< Genesis 10 >
1 Ito ang mga kaapu-apuhan ng mga anak na lalaki ni Noe, iyon ay, sina Sem, Ham at Jafet. Nagkaanak sila ng mga lalaki pagkatapos ng baha.
Ito nga ang sali't saling lahi ng mga anak ni Noe: si Sem, si Cham, at si Japhet: at sila'y nangagkaanak pagkaraan ng bahang gumunaw.
2 Ang mga anak na lalaki ni Japet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras.
Ang mga anak ni Japhet; si Gomer, at si Magog, at si Madai, at si Javan, at si Tubal, at si Meshech, at si Tiras.
3 Ang mga anak na lalaki ni Gomer ay sina Askenaz, Rifat, Togarma.
At ang mga anak ni Gomer: si Azkenaz, at si Rifat, at si Togarma.
4 Ang mga anak na lalaki ni Jovan ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Dodanim.
At ang mga anak ni Javan; si Elisa, at si Tarsis, si Cittim, at si Dodanim.
5 Mula sa mga ito humiwalay ang mga taong taga baybay-dagat at umalis papunta sa kani-kanilang mga lupain, bawat isa ay may sariling wika, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa kanilang mga bansa.
Sa mga ito nangabahagi ang mga pulo ng mga bansa, sa kanilang mga lupain, na bawa't isa'y ayon sa kanikaniyang wika; ayon sa kanikanilang angkan, sa kanikanilang bansa.
6 Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cus, Mizraim, Put, at Canaan.
At ang mga anak ni Cham; si Cush, at si Mizraim, at si Phut, at si Canaan.
7 Ang mga anak na lalaki ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak na lalaki ni Raama ay sina Sheba at Didan.
At ang mga anak ni Cush; si Seba, at si Havila, at si Sabta, at si Raama, at si Sabtech: at ang mga anak ni Raama; si Sheba, at si Dedan.
8 Si Cus ang naging ama ni Nimrod, ang naging kauna-unahang manlulupig sa mundo.
At naging anak ni Cush si Nimrod: siyang napasimulang maging makapangyarihan sa lupa.
9 Siya ay isang mahusay na mangangaso sa harapan ni Yahweh. Kaya ang mga ito'y sinabi, “Tulad ni Nimrod, na mahusay na mangangaso sa harapan ni Yahweh.”
Siya'y makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon kaya't karaniwang sabihin: Gaya ni Nimrod, na makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon.
10 Ang naunang mga sentro ng kanyang kaharian ay ang Babel, Eric, Acad at Calne, sa lupain ng Sinar.
At ang pinagsimulan ng kaniyang kaharian ay ang Babel, at ang Erech, at ang Accad, at ang Calneh, sa lupain ng Shinar.
11 Mula sa lupaing iyon siya ay pumunta sa Asiria at tinatag ang Nineve, Rehoboth Ir, Cale,
Buhat sa lupaing yaon ay napasa Asiria at itinayo ang Ninive, at ang Rehobotir, at ang Calah,
12 at Resen, na nasa pagitan ng Nineve at Cale. Ito ay malaking lungsod.
At ang Ressen, sa pagitan ng Ninive at ng Calah (na siyang malaking bayan).
13 Si Mizraim ang naging ama ng mga Ludites, mga Anamites, mga Lehabites, mga Napthuhites,
At naging anak ni Mizraim si Ludim, at si Anamim, at si Lehabim, at si Naphtuhim.
14 ng mga Pathrusites, mga Casluhites (kung kanino nagmula ang mga Filisteo), at mga Caphtorites.
At si Pathrusim, at si Casluim (na siyang pinagbuhatan ng mga Filisteo), at ang Caphtorim.
15 Si Canaan ang naging ama ni Sidon, na kanyang panganay, at ni Heth,
At naging anak ni Canaan si Sidon, na kaniyang panganay, at si Heth.
16 gayundin ng mga Jebuseo, ng mga Amoreo, ng mga Gergeseo,
At ang Jebuseo, at ang Amorrheo, at ang Gergeseo;
17 ng mga Hivita, ng mga Araceo, ng mga Sineo,
At ang Heveo, at ang Araceo, at ang Sineo.
