< Ezekiel 48 >

1 Ito ang mga pangalan ng mga tribo. Ang tribo ng Dan ay makakatanggap ng isang bahagi ng lupain: ang hangganan nito ay aabot sa tabi ng hangganan sa hilaga ng Israel papunta sa Hethlon at Lebo Hamat. Ang hangganan nito ay aabot hanggang sa Hazar-enan at sa mga hangganan ng Damasco hanggang sa hilaga at hanggang sa Hamat. Ang hangganan ng Dan ay aabot mula sa timog hanggang sa Dagat ng Mediteraneo.
Ang mga ito nga ang mga pangalan ng mga lipi: Mula sa dulong hilagaan, sa tabi ng daan ng Hethlon hanggang sa pasukan sa Hamath, Hasar-enan, sa hangganan ng Damasco, na dakong hilagaan sa gawing yaon ng Hamath; (at mga magkakaroon ng mga dakong silanganan at kalunuran), ang Dan, isang bahagi.
2 Isang bahagi ng lupain sa timog ng hangganan ng Dan ang magiging lupain ng Aser na aabot mula sa silangan hanggang sa kanluran.
At sa tabi ng hangganan ng Dan, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Aser, isang bahagi.
3 Sa timog ng hangganan ng Aser ay magiging isang bahagi ng Neftali mula sa silangang bahagi hanggang sa kanlurang bahagi.
At sa tabi ng hangganan ng Aser, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Nephtali, isang bahagi.
4 Ang hangganan ng timog ng Neftali ang magiging isang bahagi ng Manases na mula sa silangang bahagi hanggang sa kanlurang bahagi.
At sa tabi ng hangganan ng Nephtali, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Manases, isang bahagi.
5 Sa timog ng hangganan ng Manases mula sa dakong silangang hanggang sa dakong kanluran ang magiging isang bahagi ng Efraim.
At sa tabi ng hangganan ng Manases, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Ephraim, isang bahagi.
6 Sa timog ng hangganan ng Efraim mula sa dakong silangan hanggang sa dakong kanluran ang magiging isang bahagi ng Ruben.
At sa tabi ng hangganan ng Ephraim, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Ruben, isang bahagi.
7 Sa tabi ng hangganan ni Ruben mula sa dakong silangan hanggang sa dakong kanluran ang magiging isang bahagi ng Juda.
At sa tabi ng hangganan ng Ruben, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Juda, isang bahagi.
8 Ang handog na lupain na inyong gagawin ay sa tabi ng hangganan ng Juda at pinalawak mula sa dakong silangan hanggang sa dakong kanluran at magiging dalawampu't-limang libong siko ang lawak. Tumutugma ang haba nito sa isang bahagi ng tribo mula sa dakong silangan hanggang sa dakong kanluran at ang templo ang magiging gitna nito.
At sa tabi ng hangganan ng Juda, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, malalagay ang alay na inyong ihahandog, dalawang pu't limang libong tambo ang luwang, at ang haba ay gaya ng isa sa mga bahagi, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran; at ang santuario ay malalagay sa gitna niyaon.
9 Itong lupain na ihahandog ninyo kay Yahweh ay dalawampu't-limang libong siko ang haba at sampung libong siko ang luwang.
Ang alay na inyong ihahandog sa Panginoon ay magiging dalawang pu't limang libong tambo ang haba, at sangpung libo ang luwang.
10 Ito ang mga nakatakda para sa bahaging ito ng banal na lupain: magkakaroon ng lupain ang mga pari na maitatalaga sa kanila na may sukat na dalwampu't-limang libong siko ang luwang sa dakong hilaga, sampung libong siko ang luwang sa dakong kanluran, sampung libong siko ang luwang sa dakong silangan at dalawampu't-limang libong siko ang haba sa dakong timog na nasa gitna nito ang banal na lugar ni Yahweh.
At magiging sa mga ito, sa makatuwid baga'y sa mga saserdote, ang banal na alay; sa dakong hilagaan ay dalawang pu't limang libo ang haba, at sa dakong kalunuran ay sangpung libo ang luwang, at sa dakong timugan ay dalawang pu't limang libo ang haba: at ang santuario ng Panginoon ay maglalagay sa gitna niyaon.
11 Ito dapat ang para sa mga tao na inilaan kay Yahweh: ang mga pari sa lahi ni Zadok na matapat na naglingkod sa akin na hindi naligaw nang naligaw ang mga tao ng Israel, gaya ng ginawa ng mga Levita.
Ito'y magiging sa mga saserdote na mga pinapaging banal sa mga anak ni Sadoc, na nagsisiganap ng katungkulan sa akin na hindi nangagpakaligaw nang mangagpakaligaw ang mga anak ni Israel, na gaya ng mga Levita na nangagpakaligaw.
12 Ang handog para sa kanila ay magiging isang bahagi nitong pinakabanal na lupain na palalawakin hanggang sa hangganan ng mga Levita.
At sa kanila'y magiging alay na mula sa alay ng lupain, bagay na kabanalbanalan sa tabi ng hangganan ng mga Levita.
