umalis si Tamar at nanirahan sa bahay ng kanyang ama.
そこでユダはその子の妻タマルに言った、「わたしの子シラが成人するまで、寡婦のままで、あなたの父の家にいなさい」。彼は、シラもまた兄弟たちのように死ぬかもしれないと、思ったからである。それでタマルは行って父の家におった。
12 Pagkatapos ng mahabang panahon, ang anak na babae ni Sua na asawa ni Juda ay namatay. Si Juda ay naaliw at pumunta pataas sa kanyang mga manggugupit ng balahibo ng tupa sa Timnat, siya at ang kanyang kaibigan na si Hira na isang Adullamita.
日がたってシュアの娘ユダの妻は死んだ。その後、ユダは喪を終ってその友アドラムびとヒラと共にテムナに上り、自分の羊の毛を切る者のところへ行った。
13 Nasabihan si Tamar, “Tingnan mo, ang iyong biyenan na lalaki ay pupunta pataas sa Timnat upang gupitan ang balahibo ng kanyang mga tupa.”
時に、ひとりの人がタマルに告げて、「あなたのしゅうとが羊の毛を切るためにテムナに上って来る」と言ったので、
14 Hinubad niya ang damit sa pagkabalo at tinakpan ang kanyang sarili ng isang belo at ibinalot ang sarili. Umupo siya sa tarangkahan ng Enaim, sa tabi ng daan patungong Timnat. Dahil nakita niyang si Selah ay lumaki na ngunit hindi siya binigay bilang asawa niya.
彼女は寡婦の衣服を脱ぎすて、被衣で身をおおい隠して、テムナへ行く道のかたわらにあるエナイムの入口にすわっていた。彼女はシラが成人したのに、自分がその妻にされないのを知ったからである。
15 Nang makita siya ni Juda naisip niya na siya ay isang babaeng bayaran dahil tinakpan niya ang kanyang mukha.
ユダは彼女を見たとき、彼女が顔をおおっていたため、遊女だと思い、
16 Pumunta siya sa kanya sa tabing daan at sinabi, “Halika, pakiusap hayaan mo akong sumiping sa iyo.”- Dahil di niya alam na siya ang manugang niya- at sinabi niya, “Anong ibibigay mo sa akin para sipingan kita?”
道のかたわらで彼女に向かって言った、「さあ、あなたの所にはいらせておくれ」。彼はこの女がわが子の妻であることを知らなかったからである。彼女は言った、「わたしの所にはいるため、何をくださいますか」。
17 Sinabi niya, “Papadalhan kita ng isang batang kambing na mula sa kawan.” Sinabi niya, “Maaari mo ba akong bigyan ng isang sangla hanggang maipadala mo ito?”
ユダは言った、「群れのうちのやぎの子をあなたにあげよう」。彼女は言った、「それをくださるまで、しるしをわたしにくださいますか」。
18 Sinabi niya, “Anong sangla ang maaari kong ibigay sa iyo?” At sinabi niya, “Ang inyong selyo at kordon, at ang tungkod na nasa iyong kamay.” Ibinigay ito sa kanya at sinipingan siya. Siya ay nabuntis sa pamamagitan niya.
ユダは言った、「どんなしるしをあげようか」。彼女は言った、「あなたの印と紐と、あなたの手にあるつえとを」。彼はこれらを与えて彼女の所にはいった。彼女はユダによってみごもった。
19 Tumindig si Tamar at umalis palayo. Inalis niya ang kanyang belo at isinuot ang damit sa kanyang pagkabalo.
彼女は起きて去り、被衣を脱いで寡婦の衣服を着た。
20 Ipinadala ni Juda ang batang kambing mula sa kawan kasama ang kanyang kaibigan na Adullamita para tanggapin ang sangla na mula sa kamay ng babae, ngunit hindi na niya siya nakita.
