< Genesis 24 >
1 Ngayon, matanda na si Abraham at pinagpala ni Yahweh si Abraham sa lahat ng mga bagay.
Nowe Abraham was olde, and striken in yeeres, and the Lord had blessed Abraham in all things.
2 Sinabi ni Abraham sa kanyang lingkod, ang pinakamatanda sa kanyang sambahayan, ang kaniyang katiwala sa lahat ng pag-aari niya, “Ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita
Therefore Abraham saide vnto his eldest seruant of his house, which had the rule ouer all that he had, Put nowe thine hand vnder my thigh,
3 at pasusumpain kita kay Yahweh, ang Diyos ng langit at ang Diyos ng lupa, na hindi ka kukuha ng asawa para sa aking anak na lalaki mula sa mga anak na babae ng mga Cananeo, kung saan ako nanahan.
And I will make thee sweare by ye Lord God of the heauen, and God of the earth, that thou shalt not take a wife vnto my sonne of the daughters of the Canaanites among who I dwel.
4 Ngunit pumunta ka sa aking bansa, at sa aking mga kamag-anak, at kumuha ng isang asawa para sa aking anak na si Isaac.”
But thou shalt go vnto my countrey, and to my kinred, and take a wife vnto my sone Izhak.
5 Sinabi ng lingkod sa kanya, “Paano kung hindi pamayag na sumama sa akin ang babae papunta sa lupaing ito? Dapat ko bang dalhin pabalik ang iyong anak sa lupain kung saan ka nanggaling?
And the seruant saide to him, What if the woman will not come with me to this land? shall I bring thy sonne againe vnto the lande from whence thou camest?
6 Sinabi ni Abraham sa kanya, “Tiyakin mong hindi mo dadalhin ang aking anak pabalik doon!
To whom Abraham answered, Beware that thou bring not my sonne thither againe.
7 Si Yahweh, ang Diyos ng langit, na kumuha sa akin mula sa tahanan ng aking ama at mula sa lupain ng aking mga kamag-anak, siya na taimtim na nangako sa aking, 'Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong supling,' ipapadala niya ang kanyang anghel para manguna sa iyo, at kukuha ka ng asawa para sa aking anak mula roon.
The Lord God of heauen, who tooke me from my fathers house, and from the land where I was borne, and that spake vnto me, and that sware vnto me, saying, Vnto thy seede wil I giue this land, he shall send his Angel before thee, and thou shalt take a wife vnto my sonne from thence.
8 Ngunit kung hindi papayag ang babae na sumunod sa iyo, kung gayon magiging malaya ka mula sa kasunduang kong ito. Huwag mo lang dalhin pabalik doon ang aking anak.
Neuertheles if the woman wil not follow thee, then shalt thou bee discharged of this mine othe: onely bring not my sonne thither againe.
9 Kaya niligay ng lingkod ni Abraham ang kanyang kamay sa ilalim ng hita ng kanyang among si Abraham at nanumpa sa kanya patungkol sa bagay na ito.
Then the seruant put his hand vnder the thigh of Abraham his master, and sware to him for this matter.
10 Kinuha ng lingkod ang sampung kamelyo ng kanyang amo at umalis. Nagdala rin siya ng lahat ng uri ng mga regalo mula sa kanyang amo. Umalis siya at pumunta sa rehiyon ng Aram Naharaim, sa siyudad ni Nahor.
So the seruant tooke ten camels of the camels of his master, and departed: (for he had all his masters goods in his hand: ) and so he arose, and went to Aram Naharaim, vnto the citie of Nahor.
11 Pinaluhod niya ang mga kamelyo sa gilid ng balon ng tubig sa labas ng siyudad. Gabi na iyon, ang oras na lumalabas ang mga babae upang sumalok ng tubig.
And he made his camels to lye downe without the citie by a well of water, at euentide about the time that the women come out to draw water.
