< Genesis 19 >
1 Dumating ang dalawang anghel sa Sodoma sa gabi, habang nakaupo si Lot sa tarangkahan ng Sodoma. Nakita sila ni Lot, tumayo siya upang salubungin sila, at nagpatirapa na nakasayad ang mukha sa lupa.
And there came two angels to Sodom at evening; and Lot sat in the gate of Sodom: and Lot seeing them rose to meet them; and he bowed himself with his face toward the ground;
2 Sinabi niya, “Nakikiusap ako aking mga panginoon, kayo ay pumunta muna sa bahay ng inyong lingkod at manatili ng magdamag at hugasan ang inyong mga paa. Pagkatapos, maaari na kayong bumangon nang maaga at pumunta sa inyong pupuntahan.” At sinabi nila, “Hindi, magpapalipas na lang kami ng gabi sa liwasan ng bayan.
And he said, Behold now, my lords, turn, I pray you, into your servant’s house, and tarry all night, and wash your feet, and ye shall rise early, and go on your ways. And they said, Nay; but we will abide in the street all night.
3 Pero pinilit niya sila kaya sumama sila sa kanya, at pumasok sila sa kanyang bahay. Naghanda siya ng makakain nila at nagluto ng tinapay na walang pampaalsa at sila ay kumain.
And he urged them greatly; and they turned in to him, and entered into his house; and he made them a feast, and baked unleavened bread, and they ate.
4 Pero bago sila humiga, pinaligiran ng mga kalalakihan sa lungsod, mga kalalakihan sa Sodoma, bata at matanda sa lahat ng sulok ng bayan, ang bahay niya, lahat ng kalalakihan sa bawat bahagi ng lungsod.
But before they lay down, the men of the city, even the men of Sodom, surrounded the house, both old and young, all the people from every quarter:
5 Tinawag nila si Lot at sinabi, “Nasaan ang mga lalaking pumasok sa inyo ngayong gabi? Dalhin mo sila sa amin para masipingan namin sila.
And they called to Lot, and said to him, Where are the men who came in to thee this night? bring them out to us, that we may know them.
6 Kaya lumabas si Lot sa kanyang bahay at sinara ang pinto sa likuran niya.
And Lot went out at the door to them, and shut the door after him,
7 Sinabi niya sa kanila, “Nagmamakaawa ako sa inyo, mga kapatid ko, huwag kayong gumawa ng kasamaan.
And said, I pray you, brethren, do not so wickedly.
8 Tingnan ninyo, narito ang aking dalawang anak na babae na hindi pa nasisipingan ng sinumang lalaki. Hayaan ninyo, nakikiusap ako, na dalhin ko sila sa inyo at gawin ninyo sa kanila ang katanggap-tanggap sa inyong mga mata. Huwag lang dito sa mga lalaking ito dahil sila ay nasa loob ng aking pamamahay.”
Behold now, I have two daughters who have not known man; let me, I pray you, bring them out to you, and do ye to them as is good in your eyes: only to these men do nothing; for therefore came they under the shadow of my roof.
9 Sabi nila, “Tumabi ka!” Sinabi rin nila, “Ang taong ito ay dumating dito sa ating lugar bilang isang dayuhan at ngayon siya ay naging hukom natin! Mas malala pa ang gagawin namin sa iyo kaysa sa kanila.” Tinulak nila nang malakas ang lalaki, si Lot, at lumapit para sirain ang pinto.
And they said, Stand back. And they said again, This one man came in to sojourn, and he will needs be a judge: now will we deal worse with thee, than with them. And they pressed hard upon the man, Lot, and came near to break the door.
10 Pero inabot ng mga lalaki ng kanilang mga kamay si Lot at dinala sa loob ng bahay kasama nila at sinara ang pinto.
But the men put forth their hand, and pulled Lot into the house to them, and shut the door.
11 At doon naman sa mga tao na nasa labas ng pinto ng bahay, inatake sila ng mga panauhin ni Lot at ginawang bulag, ang mga bata pati matatanda, kaya nahirapan silang makita ang pinto ng bahay.
And they smote the men that were at the door of the house with blindness, both small and great: so that they wearied themselves to find the door.
12 Pagkatapos, sinabi ng mga lalaki kay Lot, “Mayroon ka pa bang ibang kasama rito? Mga manugang, mga anak na lalaki at babae at kung sino pa mang mga kasamahan mo sa lungsod, ilabas mo na sila rito.
