< Genesis 11 >

1 Ngayon ang buong mundo ay gumagamit ng iisang wika at parehong mga salita.
那时,天下人的口音、言语都是一样。
2 Sa kanilang paglalakbay sa silangan, nakatagpo sila ng isang kapatagan sa lupain ng Shinar at doon sila nanirahan.
他们往东边迁移的时候,在示拿地遇见一片平原,就住在那里。
3 Sinabi nila sa isa’t isa, “Halikayo, gumawa tayo ng mga laryo at lutuin nating mabuti.” Laryo ang gamit nila sa halip na bato at alkitran bilang semento.
他们彼此商量说:“来吧!我们要做砖,把砖烧透了。”他们就拿砖当石头,又拿石漆当灰泥。
4 Sinabi nila, “Halikayo, magtayo tayo ng isang lungsod at isang tore para sa atin kung saan ang tuktok ay aabot hanggang langit, at gumawa tayo ng pangalan para sa ating mga sarili. Kung hindi natin gagawin ito, magkakawatak-watak tayo sa buong mundo.”
他们说:“来吧!我们要建造一座城和一座塔,塔顶通天,为要传扬我们的名,免得我们分散在全地上。”
5 Kaya bumaba si Yahweh para tingnan ang lungsod at ang toreng itinayo ng mga kaapu-apuhan ni Adan.
耶和华降临,要看看世人所建造的城和塔。
6 Sinabi ni Yahweh, “Tingnan ninyo, sila ay iisang bayan na may iisang wika, at sinisimulan nilang gawin ito! Hindi magtatagal lahat ng gusto nilang gawin ay hindi na magiging imposible para sa kanila.
耶和华说:“看哪,他们成为一样的人民,都是一样的言语,如今既做起这事来,以后他们所要做的事就没有不成就的了。
7 Halikayo, bumaba tayo at lituhin natin ang kanilang wika roon, para hindi nila maintindihan ang isa’t isa.
我们下去,在那里变乱他们的口音,使他们的言语彼此不通。”
8 Kaya ikinalat sila ni Yahweh mula roon tungo sa lahat ng dako ng mundo at huminto sila sa pagtatayo ng lungsod.
于是耶和华使他们从那里分散在全地上;他们就停工,不造那城了。
9 Kaya, pinangalanan itong Babel, dahil doon nilito ni Yahweh ang wika ng buong mundo at mula roon ikinalat sila ni Yahweh sa iba’t ibang dako ng mundo.
因为耶和华在那里变乱天下人的言语,使众人分散在全地上,所以那城名叫巴别。
10 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Sem. Si Sem ay isandaang taong gulang, at naging ama ni Arfaxad dalawang taon matapos ang baha.
闪的后代记在下面。洪水以后二年,闪一百岁生了亚法撒。
11 Si Sem ay nabuhay ng limandaang taon matapos siyang naging ama ni Arfaxad. Naging ama rin siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
闪生亚法撒之后又活了五百年,并且生儿养女。
12 Nang tatlumpu't-limang taon na si Arfaxad, siya ay naging ama ni Selah.
亚法撒活到三十五岁,生了沙拉。
13 Nabuhay pa si Arfaxad ng 403 taon matapos siyang maging ama ni Selah, at naging ama pa ng ibang anak na lalaki at babae.
亚法撒生沙拉之后又活了四百零三年,并且生儿养女。
14 Nang tatlumpung taon na si Selah, siya ay naging ama ni Eber.
沙拉活到三十岁,生了希伯。
15 Nabuhay pa si Selah ng 403 taon matapos siyang maging ama ni Eber at naging ama pa ibang anak na lalaki at babae.
沙拉生希伯之后又活了四百零三年,并且生儿养女。
16 Nang tatlumpu't-apat na taon si Eber, siya ay naging ama ni Peleg.
希伯活到三十四岁,生了法勒。
17 Nabuhay pa si Eber ng 430 taon matapos siyang maging ama ni Peleg. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
希伯生法勒之后又活了四百三十年,并且生儿养女。
18 Nang tatlumpung taon na si Peleg, siya ay naging ama ni Reu.
法勒活到三十岁,生了拉吴。
19 Nabuhay pa si Peleg ng 209 taon matapos siyang maging ama ni Peleg. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
法勒生拉吴之后又活了二百零九年,并且生儿养女。
20 Nang tatlumpu't dalawang taon na si Reu, siya ay naging ama ni Serug.
拉吴活到三十二岁,生了西鹿。
21 Nabuhay pa si Reu ng 207 taon matapos siyang maging ama ni Serug. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
拉吴生西鹿之后又活了二百零七年,并且生儿养女。
22 Nang tatlumpung taon na si Serug, siya ay naging ama ni Nahor.
西鹿活到三十岁,生了拿鹤。
23 Si Serug ay nabuhay pa ng dalawandaang taon matapos siyang maging ama ni Nahor. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
西鹿生拿鹤之后又活了二百年,并且生儿养女。
24 Nang dalawampu't-siyam na taon na si Nahor, siya ay naging ama ni Terah.
拿鹤活到二十九岁,生了他拉。
25 Nabuhay pa si Nahor ng 119 taon matapos siyang maging ama ni Terah. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
拿鹤生他拉之后又活了一百一十九年,并且生儿养女。
26 Matapos mamuhay si Terah ng pitumpung taon, siya ay naging ama ni Abram, Nahor, and Haran.
他拉活到七十岁,生了亚伯兰、拿鹤、哈兰。
27 Ngayon ito ang mga kaapu-apuhan ni Terah. Si Terah ay naging ama nina Abram, Nahor, at Haran, at si Haran ay naging ama ni Lot.
他拉的后代记在下面。他拉生亚伯兰、拿鹤、哈兰;哈兰生罗得。
28 Namatay si Haran sa piling ng kaniyang amang si Terah sa lupain na kaniyang sinilangan, sa Ur ng mga Caldeo.
哈兰死在他的本地迦勒底的吾珥,在他父亲他拉之先。
29 Kumuha ng mga asawa sina Abram at Nahor. Ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai at ang pangalan ng asawa ni Nahor ay Milcah, anak na babae ni Haran, na ama ni Milcah at Iscah.
亚伯兰、拿鹤各娶了妻:亚伯兰的妻子名叫撒莱;拿鹤的妻子名叫密迦,是哈兰的女儿;哈兰是密迦和亦迦的父亲。
30 Ngayon si Sarai ay baog; siya ay walang anak
撒莱不生育,没有孩子。
31 Kinuha ni Terah ang anak niyang si Abram, si Lot na anak ng kaniyang anak na si Haran, Sarai na kaniyang manugang, asawa ng kaniyang anak na si Abram, at sama-sama nilang iniwan ang Ur ng mga Caldeo, para pumunta sa lupain ng Canaan. Pero sila ay dumating sa Haran at nanatili roon.
他拉带着他儿子亚伯兰和他孙子哈兰的儿子罗得,并他儿妇亚伯兰的妻子撒莱,出了迦勒底的吾珥,要往迦南地去;他们走到哈兰,就住在那里。
32 Nabuhay pa si Terah ng 205 na taon at pagkatapos ay namatay sa Haran.
他拉共活了二百零五岁,就死在哈兰。

< Genesis 11 >