< Genesis 20 >
1 Naglakbay si Abraham mula roon patungo sa lupain ng Negeb, at nanirahan sa pagitan ng Kadesh at Sur. Isa siyang dayuhan na naninirahan sa Gerar.
亞巴郎從那裏遷往乃革布地,定居在卡德士和叔爾之間。當他住在革辣爾時,
2 Sinabi ni Abraham patungkol sa kanyang asawa na si Sarah, “Kapatid ko siya.” Kaya nagpadala si Abimelech hari ng Gerar, ng kanyang mga tauhan at kinuha nila si Sarah.
亞巴郎一論到他的妻子撒辣就說:「她是我的妹妹。」革辣爾王阿彼肋客於是派人來取了撒辣去。
3 Pero kinagabihan, pumunta ang Diyos kay Abimelech sa kanyang panaginip at sinabi sa kanya, “Masdan mo, ikaw ay mamamatay dahil sa babae na kinuha mo dahil siya ay asawa ng lalaki.”
但是夜間,天主在夢中來對阿彼默肋客說:「為了你取來的那個女人你該死,因為她原是有夫之婦。」
4 Ngayon, hindi nilapitan ni Abimelech si Sarah at sinabi niya, “Panginoon, papatayin mo rin ba ang matuwid na bansa?
阿彼默肋客尚未接近她,於是說:「我主,連正義的人你也殺害嗎﹖
5 Hindi ba sinabi niya mismo sa akin, 'Kapatid ko siya?'Kahit si Sarah, sinabi niya rin mismo sa akin na, 'Kapatid ko siya.' Nagawa ko ito sa katapatan ng aking puso at kamusmusan ng aking mga kamay.”
那男人不是對我說過「她是我的妹妹嗎﹖」連她自己也說「他是我的哥哥。」我做了這事,是出於心正手潔呀! 」
6 Pagkatapos, sinabi ng Diyos sa kanya sa panaginip, “Oo, alam ko na sa katapatan ng iyong puso na nagawa mo ito at hindi ko hinayaang magkasala ka sa akin. Kaya hindi ko hinayaang mahawakan mo siya.
天主在夢中對他說:「我也知道,你是出於心正做了這事,所以我阻止了你犯罪得罪我,也沒有讓你接觸她。
7 Kaya ibalik mo ang asawa ng lalaki, dahil siya ay isang propeta. Ipananalangin ka niya at mabubuhay ka. Pero kung hindi mo siya ibabalik, alam mo na ikaw at ang lahat ng nasa iyo ay tiyak na mamamatay.”
現在你應將女人還給那人,因為他是一位先知,他要為你轉求,你才可生存;倘若你不歸還,你該知道:你以及凡屬於你的,必死無疑。」
8 Bumangon si Abimelech nang maaga at pinapunta ang lahat ng kanyang lingkod sa kanya. Sinabi niya ang lahat ng mga bagay na ito sa kanila, at matinding takot ang naramdaman ng kanyang mga lingkod.
阿彼默肋客很早就起來召集了眾臣僕,將全部實情告訴給他們聽;這些人都很害怕。
9 Pagkatapos, tinawag ni Abimelech si Abraham at sinabi sa kanya,” Ano itong ginawa mo sa amin? Paano ako nagkasala sa iyo, na nagdala ka sa akin at sa aking kaharian ng matinding kasalanan? Ginawa mo sa akin ang hindi dapat gawin.”
然後阿彼默肋客叫了亞巴郎來,對他說:「你對我們作的是什麼事﹖我在什麼事上得罪了你,竟給我和我的王國招來了這樣大的罪過﹖你對我作了不應該作的事。」
10 Sinabi ni Abimelech kay Abraham, “Ano ang nagtulak sa iyo na gawin mo ang bagay na ito?”
阿彼默肋客繼而對亞巴郎說:「你作這事,究有什麼意思﹖」
11 Sumagot si Abraham, “Dahil naisip ko, 'Tiyak na walang kinatatakutan na Diyos ang mga tao sa lugar na ito at papatayin nila ako dahil sa aking asawa.'
亞巴郎答說:「我以為在這地方一定沒有人敬畏天主,人會為了我妻子的緣故殺害我。
12 Bukod pa rito, tunay na siya ay kapatid ko, ang anak na babae ng aking ama, pero hindi anak ng aking ina; at siya ay aking naging asawa.
何況她實在是我的妹妹,雖不是我母親的女兒,卻是我父親的女兒;後來做了我的妻子。
13 Nang pinaalis ako ng Diyos sa bahay ng aking ama at naglakbay mula sa ibat-ibang lugar, sinabi ko kanya, 'Dapat mong ipakita ang katapatang ito sa akin bilang aking asawa: Sa bawat lugar na pupuntahan natin, sabihin mo na “'Kapatid ko siya.''''
當天主叫我離開父家,在外飄流的時候,我對她說:我們無論到什麼地方,你要說我是你的哥哥,這就我是你待我的大恩。」
14 Pagkatapos, kumuha si Abimelech ng mga tupa at mga baka, mga aliping lalaki at mga babae at ibinigay ang mga ito kay Abraham. Pagkatapos, ibinalik niya sa kanya si Sarah na asawa ni Abraham.
阿彼默肋客把些牛羊奴婢,送給了亞巴郎,也將他的妻子撒辣歸還了他;
15 Sinabi ni Abimelech, “Tingnan mo, nasa harapan mo ang lupain ko. Manirahan ka kung saan mo naisin.
然後對他說:「看,我的土地盡在你面前,你願住在那裏,就住在那裏。」
16 Kay Sarah sinabi niya. “Tingnan mo, binigyan ko ang iyong kapatid ng isang libong piraso ng pilak. Pantakip ito sa mga kamalian laban sa iyo sa mga mata ng lahat ng kasama mo, at sa harapan ng lahat, tuluyan kang ginawang matuwid.”
繼而對撒辣說:「看,我給了你哥哥一千銀子,作為你在闔家人前的遮羞錢;這樣,各方面無可指摘。」
17 Pagkatapos, nanalangin si Abraham sa Diyos at pinagaling ng Diyos si Abimelech, ang kanyang asawa, at kanyang mga babaeng alipin para sila ay tuluyan ng magkaroon ng anak.
亞巴郎懇求了天主,天主就醫好了阿彼默肋客,他的妻子和他的眾婢女,使她們都能生育,
18 Dahil hinayaan ni Yahweh na ganap na hindi magkaanak ang lahat ng mga babae sa sambayanan ni Abimelech, dahil kay Sarah, na asawa ni Abraham.
因為上主為了亞巴郎妻子撒辣的事,關閉了阿彼默肋客家中所有婦女的子宮。