< Genesis 18 >

1 Habang nakaupo siya sa pintuan ng tolda sa kainitan ng araw, nagpakita si Yahweh kay Abraham sa mga kakahuyan ni Mamre.
耶和华在幔利橡树那里向亚伯拉罕显现出来。那时正热,亚伯拉罕坐在帐棚门口,
2 Tumingala siya at naroon, nakita niya ang tatlong lalaki na nakatayo sa harap niya. Nang makita sila ni Abraham, tumakbo siya mula sa pintuan ng tolda, para salubungin sila at yumukod siya sa lupa.
举目观看,见有三个人在对面站着。他一见,就从帐棚门口跑去迎接他们,俯伏在地,
3 Sinabi niya, “Panginoon, kung nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, huwag kang umalis at iwan ang iyong lingkod.
说:“我主,我若在你眼前蒙恩,求你不要离开仆人往前去。
4 Hayaan ninyong maidala ang kaunting tubig, mahugasan ang inyong mga paa, at makapagpahinga kayo sa ilalim ng punong kahoy.
容我拿点水来,你们洗洗脚,在树下歇息歇息。
5 Hayaan ninyong dalhan ko kayo ng kaunting pagkain, at nang manumbalik ang inyong lakas. Pagkatapos maaari na kayong tumuloy sa pupuntahan ninyo dahil naparito na kayo sa inyong lingkod.” Sinabi nila, “Gawin mo ang sinabi mo.”
我再拿一点饼来,你们可以加添心力,然后往前去。你们既到仆人这里来,理当如此。”他们说:“就照你说的行吧。”
6 Pagkatapos dali-daling pumunta si Abraham sa tolda ni Sarah at sinabi, “Bilisan mo, magdala ka ng tatlong takal ng harina, masahin mo ito, at gawing tinapay.”
亚伯拉罕急忙进帐棚见撒拉,说:“你速速拿三细亚细面调和做饼。”
7 Pagkatapos tumakbo si Abraham sa kawan, kumuha siya ng guyang mainam at maayos at ibinigay ito sa lingkod, at nagmadali siyang ihanda ito.
亚伯拉罕又跑到牛群里,牵了一只又嫩又好的牛犊来,交给仆人,仆人急忙预备好了。
8 Kumuha siya ng mantikilya at gatas, at ang guya na naihanda at nilagay ang pagkain sa harap nila. At tumayo siya sa ilalim ng puno habang sila ay kumakain.
亚伯拉罕又取了奶油和奶,并预备好的牛犊来,摆在他们面前,自己在树下站在旁边,他们就吃了。
9 Sinabi nila sa kanya, “Nasaan ang iyong asawa na si Sarah?” Sumagot siya, “Naroon sa loob ng tolda.”
他们问亚伯拉罕说:“你妻子撒拉在哪里?”他说:“在帐棚里。”
10 Sinabi niya, “Makatitiyak ka na babalik ako sa iyo sa tagsibol at makikita mo, magkakaroon ng anak na lalaki ang iyong asawa na si Sarah.” Nakikinig si Sarah sa pintuan ng tolda na nasa likod ni Abraham.
三人中有一位说:“到明年这时候,我必要回到你这里;你的妻子撒拉必生一个儿子。”撒拉在那人后边的帐棚门口也听见了这话。
11 Ngayon matanda na nga sina Abraham at Sarah, talagang napakatanda na at nalampasan na ni Sarah ang edad kung saan hindi na maaaring magkaanak pa ang isang babae.
亚伯拉罕和撒拉年纪老迈,撒拉的月经已断绝了。
12 Kaya tinawanan ni Sarah ang kaniyang sarili at sinabing,” “Ngayong matanda na ako, magkakaroon pa ba ako ng kasiyahan, gayong ang panginoon ko ay matanda na rin?”
撒拉心里暗笑,说:“我既已衰败,我主也老迈,岂能有这喜事呢?”
13 Sinabi ni Yahweh kay Abraham, “Bakit tumawa si Sarah at sinabing, 'Magkakaanak pa batalaga ako gayong matanda na ako?'
耶和华对亚伯拉罕说:“撒拉为什么暗笑,说:‘我既已年老,果真能生养吗?’
14 Mayroon bang mahirap para kay Yahweh? Pagsapit ng itinakda kong panahon, sa tagsibol, babalik ako sa iyo. Sa ganitong oras sa susunod na taon, si Sarah ay magkakaroon ng anak na lalaki.
耶和华岂有难成的事吗?到了日期,明年这时候,我必回到你这里,撒拉必生一个儿子。”
15 Pagkatapos, itinanggi ni Sarah ito at sinabing, “Hindi ako tumawa,” dahil siya ay natakot. Sumagot si Yahweh, “Hindi, tumawa ka.”
撒拉就害怕,不承认,说:“我没有笑。”那位说:“不然,你实在笑了。”
16 Pagkatapos tumayo ang mga lalaki para umalis at tumingin pababa patungong Sodoma. Sumama si Abraham sa kanila para ihatid sila sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay.
三人就从那里起行,向所多玛观看,亚伯拉罕也与他们同行,要送他们一程。
17 Pero sinabi ni Yahweh, “Dapat ko bang itago kay Abraham ang gagawin ko,
耶和华说:“我所要做的事岂可瞒着亚伯拉罕呢?
