< Ezra 2 >
1 Ito ang mga tao sa lalawigan na umakyat mula sa pagkabihag ni Haring Nebucadnezar, na siyang nagpatapon sa kanila sa Babilonia, ang mga taong bumalik sa kani-kanilang mga lungsod sa Jerusalem at sa Judea.
2 Sila ay bumalik kasama si Zerubabel, Josue, Nehemias, Seraias, Reelaias, Mordecai, Bilsan, Mispar, Bigvai, Rehum at Baana. Ito ang talaan ng mga kalalakihan ng mga tao ng Israel.
3 Ang mga kaapu-apuhan ni Paros: 2, 172.
4 Ang mga kaapu-apuhan ni Sefatias: 372.
5 Ang mga kaapu-apuhan ni Arah: 775.
6 Ang mga kaapu-apuhan ni Pahat Moab sa pamamagitan ni Josue at Joab: 2, 812.
7 Ang mga kaapu-apuhan ni Elam: 1, 254.
8 Ang mga kaapu-apuhan ni Zatu: 945.
9 Ang mga kaapu-apuhan ni Zacai: 760.
10 Ang mga kaapu-apuhan ni Bani: 642.
11 Ang mga kaapu-apuhan ni Bebai: 623.
12 Ang mga kaapu-apuhan ni Azgad: 1, 222.
13 Ang mga kaapu-apuhan ni Adonikam: 666.
14 Ang mga kaapu-apuhan ni Bigvai: 2, 056.
15 Ang mga kaapu-apuhan ni Adin: 454.
16 Ang mga kaapu-apuhan ni Ater sa pamamagitan ni Ezequias: siyamnapu't walo.
17 Ang mga kaapu-apuhan ni Bezai: 323.
18 Ang mga kaapu-apuhan ni Jora: 112.
19 Ang mga kaapu-apuhan ni Hasum: 223.
20 Ang mga kaapu-apuhan ni Gibar: siyamnapu't lima.
21 Ang mga kalalakihan ng Bethlehem: 123.
22 Ang mga kalalakihan ng Netofa: limampu't anim.
23 Ang mga kalalakihan ng Anatot: 128.
24 Ang mga kalalakihan ng Azmavet: apatnapu't dalawa.
25 Ang mga kalalakihan ng Jearim, Cafira at Beerot: 743.
26 Ang mga kalalakihan ng Rama at Geba: 621.
27 Ang mga kalalakihan ng Micmas: 122.
28 Ang mga kalalakihan ng Bethel at Ai: 223.
29 Ang mga kalalakihan ng Nebo: limampu't dalawa.
30 Ang mga kalalakihan ng Magbis: 156.
31 Ang mga kalalakihan ng ibang Elam: 1, 254.
32 Ang mga kalalakihan ng Harim: 320.
33 Ang mga kalalakihan ng Lod, Hadid at Ono: 725.
34 Ang mga kalalakihan ng Jerico: 345.
35 Ang mga kalalakihan ng Senaa: 3, 630.
36 Ang mga pari: Ang mga kaapu-apuhan ni Jedaias ng tahanan ni Josue: 973.
37 Ang mga kaapu-apuhan ni Imer: 1, 052.
38 Ang mga kaapu-apuhan ni Pashur: 1, 247.
39 Ang mga kaaapu-apuhan ni Harim: 1, 017.
40 Ang mga Levita: Ang mga kaapu-apuhan ni Jeshua at Kadmiel na mga kaapu-apuhan ni Hodavias: pitumpu't apat.
41 Ang mga mang-aawit sa templo, ang mga kaapu-apuhan ni Asaf: 128.
42 Ang mga kaapu-apuhan ng mga bantay-pinto, ang mga kaapu-apuhan ni Salum, Ater, Talmon, Akub, Hatita at Sobai: may kabuuang 139.
43 Ang mga inatasan na maglingkod sa templo: Ang mga kaapu-apuhan ni Ziha, Hasufa, Tabaot,
44 Keros, Siaha, Padon,
45 Lebana, Hagaba, Akub,
46 Hagab, Samlai at Hanan;
47 ang mga kaapu-apuhan ni Gidel, Gahar, Reaias,
48 Rezin, Nekoda, Gazam,
49 Uza, Pasea, Besai,
50 Asna, Meunim at Nefisim;
51 ang mga kaapu-apuhan ni Bakbuk, Hakufa, Harhur,
52 Bazlut, Mehida, Harsa,
53 Barkos, Sisera, Tema,
54 Nezias, at Hatifa.
55 Ang mga kaapu-apuhan ng mga alipin ni Solomon, ang mga kaapu-apuhan ni Sotai, Hasoferet, Peruda,
56 Jaala, Darkin, Gidel,
57 Sefatias, Hatil, Poqueret-hazebaim, at Ami.
58 392 ang kabuuang bilang ng mga kaapu-apuhan na inatasang maglingkod sa templo at ang mga kaapu-apuhan ng mga alipin ni Solomon.
59 Ang mga lumisan mula sa Tel-mela, Tel-harsa, Kerub, Addon, at Imer —ngunit hindi napatunayan ang kanilang kanunu-nunuan mula sa Israel —kabilang ang
60 652 na mga kaapu-apuhan ni Delaia, Tobia at Nekoda.
61 At sa mga kaapu-apuhan ng mga pari: Ang mga kaapu-apuhan ni Habaias, Hakoz, Barzilai, (na kinuha ang kaniyang asawa mula sa mga kababaihan ni Barzilai ng Gilead at tinawag sa kanilang pangalan).
62 Sinubukan nilang tuklasin ang kanilang tala-angkanan sa talaan ngunit hindi ito matagpuan dahil dinungisan nila ang kanilang pagkapari.
63 Kaya sinabi ng gobernador sa kanila na hindi sila dapat kumain ng anumang mula sa banal na mga alay hanggang sa pahintulotan sila ng isang pari sa Umim at Tumim.
64 Ang kabuuang grupo ay may bilang na 42, 360,
65 hindi kabilang ang kanilang mga aliping lalaki at aliping babae (ito ay 7, 337) at ang kanilang mga lalaki at babaeng mang-aawit sa templo.
66 Ang kanilang kabayo: 736. Ang kanilang mola: 245.
67 Ang kanilang kamelyo: 435. Ang kanilang asno: 6, 720.
68 Nang pumunta sila sa tahanan ni Yahweh sa Jerusalem, ang mga punong matatanda ay naghandog ng mga kusang-loob na handog upang maipatayo ang tahanan ni Yahweh.
69 Sila ay nagbigay para sa pondo ayon sa kanilang kakayahan: 61, 000 na gintong darika, 5, 000 pilak na mina at 100 na tunikang pangpari.
70 Kaya ang mga pari at mga Levita, ang mga tao, ang mga mang-aawit at mga bantay-pinto ng templo at ang mga inatasang maglingkod sa templo ay nanirahan sa kanilang mga lungsod. Lahat ng tao sa Israel ay nasa kanilang mga lungsod.