< Genesis 34 >

1 Ngayon si Dina, na babaeng anak ni Lea kay Jacob ay lumabas para makilala ang mga dalaga ng lupain.
Dina, Jakobs datter med Lea, gikk engang ut for å se på landets døtre.
2 Nakita siya ni Sechem, na anak ni Hamor na Hevita ang prinsipe ng lupain at hinila siya, nilapastangan at hinalay.
Og Sikem, som var sønn av hevitten Hemor, høvdingen i landet, så henne; og han tok henne og lå hos henne og krenket henne.
3 Naakit siya kay Dina, na anak ni Jacob. Minahal niya ang dalaga at magiliw na kinausap siya.
Men hans hjerte hang ved Dina, Jakobs datter, og han elsket piken og talte kjærlig til henne.
4 Kinausap ni Sechem ang kanyang amang si Hamor, sinabing, “Kunin mo ang dalagang ito para sa akin upang maging asawa ko.”
Så sa Sikem til Hemor, sin far: La mig få denne pike til hustru!
5 Ngayon narinig ni Jacob na dinungisan niya si Dina na kanyang anak. Nasa bukid ang kanyang mga anak na lalaki kasama ng kanyang mga alagang hayop, kaya nanahimik si Jacob hanggang sa dumating sila.
Og Jakob fikk høre at han hadde vanæret Dina, hans datter; men hans sønner var med buskapen ute på marken, og Jakob tidde med det til de kom hjem.
6 Pumunta kay Jacob si Hamor na ama ni Sechem.
Men Hemor, Sikems far, gikk ut til Jakob for å tale med ham.
7 Dumating ang mga anak na lalaki ni Jacob na galing sa bukid nang marinig nila ang nangyari. Nasaktan ang mga lalaki. Labis silang nagalit dahil pinahiya nila ang Israel sa pagpupumilit sa kanyang sarili sa anak na babae ni Jacob, dahil ang bagay na iyon ay hindi dapat ginawa.
Jakobs sønner kom hjem fra marken da de fikk høre om dette; og mennene gremmet sig og var harmfulle; for han hadde gjort en skammelig gjerning mot Israel ved å ligge hos Jakobs datter. Slikt burde ikke skje.
8 Nakipag-usap si Hamor sa kanila at sinabing, “Iniibig ng aking anak na si Sechem ang iyong anak na babae. Pakiusap ibigay mo siya sa kanya bilang asawa.
Da talte Hemor med dem og sa: Min sønn Sikems hjerte henger ved eders datter; kjære, la ham få henne til hustru,
9 Makipag-asawa kayo sa amin, ibigay mo ang mga anak mong babae sa amin, at kunin ninyo ang mga anak naming babae para sa inyong sarili.
og inngå svogerskap med oss, gi oss eders døtre og ta I våre døtre!
10 Maninirahan kayo sa amin, at magiging bukas ang lupain para sa inyo para manirahan at makipagkalakalan, at makakuha ng ari-arian.”
Bli boende hos oss! Landet skal stå åpent for eder; bo her og dra omkring og få eder eiendommer her!
11 Sinabi ni Sechem sa kanyang ama at sa kanyang mga kapatid na lalaki, “Hayaan ninyong makasumpong ako ng pabor mula sa inyong mga mata, at anuman ang sabihin ninyo sa akin ay ibibigay ko.
Og Sikem sa til hennes far og hennes brødre: La mig finne nåde for eders øine! Det I krever av mig, vil jeg gi eder.
12 Hingiin ninyo sa akin gaano man kalaki ang dote at ragalong naisin ninyo, at ibibigay ko ang anumang sabihin ninyo sa akin, ngunit ibigay ninyo ang dalaga bilang asawa.”
Krev så meget I vil av mig i morgengave og andre gaver! Jeg skal gi det I vil ha; la mig bare få piken til hustru!
13 Sumagot ang mga anak na lalaki ni Jacob kay Sechem at kay Hamor na kanyang ama na may panlilinlang, sapagkat dinungisan ni Sechem si Dina na kanilang kapatid.
Da svarte Jakobs sønner Sikem og Hemor, hans far, med svikefulle ord, fordi han hadde vanæret deres søster Dina,
14 Sinabi nila sa kanila, “Hindi namin magagawa ang bagay na ito, ang pagbibigay ng aming kapatid na babae sa sinumang hindi tuli; sapagkat iyan ay magiging kahihiyan sa amin.
og sa til dem: Det kan vi ikke gjøre, å gi vår søster til en mann som har forhud; det vilde være en skam for oss.
15 Sa kondisyong ito lamang kami makikipagkasundo sa inyo: kung magpapatuli kayo kagaya namin, kung ang bawat lalaki sa inyo ay tutuliin.
Bare på det vilkår vil vi være eder til vilje, at I blir som vi, og alt mannkjønn hos eder lar sig omskjære.
16 Sa gayon ibibigay namin ang aming mga anak na babae sa inyo, at kukunin namin ang inyong mga anak na babae para sa aming sarili, at makipamuhay kami sa inyo at tayo ay magiging isang bayan.
Da vil vi gi eder våre døtre og gifte oss med eders døtre og bo hos eder, så vi blir ett folk.
17 Ngunit kung hindi kayo makikinig sa amin at magpatuli, sa gayon kukunin namin ang aming kapatid at aalis kami.”
Men dersom I ikke vil høre på oss og la eder omskjære, da tar vi vår søster og drar bort.
