< Genesis 22 >

1 Nangyari na pagkatapos ng mga bagay na ito na sinubok ng Diyos si Abraham. Sinabi niya sa kanya, “Abraham!” Sumagot si Abraham, “Narito ako.”
這些事以後,天主試探亞巴郎說:「亞巴郎! 」他答說:「我在這裏。」
2 Pagkatapos sinabi ng Diyos, “Kunin mo ang iyong anak, ang kaisa-isa mong anak, na iyong minamahal, si Isaac, at pumunta ka sa lupain ng Moria. Ialay mo siya roon bilang handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na ituturo ko sa iyo.”
天主說:「帶你心愛的獨生子依撒格往摩黎雅地方去,在我所要指給你的一座山上,將他獻為全燔祭。」
3 Kaya maagang bumangon kinaumagahan si Abraham, inihanda ang kanyang asno, at isinama ang dalawa sa kanyang mga kabataang lalaki, kasama si Isaac na kanyang anak. Nagsibak siya ng kahoy para sa handog na susunugin, at naglakbay patungo sa lugar na sinabi ng Diyos sa kanya.
亞巴郎次日清早起來,備好驢,帶了兩個僕人和自己的兒子依撒格,劈好為全燔祭用的木柴,就起身往天主指給他的地方去了。
4 Sa ikatlong araw, tumingala si Abraham at natanaw niya ang lugar sa kalayuan.
第三天,亞巴郎舉目遠遠看見了那個地方,
5 Sinabi ni Abraham sa kanyang mga kabataang lalaki, “Manatili kayo rito kasama ang asno, at pupunta ako roon kasama ang bata. Sasamba kami at muling babalik sa inyo.”
就對僕人說:「你們同驢在這裏等候,我和孩子要到那邊去朝拜,以後就回到你們這裏來。」
6 Pagkatapos kinuha ni Abraham ang kahoy para sa handog na susunugin at ipinapasan ito kay Isaac na kanyang anak. Dinala niya sa kanyang kamay ang apoy at ang kutsilyo; at kapwa silang umalis na magkasama.
亞巴郎將為全燔祭用的木柴,放在兒子依撒格的肩上,自己手中拿著刀和火,兩人一同前行。
7 Kinausap ni Isaac si Abraham na kaniyang ama at sinabing, “Aking ama,” at sumagot si Abraham, “Narito ako, aking anak.” Sinabi niya, “Narito, ang apoy at ang kahoy, ngunit nasaan ang tupa para sa handog na susunugin?”
路上依撒格對父親亞巴郎說:「阿爸! 」他答說:「我兒,我在這裏。」依撒格說:「看,這裏有火有柴,但是那裏有作全燔祭的羔羊﹖」
8 Sinabi ni Abraham, “Ang Diyos mismo ang magbibigay ng tupa para sa handog na susunugin, aking anak.” Kaya sila ay nagpatuloy nang magkasama.
亞巴郎答說:「我兒! 天主自會照料作全燔祭的羔羊。」於是二人再繼續一同前行。
9 Nang dumating sila sa lugar na sinabi ng Diyos sa kanya, gumawa si Abraham ng isang altar at inilatag niya ang kahoy dito. Pagkatapos tinalian ni Abraham si Isaac na kanyang anak, at inilagay niya ito sa altar, sa ibabaw ng kahoy.
當他們到了天主指給他的地方,亞巴郎便在那裏築了一座祭壇,擺好木柴,將兒子依撒格捆好,放在祭壇上的木柴上。
10 Iniunat ni Abraham ang kanyang kamay na hawak ang kutsilyo para patayin ang kanyang anak.
亞巴郎正伸手舉刀要宰獻自己的兒子時,
11 Pero tinawag siya ng anghel ni Yahweh mula sa langit at sinabing, “Abraham, Abraham!” at sinabi niya, “Narito ako.”
上主的使者從天上對他喊說:「亞巴郎! 亞巴郎! 」他答說:「我在這裏。」
12 Sinabi niya, “Huwag mong pagbuhatan ng kamay, ni gumawa ng anuman para saktan siya, sapagkat ngayon alam kong may takot ka sa Diyos, nakikita kong hindi mo ipinagkait ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak na si Isaac sa akin.
