< Ezekiel 5 >
1 At ikaw, anak ng tao, kumuha ka ng matalim na espada na parang isang pang-ahit ng barbero para sa iyong sarili. At padaanin mo ang pang-ahit sa iyong ulo at sa iyong balbas, at kumuha ka ng mga timbangan upang timbangin at hatiin ang iyong buhok.
A ti, sine čovječji, uzmi mač naoštren, uzmi ga kao britvu brijačku i obrij glavu i bradu. Zatim uzmi mjerice i porazdijeli.
2 Sunugin ang ikatlong bahagi nito sa apoy sa gitna ng lungsod kapag natapos na ang mga araw ng paglusob. At kunin mo ang ikatlong bahagi ng buhok at ihampas mo ito sa pamamagitan ng espada sa buong palibot ng lungsod. At ikalat ang isang ikatlong bahagi nito sa hangin, at huhugot ako ng isang espada upang habulin ang mga tao.
Trećinu spali posred grada ognjem kad se navrše dani tvoje opsade; trećinu uzmi i sasijeci mačem oko grada; trećinu baci u vjetar - i svoj ću mač trgnuti na njih.
3 Ngunit kumuha ng kaunting buhok mula sa kanila at itali ang mga ito sa iyong manggas.
Uzmi malo i zaveži u skute haljine.
4 At kumuha ng mas maraming buhok at ihagis ito sa gitna ng apoy; at sunugin ito sa apoy; mula roon ang apoy ay lalabas sa lahat ng sambahayan ng Israel.”
Od toga opet nešto uzmi, baci u vatru i spali: odatle će se razgorjeti vatra svemu domu Izraelovu!”
5 Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh, “Ito ang Jerusalem sa gitna ng mga bansa, kung saan ko siya inilagay, at kung saan pinalilibutan ko siya ng ibang mga lupain.
Ovako govori Jahve Gospod: “Ovo je Jeruzalem! Postavih ga u središte naroda, okružih ga zemljama!
6 Ngunit tinanggihan niya ang aking mga kautusan sa pamamagitan ng kasamaan higit sa mga bansa, at ang aking mga palatuntunan higit pa sa mga bansang nakapalibot sa kaniya. At tinanggihan nila ang aking mga hatol at hindi lumalakad sa aking mga palatuntunan!”
Ali se on odupro mojim naredbama većma nego pogani, zakonima mojim većma nego zemlje koje ga okružuju.”
7 Kaya sinasabi ito ng Panginoong si Yahweh, “Sapagkat ikaw ay higit na mapanggulo kaysa mga bansang nakapalibot sa iyo at hindi lumakad sa aking mga utos o kumilos ayon sa aking mga kautusan, o kumilos ayon sa mga kautusan ng mga bansang nakapalibot sa iyo.”
Stoga ovako govori Jahve Gospod: “Buntovniji ste od naroda koji vas okružuju, ne hodite po mojim zakonima i ne vršite ni mojih naredaba ni naredaba okolnih naroda.”
8 Kaya sinasabi ito ng Panginoong Yahweh, “Masdan ninyo! Ako mismo ay kikilos laban sa inyo! Isasagawa ko ang mga hatol sa inyong kalagitnaan upang makita ng mga bansa.
Zato ovako govori Jahve Gospod: “Evo i mene protiv tebe! Izvršit ću sud svoj nad tobom na oči svih naroda.
9 Gagawin ko sa inyo kung ano ang hindi ko pa nagagawa at ang katulad nito na hindi ko na gagawing muli, dahil sa lahat ng inyong kasuklam-suklam na mga gawa.
Zbog tvojih gadosti učinit ću s tobom što još ne učinih nikada nit ću ikad učiniti:
10 Kaya kakainin ng mga ama ang mga bata sa inyong kalagitnaan, at kakainin ng mga anak na lalaki ang kanilang mga ama, yamang magsasagawa ako ng paghatol sa inyo at ikakalat sa bawat dako kayong lahat na naiwan!
posred tebe očevi će jesti sinove, a sinovi očeve; izvršit ću sud svoj nad tobom i sav ostatak tvoj predati svim vjetrovima!
11 Samakatuwid, habang ako ay buhay - ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh - tiyak ito sapagkat dinungisan ninyo ang aking santuwaryo sa pamamagitan ng lahat ng inyong kamuhi-muhing mga bagay at sa lahat ng inyong kasuklam-suklam na gawa, ako mismo ang babawas ng inyong bilang; hindi maaawa sa inyo ang aking mata at hindi ko kayo patatawarain.
Života mi moga! - riječ je Jahve Gospoda - svakojakim grozotama i gadostima ti uistinu oskvrnu moje Svetište. I ja ću sada brijati i oko se moje neće sažaliti i neću se smilovati:
12 Mamamatay sa salot ang ikatlong bahagi ninyo, at mauubos sila ng kagutuman sa inyong kalagitnaan. Ang ikatlong bahagi sa inyo ay mamamatay sa pamamagitan ng espada sa paligid ninyo. At ikakalat ko ang ikatlong bahagi sa inyo sa bawat dako, at huhugot ng espada upang habulin din sila.
trećina će tvojih žitelja posred tebe od kuge skončati i od gladi umrijeti; trećina će oko tebe od mača pasti; trećinu ću predati vjetrovima - i mač ću svoj trgnuti na njih!
13 At magiging ganap ang aking poot, at ititigil ko ang aking matinding galit sa kanila. Masisiyahan ako, at makilala nila na akong si Yahweh ang nagsasabi ng mga bagay na ito dahil sa aking poot nang matapos ko ang aking matinding galit laban sa kanila.
Tako ću iskaliti gnjev svoj i smirit će se jarost moja kad im se osvetim. I kad iskalim jarost svoju nad njima, spoznat će da sam to ja, Jahve, u ljubomori svojoj bio rekao.
14 Gagawin ko kayong isang lagim at kahihiyan sa mga bansang nakapalibot sa inyo sa paningin ng bawat isa na dumadaan.
Opustošit ću te, izvrgnut ću te ruglu naroda koji te okružuju, na oči svim prolaznicima.
15 Kaya magiging isang bagay ang Jerusalem para sa ibang tao upang isumpa at kutyain, isang babala at isang katatakutan para sa mga bansa na nakapaligid sa inyo. Isasagawa ko ang paghahatol laban sa inyo sa poot at matinding galit, at sa pamamagitan ng isang matinding pagsaway—Ako, si Yahweh ang nagpahayag nito!
Da, bit ćeš na ruglo i sramotu, opomena i užas okolnim narodima kad izvršim protiv tebe sve svoje sudove kažnjavajući gnjevno, jarosno. Ja, Jahve, rekoh!
16 Magpapadala ako ng malulupit na mga pana ng taggutom laban sa inyo na magiging dahilan upang sirain ko kayo. Sapagkat dadagdagan ko ang taggutom sa inyo at babaliin ko ang inyong tungkod ng tinapay.
I kad na vas pustim ljute strijele gladi što zatiru, koje ću pustiti na vas da vas uništim i glađu zatrem - uništit ću vam i posljednju pričuvu kruha.
17 Magpapadala ako ng taggutom at mga sakuna laban sa inyo upang hindi kayo magkaanak. Dadaan sa inyo ang salot at dugo, at magdadala ako ng espada sa inyo—Ako, si Yahweh ang nagpahayag nito.
A povrh gladi pustit ću na vas i divlje zvijeri koje će ti djecu rastrgati; kuga će te i krv preplaviti: pod mač ću te svoj okrenuti. Ja, Jahve, rekoh!”