18 Kinalugdan ni Hamor at ng kanyang anak na si Sechem ang kanilang mga sinabi.
Og de syntes godt om deres ord, både Hemor og Sikem, Hemors sønn.
19 Hindi na nag-atubili ang binatang gawin kung ano ang sinabi nila, dahil siya ay nalugod sa anak na babae ni Jacob, at dahil siya ang pinakamarangal na tao sa buong sambahayan ng kanyang ama.
Og den unge mann drygde ikke med å gjøre dette, for han var glad i Jakobs datter, og han var den som hadde mest å si i sin fars hus.
20 Pumunta si Hamor at Sechem sa kanyang anak sa tarangkahan ng kanilang siyudad at nakipag-usap sa mga kalalakihan ng kanilang siyudad na sinasabing,
Så gikk Hemor og hans sønn Sikem til porten i sin by, og de talte til mennene i byen og sa:
21 “Ang mga taong ito ay namumuhay ng payapa kasama natin, kaya hayaan natin silang mamuhay sa lupain at mangalakal dito, dahil tunay na ang lupain ay malawak na sapat para sa kanila. Kunin natin ang mga anak nilang babae bilang mga asawa, at ibigay natin sa kanila ang ating mga anak na babae.
Disse menn vil gjerne være venner med oss og vil bo her i landet og dra omkring her, og landet er jo vidt nok for dem; vi vil gifte oss med deres døtre og gi dem våre døtre.
22 Sa ganitong kondisyon lamang papayag ang mga kalalakihan na manirahan kasama natin at tayo'y maging isang bayan: kung tutuliin ang bawat lalaki sa atin, tulad ng sila ay tuli.
Men bare på det vilkår vil mennene være oss til vilje og bo hos oss og bli til ett folk med oss, at alt mannkjønn iblandt oss lar sig omskjære, likesom de selv er omskåret.
23 Hindi ba maaaring ang kanilang mga alagang hayop at ang kanilang ari-arian—lahat ng kanilang mga hayop ay magiging atin? Kaya makipagkasundo tayo sa kanila, at maninirahan sila kasama natin.”
Deres buskap og deres gods og alle deres kløvdyr, blir ikke alt det vårt når vi bare er dem til vilje, så de blir boende hos oss?
24 Lahat ng mga lalaki ng lungsod ay nakinig kay Hamor at Sechem, na kanyang anak. Nagpatuli ang bawat lalaki.
Og de gjorde som Hemor og hans sønn Sikem vilde, alle som hørte hjemme i hans by; og alt mannkjønn, alle som hørte hjemme i hans by, blev omskåret.
25 Sa ikatlong araw, nang matindi ang sakit ng sugat nila, ang dalawa sa mga anak na lalaki ni Jacob, sina Simeon at Levi na mga kapatid ni Dina, ang kanilang espada at pumunta sa lungsod na walang bantay, at pinatay ang lahat ng mga kalalakihan.
Men på den tredje dag, da de var syke av sine sår, da tok Jakobs to sønner, Simeon og Levi, Dinas brødre, hver sitt sverd, og de kom uforvarende over byen og slo alt mannkjønn ihjel.
26 Pinatay nila si Hamor at Sechem na kanyang anak, sa pamamagitan ng talim ng espada. Kinuha nila si Dina mula sa bahay ni Sechem at umalis.
Også Hemor og Sikem, hans sønn, slo de ihjel med sverdets egg, og de tok Dina ut av Sikems hus og drog bort.
27 Ang ibang anak na lalaki ni Jacob ay pumunta sa mga patay na katawan at ninakawan nila ang siyudad, dahil nilapastangan ng mga tao ang kanilang kapatid na babae.
Jakobs sønner kom over de drepte og plyndret byen, fordi deres søster var blitt vanæret.
28 Kinuha nila ang kanilang mga kawan, mga pangkat ng hayop, mga asno at lahat ng bagay na nasa siyudad at nakapalibot na mga bukid kasama
De tok deres småfe og storfe og deres asener, både det som var i byen, og det som var på marken.
29 ang lahat ng kanilang kayamanan. Hinuli nila ang lahat ng kanilang mga anak at mga asawa. Kinuha nila maging ang lahat ng bagay na nasa mga bahay.
Og alt deres gods og alle deres barn og deres kvinner førte de bort som bytte, og alt annet som var i husene.
30 Sinabi ni Jacob kay Simeon at Levi, “Nagdala kayo ng gulo sa akin upang bumaho ako sa mga naninirahan sa lupain, sa mga Cananeo at mga Perezeo. Kakaunti na lamang ang aking bilang. Kung iipunin nila ang kanilang mga sarili laban sa akin at lulusubin ako, malilipol ako, ako at ang aking sambahayan.
Da sa Jakob til Simeon og Levi: I har gjort mig en stor sorg! I har ført mig i vanrykte hos landets innbyggere, Kana'anittene og ferisittene; jeg råder jo bare over en liten flokk, og samler de sig imot mig, kommer de til å slå mig ihjel, sa både jeg og mitt hus går til grunne.
31 Ngunit sinabi ni Simeon at Levi, “Maari bang pakitunguhan ni Sechem ang aming kapatid na katulad ng babaeng bayaran?”
Men de svarte: Skulde han da få gjøre med vår søster som med en skjøge?

< Genesis 34 >