< Ezra 6 >

1 Kaya si Haring Dario ay nag-utos ng isang imbestigasyon sa tahanan ng mga talaan sa Babilonia.
Tunc Darius rex præcepit: et recensuerunt in bibliotheca librorum, qui erant repositi in Babylone,
2 Sa tanggulang lungsod ng Ecbatana sa Media natagpuan ang isang kasulatang binalumbon; ito ang nakasulat sa talaan:
et inventum est in Ecbatanis, quod est castrum in Medena provincia volumen unum, talisque scriptus erat in eo commentarius:
3 Sa unang taon ni Haring Ciro, naglabas siya ng isang utos tungkol sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem: 'Maitayo nawa ang tahanan para sa paghahandog. Maitayo nawa ang mga pader nito na may animnapung siko ang taas at animnapung siko ang lapad,
Anno primo Cyri regis: Cyrus rex decrevit ut domus Dei ædificaretur, quæ est in Ierusalem, in loco ubi immolent hostias, et ut ponant fundamenta supportantia altitudinem cubitorum sexaginta, et latitudinem cubitorum sexaginta,
4 na may tatlong patong ng malalaking bato at isang patong ng bagong troso. At ang tahanan ng hari ang magbabayad ng gastusin.
ordines de lapidibus impolitis tres, et sic ordines de lignis novis: sumptus autem de domo regis dabuntur.
5 Ibalik din ninyo ang ginto at pilak na nabibilang sa tahanan ng Diyos na dinala ni Nebucadnezar mula sa templo ng Jerusalem patungo sa templo ng Babilonia. Ipadala ninyo ang mga iyon sa templo ng Jerusalem at ilagay ang mga iyon sa tahanan ng Diyos.'
Sed et vasa templi Dei aurea et argentea, quæ Nabuchodonosor tulerat de templo Ierusalem, et attulerat ea in Babylonem, reddantur, et referantur in templum in Ierusalem in locum suum, quæ et posita sunt in templo Dei.
6 Ngayon, Tatenai, Setar Bozenai, at ang iyong mga kapwa opisyal na nasa ibayo ng Eufrates, lumayo kayo sa lugar na iyon.
Nunc ergo Thathanai dux regionis, quæ est trans Flumen, Stharbuzanai, et consiliarii vestri Apharsachæi, qui estis trans Flumen, procul recedite ab illis,
7 Pabayaan ninyo ang paggawa sa tahanan ng Diyos. Ang gobernador at ang mga nakatatandang Judio ay itatayo ang tahanang ito ng Diyos sa lugar na iyon.
et dimittite fieri templum Dei illud a duce Iudæorum, et a senioribus eorum, ut domum Dei illam ædificent in loco suo.
8 Ipinag-uutos ko sa inyo na dapat ninyong gawin ito para sa mga nakatatandang Judiong nagtatayo ng tahanan ng Diyos: Ang mga pondo mula sa pagkilala sa hari sa ibayo ng Eufrates ay gagamitin para bayaran ang mga lalaking ito na hindi tumitigil sa kanilang paggawa.
Sed et a me præceptum est quid oporteat fieri a presbyteris Iudæorum illis ut ædificetur domus Dei, scilicet ut de arca regis, id est, de tributis, quæ dantur de regione trans Flumen, studiose sumptus dentur viris illis ne impediatur opus.
9 Anuman ang kakailanganin—mga batang toro, mga lalaking tupa, o mga batang tupa para sa mga alay na susunugin sa Diyos ng Kalangitan, butil, asin, alak, o langis ayon sa utos ng mga pari sa Jerusalem—ibigay ninyo ang mga bagay na ito sa kanila araw-araw nang walang palya.
Quod si necesse fuerit, et vitulos, et agnos, et hœdos in holocaustum Deo cæli, frumentum, sal, vinum, et oleum, secundum ritum Sacerdotum, qui sunt in Ierusalem, detur eis per singulos dies, ne sit in aliquo querimonia.
10 Gawin ninyo ito para sila ay makapagdala ng handog sa Diyos ng Kalangitan at ipanalangin ako, ang hari, at ang aking mga anak.
Et offerant oblationes Deo cæli, orentque pro vita regis, et filiorum eius.
11 Ipinag-uutos ko na kung sinuman ang lalabag sa utos na ito, isang barakilan ang dapat hilahin mula sa kaniyang bahay at dapat siyang ituhog dito. Dahil dito, ang kaniyang tahanan ay dapat gawing isang tambak ng gumuhong mga bato.
A me ergo positum est decretum: Ut omnis homo, qui hanc mutaverit iussionem, tollatur lignum de domum ipsius, et erigatur, et configatur in eo, domus autem eius publicetur.