12 Pagkatapos sinabi niya, “Yahweh, Diyos ng aking among si Abraham, bigyan mo ako ngayon ng tagumpay at ipakita ang iyong tipan ng katapatan sa aking among si Abraham.
And he said, O Lord God of my master Abraham, I beseech thee, send me good speede this day, and shew mercy vnto my master Abraham.
13 Masdan, narito akong nakatayo sa tabi ng bukal ng tubig, at dumarating ang mga babaing anak ng mga tao ng siyudad upang sumalok ng tubig.
Lo, I stand by the well of water, whiles the mens daughters of this citie come out to drawe water.
14 Ganito nawa ang mangyari. Kapag sabihin ko sa isang dalaga, 'Pakiusap ibaba mo ang iyong pitsel upang makainom ako,' at sabihin niya sa akin, 'Uminom ka, at paiinumin ko rin ang iyong mga kamelyo,' pagkatapos ay hayaang siya na nga ang babaing iyong itinakda para sa iyong lingkod na si Isaac. Sa pamamgitan nito malalaman kong nagpakita ka ng tipan ng katapatan sa aking amo.”
Graunt therefore that ye maide, to whom I say, Bowe downe thy pitcher, I pray thee, that I may drinke: if she say, Drinke, and I will giue thy camels drinke also: may be she that thou hast ordeined for thy seruant Izhak: and thereby shall I know that thou hast shewed mercy on my master.
15 Nangyari na bago paman siya natapos sa pagsasalita, masdan, lumabas si Rebeca na may dalang pitsel ng tubig sa kanyang balikat. Ipinanganak si Rebeca kay Bethuel na lalaking anak ni Milca, na asawa ni Nahor, na lalaking kapatid ni Abraham.
And nowe yer he had left speaking, beholde, Rebekah came out, the daughter of Bethuel, sonne of Milcah the wife of Nahor Abrahams brother, and her pitcher vpon her shoulder.
16 Ang dalaga ay napakaganda at isang birhen. Wala pang lalaki ang sumiping sa kanya. Pumunta ang babae sa bukal at pinuno ang kanyang pitsel, at umahon.
(And the maide was very faire to looke vpon, a virgine and vnknowen of man) and she went downe to the well, and filled her pitcher, and came vp.
17 Tumakbo ang lingkod upang salubungin siya at sinabing, “Pakiusap bigyan mo ako ng kaunting inuming tubig mula sa iyong pitsel.
Then the seruant ranne to meete her, and said, Let me drinke, I pray thee, a litle water of thy pitcher.
18 Sinabi niya, “Uminon ka, aking amo,” at agad niyang ibinaba ang pitsel na nasa kanyang kamay, at pinainom siya.
And she said, Drinke sir: and she hasted, and let downe her pitcher vpon her hand and gaue him drinke.
19 Nang natapos niya siyang painumin, sinabi niya, sasalok din ako ng tubig para sa iyong mga kamelyo, hanggang sa makainom na ang lahat.
And when she had giuen him drinke, she said, I will drawe water for thy camels also vntill they haue drunken inough.
20 Kaya nagmadali siya at ibinuhos ang laman ng kanyang pitsel papunta sa inuman ng mga hayop, at tumakbong muli patungo sa balon upang sumalok ng tubig, at sumalok ng tubig para sa lahat ng kanyang mga kamelyo.
And she powred out her pitcher into the trough speedily; and ranne againe vnto the well to drawe water, and she drewe for all his camels.
21 Tahimik na pinanood siya ng lalaki upang makita kung pinagpala ni Yahweh ang kanyang paglalakbay o hindi.
So the man wondred at her, and helde his peace, to knowe whether the Lord had made his iourney prosperous or not.
