< Mga Galacia 5 >

1 Para sa kalayaan kaya pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag kayong magpabitag muli sa ilalim ng kapangyarihan ng pagkabihag.
τη ελευθερια ουν η χριστος ημας ηλευθερωσεν στηκετε και μη παλιν ζυγω δουλειας ενεχεσθε
2 Makinig kayo, ako si Pablo, ay nagsasabi sa inyo na kung kayo ay magiging tuli, walang kayong mapapakinabangan na anuman kay Cristo.
ιδε εγω παυλος λεγω υμιν οτι εαν περιτεμνησθε χριστος υμας ουδεν ωφελησει
3 Muli, pinatotohanan ko sa bawat tao na tuli, na mapipilitan kayong sundin ang buong kautusan.
μαρτυρομαι δε παλιν παντι ανθρωπω περιτεμνομενω οτι οφειλετης εστιν ολον τον νομον ποιησαι
4 Nahiwalay kayo kay Cristo, kayong lahat na “pinawalang sala” sa pamamagitan ng kautusan. Lamayo kayo mula sa biyaya.
κατηργηθητε απο του χριστου οιτινες εν νομω δικαιουσθε της χαριτος εξεπεσατε
5 Sapagkat sa pamamagitan ng Espiritu, sa pananampalataya, naghihintay tayo sa pag-asang tayo ay magiging matuwid.
ημεις γαρ πνευματι εκ πιστεως ελπιδα δικαιοσυνης απεκδεχομεθα
6 Hindi mahalaga kay Cristo ang pagtutuli. Ang pananampalataya lamang na gumagawa sa pamamagitan pag-ibig ang may halaga.
εν γαρ χριστω ιησου ουτε περιτομη τι ισχυει ουτε ακροβυστια αλλα πιστις δι αγαπης ενεργουμενη
7 Maganda ang pagtakbo ninyo noon. Sino ang pumipigil sa inyo sa pagtupad sa katotohanan?
ετρεχετε καλως τις υμας ενεκοψεν τη αληθεια μη πειθεσθαι
8 Ang paghikayat na gawin iyan ay hindi galing sa kaniya na tumawag sa inyo.
η πεισμονη ουκ εκ του καλουντος υμας
9 Ang kaunting lebadura ay nakakaapekto sa buong minasang harina.
μικρα ζυμη ολον το φυραμα ζυμοι
10 May pananalig ako sa inyo sa Panginoon na hindi kayo mag-iisip ng kung ano pa man. Siya na nagdudulot ng kalituhan sa inyo ay magdadala ng kaniyang sariling hatol, sinuman siya.
εγω πεποιθα εις υμας εν κυριω οτι ουδεν αλλο φρονησετε ο δε ταρασσων υμας βαστασει το κριμα οστις αν η
11 Mga kapatid, kung ipinahahayag ko parin ang pagtutuli, bakit inuusig parin ako? Kung ganoon nawasak na ang katitisuran ng krus.
εγω δε αδελφοι ει περιτομην ετι κηρυσσω τι ετι διωκομαι αρα κατηργηται το σκανδαλον του σταυρου
12 Nais ko sana na ang mga nangligaw sa inyo ay kapunin nila ang mga sarili nila.
οφελον και αποκοψονται οι αναστατουντες υμας
13 Sapagkat tinawag kayo ng Diyos, mga kapatid, sa kalayaan. Lamang ay huwag ninyong gamitin ang iyong kalayaan bilang pagkakataon para sa laman. Sa halip sa pamamagitan ng pag-ibig paglingkuran ninyo ang bawat isa.
υμεις γαρ επ ελευθερια εκληθητε αδελφοι μονον μη την ελευθεριαν εις αφορμην τη σαρκι αλλα δια της αγαπης δουλευετε αλληλοις
14 Sapagkat ang buong kautusan ay natupad sa isang utos; na “Dapat mong mahalin ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”
ο γαρ πας νομος εν ενι λογω πληρουται εν τω αγαπησεις τον πλησιον σου ως σεαυτον
15 Ngunit kung magkakagatan at magsasakmalan kayo, tingnan ninyo na hindi ninyo sinisira ang isa't isa.
ει δε αλληλους δακνετε και κατεσθιετε βλεπετε μη υπ αλληλων αναλωθητε
16 Sinasabi ko na, lumakad kayo sa Espiritu, at hindi ninyo matutupad ang hilig ng laman.
λεγω δε πνευματι περιπατειτε και επιθυμιαν σαρκος ου μη τελεσητε
17 Sapagkat malakas ang nasa ng laman laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay may malakas na nasa laban sa laman. Sapagkat ang mga ito ay laban sa isa't isa. Ang kinahinatnan ay hindi ninyo ginawa ang mga bagay ninais ninyong gawin.
η γαρ σαρξ επιθυμει κατα του πνευματος το δε πνευμα κατα της σαρκος ταυτα δε αντικειται αλληλοις ινα μη α αν θελητε ταυτα ποιητε
18 Ngunit kung ang Espiritu ang nangunguna sa inyo, wala na kayo sa ilalim ng kautusan.
ει δε πνευματι αγεσθε ουκ εστε υπο νομον
19 Ngayon ang mga gawa ng laman ay nakikita. Ang mga ito ay ang sekswal na imoralidad, kalaswaan, kahalayan,
φανερα δε εστιν τα εργα της σαρκος ατινα εστιν μοιχεια πορνεια ακαθαρσια ασελγεια
20 pagsamba sa mga diyus- diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aalitan, paninibugho, silkbo ng galit, pagkakatunggali, pagtatalo, pagkakahiwahiwalay sa mga sekta,
ειδωλολατρια φαρμακεια εχθραι ερεις ζηλοι θυμοι εριθειαι διχοστασιαι αιρεσεις
21 pagka-inggit, paglalasing, kaguluhan ng dahil sa paglalasing, at iba pang mga katulad nito. Binabalaan ko kayo, tulad ng pagbabala ko sa inyo noon, na ang gumagawa ng mga ito ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.
φθονοι φονοι μεθαι κωμοι και τα ομοια τουτοις α προλεγω υμιν καθως και προειπον οτι οι τα τοιαυτα πρασσοντες βασιλειαν θεου ου κληρονομησουσιν
22 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabutihan, kabaitan, pananampalataya,
ο δε καρπος του πνευματος εστιν αγαπη χαρα ειρηνη μακροθυμια χρηστοτης αγαθωσυνη πιστις
23 pagkamahinahon, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.
πραοτης εγκρατεια κατα των τοιουτων ουκ εστιν νομος
24 Sila na nakay Cristo Jesus ay ipinako ang laman na kasama ang silakbo nito at masamang mga pagnanasa.
οι δε του χριστου την σαρκα εσταυρωσαν συν τοις παθημασιν και ταις επιθυμιαις
25 Kung tayo ay nabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, tayo rin naman ay lumakad sa pamamagitan ng Espiritu.
ει ζωμεν πνευματι πνευματι και στοιχωμεν
26 Huwag tayong maging mapagpahalaga sa sarili, galitin ang isa't isa o mainggit sa isa't isa.
μη γινωμεθα κενοδοξοι αλληλους προκαλουμενοι αλληλοις φθονουντες

< Mga Galacia 5 >