< Genesis 14 >
1 Nangyari na sa mga araw nina Amrafel, hari ng Sinar, Ariok, hari ng Elasar, Kedorlaomer, hari ng Elam, at Tidal, hari ng Goyim,
Бысть же в царство Амарфала царя Сеннаарска, и Ариох царь Елласарск, и Ходоллогомор царь Еламск, и Фаргал царь языческий
2 na nakipagdigma sila laban kina Bera, hari ng Sodoma, Birsha, hari ng Gomorra, Shinab, hari ng Adma, Shemeber, hari ng Zeboim, at sa hari ng Bela (tinatawag ding Zoar).
сотвориша рать с Валлою царем Содомским и с Варсою царем Гоморрским, и с Сеннааром царем Адамы и с симовором царем Севоимским, и с царем Валаки: сия есть Сигор.
3 Ang limang mga hari ay nagsama-sama sa Lambak ng Sidim (na tinatawag ding Dagat Asin).
Вси сии совещашася на юдоль Сланую: сие есть море Сланое.
4 Labindalawang taon silang nanilbihan kay Kedorlaomer, pero naghimagsik sila sa ika-labintatlong taon.
Дванадесять лет тии работаша Ходоллогомору: третияго же надесять лета отступиша.
5 Pagkatapos sa ikalabing apat na taon, dumating at nilusob nina Kedorlaomer at ng mga haring kasama niya ang mga Refaita sa Astarot Karnaim, ang mga Zuzita sa Ham, ang mga Emita sa Save-Kiryatam,
И в четвертое надесять лето, прииде Ходоллогомор, и цари иже с ним, и изсекоша Исполинов сущих во Астарофе и в Карнаине, и языки крепки вкупе с ними, и омеов, иже в Сави граде,
6 at ang mga Horeo sa kanilang bulubunduking bansa ng Seir, hanggang sa El Paran, na malapit sa desyerto.
и Хорреов, иже в горах Сиирских, даже до Теревинфа Фарана, иже есть в пустыни.
7 Pagkatapos lumiko sila at dumating sa Enmispat (tinatawag ding Kades), at tinalo ang lahat ng bansa ng mga Amalekita, pati na ang mga Amoreo na nanirahan sa Hasason Tamar.
И возвратившеся приидоша ко источнику Судному, иже есть Кадис: и ссекоша вся князи Амаликовы, и Аморреов живущих во Асасанфамаре.
8 Pagkatapos lumabas at naghanda para sa digmaan ang hari ng Sodoma, ang hari ng Gomorra, ang hari ng Adma, ang hari ng Zeboim, at ang hari ng Bela (tinatawag ding Zoar),
Изыде же царь Содомский и царь Гоморрский, и царь Адаманский и царь Севоимский, и царь Валаки, сия есть Сигор: и ополчишася противу их на брань во юдоли Сланой,
9 laban kina Kedolaomer, hari ng Elam, Tidal, hari ng Goyim, Amrafel, hari ng Sinar, Arioc, hari ng Elasar; apat na mga hari laban sa lima.
на Ходоллогомора царя Еламска и Фаргала царя языческа, и Амарфала царя Сеннаарска и Ариоха царя Елласарска: четыри цари на пять.
10 Ngayon puno ng mga hukay na may alkitran ang lambak ng Sidim, at nang tumakas ang mga hari ng Sodoma at Gomorra, nahulog sila roon. Tumakas ang mga natira patungo sa mga kabundukan.
Юдоль же Сланая имяше кладязи смоляныя. И побеже царь Содомский и царь Гоморрский, и падоша тамо: оставшиися же бежаша в горняя (и одержаша я).
11 Kaya kinuha ng kaaway ang lahat ng mga kagamitan ng Sodoma at Gomorra at ang lahat ng kanilang mga panustos, at nagpatuloy sa kanilang landas.
Взяша же вся конныя Содомския и Гоморрския и вся брашна их, и отидоша.
12 Nang umalis sila, dinala rin nila si Lot, ang anak ng kapatid ni Abram na naninirahan sa Sodoma, kasama ang lahat ng kaniyang mga ari-arian.
Взяша же и Лота сына брата Аврамова и имение его, и отидоша: бе бо в Содомех живый.
