< Ezra 9 >
1 “Nang matapos na ang mga bagay na ito, nilapitan ako ng mga opisyal at sinabi, 'Hindi pa inihihiwalay ng mga tao ng Israel, mga pari at mga Levita ang kanilang mga sarili mula sa mga bayan ng iba pang lupain at sa mga karumal-dumal na gawain: sa mga Cananeo, mga Heteo, mga Perezeo, mga Jebuseo, mga Amonita, mga Moabita, mga taga-Ehipto at mga Amoreo.
是等の事の成し後牧伯等我許にきたりて言ふ イスラエルの民祭司およびレビ人は諸國の民とはなれずしてカナン人ヘテ人ペリジ人エビス人アンモニ人モアブ人エジプト人アモリ人などの中なる憎むべき事を行へり
2 Dinala nila ang ilan sa kanilang mga anak na babae at anak na lalaki, at pinagsama nila ang mga taong banal sa mga mamamayan ng ibang mga lupain. At ang mga opisyal at mga pinuno ang nanguna sa kawalan ng pananampalatayang ito.
即ち彼等の女子を自ら娶りまたその男子に娶れば聖種諸國の民と相雜れり牧伯たる者 長たる者さきだちてこの愆を犯せりと
3 Nang marinig ko ito, pinunit ko ang aking damit at balabal at ginupit ko ang aking buhok at balbas. At umupo ako na hiyang-hiya.
我この事を聞て我衣と袍を裂き頭髪と鬚を抜き驚き呆れて坐せり
4 Ang lahat ng mga nanginig sa salita ng Diyos ng Israel tungkol sa kawalang pananampalatayang ito ay lumapit sa akin habang ako ay nakaupong hiyang-hiya hanggang sa gabi ng pag-aalay.
イスラエルの神の言を戰慄おそるる者はみな俘囚より歸り來し者等の愆の故をもて我許に集まりしが我は晩の供物の時まで驚きつつ茫然として坐しぬ
5 Ngunit sa gabi ng pag-aalay tumayo ako mula sa aking kahiya-hiyang kinalalagyan na suot ang aking mga gulagulanit na mga damit at balabal, lumuhod ako at itinaas ko ang aking mga kamay kay Yahweh na aking Diyos.
晩の供物の時にいたり我その苦行より起て衣と袍とを裂たるまま膝を屈めてわが神ヱホバにむかひ手を舒て
6 Sinabi ko, 'Aking Diyos, hiyang-hiya ako at nasa lubos na kahihiyan upang itingala ang aking mukha sa iyo, sapagkat ang aming mga kasamaan ay lumagpas na sa aming mga ulo at umabot na ang aming kasalanan sa kalangitan.
言けるは我神よ我はわが神に向ひて面を擧るを羞て赧らむ 其は我らの罪積りて頭の上に出で我らの愆重りて天に達すればなり
7 Simula noong panahon ng aming mga ninuno hanggang ngayon kami ay nasa matinding pagkakasala. Sa aming mga kasamaan, kami, ang aming mga hari, at mga pari ay ipinasakamay mo sa mga hari ng mundong ito, sa espada, sa pagkabihag, at pagpagnanakaw at sa mga mukhang hiyang-hiya, tulad namin ngayon.
我らの先祖の日より今日にいたるまで我らは大なる愆を身に負り 我らの罪の故によりて我儕と我らの王等および祭司たちは國々の王等の手に付され劍にかけられ擄へゆかれ掠められ面に恥をかうぶれり 今日のごとし
8 Subalit ngayon sa maikling panahon, dumating ang habag mula kay Yahweh na aming Diyos upang mag-iwan sa amin ng ilang mga nakaligtas at bigyan kami ng bahagi sa kaniyang dakong banal. Ito ay upang paliwanagin ng aming Diyos ang aming mga mata at bigyan kami ng kaunting ginhawa sa aming pagkakaalipin.