18 ng mga Arvadeo, ng mga Zemareo at ng mga Hamateo. Pagkatapos kumalat ang mga angkan ng mga Cananeo.
At ang Aradio, at ang Samareo at ang Amatheo: at pagkatapos ay kumalat ang mga angkan ng Cananeo.
19 Ang hangganan ng mga Cananeo ay mula sa Sidon, sa direksyon ng Gerar, hanggang sa Gaza, at habang ang isa ay patungong Sodoma, Gomorra, Adma, at Zeboim, hanggang sa Lasha.
At ang hangganan ng Cananeo ay mula sa Sidon, kung patungo sa Gerar, hanggang sa Gaza; kung patungo sa Sodoma at Gomorra, at Adma, at Zeboim hanggang Lasa.
20 Ito ang mga anak na lalaki ni Ham, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa kanilang mga wika, sa kanilang mga lupain, at sa kanilang mga bansa.
Ito ang mga anak ni Cham, ayon sa kanikanilang angkan, ayon sa kanikanilang wika, sa kanikanilang mga lupain, sa kanilang mga bansa.
21 Nagkaanak din ng mga lalaki si Sem, ang nakatatandang kapatid na lalaki ni Jafet. Si Sem din ang ninuno ng lahat ng tao sa Eber.
At nagkaroon din naman ng mga anak si Sem, na ama ng lahat ng mga anak ni Heber, na siya ring lalong matandang kapatid ni Japhet.
22 Ang mga anak na lalaki ni Sem ay sina Elam, Asshur, Arfaxad, Lud, at Aram.
Ang mga anak ni Sem; si Elam, at si Assur, at si Arphaxad, at si Lud, at si Aram.
23 Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina Uz, Hul, Gether, at Meshec.
At ang mga anak ni Aram: si Uz, at si Hul, at si Gether, at si Mas.
24 Si Arfaxad ang naging ama ni Shela, at si Shela ang naging ama ni Eber.
At naging anak ni Arphaxad si Sala; at naging anak ni Sala si Heber.
25 Si Eber ay may dalawang anak na lalaki. Ang pangalan ng isa ay Peleg, dahil sa kanyang panahon nahati ang mundo. Ang pangalan ng kanyang lalaking kapatid ay Joktan.
At nagkaanak si Heber ng dalawang lalake; ang pangalan ng una'y Peleg; sapagka't sa mga araw niya'y nahati ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan.
26 Si Joktan ang naging ama nina Almodad, Sheleph, Hazarmavet, Jerah,
At naging anak ni Joctan si Almodad, at si Sheleph, at si Hazarmavet, at si Jerah;
27 Hadoram, Uzal, Diklah,
At si Hadoram, at si Uzal, at si Dicla.
At si Obal, at si Abimael, at si Sheba.
29 Ofir, Havila, at Jobab. Ang lahat ng mga ito ay anak ni Joktan.
At si Ophir, at si Havila, at si Jobad: lahat ng ito ay mga naging anak ni Joctan.
30 Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Mesha, hangang sa Sephar, ang bundok ng Silangan.
At ang naging tahanan nila ay mula sa Mesa, kung patungo sa Sephar, na siyang bundok sa silanganan.
31 Ito ang mga anak ni Sem, ayon sa kanilang mga angkan at sa kanilang mga wika, sa kanilang mga lupain, ayon sa kanilang mga bansa.
Ito ang mga anak ni Sem, ayon sa kanikanilang angkan, ayon sa kanikanilang wika, sa kanikanilang lupain, ayon sa kanikanilang bansa.
32 Ito ang mga angkan ng mga anak na lalaki ni Noe, ayon sa kanilang mga tala ng angkan, ng kanilang mga bansa. Mula sa mga ito nagkahiwalay ang mga bansa at kumalat sa mundo matapos ang baha.
Ito ang mga angkan ng mga anak ni Noe, ayon sa kanikanilang lahi, sa kanikanilang bansa: at sa mga ito nangabahagi ang mga bansa pagkatapos ng bahang gumunaw.