13 Pumunta at nagsalaysay ang isang nakatakas kay Abram na Hebreo. Naninirahan siya sa may mga kakahuyan na pagmamay-ari ni Mamre, na Amoreo, kapatid nina Escol at Aner, na pawang mga kakampi ni Abram.
Пришед же един от уцелевших, возвести Авраму пришелцу, иже живяше у дуба Мамврийскаго, Аморреа брата Есхоля и брата Авнаня, иже беша союзницы Аврамовы.
14 Ngayon nang marinig ni Abram na nabihag ng mga kaaway ang kaniyang kamag-anak, pinangunahan niya ang kaniyang tatlong daan at labing walong sinanay na tauhan, na ipinanganak sa kaniyang sambahayan, at tinugis niya sila hanggang sa Dan.
Слышав же Аврам, яко пленен бысть Лот братаничь его, сочте домочадцы своя триста и осмьнадесять, и погна вслед их даже до Дана.
15 Kinagabihan hinati niya ang kaniyang mga tauhan laban sa kanila at nilusob sila, at hinabol sila hanggang sa Hoba na nasa hilaga ng Damasco.
И нападе на ня нощию сам и отроцы его (с ним): и порази их и гони их даже до Ховала, иже есть ошуюю Дамаска:
16 Pagkatapos dinala niya ang lahat ng mga ari-arian, at dinala rin niya ang kaniyang kamag-anak na si Lot at ang kaniyang mga kagamitan, pati na rin ang mga kababaihan at ang iba pang mga tao.
и возврати вся конныя Содомския, и Лота сына брата своего возврати, и вся имения его, и жены, и люди.
17 Matapos bumalik ni Abram mula sa pagtalo kina Kedorlaomer at sa mga hari na kasama niya, ang hari ng Sodoma ay lumabas para salubungin siya sa lambak ng Save (tinatawag ding Lambak ng Hari).
Изыде же царь Содомский в сретение ему, повнегда возвратитися ему от сеча Ходоллогоморскаго, и царей сущих с ним, в юдоль Савину: сие же бяше поле царево:
18 Naglabas si Melquisedec, hari ng Salem, ng tinapay at alak. Siya ay pari ng Kataastaasang Diyos.
и Мелхиседек царь Салимский изнесе хлебы и вино: бяше же священник Бога Вышняго.
19 Siya ay kaniyang pinagpala na nagsasabing, “Pagpalain ka Abram ng Kataastaasang Diyos, Manlilikha ng langit at lupa.
И благослови Аврама, и рече: благословен Аврам Богом Вышним, иже созда небо и землю:
20 Pagpalain ang Kataastaasang Diyos, na siyang nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay.” Pagkatapos ibinigay ni Abram sa kaniya ang ikasampu ng lahat ng kaniyang pag-aari.
и благословен Бог Вышний, Иже предаде враги твоя под руки тебе. И даде ему десятину Аврам от всего.
21 Sinabi ng hari ng Sodoma kay Abram, “Ibigay mo sa akin ang mga tao, at kunin mo ang mga kagamitan para sa iyong sarili.”
Рече же царь Содомский ко Авраму: даждь ми мужы, а кони возми себе.
22 Sinabi ni Abram sa hari ng Sodoma, “Itinaas ko ang aking kamay kay Yahweh, sa Kataastaasang Diyos, Manlilikha ng langit at lupa,
Рече же Аврам к царю Содомску: воздвигну руку мою ко Господу Богу Вышнему, иже сотвори небо и землю:
23 na hindi ako kukuha ng sinulid, sintas ng sandalyas, o anumang sa iyo, para ikaw ay hindi kailanman makapagsabing, “Ako ang nagpayaman kay Abram.'
аще от нити до ременя сапожнаго возму от всего твоего, да не речеши, яко аз обогатих Аврама:
24 Wala akong kukunin maliban sa kung anong nakain ng mga kabataang lalaki at ang bahagi ng mga lalaking sumama sa akin. Hayaang mong kunin nina Aner, Escol, at Mamre ang kanilang bahagi.”
кроме сих, яже снедоша отроцы, и части мужей, иже ходиша со мною, Есхол, Авнан, Мамврий: сии да возмут части (своя).