やがてユダはその女からしるしを取りもどそうと、その友アドラムびとに託してやぎの子を送ったけれども、その女を見いだせなかった。
21 Pagkatapos nito ay tinanong ng Adullamita ang mga lalaki sa lugar, “Nasaan na ang kultong babaeng bayaran na nasa Enaim sa tabing daan? “Sinabi nila, wala namang kultong babaeng bayaran dito.”
そこで彼はその所の人々に尋ねて言った、「エナイムで道のかたわらにいた遊女はどこにいますか」。彼らは言った、「ここには遊女はいません」。
22 Bumalik siya kay Juda at sinabi, “Hindi ko siya nakita. Maging ang mga lalaki sa lugar ay nagsabi, 'Walang naging kultong babaeng bayaran dito.
彼はユダのもとに帰って言った、「わたしは彼女を見いだせませんでした。またその所の人々は、『ここには遊女はいない』と言いました」。
23 Sinabi ni Juda, “Hayaan mong itago niya ang mga bagay, baka malagay tayo sa kahihiyan. Totoo nga, ipinadala ko ang batang kambing, ngunit hindi mo siya natagpuan.”
そこでユダは言った、「女に持たせておこう。わたしたちは恥をかくといけないから。とにかく、わたしはこのやぎの子を送ったが、あなたは彼女を見いだせなかったのだ」。
24 Dumating ang panahon, pagkalipas ng tatlong buwan na sinabi kay Juda, “Ang iyong manugang na si Tamar ay naging babaeng bayaran, at totoo nga, siya ay nabuntis sa dahil doon.” Sinabi ni Juda, “Siya'y ilabas upang sunugin.”
ところが三月ほどたって、ひとりの人がユダに言った、「あなたの嫁タマルは姦淫しました。そのうえ、彼女は姦淫によってみごもりました」。ユダは言った、「彼女を引き出して焼いてしまえ」。
25 Nang siya ay dinala palabas, nagpadala siya ng mensahe para sa kanyang biyenan na lalaki, “Dahil sa lalaking nagmamay-ari nito nabuntis ako.” Sabi niya, “Pakiusap alamin ninyo kung kaninong selyo, mga kordon at tungkod ito.”
彼女は引き出された時、そのしゅうとに人をつかわして言った、「わたしはこれをもっている人によって、みごもりました」。彼女はまた言った、「どうか、この印と、紐と、つえとはだれのものか、見定めてください」。
26 Nakilala ni Juda ang mga ito at sinabi, “Siya ay mas matuwid kaysa sa akin, dahil hindi ko siya ibinigay bilang isang asawa kay Selah, na aking anak na lalaki.” Siya ay hindi na muling sumiping sa kanya.
ユダはこれを見定めて言った、「彼女はわたしよりも正しい。わたしが彼女をわが子シラに与えなかったためである」。彼は再び彼女を知らなかった。
27 Nang siya ay manganganak na, masdan, kambal ang nasa kanyang sinapupunan.
さて彼女の出産の時がきたが、胎内には、ふたごがあった。
28 Nang nanganganak na siya, may isang naglabas ng kamay, at kinuha ng komadrona ang isang pulang sinulid at itinali ito sa kanyang kamay at sinabi, “Ito ang unang lumabas.”
出産の時に、ひとりの子が手を出したので、産婆は、「これがさきに出た」と言い、緋の糸を取って、その手に結んだ。
29 nang inurong niya ang kanyang kamay, at masdan, ang kapatid niyang lalaki ay unang lumabas. Ang komandrona ay nagsabi, “Paano ka nakalabas!” At pinangalanan siyang Perez.
そして、その子が手をひっこめると、その弟が出たので、「どうしてあなたは自分で破って出るのか」と言った。これによって名はペレヅと呼ばれた。
30 Pagkatapos ang kapatid niya ay lumabas, na mayroong pulang sinulid sa kanyang kamay, at Zera ang ipinangalan sa kanya.
その後、手に緋の糸のある兄が出たので、名はゼラと呼ばれた。

< Genesis 38 >