< Ezekiel 8 >
1 At nangyari na sa ika-anim na taon at ika-anim na buwan sa ika-limang araw ng buwan, habang nakaupo ako sa aking bahay at nakaupo sa aking harapan ang mga nakatatanda ng Juda, ang kamay ng Panginoong Yahweh ay muling dumating sa akin doon.
제육년 유월 오일에 나는 집에 앉았고 유다 장로들은 내 앞에 앉았는데 주 여호와의 권능이 거기서 내게 임하기로
2 Kaya tumingin ako, at pinagmasdan, mayroong larawan na tulad ng isang lalaki na may anyong tulad ng apoy mula sa kaniyang balakang pababa! At mayroong isang nagniningning na anyo na tulad ng kumikinang na metal mula sa kaniyang balakang pataas!
내가 보니 불 같은 형상이 있어 그 허리 이하 모양은 불 같고 허리 이상은 광채가 나서 단 쇠 같은데
3 At inabot niya ang hugis ng isang kamay at dinala ako sa pamamagitan ng buhok ng aking ulo; itinaas ako ng Espiritu sa pagitan ng lupa at langit at sa mga pangitain mula sa Diyos, dinala niya ako sa Jerusalem, sa pasukan ng pinakaloob ng hilagang tarangkahan, kung saan nakatayo ang diyus-diyosang pumupukaw ng matinding paninibugho.
그가 손 같은 것을 펴서 내 머리털 한 모숨을 잡으며 주의 신이 나를 들어 천지 사이로 올리시고 하나님의 이상 가운데 나를 이끌어 예루살렘으로 가서 안뜰로 들어가는 북향한 문에 이르시니 거기는 투기의 우상 곧 투기를 격발케 하는 우상의 자리가 있는 곳이라
4 At ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel ay naroon, na ang anyo ay tulad ng aking nakita sa kapatagan.
이스라엘 하나님의 영광이 거기 있는데 내가 들에서 보던 이상과 같더라
5 Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, ibaling mo ang iyong mga mata sa hilaga.” Kaya ibinaling ko ang aking mga mata sa hilaga, at sa hilaga ng tarangkahan patungo sa altar, doon sa pasukan ay mayroong diyus-diyosan ng paninibugho.
그가 내게 이르시되 인자야 이제 너는 눈을 들어 북편을 바라보라 하시기로 내가 눈을 들어 북편을 바라보니 제단문 어귀 북편에 그 투기의 우상이 있더라
6 Kaya sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, nakikita mo ba ang kanilang ginagawa? Ito ay malaking pagkasuklam na ginawa ng sambahayan ng Israel dito upang lumayo ako mula sa aking sariling santuwaryo! Ngunit lumingon ka at makakakita ng mas malalaking pagkasuklam!”
그가 또 내게 이르시되 인자야 이스라엘 족속의 행하는 일을 보느냐 그들이 여기서 크게 가증한 일을 행하여 나로 내 성소를 멀리 떠나게 하느니라 너는 다시 다른 큰 가증한 일을 보리라 하시더라
7 At dinala niya ako sa pintuan ng patyo at tumingin ako, at mayroong isang butas sa pader.
그가 나를 이끌고 뜰 문에 이르시기로 내가 본즉 담에 구멍이 있더라
8 Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, maghukay ka sa pader na ito.” Kaya naghukay ako sa pader at mayroong isang pintuan!
그가 내게 이르시되 인자야 너는 이 담을 헐라 하시기로 내가 그 담을 허니 한 문이 있더라
9 At sinabi niya sa akin “Pumasok ka at tingnan ang kasamaang kasuklam-suklam na kanilang ginagawa rito.”
또 내게 이르시되 들어가서 그들이 거기서 행하는 가증하고 악한 일을 보라 하시기로
10 Kaya pumasok ako at tumingin, at hala! Mayroong ibat-ibang anyo mula sa mga gumagapang hanggang sa mga kamuhi-muhing hayop! Bawat diyus-diyosan ng sambahayan ng Israel ay iniukit sa pader sa palibot.