And the men said to Lot, Hast thou here any besides? son in law, and thy sons, and thy daughters, and whomever thou hast in the city, bring them out of this place:
13 Wawasakin na namin ang lugar na ito, dahil napakarami na ng paratang sa kanila sa harap ni Yahweh, kaya pinadala niya kami para wasakin ito.”
For we will destroy this place, because the cry of them hast become great before the face of the LORD; and the LORD hath sent us to destroy it.
14 Lumabas si Lot at kinausap niya ang kanyang mga manugang, ang mga lalaki na nangakong pakakasalan ang kanyang mga anak na babae, at sinabi, “Bilis, umalis na kayo sa lugar na ito, dahil wawasakin na ni Yahweh ang lungsod.” Pero para sa kanyang mga manugang, tila ba nagbibiro lang siya.
And Lot went out, and spoke to his sons in law, who married his daughters, and said, Arise, depart from this place; for the LORD will destroy this city. But he seemed to his sons in law as one that mocked.
15 Nang mag-uumaga na, inudyakan ng mga anghel si Lot at sinabi, “Umalis ka na, kunin mo ang iyong asawa at dalawang anak na babae na narito, para hindi kayo maisama sa kaparusahan ng lungsod.”
And when the morning arose, then the angels hastened Lot, saying, Arise, take thy wife, and thy two daughters, who are here; lest thou be consumed in the iniquity of the city.
16 Pero nag-alinlangan siya. Kaya hinawakan ng mga lalaki ang kanyang kamay, at ang kamay ng kanyang asawa, at mga kamay ng kanyang dalawang anak na babae, dahil mahabagin si Yahweh sa kanya. Sila ay inilabas nila, at dinala sa labas ng lungsod.
And while he lingered, the men laid hold upon his hand, and upon the hand of his wife, and upon the hand of his two daughters; the LORD being merciful to him: and they brought him forth, and set him outside of the city.
17 Nang nailabas na sila, sinabi ng isa sa mga lalaki, “Tumakbo na kayo para sa inyong mga buhay! Huwag kayong lilingon o manatili saanman sa kapatagan. Magsitakas kayo patungo sa mga bundok para hindi kayo malipol.
And it came to pass, when they had brought them forth abroad, that he said, Escape for thy life; look not behind thee, neither stay thou in all the plain; escape to the mountain, lest thou be consumed.
18 Sinabi ni Lot sa kanila.” Hindi, pakiusap aking mga panginoon!
And Lot said to them, O, not so, my Lord:
19 Ang inyong lingkod ay nakatanggap ng pabor sa inyong paningin at pinakitaan ninyo kami ng dakilang kagandahang-loob sa pagligtas sa aking buhay, pero hindi ako makakatakas sa mga bundok dahil aabutan din ako ng sakuna at mamamatay ako.
Behold now, thy servant hath found grace in thy sight, and thou hast magnified thy mercy, which thou hast shown to me in saving my life; and I cannot escape to the mountain, lest some evil should take me, and I die:
20 Tingnan ninyo, ang lungsod banda roon ay malapit at maliit lamang para makatakas kayo. Pakiusap, hayaan ninyo akong makatakas doon (diba maliit lamang iyon?), at ang buhay ko ay maliligtas.”
Behold now, this city is near to flee to, and it is a small one: O, let me escape there, ( is it not a small one?) and my soul shall live.
21 Sinabi niya sa kanya, “Sige, pagbibigyan ko rin ang kahilingang ito, hindi ko rin wawasakin ang lungsod na nabanggit mo.
And he said to him, See, I have accepted thee concerning this thing also, that I will not overthrow this city, for which thou hast spoken.
22 Bilisan mo! Tumakas ka na patungo roon, dahil hindi ko magagawa ang anumang bagay hangga't hindi ka nakararating doon.” Kaya tinawag na Zoar ang lungsod na ito.
Haste thee, escape there; for I cannot do any thing till thou hast come there. Therefore the name of the city was called Zoar.
23 Mataas na ang araw sa mundo nang narating ni Lot ang Zoar.
The sun had risen upon the earth when Lot entered into Zoar.
24 Pagkatapos, nagpaulan sa Sodoma at Gomora ng asupre at apoy si Yahweh mula sa kalangitan.
Then the LORD rained upon Sodom and upon Gomorrah brimstone and fire from the LORD out of heaven;
25 Winasak niya ang mga lungsod na iyon, at lahat ng kapatagan at lahat ng naninirahan sa mga lungsod, pati na ang mga pananim na tumutubo sa lupa.
