< Genesis 31 >

1 Ngayon narinig ni Jacob ang mga salita ng mga anak ni Laban, na sinabi nila, “Kinuha ni Jacob ang lahat na mga pag-aari ng ating ninuno, at galing sa mga pag-aari ng ating ninuno ang lahat nang nakuha niyang kayamanan.”
Now he heard the words of Labans sonnes, saying, Iaakob hath taken away all that was our fathers, and of our fathers goods hath he gotten all this honour.
2 Nakita ni Jacob ang anyo ng mukha ni Laban. Nakita niya na nagbago ang kanyang pakikitungo sa kanya.
Also Iaakob beheld the countenance of Laban, that it was not towards him as in times past:
3 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Jacob, “Bumalik ka sa lupain ng iyong mga ninuno at sa iyong mga kamag-anak, at ako'y makakasama mo.”
And the Lord had said vnto Iaakob, Turne againe into the lande of thy fathers, and to thy kinred, and I wilbe with thee.
4 Pinatawag at pinapunta ni Jacob sina Raquel at Lea sa bukid sa kanyang kawan
Therefore Iaakob sent and called Rahel and Leah to the fielde vnto his flocke.
5 at sinabi sa kanila, “Nakita kong nagbago ang pakikitungo ng inyong ama sa akin, ngunit ang Diyos ng aking ama ay kasama ko.
Then sayde hee vnto them, I see your fathers countenance, that it is not towardes me as it was wont, and the God of my father hath bene with me.
6 Alam ninyong pinaglingkuran ko ang inyong ama ng buong lakas ko.
And yee knowe that I haue serued your father with all my might.
7 Nilinlang ako ng inyong ama at pinalitan ng sampung beses ang sahod ko, ngunit hindi siya pinahintulutan ng Diyos na ako'y masaktan.
But your father hath deceiued me, and changed my wages tenne times: but God suffred him not to hurt me.
8 Nang sinabi niya, 'Ang batik-batik na mga hayop ang ibibigay kong sahod sa iyo,' sa gayon ang lahat ng buong kawan ay nagsilang ng mga batang batik-batik. At nang sinabi niya, 'Ang mga guhitan ang iyong magiging sahod,' sa gayon ang lahat ng buong kawan ay nagsilang ng mga batang guhitan.
If he thus sayd, The spotted shall be thy wages, then all the sheepe bare spotted: and if he sayd thus, the party coloured shalbe thy rewarde, then bare all the sheepe particoloured.
9 Sa ganitong paraan kinuha ng Diyos ang mga alagang hayop ng inyong ama at ibinigay sila sa akin.
Thus hath God taken away your fathers substance, and giuen it me.
10 Minsan sa panahon ng pagpaparami, nakita ko sa isang panaginip ang mga lalaking kambing na nakikipagtalik sa kawan. Ang mga lalaking kambing ay mga guhitan, batik-batik at may butlig.
For in ramming time I lifted vp mine eyes and saw in a dreame, and beholde, ye hee goates leaped vpon the shee goates, that were partie coloured with litle and great spots spotted.
11 Sinabi sa akin ng anghel ng Diyos sa panaginip, “Jacob.' Sumagot ako, 'Narito ako.'
And the Angel of God sayde to mee in a dreame, Iaakob. And I answered, Lo, I am here.
12 Sabi niya, 'Imulat mo ang iyong mga mata at tingnan mo ang lahat ng mga lalaking kambing na nagpaparami sa kawan. Sila ay mga guhitan, may batik-batik at may batik, sapagkat nakita ko ang lahat ng bagay na ginagawa ni Laban sa iyo.
And he sayde, Lift vp nowe thine eyes, and see all the hee goates leaping vpon ye shee goates that are partie coloured, spotted with litle and great spots: for I haue seene all that Laban doeth vnto thee.
13 Ako ang Diyos ng Bethel, kung saan mo binuhusan ng langis ang isang haligi, kung saan ka gumawa ng isang panata sa akin. Ngayon, tumindig ka at lisanin ang lupaing ito at bumalik sa lupain ng iyong kapanganakan.”'
I am the God of Beth-el, where thou anoyntedst the pillar, where thou vowedst a vowe vnto me. Nowe arise, get thee out of this countrey and returne vnto ye land where thou wast borne.
14 Sumagot sina Raquel at Lea at sinabi sa kanya, “Mayroon ba kaming makukuhang anumang pamana sa bahay ng aming ama?
Then answered Rahel and Leah, and sayde vnto him, Haue wee any more porcion and inheritance in our fathers house?
15 Hindi ba itinuring niya tayo bilang mga dayuhan? Sapagkat ipinagbili niya tayo at tuluyang inubos ang ating pera.
Doeth not he count vs as strangers? for he hath solde vs, and hath eaten vp and consumed our money.