내가 들어가 보니 각양 곤충과 가증한 짐승과 이스라엘 족속의 모든 우상을 그 사면 벽에 그렸고
11 Pitumpung nakatatanda ng sambahayan ng Israel ang nandoon at sa kanilang kalagitnaan ay nakatayo si Jaasanias na anak na lalaki ni Safan. Nakatayo sila sa harapan ng mga imahen at ang bawat tao ay may pangsuub sa kaniyang kamay upang ang amoy ng ulap ng insenso ay pumaitaas.
이스라엘 족속의 장로 중 칠십 인이 그 앞에 섰으며 사반의 아들 야아사냐도 그 가운데 섰고 각기 손에 향로를 들었는데 향연이 구름 같이 오르더라
12 Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, nakikita mo ba kung ano ang ginagawa sa dilim ng mga nakatatanda ng sambahayan ng Israel? Ginagawa ito ng bawat tao sa kaniyang nakatagong kamara kasama ng kaniyang diyus-diyosan, sapagkat sinasabi nila, ''Hindi kami nakikita ni Yahweh! Pinabayaan ni Yahweh ang lupain!”'
또 내게 이르시되 인자야 이스라엘 족속의 장로들이 각각 그 우상의 방안 어두운 가운데서 행하는 것을 네가 보았느냐 그들이 이르기를 여호와께서 우리를 보지 아니하시며 이 땅을 버리셨다 하느니라
13 At sinabi niya sa akin, “Lumingon ka muli at tingnan ang ibang mas malaking pagkasuklam na kanilang ginagawa.”
또 내게 이르시되 너는 다시 그들의 행하는 바 다른 큰 가증한 일을 보리라 하시더라
14 Ang sumunod, dinala niya ako sa pasukan ng tarangkahan ng tahanan ni Yahweh na naroon sa hilagang bahagi, at masdan ninyo! Ang mga kababaihang nakaupo roon ay nagluluksa para kay Tammuz. Kaya sinabi niya sa akin,
그가 또 나를 데리고 여호와의 전으로 들어가는 북문에 이르시기로 보니 거기 여인들이 앉아 담무스를 위하여 애곡하더라
15 “Nakikita mo ba ito, anak ng tao? “Lumingon ka muli at tingnan ang ibang mas malaking pagkasuklam kaysa sa mga ito.”
그가 또 내게 이르시되 인자야 네가 그것을 보았느냐 너는 또 이보다 더 큰 가증한 일을 보리라 하시더라
16 At dinala niya ako sa loobang patyo sa tahanan ni Yahweh, at hala! Sa pasukan ng templo ni Yahweh sa pagitan ng portiko at ng altar, mayroong halos dalawampu't limang kalalakihan na nakatalikod sa templo ni Yahweh at ang kanilang mga mukha ay nakaharap sa silangan at sumasamba sila kay Shemesh.
그가 또 나를 데리고 여호와의 전 안뜰에 들어가시기로 보니 여호와의 전문 앞 현관과 제단 사이에서 약 이십오 인이 여호와의 전을 등지고 낯을 동으로 향하여 동방 태양에 경배하더라
17 Sinabi niya sa akin, “Nakikita mo ba ito anak ng tao? Ito ba ay napakaliit na bagay para sa sambahayan ng Juda upang gawin ang mga nakasusuklam na ito na kanilang ginagawa rito? Sapagkat pinuno nila ang lupain ng karahasan at bumalik muli upang pukawin ang aking galit, naglalagay ng mga sanga sa kanilang mga ilong.
또 내게 이르시되 인자야 네가 보았느냐 유다 족속이 여기서 행한 가증한 일을 적다 하겠느냐 그들이 강포로 이 땅에 채우고 또 다시 내 노를 격동하고 심지어 나무가지를 그 코에 두었느니라
18 Kaya kikilos din ako sa kanila, hindi mahahabag ang aking mata sa kanila at hindi ko sila kaaawaan. Kahit tatawag sila sa aking mga tainga na may isang malakas na tinig, hindi ko sila diringgin!”
그러므로 나도 분노로 갚아 아껴 보지 아니하고 긍휼을 베풀지도 아니하리니 그들이 큰 소리로 내 귀에 부르짖을지라도 내가 듣지 아니하리라