< Mga Galacia 1 >

1 Ako si Pablo na apostol. Hindi ako apostol na mula sa mga tao o sa pamamagitan ng tao, ngunit sa pamamagitan ni Jesu Cristo at ng Diyos Ama, na muling bumuhay sa kaniya mula sa mga patay.
פולוס השליח לא מבני אדם ולא על ידי בן אדם כי אם על ידי ישוע המשיח ואלהים האב אשר העירו מן המתים׃
2 Kasama lahat ng mga kapatiran, sumusulat ako sa mga iglesya ng Galacia.
וכל האחים אשר עמדי אל הקהלות אשר בגלטיא׃
3 Sumainyo ang biyaya at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo,
חסד לכם ושלום מאת האלהים אבינו ומאת אדנינו ישוע המשיח׃
4 na nagbigay ng kaniyang sarili alang-alang sa ating mga kasalanan upang mailigtas niya tayo sa kasalukuyang makasalanang panahon, ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama. (aiōn g165)
אשר נתן את נפשו בעד חטאתינו לחלצנו מן העולם הרע הזה כרצון אלהינו אבינו׃ (aiōn g165)
5 Sa kaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. (aiōn g165)
אשר לו הכבוד לעולמי עולמים אמן׃ (aiōn g165)
6 Nagtataka ako na kayo ay mabilis na bumabaling sa ibang ebanghelyo. Nagtataka ako na tumatalikod kayo sa kaniya na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng biyaya ni Cristo.
תמה אני כי סרתם מהר מאחרי הקרא אתכם בחסד המשיח אל בשורה זרה׃
7 Walang ibang ebanghelyo, ngunit may ilang mga tao na ginugulo kayo at gustong ibahin ang ebanghelyo ni Cristo.
והיא איננה אחרת רק שיש אנשים העכרים אתכם וחפצים להפך את בשורת המשיח׃
8 Ngunit kahit kami o isang anghel mula sa langit ang magpahayag sa inyo ng ebanghelyo na iba sa ipinahayag namin sa inyo, dapat siyang sumpain.
אבל גם אנחנו או מלאך מן השמים אם יבוא לבשר אתכם בשורה מבלעדי זאת אשר בשרנו אתכם חרם יהיה׃
9 Katulad ng sinabi namin noon, ngayon sasabihin ko muli, “Kung may magpahayag sa inyo ng ibang ebanghelyo maliban sa ebanghelyong tinanggap ninyo, dapat siyang sumpain.”
כמו שאמרנו כבר כן אמר עתה עוד הפעם איש כי יבשר אתכם בשורה מבלעדי אשר קבלתם חרם יהיה׃
10 Sapagkat hinahangad ko ba ngayon ang pagsang-ayon ng mga tao o ng Diyos? Hinahangad ko ba na magbigay-lugod sa mga tao? Kung sinisikap ko paring magbigay-lugod sa mga tao, kung gayon hindi ako isang lingkod ni Cristo.
ועתה המתרצה אנכי אל בני אדם אם אל האלהים או המבקש אנכי למצא חן בעיני בני אדם כי במצאי חן בעיני בני אדם לא אהיה עוד עבד המשיח׃
11 Sapagkat nais kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang ebanghelyo na aking ipinahayag ay hindi nanggaling sa mga tao lamang.
אבל מודיע אני אתכם אחי כי הבשורה אשר בשרתי לא לפי דרך אדם היא׃
12 Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, hindi rin ito itinuro sa akin. Sa halip, sa pamamagitan ng pahayag ni Jesu-Cristo sa akin.
כי גם אנכי לא קבלתיה מאדם ולא למדוני אתה כי אם בחזיון ישוע המשיח׃
13 Narinig ninyo ang tungkol sa dati kong buhay sa Judaismo, kung paano ko marahas na inuusig ang iglesiya ng Diyos ng walang kapantay at winawasak ito.
כי הלא שמעתם את דרכי אשר התהלכתי מלפנים בין היהודים ואת אשר רדפתי על יתר את עדת אלהים ואבדתיה׃
14 Ako ay nangunguna sa Judaismo nang higit sa maraming kapwa ko Judio. Labis akong masigasig para sa mga kaugalian ng aking mga ninuno.
ואהי הולך וחזק בדת היהודית על רבים מבני גילי בעמי בקנאתי הגדולה לקבלות אבותי׃
15 Ngunit ikinalugod ng Diyos na piliin ako mula pa sa sinapupunan ng aking ina. Tinawag niya ako sa pamamagitan ng kaniyang biyaya
אך כאשר היה רצון האלהים אשר הבדיל אתי מרחם אמי ויקראני בחסדו׃
16 upang ihayag ang kaniyang Anak sa akin, upang ipahayag ko siya sa mga Gentil. Hindi ako kaagad sumangguni sa laman at dugo at
לגלות בי את בנו שאבשרנו בגוים מיד לא נועצתי עם בשר ודם׃
17 hindi ako pumunta sa Jerusalem sa mga naunang naging apostol kaysa sa akin. Sa halip pumunta ako sa Arabia at pagkatapos ay bumalik ako sa Damasco.
גם לא עליתי ירושלים אל אשר היו שליחים לפני כי אם הלכתי לערב ומשם שבתי אל דמשק׃
18 At pagkatapos ng tatlong taon pumunta ako sa Jerusalem upang dalawin si Cefas at nananatili ako sa kaniya ng labing limang araw.
אחרי כן מקץ שלש שנים עליתי ירושלים לראות את כיפא ואשב עמו חמשה עשר יום׃
19 Ngunit wala akong nakitang ibang apostol maliban kay Santiago na kapatid ng Panginoon.
ואחר מן השליחים לא ראיתי זולתי את יעקב אחי אדנינו׃
20 Makinig kayo, sa harapan ng Diyos, hindi ako nagsisinungaling sa mga sinusulat ko sa inyo.
ואשר אני כתב אליכם הנה נגד האלהים כי לא אכזב׃
21 Pagkatapos, pumunta ako sa rehiyon ng Siria at Cilicia.
אחרי כן באתי אל גלילות סוריא וקיליקיא׃
22 Hindi pa ako nakikita ng mga iglesiya sa Judea na nakay Cristo,
אבל קהלות יהודה אשר במשיח הנה לא ידעו את פני׃
23 ngunit naririnig lang nila na, “Ang taong umuusig sa atin noon, ngayon ay nagpapahayag ng pananampalatayang winawasak niya noon.”
רק זאת בלבד שמעו כי האיש ההוא אשר היה רדף אתנו מאז עתה הוא מבשר את האמונה אשר האבידה מלפנים׃
24 Niluluwalhati nila ang Diyos dahil sa akin.
ויהללו בי את האלהים׃

< Mga Galacia 1 >