22 Nang natapos sa pag-inom ang mga kamelyo, inilabas ng lalaki ang isang gintong singsing sa ilong na tumitimbang ng kalahating siklo, at dalawang gintong pulseras para sa kanyang mga braso na tumitimbang ng sampung siklo
And when the camels had left drinking, the man tooke a golden abillement of halfe a shekell weight, and two bracelets for her hands, of ten shekels weight of golde:
23 at nagtanong, “Kaninong anak ka? Pakiusap sabihin mo sa akin, mayroon bang silid ang bahay ng ama mo na maaari naming pagpalipasan ng gabi?”
And he said, Whose daughter art thou? tell me, I pray thee, Is there roume in thy fathers house for vs to lodge in?
24 Sinabi niya sa kanya, “Anak ako ni Bethuel na lalaking anak ni Milcah, na ipinanganak niya kay Nahor.”
Then she said to him, I am the daughter of Bethuel the sonne of Milcah whom she bare vnto Nahor.
25 Sinabi rin niya sa kanya, “Marami kami ng kapwa dayami at pagkain ng hayop, at may silid din para kayo magpalipas ng gabi.”
Moreouer she said vnto him, We haue litter also and prouender ynough, and roume to lodge in.
26 Pagkatapos yumuko ang lalaki at sumamba kay Yahweh.
And the man bowed himselfe and worshipped the Lord,
27 Sinabi niya, “Pagpalain si Yahweh, ang Diyos ng aking among si Abraham, na hindi pinabayaan ang kanyang tipan ng katapatan at kanyang pagiging mapagkakatiwalaan patungo sa aking amo. Para sa akin, tuwiran akong pinangunahan ni Yahweh sa bahay ng mga kamag-anak ng aking amo.”
And said, Blessed be the Lord God of my master Abraham, which hath not withdrawen his mercie and his trueth from my master: for when I was in the way, the Lord brought me to my masters brethrens house.
28 Pagkatapos tumakbo ang dalaga at sinabi sa sambahayan ng kanyang ina ang tungkol sa lahat ng bagay na ito.
And the maide ranne and tolde them of her mothers house according to these wordes.
29 Ngayon si Rebeca ay mayroong isang kapatid na lalaki, at ang pangalan niya ay Laban. Tumakbo si Laban papunta sa lalaki na naroon sa labas sa daan sa tabi ng bukal.
Now Rebekah had a brother called Laban, and Laban ranne vnto the man to the well.
30 Nang nakita niya ang singsing sa ilong at ang mga pulseras na nasa kamay ng kanyang kapatid na babae, at nang narinig niya ang mga salita ni Rebeca na kanyang kapatid, “Ito ang sinabi ng lalaki sa akin,” pumunta siya sa lalaki, at masdan, nakatayo siya sa tabi ng mga kamelyong nasa bukal.
For when he had seene the earings and the bracelets in his sisters hands, and when he heard the wordes of Rebekah his sister, saying, Thus said the man vnto me, then he went to the man, and loe, he stoode by the camels at the well.
31 At sinabi ni laban, “Halika, ikaw na pinagpala ni Yahweh. Bakit ka nakatayo riyan sa labas? Inihanda ko ang bahay, at isang lugar para sa mga kamelyo.”
And he saide, Come in thou blessed of the Lord: wherefore standest thou without, seeing I haue prepared the house, and roume for ye camels?
32 Kaya pumunta ang lalaki sa bahay at diniskargahan niya ng mga kamelyo. Binigyan ang mga kamelyo ng dayami at pagkain ng hayop, naglaan ng tubig upang hugasan ang kanyang mga paa at ang mga paa ng mga lalaking kasama niya.
Then the man came into the house, and he vnsadled the camels, and brought litter and prouender for the camels, and water to wash his feete, and the mens feete that were with him.
33 Naglapag sila ng pagkain sa harapan niya upang kainin, ngunit sinabi niya, “Hindi ako kakain hanggang sa masabi ko ang kailangan kong sabihin.” Kaya sinabi ni Laban, “Magsalita ka”.
Afterward the meate was set before him: but he saide, I will not eate, vntill I haue saide my message: And he said, Speake on.