And he overthrew those cities, and all the plain, and all the inhabitants of the cities, and that which grew upon the ground.
26 Pero lumingon ang asawa ni Lot na nasa likod niya at siya ay naging isang haligi ng asin.
But his wife looked back from behind him, and she became a pillar of salt.
27 Bumangon si Abraham nang maaga at nagpunta sa lugar kung saan siya tumayo sa harapan ni Yahweh.
And Abraham rose early in the morning to the place where he stood before the LORD:
28 Tumingin siya sa baba sa Sodoma at Gomora at sa lahat ng lupain ng kapatagan. Nakita niya at namasdan ang usok na umaakyat mula sa lupa na katulad ng usok sa isang pugon.
And he looked toward Sodom and Gomorrah, and toward all the land of the plain, and beheld, and, lo, the smoke of the country went up as the smoke of a furnace.
29 Kaya matapos wasakin ng Diyos ang mga lungsod sa kapatagan, naalala ng Diyos si Abraham. Inilabas niya si Lot mula sa gitna ng kapahamakan ng winasak niya ang mga lungsod kung saan nanirahan si Lot.
And it came to pass, when God destroyed the cities of the plain, that God remembered Abraham, and sent Lot out of the midst of the overthrow, when he overthrew the cities in which Lot dwelt.
30 Pero nagpunta si Lot paakyat mula sa Zoar para manirahan sa kabundukan kasama ang kanyang dalawang anak na babae dahil natakot siyang manirahan sa Zoar. Kaya nanirahan siya sa loob ng kuweba kasama ng kanyang dalawang anak na babae.
And Lot went up from Zoar, and dwelt in the mountain, and his two daughters with him; for he feared to dwell in Zoar: and he dwelt in a cave, he and his two daughters.
31 Sinabi ng nakakatanda sa nakababata, “Matanda na ang ating ama at wala ng lalaki sa lugar na ito na sisiping sa atin katulad ng kinagawian ng mga tao sa buong mundo.
And the firstborn said to the younger, Our father is old, and there is not a man on the earth to come in to us after the manner of all the earth:
32 Halika ating painumin ng alak ang ating ama at sisipingan natin siya para mapalawig natin ang kaapu-apuhan ng ating ama.
Come, let us make our father drink wine, and we will lie with him, that we may preserve seed of our father.
33 Kaya, pinainom nila ang kanilang ama ng alak ng gabing iyon. Pagkatapos, pumasok ang nakatatanda at sumiping sa kanyang ama; hindi niya alam kung kailan siya humiga, ni kung kailan siya bumangon.
And they made their father drink wine that night: and the firstborn went in, and lay with her father; and he perceived not when she lay down, nor when she arose.
34 Kinabukasan, sinabi ng nakakatanda sa nakababata, “Makinig ka, sinipingan ko kagabi ang aking ama. Painumin ulit natin siya ng alak ngayong gabi, at ikaw naman ang papasok at sisiping sa kanya para mapalawig natin ang lahi ng ating ama.”
And it came to pass on the next day, that the firstborn said to the younger, Behold, I lay last night with my father: let us make him drink wine this night also; and go thou in, and lie with him, that we may preserve seed of our father.
35 Kaya ng gabing iyon, muli nilang pinainom ng alak ang kanilang ama, pumasok at sumiping sa kanya ang nakababata. Hindi niya alam kung kailan siya humiga ni kung kailan siya bumangon.
And they made their father drink wine that night also: and the younger arose, and lay with him; and he perceived not when she lay down, nor when she arose.
36 Kaya nabuntis ang parehong anak na babae ni Lot sa pamamagitan ng kanilang ama.
Thus were both the daughters of Lot with child by their father.
37 Ang nakakatanda ay nanganak ng isang lalaki at pinangalanan siyang Moab. Siya ang naging ninuno ng mga Moabita hanggang sa kasalukuyan.
And the firstborn bore a son, and called his name Moab: the same is the father of the Moabites to this day.
38 At sa nakababatang anak na babae, siya rin ay nanganak ng isang lalaki, at pinangalanan siyang Ben Ammi. Naging ninuno siya ng mga mamamayan ng Ammon hanggang sa kasalukuyan.
And the younger, she also bore a son, and called his name Benammi: the same is the father of the children of Ammon to this day.