16 Dahil lahat ng kayamanang kinuha ng Diyos sa ating ama ngayo’y sa atin na at sa ating mga anak. Kaya ngayon, anumang sinabi ng Diyos sa iyo, gawin mo.”
Therefore all the riches, which God hath taken from our father, is ours and our childrens: nowe then whatsoeuer God hath saide vnto thee, doe it.
17 Pagkatapos bumangon si Jacob at pinasakay ang kanyang mga anak at mga asawa sa mga kamelyo.
Then Iaakob rose vp, and set his sonnes and his wiues vpon camels.
18 Pinauna niya ang kanyang mga alagang hayop, kasabay ng lahat ng kanyang mga ari-arian, pati na ang mga alagang hayop na nakuha niya sa Paddan Aram. Pagkatapos humayo siya patungo sa lupain ng Canaan sa kanyang amang si Isaac.
And he caried away all his flockes, and al his substance which he had gotten, to wit, his riches, which he had gotten in Padan Aram, to goe to Izhak his father vnto the land of Canaan.
19 Nang umalis si Laban para gupitan ang kanyang mga tupa, ninakaw naman ni Raquel ang diyos ng sambahayan ng kanyang ama.
Whe Laban was gone to shere his sheepe, Then Rahel stole her fathers idoles.
20 Nilinlang din ni Jacob si Laban na Aramean, sa hindi pagsasabing aalis siya.
Thus Iaakob stole away ye heart of Laban the Aramite: for he told him not that he fled.
21 Kaya tumakas siya dala lahat ng mayroon siya at nagmamadaling tumawid sa Ilog, patungo sa dako ng burol na bansa ng Galaad.
So fled he with all that he had, and he rose vp, and passed the riuer, and set his face towarde mount Gilead.
22 Sa ikatlong araw, nalaman ni Laban na tumakas si Jacob.
And the third day after was it told Laban, that Iaakob fled.
23 Kaya dinala niya ang kanyang mga kamag-anak at tinugis siya sa pitong araw na paglalakbay. Naabutan siya sa burol na bansa ng Galaad.
Then he tooke his brethren with him, and followed after him seuen dayes iourney, and ouertooke him at mount Gilead.
24 Ngayon nagpakita ang Diyos kay Laban na Aramean sa isang panaginip sa gabi at sinabi sa kanya, “Mag-ingat kang magsalita kay Jacob, kahit masama man o mabuti.”
And God came to Laban the Aramite in a dreame by night, and sayde vnto him, Take heede that thou speake not to Iaakob ought saue good.
25 Naunahan ni Laban si Jacob. Ngayon itinayo ni Jacob ang kanyang tolda sa burol na bansa. Nagkampo rin si Laban at ang kanyang mga kamag-anak sa burol na bansa ng Galaad.
Then Laban ouertooke Iaakob, and Iaakob had pitched his tent in the mount: and Laban also with his brethren pitched vpon mount Gilead.
26 Sinabi ni Laban kay Jacob, “Ano ang ginawa mo, na nilinlang mo ako at tinangay ang aking mga anak na babae na parang mga bilanggo sa digmaan?
Then Laban sayde to Iaakob, What hast thou done? thou hast euen stolen away mine heart and caried away my daughters as though they had bene taken captiues with the sworde.
27 Bakit ka tumakas nang palihim at nilinlang ako at hindi mo man lang ako sinabihan. Pinaalis sana kita nang may pagdiriwang, at may mga awitin, may tamborin at may mga alpa.
Wherfore diddest thou flie so secretly and steale away from me, and diddest not tel me, that I might haue sent thee foorth with mirth and with songs, with timbrel and with harpe?
28 Hindi mo ako pinayagang halikan ang aking mga apong lalaki at babae upang makapagpaalam. Gumawa ka ng kamangmangan.
But thou hast not suffered me to kisse my sonnes and my daughters: nowe thou hast done foolishly in doing so.
29 Nasa kapangyarihan ko ang gawan kayo ng masama, ngunit ang Diyos ng inyong ama ay nakipag-usap sa akin kagabi at sinabi, 'Mag-ingat kang magsalita laban kay Jacob masama man o mabuti.'
I am able to do you euill: but the God of your father spake vnto me yesternight, saying, Take heed that thou speake not to Iaakob ought saue good.
30 At ngayon, lumayo ka dahil labis ka nang nangulila sa bahay ng iyong ama. Ngunit bakit mo ninakaw ang aking mga diyos?”
Nowe though thou wentest thy way, because thou greatly longedst after thy fathers house, yet wherefore hast thou stollen my gods?
