< Genesis 37 >

1 Nanirahan si Jacob sa lupain kung saan naroon ang kanyang ama, sa lupain ng Canaan.
雅各住在迦南地,就是他父親寄居的地。
2 Ito ang mga pangyayari tungkol kay Jacob. Nang labimpitong taong gulang pa lang si Jose, nagbabantay siya ng kawan kasama ang kanyang mga kapatid. Kasama niya ang mga anak na lalaki ni Bilhah at mga anak na lalaki ni Zilpah, mga asawa nang kanyang ama. Nagdala si Jose ng hindi kanais-nais na balita tungkol sa kanila sa kanilang ama.
雅各的記略如下。 約瑟十七歲與他哥哥們一同牧羊。他是個童子,與他父親的妾辟拉、悉帕的兒子們常在一處。約瑟將他哥哥們的惡行報給他們的父親。
3 Minahal ni Israel si Jose nang mas higit sa lahat ng kanyang anak na lalaki dahil siya ang anak niya sa katandaan. Ginawan siya nang isang magandang damit.
以色列原來愛約瑟過於愛他的眾子,因為約瑟是他年老生的;他給約瑟做了一件彩衣。
4 Nakita ng kanyang mga kapatid ang pagmamahal ng kanilang ama na mas higit kaysa sa lahat niyang kapatid na lalaki. Siya ay kinamuhian nila at hindi nakikipag-usap nang maayos.
約瑟的哥哥們見父親愛約瑟過於愛他們,就恨約瑟,不與他說和睦的話。
5 Nanaginip si Jose ng isang panaginip, at sinabi niya sa kanyang mga kapatid ang tungkol dito. Lalo pa nila siyang kinamuhia.
約瑟做了一夢,告訴他哥哥們,他們就越發恨他。
6 Sinabi niya sa kanila, “Pakiusap makinig kayo sa panaginip na aking napanaginipan.
約瑟對他們說:「請聽我所做的夢:
7 Masdan ninyo, itinatali natin ang mga bigkis ng mga butil sa bukid at masdan ninyo, tumayo ang aking bigkis at tumuwid, at masdan ninyo, pumalibot ang inyong mga bigkis at yumuko sa aking bigkis.
我們在田裏捆禾稼,我的捆起來站着,你們的捆來圍着我的捆下拜。」
8 Sinabi sa kanya ng kanyang mga kapatid, “Magiging hari ka ba talaga namin? Mamumuno ka sa amin? “Lalo siyang kinamuhian dahil sa kanyang mga panaginip at sa kanyang mga salita.
他的哥哥們回答說:「難道你真要作我們的王嗎?難道你真要管轄我們嗎?」他們就因為他的夢和他的話越發恨他。
9 Nanaginip siya ulit ng panaginip at sinabi niya ito sa kanyang mga kapatid. Sinabi niya, “Tingnan ninyo, nanaginip ako ng ibang panaginip: Ang araw at ang buwan at labing-isang bituin ay yumuko pababa sa akin.”
後來他又做了一夢,也告訴他的哥哥們說:「看哪,我又做了一夢,夢見太陽、月亮,與十一個星向我下拜。」
10 Sinabi niya ito sa kanyang ama pati sa kanyang mga kapatid, at pinagsabihan siya ng kanyang ama. Sinabi niya sa kanya, “Ano itong panaginip na napaginipan mo? Talaga bang lalapit ang iyong ina, ako at ang mga kapatid mo para yumuko sa iyo sa lupa?”
約瑟將這夢告訴他父親和他哥哥們,他父親就責備他說:「你做的這是甚麼夢!難道我和你母親、你弟兄果然要來俯伏在地,向你下拜嗎?」
11 Nainggit sa kanya ang kanyang mga kapatid, pero ang kanyang ama ay itinago ang bagay sa kanyang isip.
他哥哥們都嫉妒他,他父親卻把這話存在心裏。
12 Umalis ang mga kapatid ni Jose upang magpastol ng kawan ng kanilang ama sa Sechem.
約瑟的哥哥們往示劍去放他們父親的羊。
13 Sinabi ni Jacob kay Jose, “Hindi ba nagpapastol ng kawan ang iyong mga kapatid sa Sechem? Halika, at ipapadala kita sa kanila.” Sinabi ni Jose sa kanya, “Nakahanda ako.”
