< Genesis 3 >
1 Ngayon ang ahas ay higit na tuso kaysa sa anumang ibang mabangis na hayop sa bukid na ginawa ni Yahweh na Diyos. Sinabi niya sa babae, “Talaga bang sinabi ng Diyos, “Hindi kayo dapat kumain mula sa anumang puno ng hardin?”
Now, the serpent, was more crafty than any living thing of the field which Yahweh God had made, so he said unto the woman, Can it really be that God hath said, Ye shall not eat of every tree of the garden?
2 Sinabi ng babae sa ahas, “Maaari naming kainin ang bunga mula sa mga puno ng hardin,
And the woman said unto the serpent, —Of the fruit of the trees of the garden, we may eat;
3 pero tungkol sa bunga ng puno na nasa gitna ng hardin, sinabi ng Diyos, “Hindi ninyo maaaring kainin ito, ni hindi ninyo ito maaaring hawakan, o mamamatay kayo.'”
but of the fruit of the tree which is in the midst of the garden, God hath said Ye shall not eat of it neither shall ye touch it, —lest ye die.
4 Sinabi ng ahas sa babae, “Tiyak na hindi kayo mamamatay.
And the serpent said unto the woman, —Ye shall not die,
5 Dahil alam ng Diyos na sa araw na kainin ninyo ito mabubuksan ang inyong mga mata, at kayo ay magiging tulad ng Diyos, na nakaaalam ng mabuti at masama.”
For God doth know, that in the day ye eat thereof, then shall your eyes be opened, —and ye shall become like God, knowing good and evil.
6 At nang nakita ng babae na ang puno ay mabuti para sa pagkain at kaaya-aya sa paningin, at ang puno ay kanais-nais para gawing matalino ang isang tao, kumuha siya ng bunga nito at kinain ito. At binigyan niya ang kanyang asawa na kasama niya, at kinain niya ito.
And, when the woman saw that the tree was good for food, and that it was desirable to the eyes and the tree was pleasant to make one knowing, then took she of the fruit thereof, and did eat, and she gave to her husband also, along with her, and he did eat.
7 Parehong nabuksan ang kanilang mga mata, at nalaman nilang sila ay hubad. Pinagsama-sama nilang tinahi ang mga dahon ng igos at gumawa ng mga pantakip para sa kanilang mga sarili.
Then were opened the eyes of them both, and they knew that, naked, they were, —so they tacked together fig-leaves, and made for themselves girdles,
8 Narinig nila ang tunog ni Yahweh na Diyos na naglalakad sa hardin sa kalamigan ng araw, kaya ang lalaki at ang kanyang asawa ay nagtago mula sa presensya ni Yahweh na Diyos sa mga punong-kahoy ng hardin.
Then heard they the sound of Yahweh God, walking to and fro in the garden at the breeze of the day, —so he hid himself—the man with his wife, from the face of Yahweh God, amid the trees of the garden.
9 Tinawag ni Yahweh na Diyos ang lalaki at sinabi sa kanya, “Nasaan ka?”
And Yahweh God called unto the man, —and said to him, Where art thou?
10 Sinabi ng lalaki, “Narinig kita sa hardin, at natakot ako, dahil ako ay hubad. Kaya itinago ko ang aking sarili.”
And he said, The sound of thee, heard I in the garden, and I was afraid, for, naked, was I, so I hid myself.
11 Sinabi ng Diyos, “Sinong nagsabi sa iyo na ikaw ay hubad? Kumain ka ba mula sa punong iniutos kong huwag mong kakainan?”
And he said, Who told thee that, naked, thou wast? Of the tree whereof I commanded thee not to eat, hast thou eaten?
12 Sinabi ng lalaki, “Ang babae na ibinigay mo sa akin, binigyan niya ako ng bunga mula sa puno at kinain ko ito.”
And the man said, —The woman whom thou didst put with me, she, gave me of the tree, so I did eat.
13 Sinabi ni Yahweh na Diyos sa babae, “Ano ba itong ginawa mo?” Sinabi ng babae, “Nilinlang ako ng ahas, at kumain ako.”
Then said Yahweh God to the woman, What is this that thou hast done? And the woman said, the serpent, deceived me, so I did eat.