13 Ang lupain ng mga Levita sa tabi ng hangganan kasama ang lupain ng mga pari ay magiging dalawampu't-limang libong siko ang haba at sampung libong siko ang lawak. Ang kabuuang haba ng dalawang sukat ng lupain ay magiging dalawampu't-limang libong siko at dalawampung libong siko ang lawak.
At ayon sa hangganan ng mga saserdote, ang mga Levita ay mangagkakaroon ng dalawang pu't limang libo ang haba, at sangpung libo ang luwang: ang buong haba ay magiging dalawang pu't limang libo, at ang luwang ay sangpung libo.
14 Hindi nila ito dapat ibenta o ipagpalit, wala sa unang mga bunga ng lupain ng Israel ang dapat maihiwalay mula sa mga sukat nito, sapagkat lahat ng ito ay banal kay Yahweh.
At hindi nila ipagbibili, o ipagpapalit man, o ipagkakaloob sa iba man ang mga unang bunga ng lupain; sapagka't ito'y banal sa Panginoon.
15 Ang natitirang lupain na limang-libong siko ang lawak at dalawampu't limang libong siko ang haba ay para sa karaniwang kagamitan ng lungsod, mga tahanan at ang pastulan. Ang lungsod ang nasa gitna nito.
At ang limang libo na naiwan sa naluwangan, sa tapat ng dalawang pu't limang libo, magiging sa karaniwang kagamitan na ukol sa bayan, sa tahanan at sa mga nayon; at ang bayan ay malalagay sa gitna niyaon.
16 Ito ang magiging mga sukat ng lungsod: ang dakong hilaga ay magiging 4, 500 siko ang haba, ang dakong timog ay magiging 4, 500 siko ang haba, ang dakong silangan ay magiging 4, 500 siko ang haba at ang dakong kanluran ay magiging 4, 500 siko ang haba.
At ang mga ito ang magiging mga sukat niyaon: sa dakong hilagaan ay apat na libo at limang daan, at sa dakong timugan ay apat na libo at limang daan, at sa dakong silanganan ay apat na libo at limang daan, at sa dakong kalunuran ay apat na libo at limang daan.
17 Magkakaroon ng pastulan para sa lungsod sa dakong hilaga, na may 250 siko ang lalim, sa timog na may 250 siko ang lalim, sa silangan na may 250 siko ang lalim at sa kanluran na may 250 siko ang lalim.
At ang bayan ay magkakaroon ng mga nayon: sa dakong hilagaan ay dalawang daan at limang pu, at sa dakong timugan ay dalawang daan at limang pu, at sa dakong silanganan ay dalawang daan at limang pu, at sa dakong kalunuran ay dalawang daan at limang pu.
18 Pahahabain ng sampung libong siko sa silangan at sampung libong siko sa kanluran ang natitirang sukat ng banal na handog. Pahahabain ito sa tabi ng hangganan ng banal na handog at ang bunga nito ang magiging pagkain para sa mga nagtatrabaho sa lungsod.
At ang labis sa haba, na nauukol sa banal na alay, magiging sangpung libo sa dakong silanganan, at sangpung libo sa dakong kalunuran; at magiging ukol sa banal na alay; at ang bunga niyaon ay magiging pinakapagkain sa nagsisigawa sa bayan.
19 Sasakahin ang lupaing iyon ng mga tao na kabilang sa buong tribo ng Israel, mga tao na siyang nagtatrabaho sa lungsod.
At tatamnan nilang nagsisigawa sa bayan sa lahat ng mga lipi ng Israel.
20 Lahat ng handog na lupain ay may sukat na dalawampu't limang libong siko ang haba at dalawampu'tlimang libong siko ang luwang. Sa paraang ito gagawin ninyong isang lupain ang handog na banal, gayun din ang lupaing para sa lungsod.
Buong alay ay magiging dalawang pu't limang libong tambo at dalawang pu't limang libo: inyong ihahandog na parisukat ang banal na alay, sangpu ng pag-aari ng bayan.
21 Ang natitirang lupain sa magkabilang bahagi ng banal na handog at ang bahagi ng lungsod ay para sa prinsipe. Ang sukat ng lupain ng prinsipe sa silangan ay aabot ng dalawampu't-limang libong siko mula sa hangganan ng banal na handog hanggang sa silanganing hangganan at ang kaniyang sukat sa kanluran ay palalawakin ng dalawampu't-limang libong siko hanggang sa kanluraning hangganan. Sa gitna nito ay ang banal na handog at ang banal na lugar ng templo.
At ang labis ay magiging sa prinsipe, sa isang dako at sa kabilang dako ng banal na alay at sa pag-aari ng bayan; sa tapat ng dalawang pu't limang libo sa alay sa dako ng silanganang hangganan, at sa dakong kalunuran sa tapat ng dalawang pu't limang libo sa dako ng kalunurang hangganan, na ukol sa mga bahagi, magiging sa prinsipe: at ang banal na alay at ang santuario ng bahay ay malalagay sa gitna niyaon.
22 Ang lupain na palalawakin mula sa pag-aari ng mga Levita at ang bahagi ng lungsod sa gitna nito ay para sa prinsipe. Ito ay sa pagitan ng hangganan ng Juda at hangganan ng Benjamin. Para sa prinsipe ang lupaing ito.