31 Sumagot si Jacob at sinabi kay Laban, “Dahil natatakot ako at ang akala ko na kukunin mo ang iyong mga anak na bababe mula sa akin nang sapilitan kaya umalis ako nang palihim.
Then Iaakob answered, and said to Laban, Because I was afraid, and thought that thou wouldest haue taken thy daughters from me.
32 Kung sino man ang nagnakaw ng iyong mga diyos-diyosan ay hindi na patuloy na mabubuhay. Sa harap ng ating mga kamag-anak, alamin mo kung anong mayroon sa akin ang sa iyo at kunin mo.” Pagkat hindi alam ni Jacob na si Raquel ang nagnakaw sa mga iyon.
But with whome thou findest thy gods, let him not liue. Search thou before our brethre what I haue of thine, and take it to thee, (but Iaakob wist not that Rahel had stolen them)
33 Pumunta si Laban sa tolda ni Jacob, sa tolda ni Lea at sa tolda ng dalawang babaeng alipin, ngunit hindi niya natagpuan ang mga ito. Pumunta siya sa tolda ni Lea at pumasok sa tolda ni Raquel.
Then came Laban into Iaakobs tent, and into Leahs tent, and into the two maides tentes, but founde them not. So hee went out of Leahs tent, and entred into Rahels tent.
34 Ngayon kinuha ni Raquel ang diyos ng sambahayan, nilagay niya ang mga ito sa upuan sa likod ng kamelyo at inupuan niya. Hinanapan ni Laban ang buong tolda, ngunit hindi niya ito natagpuan.
(Nowe Rahel had taken the idoles, and put them in the camels litter and sate downe vpon them) and Laban searched al the tent, but found them not.
35 Sinabi ni Raquel sa kanyang ama, “Huwag kang magalit, aking panginoon, sapagkat hindi ako makakatayo sa kinauupuan ko dahil sa ako ay may buwanang dalaw.” Kaya naghanap siya ngunit hindi niya natagpuan ang kanyang pansambahayang diyos.
Then said she to her father, My Lord, be not angrie that I cannot rise vp before thee: for the custome of women is vpon me: so he searched, but found not the idoles.
36 Nagalit si Jacob at nakipagtalo kay Laban. Sinabi niya sa kanya, “Ano ba ang atraso ko? Ano ba ang kasalanan ko, na pinag-iinitan mo akong habulin?
The Iaakob was wroth, and chode with Laban: Iaakob also answered and sayd to Laban, What haue I trespassed? what haue I offended, that thou hast pursued after me?
37 Hinanapan mo na ang lahat ng aking ari-arian. Anong natagpuan mong iyong mga pansambahayang bagay? Ilagay ang mga iyon dito sa harap ng ating mga kamag-anak, upang humatol sila sa pagitan nating dalawa.
Seeing thou hast searched all my stuffe, what hast thou foud of all thine houshold stuffe? put it here before my brethren and thy brethren, that they may iudge betweene vs both.
38 Kasama ninyo ako sa loob ng dalawampung taon. Ang inyong mga babaeng tupa at babaeng kambing ay hindi nakunan, ni kumain ako ng anumang lalaking tupa mula sa iyong mga kawan.
This twenty yere I haue bin with thee: thine ewes and thy goates haue not cast their yong, and the rammes of thy flocke haue I not eaten.
39 Anuman ang nilapa ng mga mababangis na hayop hindi ko dinala sa iyo. Sa halip, inako ko ang pagkawala nito. Palagi mo akong pinagbayad sa mga nawawalang hayop, kahit na ninakaw sa araw o ninakaw sa gabi.
Whatsoeuer was torne of beasts, I brought it not vnto thee, but made it good my selfe: of mine hand diddest thou require it, were it stollen by day or stollen by night.
40 Naroon ako; sa araw pinahirapan ako ng init, at ng nagyeyelong hamog sa gabi; at nagtiis ako nang walang tulog.
I was in the day consumed with heate, and with frost in the night, and my sleepe departed from mine eyes.
41 Nitong dalawampung taon ay nasa inyong sambahayan mo ako. Nagtrabaho ako ng labing-apat na taon para sa dalawa mong anak na babae, at anim na taon para sa iyong kawan. Binago mo ang aking sahod ng sampung beses.
Thus haue I bene twentie yeere in thine house, and serued thee fourteene yeeres for thy two daughters, and sixe yeeres for thy sheepe, and thou hast changed my wages tenne times.
42 Kung ang Diyos na sinasamba ng aking ama, ang Diyos ni Abraham, at ang isang kinatatakutan ni Isaac ay kasama ko, tiyak na ngayon pinaalis mo na sana akong walang dala. Nakita ng Diyos ang aking kaapihan at kung gaano kabigat ako nagtrabaho, at pagsabihan ka niya kagabi.”