以色列對約瑟說:「你哥哥們不是在示劍放羊嗎?你來,我要打發你往他們那裏去。」約瑟說:「我在這裏。」
14 Sinabi niya sa kanya, “Umalis ka na ngayon, tingnan mo kung maayos ang mga kapatid mo at maayos ang mga kawan, at balitaan mo ako.” Kaya pinadala siya ni Jacob sa lambak ng Hebron, at nagpunta si Jose sa Sichem.
以色列說:「你去看看你哥哥們平安不平安,群羊平安不平安,就回來報信給我」;於是打發他出希伯崙谷,他就往示劍去了。
15 May isang taong nakakita kay Jose. Masdan mo, si Jose ay pagala-gala sa isang bukid. Tinanong siya ng isang lalaki, “Ano ang hinahanap mo?”
有人遇見他在田野走迷了路,就問他說:「你找甚麼?」
16 Sinabi ni Jose, “Hinahanap ko ang aking mga kapatid. Pakiusap, sabihin mo sa akin kung saan nila nagpapastol ang kawan.”
他說:「我找我的哥哥們,求你告訴我,他們在何處放羊。」
17 Sinabi ng lalaki, “Umalis na sila sa lugar na ito, narinig ko silang nagsabi na, “Pumunta tayo sa Dotan. Pinuntahan ni Jose ang kanyang mga kapatid at natagpuan sila sa Dotan.
那人說:「他們已經走了,我聽見他們說要往多坍去。」約瑟就去追趕他哥哥們,遇見他們在多坍。
18 Nakita nila si Jose mula sa di kalayuan, at bago siya makalapit sa kanila, nakapagplano na sila laban sa kanya para patayin siya.
他們遠遠地看見他,趁他還沒有走到跟前,大家就同謀要害死他,
19 Sinabi ng kanyang mga kapatid sa bawat isa, “Tingnan niyo, Papalapit na ang taong mapanaginipin.
彼此說:「你看!那做夢的來了。
20 Halikayo, kung ganon, patayin na natin siya at ihulog siya sa isa sa mga balon. Sabihin natin, 'Sinakmal siya ng isang mabangis na hayop.' Tingnan natin kung anong mangyayari sa kanyang mga panaginip.”
來吧!我們將他殺了,丟在一個坑裏,就說有惡獸把他吃了。我們且看他的夢將來怎麼樣。」
21 Narinig ito ni Reuben at iniligtas siya mula sa kanilang kamay. Sinabi niya, “Huwag nating kunin ang kanyang buhay.”
呂便聽見了,要救他脫離他們的手,說:「我們不可害他的性命」;
22 Sinabi ni Reuben sa kanila, “Huwag magpadanak ng dugo. Itapon siya sa balong ito sa deserto, ngunit huwag ninyo siyang hawakan”— upang mailigtas niya siya sa kanilang kamay para maibalik siya sa kanyang ama.
又說:「不可流他的血,可以把他丟在這野地的坑裏,不可下手害他。」呂便的意思是要救他脫離他們的手,把他歸還他的父親。
23 Nangyari na nang dumating si Jose sa kanyang mga kapatid, hinubad sa kaniya ang magandang damit.
約瑟到了他哥哥們那裏,他們就剝了他的外衣,就是他穿的那件彩衣,
24 Dinala siya at itinapon siya sa loob ng balon. Walang laman ang balon ni wala itong tubig.
把他丟在坑裏;那坑是空的,裏頭沒有水。
25 Umupo sila para kumain ng tinapay. Tumingala sila at tumingin, at masdan, may paparating na isang karawan ng mga Ismaelita mula sa Gilead, kasama ang kanilang mga kamelyo na may dala-dalang mga sahog at balsamo at mira. Naglalakbay sila ay para dalhin ang mga iyon pababa sa Ehipto.