12 Nawa ang Diyos na nabubuhay doon ay ibabagsak ang sinumang hari at mga tao na lalabag sa tahanang ito ng Diyos sa Jerusalem. Akong, si Dario, ang siyang nag-uutos nito. Gawin ninyo ito nang lubusan!”
Deus autem, qui habitare fecit nomen suum ibi, dissipet omnia regna, et populum qui extenderit manum suam ut repugnet, et dissipet domum Dei illam, quæ est in Ierusalem. Ego Darius statui decretum, quod studiose impleri volo.
13 At ginawa nina Tatenai, Setar Bozenai, at ng kanilang mga kasamahan ang lahat ng bagay na inutos ni Haring Dario.
Igitur Thathanai dux regionis trans Flumen, et Stharbuzanai, et consiliarii eius, secundum quod præceperat Darius rex, sic diligenter executi sunt.
14 Kaya ang mga nakatatandang Judio ay nagtayo sa paraang ipinagbilin nina Hagai at Zacarias sa pamamagitan ng pagpropesiya. Itinayo nila ito ayon sa utos ng Diyos ng Israel at ni Ciro, ni Dario, at ni Artaxerxes, mga hari ng Persia.
Seniores autem Iudæorum ædificabant, et prosperabantur iuxta prophetiam Aggæi prophetæ, et Zachariæ filii Addo: et ædificaverunt et construxerunt iubente Deo Israel, et iubente Cyro, et Dario, et Artaxerxe regibus Persarum:
15 Ang tahanan ay natapos sa ikatlong araw ng buwan ng Adar, sa ikaanim na taon ng paghahari ni Haring Dario.
et compleverunt domum Dei istam, usque ad diem tertium mensis Adar, qui est annus sextus regni Darii regis.
16 Itinalaga ng mga Israelita, mga pari, mga Levita, at ng iba pang nalalabing mga bihag ang tahanan ng Diyos nang may kagalakan.
Fecerunt autem filii Israel Sacerdotes et Levitæ, et reliqui filiorum transmigrationis, dedicationem Domus Dei in gaudio.
17 Naghandog sila ng isandaang toro, isandaang lalaking tupa, at apatnaraang batang tupa para sa pagtatalaga sa tahanan ng Diyos. Ladindalawang lalaking kambing ay inialay din bilang isang handog para sa kasalanan ng lahat ng Israelita, isa para sa bawat tribu ng Israel.
Et obtulerunt in dedicationem domus Dei, vitulos centum, arietes ducentos, agnos quadringentos, hircos caprarum pro peccato totius Israel duodecim, iuxta numerum tribuum Israel.
18 Itinalaga rin nila ang mga pari at mga Levita na gumawa ng kaniya-kaniyang gawain para sa paglilingkod sa Diyos sa Jerusalem, gaya ng nasusulat sa Aklat ni Moises.
Et statuerunt Sacerdotes in ordinibus suis, et Levitas in vicibus suis super opera Dei in Ierusalem, sicut scriptum est in libro Moysi.
19 Kaya ang mga galing sa pagkakatapon ay nagdiwang ng Paskua sa ikalabing-apat na araw ng unang buwan.
Fecerunt autem filii Israel transmigrationis, Pascha, quartadecima die mensis primi.
20 Nilinis ng mga pari at mga Levita ang kanilang mga sarili at kinatay ang mga Pampaskua na mga alay para sa lahat ng mga nanggaling sa pagkakatapon, kasama ang mga pari at Levita.
Purificati enim fuerant Sacerdotes et Levitæ quasi unus: omnes mundi ad immolandum pascha universis filiis transmigrationis, et fratribus suis Sacerdotibus, et sibi.
21 Ang mga Israelitang kumain nang ilan sa karne ng Paskua ay ang mga bumalik galing sa pagkakatapon at ihiniwalay ang kanilang mga sarili mula sa karumihan ng mga tao sa lupain at hinanap si Yahweh, ang Diyos ng Israel.
Et comederunt filii Israel, qui reversi fuerant de transmigratione, et omnes qui se separaverant a coinquinatione Gentium terræ ad eos, ut quærerent Dominum Deum Israel.
22 Buong kagalakan nilang ipinagdiwang ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa nang pitong araw, dahil binigyan sila ni Yahweh ng kagalakan at binago ang puso ng hari ng Asiria upang palakasin ang kanilang mga kamay sa gawain ng kaniyang tahanan, ang tahanan ng Diyos ng Israel.
Et fecerunt sollemnitatem azymorum septem diebus in lætitia, quoniam lætificaverat eos Dominus, et converterat cor regis Assur ad eos, ut adiuvaret manus eorum in opere domus Domini Dei Israel.

< Ezra 6 >