然るに今われらの神ヱホバ暫く恩典を施こして逃れ存すべき者を我らの中に殘し我らをしてその聖所にうちし釘のごとくならしめ斯して我らの神われらの目を明にし我らをして奴隷の中にありて少く生る心地せしめたまへり
9 Sapagkat kami ay mga alipin, ngunit hindi kami kinalimutan ng aming Diyos bagkus hinabaan niya ang kaniyang tipan ng katapatan sa amin. Ginawa niya ito sa harap ng hari ng Persia upang bigyan niya kami ng kalakasan, upang muli naming maitayo ang tahanan ng Diyos at buuin ang mga nawasak. Ginawa niya ito upang mabigyan niya kami ng isang pader ng kaligtasan sa Juda at Jerusalem.
そもそも我らは奴隷の身なるがその奴隷たる時にも我らの神われらを忘れず反てペルシヤの王等の目の前にて我らに憐憫を施こして我らに活る心地せしめ我らの神の室を建しめ其破壞を修理はしめユダとヱルサレムにて我らに石垣をたまふ
10 Subalit ngayon, aming Diyos, ano ang masasabi namin pagkatapos nito? Kinalimutan namin ang iyong mga utos,
我らの神よ已に是のごとくなれば我ら今何と言のべんや 我儕はやくも汝の命令を棄たればなり
11 ang mga utos na ibinigay mo sa iyong mga lingkod na mga propeta, nang sabihin mo, “Ang lupaing ito na inyong papasukin upang ariin ay isang maruming lupain. Dinumihan ito ng mga tao sa mga lupain sa pamamagitan ng kanilang mga kasuklam-suklam na mga gawain. Pinuno nila ito ng kanilang karumihan hanggang sa magkabilang dulo.
汝かつて汝の僕なる預言者等によりて命じて宣へり 云く汝らが往て獲んとする地はその各地の民の汚穢により其憎むべき事によりて汚れたる地にして此極より彼極までその汚穢盈わたるなり
12 Kaya ngayon, huwag ninyong ibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak; at huwag ninyong kunin ang kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak, at huwag ninyong asamin ang kanilang kasalukayang kapayapaan at mabuting kalalagayan, upang manatili kayong malakas at makakain ang bunga ng lupain, upang dulutan ninyo ang inyong mga anak na magmay-ari nito sa lahat ng panahon.”
然ば汝らの女子を彼らの男子に與ふる勿れ 彼らの女子をなんぢらの男子に娶る勿れ 又何時までもかれらの爲に平安をも福祿をも求むべからず 然すれば汝ら旺盛にしてその地の佳物を食ふことを得 永くこれを汝らの子孫に傳へて産業となさしむることを得んと
13 Subalit matapos ang lahat ng dumating sa amin dahil sa aming mga masasamang gawain at aming matinding kasalanan—yamang ikaw, aming Diyos, pinigilan mo ang nararapat sa aming mga kasalanan at iniwanan kaming mga nakaligtas—
我らの惡き行により我らの大なる愆によりて此事すべて我儕に臨みたりしが汝我らの神はわれらの罪よりも輕く我らを罰して我らの中に是のごとく人を遺したまひたれば
14 susuwayin ba namin muli ang iyong mga kautusan at makikipag-asawa sa mga kasuklam-suklam na taong ito? Hindi ka ba magagalit at pupuksain kami upang wala ni isa ang matira, ni makatakas?
我儕再び汝の命令を破りて是等の憎むべき行ある民と縁を結ぶべけんや 汝我らを怒りて終に滅ぼし盡し遺る者も逃るる者も無にいたらしめたまはざらんや
15 Yahweh, Diyos ng Israel, ikaw ay matuwid, sapagkat nanatili kaming ilan na makaligtas sa araw na ito. Tingnan mo! Kami ay nasa iyong harapan sa aming mga kasalanan, sapagkat walang sinuman ang makakatayo sa iyong harapan dahil dito.”
イスラエルの神ヱホバよ汝は義し 即ち我ら逃れて遺ること今日のごとし 今我ら罪にまとはれて汝の前にあり 是がために一人として汝の前に立ことを得る者なきなり