< Genesis 26 >

1 Ngayon, may taggutom sa lupain, bukod pa sa naunang taggutom na nagkaroon sa panahon ni Abraham. Pumunta si Isaac kay Abimelec, ang hari ng Filisteo sa Gerar.
在亚伯拉罕的日子,那地有一次饥荒;这时又有饥荒,以撒就往基拉耳去,到非利士人的王亚比米勒那里。
2 Ngayon nagpakita si Yahweh sa kanya at sinabi, “Huwag kang pumunta sa Ehipto; tumira ka sa lugar na sinabi ko na iyong pagtirhan.
耶和华向以撒显现,说:“你不要下埃及去,要住在我所指示你的地。
3 Manatili ka sa lugar na ito, at ako ay sumasainyo at pagpapalain ko kayo; para sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan, ibibigay ko ang lahat ng mga lupaing ito, at tutuparin ko ang panunumpa na aking sinumpaan kay Abraham na iyong ama.
你寄居在这地,我必与你同在,赐福给你,因为我要将这些地都赐给你和你的后裔。我必坚定我向你父亚伯拉罕所起的誓。
4 Pararamihin ko ang iyong mga kaapu-apuhan gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay sa iyong mga kaapu-apuhan ang lahat na mga lupaing ito. Sa pamamagitan ng iyong mga kaapu-apuhan ang lahat ng bansa sa lupa ay pagpapalain.
我要加增你的后裔,像天上的星那样多,又要将这些地都赐给你的后裔。并且地上万国必因你的后裔得福—
5 Gagawin ko ito dahil sinunod ni Abraham ang aking utos at sinunod niya ang aking mga tagubilin, mga utos ko at mga batas ko.”
都因亚伯拉罕听从我的话,遵守我的吩咐和我的命令、律例、法度。”
6 Kaya namalagi si Isaac sa Gerar.
以撒就住在基拉耳。
7 Nang tanungin siya ng mga kalalakihan sa lugar tungkol sa kanyang asawa, sinabi nya, “Siya ay aking kapatid na babae.” Natakot siyang sabihin, “Siya ay aking asawa,” dahil naisip niya, “Ang mga lalaki sa lugar na ito ay papatayin ako para makuha si Rebeca dahil napakaganda niya.”
那地方的人问到他的妻子,他便说:“那是我的妹子。”原来他怕说:“是我的妻子”;他心里想:“恐怕这地方的人为利百加的缘故杀我”,因为她容貌俊美。
8 Pagkatapos, nagtagal si Isaac doon, Si Abimelec ang hari ng mga Filisteo ay nagkataong tumingin sa labas sa bintana. Nakita niya, masdan, si Isaac na nilalambing si Rebeca, na kanyang asawa.
他在那里住了许久。有一天,非利士人的王亚比米勒从窗户里往外观看,见以撒和他的妻子利百加戏玩。
9 Ipinatawag ni Abimelec si Isaac sa kanya at sinabi, “Tingnan mo, tiyak nga na siya ay iyong asawa. Bakit mo sinabi, 'Siya ay aking kapatid na babae'?” Sinabi ni Isaac sa kanya, “Dahil naisip ko na maaring mayroong pumatay sa akin para makuha siya.”
亚比米勒召了以撒来,对他说:“她实在是你的妻子,你怎么说她是你的妹子?”以撒说:“我心里想,恐怕我因她而死。”
10 Sinabi ni Abimelec, “Ano itong ginawa mo sa amin? Maaring may taong madaling sumiping sa iyong asawa, at madala mo sa amin ang pagkakasala.”
亚比米勒说:“你向我们做的是什么事呢?民中险些有人和你的妻同寝,把我们陷在罪里。”
11 Kaya binalaan ni Abimelec ang lahat ng mga tao at sinabi, “Kung sino man ang gumalaw sa taong ito o sa kanyang asawa ay tiyak na malalagay sa kamatayan.”
于是亚比米勒晓谕众民说:“凡沾着这个人,或是他妻子的,定要把他治死。”
12 Nagtanim si Isaac sa lupaing iyon at umani sa parehong taon ng isang sandaang beses, dahil pinagpala siya ni Yahweh.
以撒在那地耕种,那一年有百倍的收成。耶和华赐福给他,
13 Naging mayaman siya, at lumago ng higit-higit pa hanggang siya ay naging napakadakila.
他就昌大,日增月盛,成了大富户。
14 Mayroon siyang maraming tupa at mga baka, at isang malaking sambahayan. Ang mga Filisteo ay kinaiinggitan siya.
他有羊群牛群,又有许多仆人,非利士人就嫉妒他。
15 Ngayon ang lahat ng mga balon na hinukay ng mga lingkod ng kanyang ama sa panahon ni Abraham, na hininto ng mga Palestina sa pamamagitan ng pag-tambak ng lupa.
当他父亲亚伯拉罕在世的日子,他父亲的仆人所挖的井,非利士人全都塞住,填满了土。
16 Sinabi ni Abimelec kay Isaac, “Umalis ka palayo sa amin, dahil mas makapangyarihan ka kaysa sa amin.”
亚比米勒对以撒说:“你离开我们去吧。因为你比我们强盛得多。”
17 Kaya umalis si Isaac mula doon at namalagi sa lambak ng Gerar, at nanirahan doon.
以撒就离开那里,在基拉耳谷支搭帐棚,住在那里。
18 Muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig, na hinukay nila noong panahon ni Abraham na kanyang ama. Pinahinto sila ng mga Filisteo pagkatapos mamatay ni Abraham. Tinawag ni Isaac ang mga balon sa parehong mga pangalan na binigay ng kanyang ama dito.