34 Sinabi niya, “Lingkod ako ni Abraham.
Then he said, I am Abrahams seruant,
35 Pinagpala ng lubos ni Yahweh ang aking amo at naging dakila siya. Binigyan siya ng mga kawan at mga pangkat ng hayop, pilak at ginto, mga lingkod na lalaki at mga lingkod na babae, at mga kamelyo at mga asno.
And the Lord hath blessed my master wonderfully, that he is become great: for he hath giuen him sheepe, and beeues, and siluer, and golde, and men seruants, and maide seruants, and camels, and asses.
36 Si Sara, ang asawa ng aking amo, ay nagsilang ng isang anak na lalaki sa aking amo nang siya ay matanda na, at ibinigay niya ang lahat ng kanyang mga aria-arian sa kanya.
And Sarah my masters wife hath borne a sonne to my master, when she was olde, and vnto him hath he giuen all that he hath.
37 Pinanumpa ako ng aking amo, nagsasabing, “Hindi ka dapat kumuha ng isang asawa para aking anak mula sa mga babaeng anak ng mga Cananeo, sa lupaing ginagawa kong tahanan.
Now my master made me sweare, saying, Thou shalt not take a wife to my sonne of the daughters of the Canaanites, in whose land I dwell:
38 Sa halip, dapat kang pumunta sa pamilya ng aking ama, at sa aking mga kamag-anak, at kumaha ng isang asawa para sa aking anak.'
But thou shalt go vnto my fathers house and to my kinred, and take a wife vnto my sonne.
39 Sinabi ko sa aking amo, 'Baka hindi susunod sa akin ang babae.'
Then I saide vnto my master, What if the woman will not follow me?
40 Ngunit sinabi niya sa akin, 'Si Yahweh, na aking sinusunod, ay magpapadala ng kanyang anghel na makakasama mo at siya ay papatnubayan ang landas mo, upang makakakuha ka ng isang asawa para sa aking anak mula sa aking mga kamag-anak at mula sa linya na pamilya ng aking ama.
Who answered me, The Lord, before who I walke, will send his Angel with thee, and prosper thy iourney, and thou shalt take a wife for my sonne of my kinred and my fathers house.
41 Ngunit magiging malaya ka lamang mula sa aking tagubilin kung darating ka sa aking mga kamag-anak at hindi nila siya ibibigay sa iyo. Sa gayon magiging malaya ka mula sa aking kasunduan.'
Then shalt thou be discharged of mine othe, when thou commest to my kinred: and if they giue thee not one, thou shalt be free from mine othe.
42 Kaya dumating ako ngayon sa bukal, at sinabi, 'O Yahweh, Dios ng aking among si Abraham, pakiusap, kung tunay na nais mong magtagumpay ang aking paglalakbay—
So I came this day to the well, and said, O Lord, the God of my master Abraham, if thou nowe prosper my iourney which I goe,
43 narito ako, nakatayo sa gilid ng bukal ng tubig—hayaang ang babaing lumabas para sumalok ng tubig, ang babaing sasabihan kong, “Pakiusap bigyan mo ako ng kaunting tubig mula sa iyong pitsel upang inumin,”
Behold, I stand by the well of water: when a virgine commeth forth to drawe water, and I say to her, Giue me, I pray thee, a litle water of thy pitcher to drinke,
44 ang babaing magsasabi sa akin, “Uminom ka, at sasalok din ako ng tubig para sa iyong mga kamelyo”—hayaang siya na nga ang babaing pinili mo, Yahweh, para sa anak ng aking amo.'
And she say to me, Drinke thou, and I will also drawe for thy camels, let her be ye wife, which the Lord hath prepared for my masters sonne.
45 Bago pa man ako natapos mangusap sa aking puso, masdan, lumabas si Rebeca dala ang pitsel na pasan sa kanyang balikat at bumaba patungong bukal at sumalok ng tubig. Kaya sinabi ko sa kanya, 'Pakiusap bigyan mo ako ng maiinom.'
