< Ezra 3 >
1 Ito ang ikapitong buwan matapos bumalik ang mga tao ng Israel sa kanilang mga lungsod, nang magkatipon sila ng sama-sama bilang isang mamamayan sa Jerusalem.
Et déjà était venu le septième mois, et les enfants d’Israël étaient en leurs cités: le peuple s’assembla donc comme un seul homme dans Jérusalem.
2 Si Josue na lalaking anak ni Jozadak at ang kaniyang mga kapatid na mga pari, at si Zerubabel na lalaking anak ni Sealtiel, at ang kaniyang mga kapatid ay umakyat at itinayo ang altar ng Diyos ng Israel upang mag-alay ng mga handog na susunugin tulad ng iniutos sa kautusan ni Moises, na lingkod ng Diyos
Et Josué, fils de Josédec, se leva, et ses frères prêtres, Zorobabel, fils de Salathiel, et ses frères, et ils bâtirent l’autel du Dieu d’Israël, pour y offrir des holocaustes, comme il est écrit dans la loi de Moïse, homme de Dieu.
3 Pagkatapos ay itinatatag nila ang altar sa kinatatayuan nito, sapagkat nasa kanila ang pangamba dahil sa mga mamamayan sa lupain. Sila ay nag-alay ng mga handog na susunugin kay Yahweh sa umaga at gabi.
Or ils placèrent l’autel de Dieu sur ses bases, les peuples de la terre cherchant à les effrayer, et ils offrirent sur cet autel l’holocauste au Seigneur matin et soir.
4 Pinagdiriwang din nila ang Pista ng mga Tolda ayon sa nasusulat, at nag-alay sila ng mga handog na susunugin sa bawat araw alinsunod sa kautusan, ang gawain ng bawat isa sa bawat araw.
Et ils firent la solennité des tabernacles comme il est écrit, et l’holocauste tous les jours avec ordre, selon le précepte, l’œuvre du jour en son jour.
5 Bilang karagdagan, mayroon ding arawan at buwanang mga handog na susunugin, at mga handog para sa lahat ng nakatalagang mga pista ni Yahweh, kasama sa lahat ng mga kusang-kaloob na handog.
Et après cela fut offert l’holocauste perpétuel, tant dans les calendes que dans toutes les solennités du Seigneur, qui lui étaient consacrées, et dans toutes celles dans lesquelles on offrait volontairement un présent au Seigneur.
6 Sila ay nagsimulang mag-alay ng handog na susunugin kay Yahweh sa unang araw ng ikapitong buwan, kahit na ang templo ay hindi pa naitatatag.
Dès le premier jour du septième mois, ils commencèrent à offrir un holocauste au Seigneur; or le temple de Dieu n’était pas encore fondé.
7 Kaya sila ay nagbigay ng pilak sa mga manlililok ng bato at mga mahusay na manggagawa; at pagkain, inumin, at langis sa mamamayan ng Sidon at Tiro, para sila ay magpadala ng mga puno ng sedar galing sa Lebanon patungo sa Jopa sa pamamagitan ng dagat, katulad ng pahintulot sa kanila ni Ciro, hari ng Persia.
Ils donnèrent de l’argent aux tailleurs de pierres et aux maçons; comme aussi à manger et à boire et de l’huile aux Sidoniens et aux Tyriens, afin qu’ils portassent des bois de cèdre du Liban à la mer de Joppé, selon ce que leur avait ordonné Cyrus, roi de Perse.
8 At sa ikalawang buwan ng ikalawang taon matapos na magpunta sila sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem, si Zerubabel, si Josue na lalaking anak ni Jozadak, ang iba pang mga pari, ang mga Levita, at ang mga nanggaling sa pagkakabihag pabalik sa Jerusalem ay nagsimula sa paggawa. Itinalaga nila ang mga Levitang dalawampung taong gulang pataas upang pangasiwaan ang gawain sa tahanan ni Yahweh.
Or, la seconde année de leur arrivée au temple de Dieu à Jérusalem, le second mois, Zorobabel, fils de Salathiel, et Josué, fils de Josédec, et les autres d’entre leurs frères, les prêtres et les Lévites, et tous ceux qui étaient venus de la captivité à Jérusalem, commencèrent, et ils établirent des Lévites depuis vingt ans et au-dessus, pour presser l’ouvrage du Seigneur.
9 Itinalaga ni Josue ang kaniyang mga anak at ang kaniyang mga kapatid, si Kadmiel at ang kaniyang mga anak, at ang mga kaapu-apuhan ni Juda upang pangasiwaan ang mga taong gumagawa sa gawain sa tahanan ng Diyos. Kasama sa kanila ang mga kaapu-apuhan ni Henadad, ang kanilang mga kaapu-apuhan, at ang kanilang kapwa mga Levita din.
Et Josué, et ses fils, et ses frères, Cedmihel et ses fils, et les fils de Juda, comme un seul homme, furent toujours présents, pour presser ceux qui faisaient l’ouvrage dans le temple de Dieu: les fils de Hénadad, leurs fils et leurs frères, les Lévites le furent aussi.
10 Ang mga tagapagtayo ay inaglagay ang pundasyon para sa templo ni Yahweh. Binigyang daan nito ang mga paring nakatayo na suot ang kanilang mga kasuotan kasama ang mga trumpeta, at mga Levita, mga anak ni Asaf, upang papurihan si Yahweh sa pamamagitan ng pompyang, gaya ng iniutos ng mga kamay ni David, na hari ng Israel.
Le temple du Seigneur étant donc fondé par les maçons, les prêtres se présentèrent avec leurs ornements et leurs trompettes, et les Lévites, fils d’Asaph, avec leurs cymbales, afin de louer Dieu par l’entremise de David, roi d’Israël.
11 Umawit sila ng papuri at pasasalamat kay Yahweh, “Siya ay mabuti! ang kaniyang tipan ng katapatan sa Israel ay mananatili magpakailanman.” Ang lahat ng mamamayan ay humiyaw nang may kagalakan sa pagpupuri kay Yahweh dahil ang pundasyon ng templo ay nailagay na.
Or ils chantaient des hymnes, et ils rendaient gloire au Seigneur: Parce qu’il est bon, parce que sa miséricorde est éternelle sur Israël. Tout le peuple aussi poussait de grands cris, en louant le Seigneur, parce que le temple du Seigneur était fondé.
12 Ngunit marami sa mga pari, mga Levita, mga punong ama ng lipi, at matatandang mga taong nakakita sa unang tahanan ang tumangis ng malakas nang mailagay ang mga pundasyon ng tahanang ito sa harap ng kanilang mga mata. Ngunit marami ang sumisigaw sa tuwa na may galak at isang nasasabik na tunog.
Et le plus grand nombre des prêtres et des Lévites, et les princes des pères, et les anciens qui avaient vu le temple auparavant, lorsqu’il fut fondé, et qui avaient ce temple-ci devant les yeux, pleuraient en criant; et beaucoup, poussant des cris de joie, élevaient la voix.
13 Ang kinahinatnan, ang mamamayan ay hindi makilala ang ingay ng nagagalak at masaya sa ingay ng pagtangis ng mga tao, sapagkat ang mga tao ay umiiyak nang may malaking tuwa, at narinig ang ingay hanggang sa malayo.
Et personne ne pouvait reconnaître la voix de la clameur de ceux qui se réjouissaient, et la voix du pleur du peuple; car le peuple poussait confusément de grands cris, et la voix s’entendait au loin.