< Genesis 12 >
1 Ngayon sinabi ni Yahweh kay Abram, “Humayo ka mula sa iyong bansa, at mula sa iyong mga kamag-anak, at mula sa sambahayan ng iyong ama, sa lupaing ipakikita ko sa iyo.
Rəbbee İbramık'le eyhen: – Yiğna ölka, dekkın xav, vas k'anebınbı g'alepçe, Zı vak'le eyhesde ölkeeqa hoora.
2 Gagawin kitang isang dakilang bansa, at pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging isang pagpapala.
Vas xayir-düə hevles, vake xədın millet g'ales, do axtı qa'as, yiğne doyuka xayir-düə hevles.
3 Pagpapalain ko ang magpapala sa iyo, pero sinuman ang maninira sa iyo ay susumpain ko. Sa pamamagitan mo, ang lahat ng mga pamilya sa buong mundo ay pagpapalain.”
Zı vas xayir-düə huvuynbışis, xayir-düə, bed-düə hav'uynbışis, bed-düə g'axuvles. Ç'iyeyne aq'valyne gırgıne milletbışe valek'ena xayir-düə alyapt'as.
4 Kaya humayo si Abram, gaya ng sinabi ni Yahweh na kaniyang gawin, at sumama si Lot sa kaniya. Pitumpu't-limang taong gulang si Abram nang umalis siya sa Haran.
İbram, Rəbbee eyhəxür, yəqqı'l gexha. Lutur mang'uka sacigee ayk'an. Xaraneençe qığeç'uyng'a İbramıqa yights'ale xholle senniy vod.
5 Isinama ni Abram si Sarai, na kaniyang asawa, si Lot, na anak na lalaki ng kaniyang kapatid, lahat ng mga ari-arian na kanilang naipon, at mga nakuha nilang mga tauhan sa Haran. Umalis sila patungo sa lupain ng Canaan, at pumunta sa lupain ng Canaan.
İbramee Xaranee hı'iyn gırgın kar, xhunaşşe Saray, çoçuna dix Lut, cun nukarar alyapt'ı Kana'anne ölkeeqa yəqqı'l gexha. Manbı Kana'anne ölkeeqa hiviyxharanbı.
6 Naglakbay si Abram hanggang sa Shekem sa kakahuyan ng Moreh. Sa panahong iyon ang mga Cananeo ang naninirahan sa lupain.
İbram maa'ar More eyhene mı'qəsqa, Şekem eyhene cigeene hiyxhar. Manke maa'ad Kana'anaaşin milletniy eyxhen.
7 Nagpakita si Yahweh kay Abram, at sinabing, “Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong mga kaapu-apuhan.” Kaya nagtayo roon si Abram ng altar para kay Yahweh, na nagpakita sa kaniya.
Rəbb İbramısqa dyagu uvhuyn: – Zı ina ölka yiğne nasılıs hevles. İbramee cus dyaguyne Rəbbis, maa'ad q'urbanbı alyaa'an ciga alya'a.
8 Mula roon siya ay lumipat sa bulubunduking bayan sa silangan ng Bethel, kung saan niya itinayo ang kaniyang tolda, na ang Bethel ay nasa kanluran at ang Ai ay nasa silangan. Doon nagtayo siya ng altar para kay Yahweh at tumawag sa pangalan ni Yahweh.
Mançer Bet-Eline şargılyne suvabınane cigeeqa ayk'an. Ma'ab mang'vee çadır giviyxə. Çadırne garbıl Bet-El, şargılib Ğay eyhena şahar vooxhe. İbramee maa'ad Rəbbis q'urbanbı gyaat'an ciga ali'ı ı'bəədat ha'a.
9 Pagkatapos nagpatuloy si Abram sa paglalakbay patungong Negeb.
İbram kırra-kırra mançer ayk'anna canubulqa, Negevne sahrayne suralqa.
10 Nagkaroon ng taggutom sa lupain, kaya bumaba si Abram papunta sa Ehipto para manirahan doon, dahil matindi ang taggutom sa lupain.
İne ölkee it'umun mısvalybı xət qetxhava İbram sık'ınna gahıs Misirılqa ayk'ann.
11 Nang siya ay papasok na sa Ehipto, sinabi niya sa kaniyang asawang si Sarai, “Tingnan mo, alam kong ikaw ay isang magandang babae.
Misireeqa hiviyxharang'a mang'vee cune xhunaşşe Sarayk'le eyhen: – Ğu geer uftanra yixhay zak'le ats'an.
12 Kapag nakita ka ng mga taga-Ehipto sasabihin nilang, 'Ito ay kaniyang asawa,' at ako ay papatayin nila, pero hahayaan ka nilang mabuhay.
Misirbışe ğu g'aycu eyhesın: «İng'una xhunaşşevur». Manke manbışe zı gik'u ğu üç'ürra g'alerçes.
13 Sabihin mong ikaw ay kapatid kong babae, para mapabuti ako ng dahil sa iyo, at maliligtas ang buhay ko dahil sa iyo.”
Hucoone ixhes ğu manbışik'le eyhe, ğu yizda yiçu vor, yiğnemee zak sidyoot'a, üç'ürra g'alyaraççe.
14 Nang papasok na si Abram sa Ehipto, nakita ng mga taga-Ehipto na napakaganda ni Sarai.
İbram Misirqa hirxhılymee, misiribışik'le mang'una xhunaşşe geer uftanra yixhay g'ecen.
15 Nakita siya ng mga prinsepe ng Paraon, at pinuri siya kay Paraon, at dinala ang babae sa sambahayan ng Paraon.
Zəiyfa g'aycuyne Misirne paççahne, fironne insanaaşe məng'ı'ne micagiyvalina gaf fironus haa'a. Manar qiykekkana fironne sareeqa.
16 Pinakitunguhan nang mabuti ni Paraon si Abram alang-alang sa kaniya, at binigyan siya ng mga tupa, mga baka, mga lalaking asno, mga lalaki at babaeng lingkod, mga babaeng asno, at mga kamelyo.
Firon məng'ı'nimee İbramıkar yugra ıxha. Mang'uqa çavra-vəq'ə, əməler, devabı, nukar adamer, nukar yedar vooxhe.
17 Pagkatapos pinahirapan ni Yahweh ang Paraon at ang kaniyang sambahayan ng mga matinding salot dahil kay Sarai, na asawa ni Abram.
İbramne xhunaşşe Saraynimee Rəbbee fironneyiy fironne xaabınbışilqa xətta ık'arbı alyaa'a.
18 Pinatawag ng Paraon si Abram, at sinabing, “Ano itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya ay iyong asawa?
Fironee İbram qort'ul eyhen: – İn hucoon ğu zak hı'iyn?! Nya'a Saray yiğna xhunaşşe yixhay ittevhu?
19 Bakit mo sinabing, 'Siya ay kapatid ko,' kaya kinuha ko siya na maging asawa ko? Kaya ngayon, narito ang iyong asawa. Isama mo siya, at umalis na kayo.”
Nişil-allane «yizda yiçuva» uvhu, məng'ı'ka davatbı ha'as hassır? Alert'e yiğna xhunaşşer, hoora!
20 Pagkatapos, binigyan ng utos ng Paraon ang kaniyang mga tauhan patungkol sa kaniya, at siya ay pinaalis nila, kasama ang kaniyang asawa at ang lahat ng mayroon siya.
Fironee İbramiy cuna xhunaşşe, cone vardatıka sacigee ölkençe yəqqı'l hee'eva əmr haa'a.