当他父亲亚伯拉罕在世之日所挖的水井因非利士人在亚伯拉罕死后塞住了,以撒就重新挖出来,仍照他父亲所叫的叫那些井的名字。
19 Nang naghukay ang mga lingkod ni Isaac sa lambak, nakita nila doon ang isang balong dumadaloy ang tubig.
以撒的仆人在谷中挖井,便得了一口活水井。
20 Ang mga pastol na lalaki ng Gerar ay nakipag-away sa mga pastol na lalaki ni Isaac, at sinabi “Ang tubig na ito ay sa amin.” Kaya tinawag ni Isaac ang balon na iyon na “Esek,” dahil nakipag-away sila sa kanya.
基拉耳的牧人与以撒的牧人争竞,说:“这水是我们的。”以撒就给那井起名叫埃色,因为他们和他相争。
21 Pagkatapos naghukay sila ng isa pang balon, at nag-away rin sila nito, kaya binigyan niya ito ng pangalang “Sitnah.”
以撒的仆人又挖了一口井,他们又为这井争竞,因此以撒给这井起名叫西提拿。
22 Umalis siya doon at naghukay muli ng isa pang balon, subalit hindi na nila pinag-awayan ang isang iyon. Kaya tinawag niya itong Rehobot, at sinabi niya, “Ngayon ay gumawa si Yahweh ng kaluwagan sa amin, at tayo ay sasagana sa lupa.”
以撒离开那里,又挖了一口井,他们不为这井争竞了,他就给那井起名叫利河伯。他说:“耶和华现在给我们宽阔之地,我们必在这地昌盛。”
23 Pagkatapos pumunta si Isaac mula doon patungong Beer-seba.
以撒从那里上别是巴去。
24 Nagpakita si Yahweh sa kanya sa gabi ring iyon at sinabing, “Ako ang Diyos ng iyong amang si Abraham. Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo at pagpapalain kita at pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan, alang-alang sa aking lingkod na si Abraham.”
当夜耶和华向他显现,说:“我是你父亲亚伯拉罕的 神,不要惧怕!因为我与你同在,要赐福给你,并要为我仆人亚伯拉罕的缘故,使你的后裔繁多。”
25 Nagtayo si Isaac ng altar doon at tumawag sa pangalan ni Yahweh. Nagtindig siya ng tolda doon, at ang kanyang mga lingkod ay naghukay ng balon.
以撒就在那里筑了一座坛,求告耶和华的名,并且支搭帐棚;他的仆人便在那里挖了一口井。
26 Pagkatapos si Abimelec ay pumunta sa kanya mula sa Gerar, kasama si Ahuzat, kanyang kaibigan, at si Picol, ang kapitan ng kanyang hukbo.
亚比米勒,同他的朋友亚户撒和他的军长非各,从基拉耳来见以撒。
27 Sinabi ni Isaac sa kanila, “Bakit kayo naparito sa akin, samantalang galit kayo sa akin at pinaalis ninyo ako palayo sa inyo?”
以撒对他们说:“你们既然恨我,打发我走了,为什么到我这里来呢?”
28 At sinabi nila, “Malinaw naming nakita na si Yahweh ay iyong kasama. Kaya napagpasyahan namin na dapat ay mayroong sumpaan sa pagitan natin, oo, sa pagitan mo at sa amin. Kaya gagawa kami ng tipan sa iyo,
他们说:“我们明明地看见耶和华与你同在,便说,不如我们两下彼此起誓,彼此立约,
29 na hindi mo kami sasaktan, gaya ng hindi namin pananakit sa iyo, at sa pakikitungo namin ng mabuti sa iyo at sa pagpapaalis namin sa iyo ng mapayapa. Tunay nga, ikaw ay pinagpala ni Yahweh.”
使你不害我们,正如我们未曾害你,一味地厚待你,并且打发你平平安安地走。你是蒙耶和华赐福的了。”
30 Kaya gumawa si Isaac ng pista para sa kanila, at sila ay kumain at uminom.
以撒就为他们设摆筵席,他们便吃了喝了。
31 Bumangon sila ng maaga kinabukasan at sila ay nagsumpaan sa bawat isa. Pagkatapos pinaalis sila ni Isaac, at siya ay iniwan nila ng mapayapa.
他们清早起来彼此起誓。以撒打发他们走,他们就平平安安地离开他走了。
32 Nang araw ding iyon dumating ang mga lingkod ni Isaac at sinabi sa kanya tungkol sa balong kanilang hinukay. Sinabi nila, “Nakakita kami ng tubig”,
那一天,以撒的仆人来,将挖井的事告诉他说:“我们得了水了。”
33 Tinawag niya ang balon na Seba, kaya ang pangalan ng lungsod na iyon ay Beer-seba hanggang sa araw na ito.
他就给那井起名叫示巴;因此那城叫做别是巴,直到今日。
34 Nang si Esau ay apatnapung taong gulang na, siya ay nag-asawa, si Judit ang anak ni Beeri na mga anak ni Heth, at saka si Basemat ang anak na babae ni Elon na mga anak ni Heth.
以扫四十岁的时候娶了赫人比利的女儿犹滴,与赫人以伦的女儿巴实抹为妻。
35 Sila ay nagdala ng kalungkutan kay Isaac at Rebeca.
她们常使以撒和利百加心里愁烦。

< Genesis 26 >