14 Sinabi ni Yahweh na Diyos sa ahas, “Dahil ginawa mo ito, sumpain ka sa lahat ng mga hayop at sa lahat ng mababangis na hayop sa bukid. Gagapang ka sa pamamagitan ng iyong tiyan at alikabok ang iyong kakainin sa lahat ng araw ng iyong buhay.
Then said Yahweh God unto the serpent—Because thou hast done this, Accursed, art thou above every tame-beast, and above every wild-beast of the field, —on thy belly, shalt thou go, and dust, shalt thou eat all the days of thy life.
15 Maglalagay ako ng poot sa pagitan mo at ng babae, at sa pagitan ng iyong binhi at ng kanyang binhi. Dudurugin niya ang iyong ulo, at tutuklawin mo ang kanyang sakong.”
And enmity, will I put between thee, and the woman, and between thy seed and her seed, —He shall crush thy head, but, thou, shalt crush his heel.
16 Sinabi niya sa babae, “Higit kong patitindihin ang sakit mo sa panganganak; sa sakit ka magsisilang ng mga anak. Ang iyong pagnanais ay para sa iyong asawa, subalit pamumunuan ka niya.”
Unto the woman, he said, I will, increase, thy pain of pregnancy, In pain, shalt thou bear children, —Yet, unto thy husband, shall be thy longing, Though, he, rule over thee.
17 Sinabi niya kay Adan, “Dahil nakinig ka sa boses ng iyong asawa, at kumain mula sa puno, kung alin ay iniutos ko sa iyo, nang sinabi kong, “Hindi kayo maaaring kumain mula rito,' sinumpa ang lupa dahil sa iyo; sa matinding pagpapagal kakain ka mula rito sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.
And, to the man, he said, Because thou didst hearken to the voice of thy wife, and so didst eat of the tree as to which I commanded thee, saying, Thou shalt not eat of it, Accursed be the ground for thy sake, In pain, shalt thou eat of it, all the days of thy life;
18 Ito ay tutubuan ng mga tinik at mga damo para sa iyo, at kakainin mo ang mga pananim sa bukid.
Thorn also and thistle, shall it shoot forth to thee, —when thou hast come to eat of the herb of the field:
19 Kakain ka ng tinapay sa pamamagitan ng pawis ng iyong mukha, hanggang ikaw ay bumalik sa lupa, dahil kinuha ka mula rito. Dahil ikaw ay alikabok, at sa alikabok ka rin babalik.”
In the sweat of thy face, shalt thou eat bread, until thou return to the ground, because therefrom, wast thou taken, —For, dust, thou art, And, unto dust, shalt thou return.
20 Tinawag ng lalaki ang kanyang asawa sa pangalang Eva dahil siya ang ina ng lahat ng mga nabubuhay.
So the man called the name of his wife, Eve, —in that, she, was made mother of every one living.
21 Gumawa si Yahweh na Diyos ng mga kasuotang balat para kay Adan at para sa kanyang asawa at dinamitan sila.
And Yahweh God made for the man—and for his wife—tunics of skin and clothed them.
22 Sinabi ni Yahweh na Diyos, “Ngayon ang tao ay naging tulad na natin, na nakaaaalam ng mabuti at masama. Ngayon hindi siya dapat pahintulutang abutin ng kanyang kamay, at kumuha mula sa puno ng buhay at kumain nito, at mabuhay nang walang hanggan.”
Then said Yahweh God—Lo! man, hath become like one of us, in respect of knowing good and evil, —Now, therefore, lest he thrust forth his hand, and take even of the tree of life, and eat, and live to times age-abiding, —
23 Kaya pinalabas sila ni Yahweh na Diyos mula sa hardin ng Eden, para bungkalin ang lupa kung saan siya kinuha.
So Yahweh God put him forth from the garden of Eden, —to till the ground wherefrom he had been taken.
24 Kaya pinalabas ng Diyos ang lalaki mula sa hardin, at nilagay niya ang querubin sa silangan ng hardin ng Eden, at isang nagliliyab na espada na umiikot sa bawat panig, upang bantayan ang daan patungo sa puno ng buhay.
So he expelled the man, —and caused to dwell—in front of the garden of Eden—cherubim and a brandishing sword—flame, to keep the way to the tree of life.