And before I had made an end of speaking in mine heart, beholde, Rebekah came foorth, and her pitcher on her shoulder, and she went downe vnto the well, and drewe water. Then I said vnto her, Giue me drinke, I pray thee.
46 Agad niyang ibinaba ang kanyang pitsel mula sa kanyang balikat, at nagsabing, “Uminom ka, at bibigyan ko rin ng tubig ang iyong mga kamelyo.' Kaya uminom ako, at pinainom niya rin ang mga kamelyo.
And she made haste, and tooke downe her pitcher from her shoulder, and said, Drinke, and I will giue thy camels drinke also. So I dranke, and she gaue the camels drinke also.
47 Tinanong ko siya at sinabing, 'Kaninong anak ka?' Sinabi niya, 'Ang babaing anak ni Bethuel, na lalaking anak ni Nahor, na isinilang ni Milcah sa kanya.' Pagkatapos inilagay ko ang singsing sa kanyang ilong at ang pulseras sa kanyang mga braso.
Then I asked her, and said, Whose daughter art thou? And she answered, The daughter of Bethuel Nahors sonne, whom Milcah bare vnto him. Then I put the abillement vpon her face, and the bracelets vpon her hands:
48 Pagkatapos lumuhod ako at sinamba si Yahweh, at pinagpala si Yahweh, ang Diyos ng aking among si Abraham, ang siyang nanguna sa akin sa tamang landas upang matagpuan ang babaing anak ng kamag-anak ng aking amo para sa kanyang anak.
And I bowed downe and worshipped the Lord, and blessed the Lord God of my master Abraham, which had brought me the right way to take my masters brothers daughter vnto his sone.
49 Kaya ngayon, kung handa kayong pakitunguhan ang aking amo ng pampamilyang katapatan at pagtitiwala, sabihin ninyo sa akin. Ngunit kung hindi, sabihin ninyo sa akin, upang lumiko ako sa kanang kamay, o sa kaliwa.”
Now therefore, if ye will deale mercifully and truely with my master, tell me: and if not, tell me that I may turne me to the right hand or to the left.
50 Pagkatapos sumagot si Laban at Bethuel at sinabing, “Ang bagay na ito ay nagmula kay Yahweh; hindi kami makapagsasabi sa iyo ng masama o mabuti.
Then answered Laban and Bethuel, and said, This thing is proceeded of the Lord: we cannot therefore say vnto thee, neither euill nor good.
51 Masdan, nasa harapan mo si Rebeca. Dalhin mo siya at humayo, upang siya ay maging asawa ng anak ng iyong amo, gaya ng sinabi ni Yahweh.”
Beholde, Rebehak is before thee, take her and goe, that she may be thy masters sonnes wife, euen as the Lord hath said.
52 Nang narinig ng lingkod ni Abraham ang lahat ng kanilang mga salita, iniyuko niya pababa ang kanyang sarili sa lupa kay Yahweh.
And when Abrahams seruant heard their wordes, he bowed himselfe toward the earth vnto the Lord.
53 Inilabas ng lingkod ang mga kagamitang pilak at mga kagamitang ginto, at damit, at binigay ang mga ito kay Rebeca. Nagbigay din siya ng mga mamahaling regalo sa kapatid niyang lalaki at sa kanyang ina.
Then the seruant tooke foorth iewels of siluer, and iewels of golde, and raiment, and gaue to Rebekah: also vnto her brother and to her mother he gaue gifts.
54 Pagkatapos kumain at uminom siya at ang mga lalaking kasama niya. Nanatili sila roon magdamag, at nang bumangon sila sa umaga, sinabi niya, “Ipadala na ninyo ako sa aking amo.”
Afterward they did eate and drinke, both he, and the men that were with him, and taried all night. and when they rose vp in the morning, he said, Let me depart vnto my master.