使者說:「不可在這孩子身上下手,不要傷害他! 我現在知道你實在敬畏天主,因為你為了我竟連你的獨生子也不顧惜。」
13 Tumingala si Abraham nang biglang, may isang tupa sa likuran niya ang sumabit ang sungay sa mga halaman. Pinuntahan at kinuha ni Abraham ang tupa at inalay ito bilang handog na susunugin sa Diyos sa halip na ang kanyang anak.
亞巴郎舉目一望,見有一隻公綿羊,兩角纏在灌木中,遂前去取了那隻公綿羊,代替自己的兒子,獻為全燔祭。
14 Kaya tinawag ni Abraham ang lugar na iyon na, “Si Yahweh ang magbibigay,” at tinatwag din hanggang sa araw na ito, “Sa bundok ni Yaweh, ito ay ibibigay.”
亞巴郎給那地方起名叫「上主自會照料。」直到今日人還說:「在山上,上主自會照料。」
15 Tinawag ng anghel ni Yahweh si Abraham sa ikalawang pagkakataon mula sa langit
上主的使者由天上又呼喚亞巴郎說:「
16 at sinabing—ito ay isang kapahayagan mula kay Yahweh, “Nangangako ako sa aking sarili na dahil ginawa mo ang bagay na ito, at dahil hindi mo ipinagkait ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak,
我指自己起誓,--上主的斷語,--因為你作了這事,沒有顧惜你的獨生子,
17 tiyak na pagpapalain kita at labis kong pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan gaya ng bituin sa kalangitan, at gaya ng buhangin sa dalampasigan; at aangkinin ng iyong mga kaapu-apuhan ang tarangkahan ng kanilang mga kaaway.
我必多多祝福你,使你的後裔繁多,如天上的星辰,如海邊的沙粒。你的後裔必佔領他們仇敵的城門;
18 Sa pamamagitan ng iyong anak, ang lahat ng mga bansa sa mundo ay pagpapalain, dahil sinunod mo ang aking tinig.
地上萬民要因你的後裔蒙受祝福,因為你聽從了我的話。」
19 Kaya bumalik si Abraham sa kanyang mga tauhan, at umalis sila at magkakasamang pumunta sa Beer-seba, at nanirahan siya sa Beer-seba.
亞巴郎回到自己僕人那裏,一同起身回了貝爾舍巴,遂住在貝爾舍巴。
20 Nangyari na pagkatapos ng mga bagay na ito, sinabihan si Abraham, “Nagkaroon din ng mga anak si Milca, sa iyong kapatid na si Nahor.
這些事以後,有人告訴亞巴郎說:「米耳加也給你的兄弟納曷爾生了兒子:
21 Sila ay sina Hus ang kanyang panganay, si Buz na kapatid niya, si Kemuel na ama ni Aram,
長子伍茲,他的弟弟步次、阿蘭的父親刻慕耳、
22 Kesed, Hazo, Pildas, Jidlaf, at Bethuel.
革色得、哈左、丕耳達士、依德拉夫和貝突耳:--
23 Si Bethuel ay naging ama ni Rebeca. May walong anak na isinilang si Milca kay Nahor, na kapatid ni Abraham.
貝突耳生了黎貝加,--這八人都是米耳加給亞巴郎的兄弟納曷爾生的兒子。
24 Nagsilang din si Reumah ang pangalan ng isa pang asawa ni Nahor, sina Tebah, Gaham, Tahas at Maaca.
此外他的妾名叫勒烏瑪的,給他生了特巴黑、加罕、塔哈士和瑪阿加。

< Genesis 22 >