Except the God of my father, the God of Abraham, and the feare of Izhak had bene with me, surely thou haddest sent me away nowe emptie: but God behelde my tribulation, and the labour of mine hads, and rebuked thee yester night.
43 Sumagot si Laban kay Jacob. ''Ang mga anak na babae ay aking mga anak na babae, ang mga apo ay aking mga apo, ang mga kawan ay aking mga kawan. Lahat ng nakita mo ay akin. Ngunit ano ba ang gagawin ko ngayon sa aking mga anak na babae at sa magiging anak nila na kanilang isinilang?
Then Laban answered, and saide vnto Iaakob, These daughters are my daughters, and these sonnes are my sonnes, and these sheepe are my sheepe, and all that thou seest, is mine, and what can I doe this day vnto these my daughters, or to their sonnes which they haue borne?
44 Kaya ngayon, gagawa tayo ng isang kasunduan, ikaw at ako, at hayaang maging saksi ito sa pagitan mo at sa akin.”
Nowe therefore come and let vs make a couenant, I and thou, which may be a witnes betweene me and thee.
45 Kaya kumuha si Jacob ng isang bato at itinayo bilang isang haligi.
Then tooke Iaakob a stone, and set it vp as a pillar:
46 Sinabi ni Jacob sa kanyang mga kamag-anak, “Magtipon kayo ng mga bato.” Kaya kumuha sila ng mga bato at gumawa ng isang tumpok. Pagkatapos doon sila kumain sa may tumpok.
And Iaakob sayde vnto his brethren, Gather stones: who brought stones, and made an heape, and they did eate there vpon the heape.
47 Tinawag ni Laban itong Jegar-sahaduta, ngunit tinawag ni Jacob itong Galeed.
And Laban called it Iegar-sahadutha, and Iaakob called it Galeed.
48 Sinabi ni Laban, “Ang mga tumpok na ito ang isang saksi sa pagitan ko at sa iyo ngayon.” Kaya ang pangalan ay tinawag na Galeed.
For Laban sayd, This heape is witnesse betweene me and thee this day: therefore he called the name of it Galeed.
49 Tinawag din itong Mizpah, dahil sinabi ni Laban, “Nawa si Yahweh ang magbantay sa pagitan mo at ako, kung hindi natin nakikita ang isa't isa.
Also he called it Mizpah, because he said, The Lord looke betweene me and thee, when we shalbe departed one from another,
50 Kung abusuhin mo ang aking mga anak, o kumuha ka ng ibang mga asawa maliban sa mga anak ko, bagamat wala tayong kasama, tingnan mo, ang Diyos ang saksi sa pagitan mo at ako.”
If thou shalt vexe my daughters, or shalt take wiues beside my daughters: there is no man with vs, beholde, God is witnesse betweene me and thee.
51 Sinabi ni Laban kay Jacob, “Tingnan mo ang tumpok na ito at tingnan ang poste, kung saan itinakda ko sa pagitan mo at ako.
Moreouer Laban sayd to Iaakob, Beholde this heape, and behold the pillar, which I haue set betweene me and thee,
52 Ang poste na ito ay isang saksi, at ang haligi ay isang saksi, na hindi ako lalampas sa tumpok na ito patungo sa iyo, at hindi ka lalampas sa tumpok na ito at sa haliging ito patungo sa akin, para gumawa ng pinsala.
This heape shall be witnesse, and the pillar shall be witnesse, that I will not come ouer this heape to thee, and that thou shalt not passe ouer this heape and this pillar vnto me for euill.
53 Nawa'y ang Diyos ni Abraham, at ang Diyos ni Nahor, ang Diyos ng kanilang ama, ang humatol sa pagitan natin.” Nanumpa si Jacob sa Diyos, na kinatatakutan ng kanyang amang si Isaac.
The God of Abraham, and the God of Nabor, and the God of their father be iudge betweene vs: But Iaakob sware by the feare of his father Izhak.
54 Nag-alok ng isang alay si Jacob sa bundok at tinawag ang kanyang mga kamag-anak para kumain. Kumain sila at nanatili sila sa bundok buong gabi.
Then Iaakob did offer a sacrifice vpon the mount, and called his brethren to eate bread. and they did eate bread, and taried all night in the mount.
55 Madaling araw pa bumangon si Laban, hinalikan ang kanyang mga apong lalaki at mga anak na babae at pinagpala sila. Pagkatapos umalis si Laban at bumalik sa kanyang tahanan.
And earely in the morning Laban rose vp and kissed his sonnes and his daughters, and blessed them, and Laban departing, went vnto his place againe.

< Genesis 31 >