Bukod dito'y mula sa pag-aari ng mga Levita, at mula sa pag-aari ng bayan na nasa gitna ng sa prinsipe, sa pagitan ng hangganan ng Juda at ng hangganan ng Benjamin, magiging sa prinsipe.
23 Para sa mga natitirang tribo, aabot ang kanilang mga bahagi mula dakong silangan hanggang sa dakong kanluran. Makakatanggap ang Benjamin ng isang bahagi.
At tungkol sa nalabi sa mga lipi: mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Benjamin, isang bahagi.
24 Sa timog ng hangganan ng Benjamin na aabot mula sa dakong silangan hanggang sa kanluran ang magiging isang bahaging lupain ng Simeon.
At sa tabi ng hangganan ng Benjamin, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Simeon, isang bahagi.
25 Sa timog ng hangganan ng Simeon na aabot sa dakong silangan hanggang sa kanluran ang magiging isang bahagi ng lupain ng Issachar.
At sa tabi ng hangganan ng Simeon, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Issachar, isang bahagi.
26 Sa timog ng hangganan ng Issachar na aabot mula sa dakong silangan hanggang sa dakong kanluran ang magiging isang bahagi ng lupain ng Zebulun.
At sa tabi ng hangganan ng Issachar, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Zabulon, isang bahagi.
27 Sa timog ng hangganan ng Zebulun na aabot mula sa dakong silangan hanggang sa kanluran ang magiging isang bahagi ng lupain ng Gad.
At sa tabi ng hangganan ng Zabulon mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Gad, isang bahagi.
28 Ang katimugang hangganan ng Gad ay aabot mula sa Tamar hanggang sa mga katubigan ng Meribat-cadesh at mas malayo sa batis ng Egipto at sa Malaking Dagat.
At sa tabi ng hangganan ng Gad, sa dakong timugan na gawing timugan, ang hangganan ay magiging mula sa Tamar hanggang sa tubig ng Meribat-cades sa batis ng Egipto, hanggang sa malaking dagat.
29 Magpapalabunutan kayo para sa lupaing ito at ito ang magiging mana ng mga tribo ng Israel. Ito ang kanilang mga magiging bahagi. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
Ito ang lupain na inyong babahagihin sa sapalaran sa mga lipi ng Israel na pinakamana, at ang mga ito ang kanilang mga iba't ibang bahagi, sabi ng Panginoong Dios.
30 Ito ang magiging mga labasan mula sa lungsod: sa gawing hilaga na may sukat na 4, 500 siko ang haba
At ang mga ito ang mga labasan sa bayan: Sa dakong hilagaan ay apat na libo at limang daang tambo sa sukat;
31 ang tatlong tarangkahan na nakapangalan sa mga tribo ng Israel: isang tarangkahan para kay Ruben, isang tarangkahan para kay Juda at isang tarangkahan para kay Levi.
At ang mga pintuang-daan ng bayan ay magiging ayon sa mga pangalan ng mga lipi ng Israel, tatlong pintuang-daan sa dakong hilagaan: ang pintuang-daan ng Ruben, isa; ang pintuang-daan ng Juda, isa; ang pintuang-daan ng Levi, isa.
32 May tatlong tarangkahan sa gawing silangan na may sukat na 4, 500 siko ang haba: isang tarangkahan para kay Jose, isang tarangkahan para kay Benjamin at isang tarangkahan para kay Dan.
At sa dakong silanganan ay apat na libo at limang-daang tambo, at tatlong pintuang-daan: ang pintuang-daan ng Jose, isa; ang pintuang-daan ng Benjamin, isa; ang pintuang-daan ng Dan, isa:
33 May tatlong tarangkahan sa gawing silangan na may sukat na 4, 500 siko ang haba: isang tarangkahan para kay Simeon, isang tarangkahan para kay Issachar at isang tarangkahan para kay Zebulon.
At sa dakong timugan ay apat na libo at limang daang tambo sa sukat, at tatlong pintuang-daan: ang pintuang-daan ng Simeon, isa; ang pintuang-daan ng Issachar, isa; ang pintuang-daan ng Zabulon, isa:
34 May tatlong tarangkahan sa gawing kanluran na may sukat na 4, 500 siko ang haba: isang tarangkahan para kay Gad, isang tarangkahan para kay Asher at isang tarangkahan para kay Nephtali.
Sa dakong kalunuran ay apat na libo at limang daang tambo, na may kanilang tatlong pintuang-daan: ang pintuang-daan ng Gad, isa; ang pintuang-daan ng Aser, isa; ang pintuang-daan ng Nephtali, isa.
35 Ang lawak ng palibot ng lungsod ay labing-walong libong siko at mula sa araw na iyon, ang magiging pangalan ng lungsod ay “Naroon si Yahweh.”
Magkakaroon ng labing walong libong tambo ang sukat sa palibot: at ang magiging pangalan ng bayan mula sa araw na yaon ay, Ang Panginoon ay naroroon.

< Ezekiel 48 >