< Ezekiel 6 >
1 Dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
여호와의 말씀이 내게 임하여 가라사대
2 “Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha laban sa mga bundok ng Israel at magpropesiya sa kanila.
인자야! 너는 이스라엘 산을 향하여 그들에게 예언하여
3 Sabihin mo, 'Mga bundok ng Israel, makinig kayo sa salita ng Panginoong Yahweh! Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh sa mga bundok at sa mga burol, sa mga batis at sa mga lambak: Tingnan ninyo! magdadala ako ng isang espada laban sa inyo at wawasakin ko ang inyong matataas na lugar.
이르기를 이스라엘 산들아 주 여호와의 말씀을 들으라 주 여호와께서 산과 작은 산과 시내와 골짜기를 대하여 말씀하시기를 나 곧 내가 칼로 너희에게 임하게 하여 너희 산당을 멸하리니
4 Pagkatapos, magiging ulila ang inyong mga dambana at mawawasak ang inyong mga haligi at itatapon ko ang inyong mga patay sa harapan ng inyong mga diyus-diyosan.
너희 제단이 황무하고 태양상이 훼파될 것이며 내가 또 너희 중에서 살륙을 당하여 너희 우상 앞에 엎드러지게 할 것이라
5 Ilalatag ko ang patay na mga katawan ng mga tao ng Israel sa harapan ng kanilang mga diyus-diyosan at ikakalat ang inyong mga buto sa palibot sa inyong mga altar.
이스라엘 자손의 시체를 그 우상 앞에 두며 너희 해골을 너희 제단 사방에 흩으리라
6 Saanman kayo manirahan, masasayang ang inyong mga lungsod at maging ulila ang inyong matataas na lugar upang ang inyong mga altar ay masasayang at magiging ulila. Pagkatapos, mawawasak ang mga ito at maglalaho, ang inyong mga poste ay ibabagsak at mabubura ang inyong mga gawa.
내가 너희 거하는 모든 성읍으로 사막이 되며 산당으로 황무하게하리니 이는 너희 제단이 깨어지고 황폐하며 너희 우상들이 깨어져 없어지며 너희 태양상들이 찍히며 너희 만든 것이 다 폐하며
7 Babagsak ang patay sa inyong kalagitnaan at malalaman ninyo na ako si Yahweh!
또 너희 중에서 살륙을 당하여 엎드러지게 하여 너희로 나를 여호와인 줄 알게 하려 함이니라
8 Ngunit magpapanatili ako ng isang natira sa inyo, at may ilan na makakatakas sa espada sa mga bansa, nang maikalat kayo sa buong mga bansa.
그러나 너희가 열방에 흩어질 때에 내가 너희 중에서 칼을 피하여 이방 중에 남아 있는 자가 있게 할지라
9 At silang mga nakatakas ay alalahanin ako sa mga bansa kung saan sila binihag, nagdalamhati ako sa kanilang hindi matinong puso na tumalikod mula sa akin at sa pamamagitan ng kanilang mga mata na sumumpa sa kanilang mga diyus-diyosan. At nagpapakita sila ng pagkamuhi sa kanilang sarili sa kasamaan na kanilang nagawa kasama ang lahat ng kanilang pagkasuklam.
너희 중 피한 자가 사로잡혀 이방인 중에 있어서 나를 기억하되 그들이 음란한 마음으로 나를 떠나고 음란한 눈으로 우상을 섬겨 나로 근심케 한 것을 기억하고 스스로 한탄하리니 이는 그 모든 가증한 일로 악을 행하였음이라
10 Upang kanilang malaman na ako si Yahweh. Ito ay isang kadahilanan na sinabi kong dadalhin ko ang masamang bagay na ito sa kanila.
그 때에야 그들이 나를 여호와인 줄 알리라 내가 이런 재앙을 그들에게 내리겠다 한 말이 헛되지 아니하니라
11 Ang Panginoong Yahweh ang nagsabi nito: Ipalakpak ang iyong kamay at ipadyak ang iyong paa! Sabihin, “O!” dahil sa lahat ng kasamaang kasuklam-suklam ng sambahayan ng Israel! Sapagkat babagsak sila sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot.
주 여호와께서 가라사대 너는 손뼉을 치고 발을 구르며 말할지어다 오호라! 이스라엘 족속이 모든 가증한 악을 행하므로 필경 칼과 기근과 온역에 망하되
12 Ang isang nasa malayo ay mamamatay sa pamamagitan ng salot at ang isang nasa malapit ay babagsak sa pamamagitan ng espada. Silang mga natira at nakaligtas ay mamamatay sa pamamagitan ng taggutom; sa ganitong paraan ko gagawin ang aking poot laban sa kanila.
먼데 있는 자는 온역에 죽고 가까운데 있는 자는 칼에 엎드러지고 남아 있어 에워싸인 자는 기근에 죽으리라 이같이 내 진노를 그들에게 이룬즉
13 At malalaman ninyo na ako si Yahweh, kapag ang kanilang mga patay ay nakahiga kasama ng kanilang mga diyus-diyosan sa palibot ng kanilang mga altar sa bawat mataas na burol—sa lahat ng mga taluktok ng bundok at sa ilalim ng bawat malagong punong kahoy at mayabong na ensena—ang mga lugar kung saan sila nagsusunog ng mga insenso sa kanilang mga diyus-diyosan.
그 살륙 당한 시체가 그 우상 사이에, 제단 사방에, 각 높은 고개에, 모든 산꼭대기에, 모든 푸른 나무 아래에, 무성한 상수리나무 아래 곧 그 우상에게 분향하던 곳에 있으리니 너희가 나를 여호와인 줄 알리라
14 Ipapakita ko ang aking kapangyarihan at gagawin kong ulila at masasayang ang lupain, mula sa ilang hanggang sa Diblah, sa buong lugar kung saan sila naninirahan. At malalaman nila na ako si Yahweh.”
내가 내 손을 그들의 위에 펴서 그 거하는 온 땅 곧 광야에서부터 디블라까지 처량하고 황무하게 하리니 그들이 나를 여호와인 줄 알리라