18 gayong tiyak na magiging dakila at makapangyarihang bansa si Abraham, at pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sa pamamagitan niya?
亚伯拉罕必要成为强大的国;地上的万国都必因他得福。
19 Dahil pinili ko siya para maturuan ang kanyang mga anak pati na ang sambahayan na susunod sa kanya na mapanatili ang kaparaanan ni Yahweh, na gumawa ng matuwid at makatarungan, nang sa gayon maibibigay ni Yahweh kay Abraham ang sinabi niya sa kanya.”
我眷顾他,为要叫他吩咐他的众子和他的眷属遵守我的道,秉公行义,使我所应许亚伯拉罕的话都成就了。”
20 Pagkatapos sinabi ni Yahweh, “Dahil napakarami ng paratang laban sa Sodoma at Gomora, at napakalubha na ng kanilang kasalanan,
耶和华说:“所多玛和蛾摩拉的罪恶甚重,声闻于我。
21 bababa ako ngayon doon at titingnan ko kung kasingsama sila gaya ng paratang sa kanila na sinabi sa akin. Kung hindi man, malalaman ko.”
我现在要下去,察看他们所行的,果然尽像那达到我耳中的声音一样吗?若是不然,我也必知道。”
22 Pagkatapos ang mga lalaki ay umalis mula roon at pumunta patungo sa Sodoma, pero nanatiling nakatayo si Abraham sa harapan ni Yahweh.
二人转身离开那里,向所多玛去;但亚伯拉罕仍旧站在耶和华面前。
23 Pagtapos lumapit si Abraham at sinabi, “Lilipulin mo ba ang matuwid kasama ang makasalanan?
亚伯拉罕近前来,说:“无论善恶,你都要剿灭吗?
24 Marahil mayroong limampung matuwid sa loob ng lungsod. Lilipulin niyo ba ito at hindi ililigtas ang lugar alang-alang sa kapakanan ng limampung matuwid na naroon?
假若那城里有五十个义人,你还剿灭那地方吗?不为城里这五十个义人饶恕其中的人吗?
25 Malayong gawin mo ang mga bagay na ito, na patayin ang mga matuwid kasama ang makasalanan, at ituring ang mga matuwid gaya ng mga makasalanan. Malayong gawin mo ito! Hindi ba gagawin ng Hukom ng buong mundo kung ano ang makatarungan?”
将义人与恶人同杀,将义人与恶人一样看待,这断不是你所行的。审判全地的主岂不行公义吗?”
26 Sinabi ni Yahweh, “Kung may nakita kang limampung matuwid sa lungsod na iyon, ililigtas ko ang buong lugar para sa kanila.”
耶和华说:“我若在所多玛城里见有五十个义人,我就为他们的缘故饶恕那地方的众人。”
27 Sumagot si Abraham at sinabi, “Tingnan mo ang aking ginawa, nangahas akong makipag-usap sa aking Panginoon, kahit na alikabok at abo lamang ako!
亚伯拉罕说:“我虽然是灰尘,还敢对主说话。
28 Paano kung nabawasan ng lima ang limampung matuwid? Wawasakin mo ba ang buong lungsod dahil nabawasan ng lima? At sinabi niya, “Hindi ko ito wawasakin kung may mahanap akong apatnapu't lima.”
假若这五十个义人短了五个,你就因为短了五个毁灭全城吗?”他说:“我在那里若见有四十五个,也不毁灭那城。”
29 Muli siyang nakipag-usap sa kanya at sinabing, “Paano kung apatnapu ang makita roon? Sumagot siya, “Alang-alang sa apatnapu, hindi ko ito gagawin.”
亚伯拉罕又对他说:“假若在那里见有四十个怎么样呢?”他说:“为这四十个的缘故,我也不做这事。”
30 Sinabi niya, “Pakiusap, huwag kayong magagalit Panginoon, para makapagsalita ako. Kung sakali na tatlumpu ang mahanap doon? “Sinabi ng Diyos, “Hindi ko ito gagawin kung may mahanap akong tatlumpu doon.”
亚伯拉罕说:“求主不要动怒,容我说,假若在那里见有三十个怎么样呢?”他说:“我在那里若见有三十个,我也不做这事。”
31 Sinabi niya, “Tingnan mo, nangahas akong makipag-usap sa aking Panginoon! Marahil dalawampu ang makita roon.” Tumugon siya, “Hindi ko ito gagawin alang-alang sa dalawampu.”
亚伯拉罕说:“我还敢对主说话,假若在那里见有二十个怎么样呢?”他说:“为这二十个的缘故,我也不毁灭那城。”
32 Sinabi niya, “Pakiusap, huwag kayong magalit, Panginoon, sasabihin ko ito sa huling pagkakataon. Marahil sampu ang makita roon.” At sinabi niya, “Hindi ko ito wawasakin alang-alang sa sampung natira.”
亚伯拉罕说:“求主不要动怒,我再说这一次,假若在那里见有十个呢?”他说:“为这十个的缘故,我也不毁灭那城。”
33 Nagtungo na si Yahweh sa kaniyang paroroonan matapos siyang makipag-usap kay Abraham, at bumalik na si Abraham sa kanyang tahanan.
耶和华与亚伯拉罕说完了话就走了;亚伯拉罕也回到自己的地方去了。

< Genesis 18 >