55 Sinabi ng kanyang kapatid na lalaki at ng kanyang ina, “Hayaan mo munang manatili kasama namin ang dalaga ng mga ilang araw pa, kahit sampu. Pagkatapos niyan maaari na siyang umalis.”
Then her brother and her mother answered, Let the maide abide with vs, at the least ten dayes: then shall she goe.
56 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Huwag ninyo akong hadlangan, yamang pinagpala ni Yahweh ang aking landas. Ipadala na ninyo ako sa aking landas upang makapunta sa aking amo.”
But he said vnto them, Hinder you me not, seeing the Lord hath prospered my iourney: send me away, that I may goe to my master.
57 Sinabi nila, “Tatawagin namin ang dalaga at tatanungin siya.”
Then they said, We will call the maide, and aske her consent.
58 Kaya tinawag nila si Rebeca at tinanong siya, “Sasama ka ba sa lalaking ito?” Sumagot siya, “Sasama ako.”
And they called Rebekah, and saide vnto her, Wilt thou go with this man? And she answered, I will go.
59 Kaya pinadala nila ang kanilang kapatid na si Rebeca, kasama ang kanyang babaing lingkod, sa kanyang paglalakbay kasama ang lingkod ni Abraham at kanyang mga kasamahang lalaki.
So they let Rebekah their sister goe, and her nourse, with Abrahams seruant and his men.
60 Pinagpala nila si Rebeca, at sinabi sa kanya, “Aming kapatid, nawa maging ina ka ng mga libu-libo ng sampung libo, at nawa ang iyong mga kaapu-apuhan ay angkinin ang tarangkahan ng mga galit sa kanila.”
And they blessed Rebekah, and sayde vnto her, Thou art our sister, growe into thousande thousands, and thy seede possesse the gate of his enemies.
61 Pagkatapos tumayo si Rebeca, at siya at ang kanyang mga lingkod na babae ay sumakay sa mga kamelyo, at sumunod sa lalaki. Kaya kinuha ng lingkod si Rebeca, at lumakad na sa kanyang landas.
Then Rebekah arose, and her maydes, and rode vpon the camels, and followed the man. and the seruant tooke Rebekah, and departed.
62 Ngayon naninirahan si Isaac sa Negev, at kababalik lang galing Beerhalohai.
Nowe Izhak came from the way of Beer-lahai-roi, (for he dwelt in the South countrey)
63 Lumabas si Isaac upang magnilaynilay sa bukid sa gabi. Nang tumingala siya at nakita, masdan, mayroong mga kamelyong parating!
And Izhak went out. to pray in the fielde toward the euening: who lift vp his eyes and looked, and behold, the camels came.
64 Tumingin si Rebeca, at nang nakita niya si Isaac, tumalon siya pababa mula sa kamelyo.
Also Rebekah lift vp her eyes, and when she saw Izhak, she lighted downe from the camel.
65 Sinabi niya sa lingkod, sino iyong lalaking naglalakad sa bukid upang salubungin tayo?” Sinabi ng lingkod, “Iyon ang aking amo.” Kaya kinuha niya ang kanyang belo, at tinakpan ang sarili.
(For shee had sayde to the seruant, Who is yonder man, that commeth in the fielde to meete vs? and the seruant had said, It is my master) So she tooke a vaile, and couered her.
66 Isinalaysay ng lingkod kay Isaac ang lahat ng mga bagay na kanyang ginawa.
And the seruant tolde Izhak all things, that he had done.
67 Pagkatapos dinala ni Isaac si Rebeca sa loob tolda ng kanyang inang si Sara at kinuha si Rebeca, at siya ay naging kanyang asawa, at siya ay minahal niya. Kaya naginhawahan si Isaac matapos ang kamatayan ng kanyang ina.
Afterward Izhak brought her into the tent of Sarah his mother, and he tooke Rebekah, and she was his wife, and he loued her: So Izhak was comforted after his mothers death.