他們坐下吃飯,舉目觀看,見有一夥米甸 的以實瑪利人從基列來,用駱駝馱着香料、乳香、沒藥,要帶下埃及去。
26 Sabi ni Juda sa kanyang mga kapatid, “Anong pakinabang nito kung papatayin ang ating kapatid at pagtakpan ang kanyang dugo?
猶大對眾弟兄說:「我們殺我們的兄弟,藏了他的血有甚麼益處呢?
27 Halina kayo, at ipagbili natin siya sa mga Ismaelita, at huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay. Dahil siya ay ating kapatid, ating laman. Pinakinggan siya ng kanyang mga kapatid.
我們不如將他賣給以實瑪利人,不可下手害他;因為他是我們的兄弟,我們的骨肉。」眾弟兄就聽從了他。
28 Dumaan ang mga mangangalakal na Midianita. Inihaon si Jose ng kanyang mga kapatid at iniakyat pataas mula sa balon. Ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita para sa dalawampung pirasong pilak. Dinala si Jose ng mga Ismaelita sa Ehipto.
有些米甸的商人從那裏經過,哥哥們就把約瑟從坑裏拉上來,講定二十舍客勒銀子,把約瑟賣給以實瑪利人。他們就把約瑟帶到埃及去了。
29 Bumalik si Reuben sa balon, at masdan, wala na si Jose sa loob ng balon. Pinunit niya ang kanyang damit.
呂便回到坑邊,見約瑟不在坑裏,就撕裂衣服,
30 Bumalik siya sa kanyang mga kapatid at sinabi, “Nasaan na ang bata? At ako, saan ako paparoon?”
回到兄弟們那裏,說:「童子沒有了。我往哪裏去才好呢?」
31 Kumatay sila ang isang kambing at pagkatapos kinuha nila ang damit ni Jose at sinawsaw ito sa dugo.
他們宰了一隻公山羊,把約瑟的那件彩衣染了血,
32 Pagkatapos, dinala nila ito sa kanilang ama at sinabi, “Nakita namin ito. Pakiusap tingnan mo kung ito ang damit ng inyong anak o hindi?”
打發人送到他們的父親那裏,說:「我們撿了這個;請認一認是你兒子的外衣不是?」
33 Nakilala ito ni Jacob at sinabi, “Ito ay damit ng aking anak. Sinakmal siya ng isang mabangis na hayop. Tiyak na nagkawasak-wasak ang katawan ni Jose.”
他認得,就說:「這是我兒子的外衣。有惡獸把他吃了,約瑟被撕碎了!撕碎了!」
34 Pinunit ni Jacob ang kanyang mga damit at naglagay siya ng sako sa kanyang balakang. Nagluksa siya para sa kanyang anak ng maraming araw.
雅各便撕裂衣服,腰間圍上麻布,為他兒子悲哀了多日。
35 Ang lahat ng kanyang mga anak na lalaki at babae ay pumunta para aliwin siya ngunit tumanggi siyang magpaaliw. Sabi niya, “Talagang bababa ako sa sheol na nagluluksa para sa aking anak.” Nanangis ang kanyang ama para kanya. (Sheol h7585)
他的兒女都起來安慰他,他卻不肯受安慰,說:「我必悲哀着下陰間,到我兒子那裏。」約瑟的父親就為他哀哭。 (Sheol h7585)
36 Ipinagbili siya ng mga Midianita sa Ehipto kay Potipar, isang opisyal ni Paraon, na kapitan ng bantay.
米甸人帶約瑟到埃及,把他賣給法老的內臣-護衛長波提乏。

< Genesis 37 >