< Ezekiel 45 >
1 Kapag nagpalabunutan kayo upang paghatian ang lupain bilang isang mana, dapat kayong gumawa ng isang handog kay Yahweh. Magiging isang banal na bahagi ng lupain ang handog na ito na dalawampu't limanglibong siko ang haba at sampung libong siko ang lawak. Magiging banal ang lahat ng lugar na nakapalibot dito.
Cumque cœperitis terram dividere sortito, separate primitias Domino, sanctificatum de terra, longitudine viginti quinque millia, et latitudine decem millia: sanctificatum erit in omni termino ejus per circuitum.
2 Mula dito, magkakaroon ng limang daang siko ang haba at limang daang sikong parisukat ang lawak na nakapalibot sa banal na lugar na may hangganang limampung siko ang lawak.
Et erit ex omni parte sanctificatum quingentos per quingentos, quadrifariam per circuitum, et quinquaginta cubitis in suburbana ejus per gyrum.
3 Mula sa lugar na ito, susukat kayo ng isang bahagi na dalawampu't limang libong siko ang haba at sampung libo ang lawak. Magiging isang banal na lugar ito para sa inyo, isang kabanal-banalang lugar.
Et a mensura ista mensurabis longitudinem viginti quinque millium, et latitudinem decem millium: et in ipso erit templum, Sanctumque sanctorum.
4 Magiging isang banal na lugar ito sa lupain para sa mga paring naglilingkod kay Yahweh, ang mga lumapit kay Yahweh upang maglingkod sa kaniya. Magiging isang lugar ito para sa kanilang mga tahanan at isang banal na bahagi para sa banal na lugar.
Sanctificatum de terra erit sacerdotibus ministris sanctuarii, qui accedunt ad ministerium Domini: et erit eis locus in domos, et in sanctuarium sanctitatis.
5 Kaya magiging dalawampu't limang libong siko ang haba at sampung libong siko ang lawak nito, at magiging para sa bayan ito ng mga Levitang naglilingkod sa tahanan.
Viginti quinque autem millia longitudinis, et decem millia latitudinis erunt Levitis qui ministrant domui: ipsi possidebunt viginti gazophylacia.
6 Maglalaan kayo ng isang bahagi para sa lungsod na limang libong siko ang lawak at dalawampu't limang libong siko ang haba, iyan ang magiging kasunod sa bahagi na nakalaan para sa banal na lugar. Magiging pag-aari ng buong sambahayan ng Israel ang lungsod na ito.
Et possessionem civitatis dabitis quinque millia latitudinis, et longitudinis viginti quinque millia, secundum separationem sanctuarii, omni domui Israël.
7 Dapat nasa magkabilang gilid ng lugar na nakalaan para sa banal na lugar at lungsod ang lupain ng mga prinsipe. Nasa dakong kanluran at sa dakong silangan ng mga ito. Tutugma ang haba nito sa haba ng isa sa mga bahaging iyon, mula sa kanluran hanggang sa silangan.
Principi quoque hinc et inde in separationem sanctuarii, et in possessionem civitatis, contra faciem separationis sanctuarii, et contra faciem possessionis urbis, a latere maris usque ad mare, et a latere orientis usque ad orientem: longitudinis autem juxta unamquamque partem, a termino occidentali usque ad terminum orientalem.
8 Magiging pag-aari ng prinsipe ng Israel ang lupaing ito. Hindi na kailanman aapihin ng aking mga prinsipe ang aking mga tao; sa halip, ibibigay nila ang lupain sa sambahayan ng Israel para sa kanilang mga tribu.
De terra erit ei possessio in Israël, et non depopulabuntur ultra principes populum meum: sed terram dabunt domui Israël secundum tribus eorum.
9 Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Tama na para sa inyong mga prinsipe ng Israel! Alisin na ninyo ang karahasan at pag-aawayan, gawin ang makatarungan at makatuwiran! Itigil na ninyo ang pagpapalayas sa aking mga tao! —Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
Hæc dicit Dominus Deus: Sufficiat vobis, principes Israël: iniquitatem et rapinas intermittite, et judicium et justitiam facite: separate confinia vestra a populo meo, ait Dominus Deus.
10 Dapat magkaroon kayo ng tamang mga timbangan, tamang mga efa at tamang mga bath!
Statera justa, et ephi justum, et batus justus erit vobis.
11 Magiging pantay ang dami ng efa at bath upang magiging ikasampu ng isang homer ang isang bath at magiging ikasampu ng isang homer ang efa. Dapat tumugma sa homer ang sukat ng mga ito.
Ephi et batus æqualia et unius mensuræ erunt, ut capiat decimam partem cori batus, et decimam partem cori ephi: juxta mensuram cori erit æqua libratio eorum.
12 Magiging dalawampung gera ang siklo at gagawa ng animnapung siklo ng isang mina para sa iyo.
Siclus autem viginti obolos habet: porro viginti sicli, et viginti quinque sicli, et quindecim sicli, mnam faciunt.
13 Ito ang ambag na dapat ninyong ibigay: ang ikaanim na bahagi ng isang efa para sa bawat homer ng trigo, at magbibigay kayo ng ikaanim na bahagi ng isang efa para sa bawat homer ng sebada.
Et hæ sunt primitiæ quas tolletis: sextam partem ephi de coro frumenti, et sextam partem ephi de coro hordei.
14 Ang alituntunin para sa paghahandog ng langis ay magiging ikasampung bahagi ng isang bath para sa bawat kor (na sampung bath) o para sa bawat homer, sapagkat sampung bath din ang isang homer.
Mensura quoque olei, batus olei, decima pars cori est: et decem bati corum faciunt, quia decem bati implent corum.
15 Gagamitin para sa anumang handog na susunugin o handog pangkapayapaan bilang kabayaran para sa mga tao ang isang tupa o kambing mula sa kawan sa bawat dalawang daang hayop mula sa matubig na mga rehiyon ng Israel—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
Et arietem unum de grege ducentorum, de his quæ nutriunt Israël, in sacrificium, et in holocaustum, et in pacifica, ad expiandum pro eis, ait Dominus Deus.
16 Ibibigay ng lahat ng mga tao sa lupain ang ambag na ito sa prinsipe sa Israel.
Omnis populus terræ tenebitur primitiis his principi in Israël.
17 Magiging tungkulin ng prinsipe na magbigay ng mga hayop para sa mga alay na susunugin, mga handog na butil, mga handog na inumin sa mga pagdiriwang at ang mga pagdiriwang ng Bagong Buwan, at sa mga Araw ng Pamamahinga—sa lahat ng mga itinakdang pagdiriwang ng sambahayan ng Israel. Magbibigay siya ng mga handog dahil sa kasalanan, mga handog na butil, mga handog na susunugin at mga handog pangkapayapaan para sa kabayaran sa kapakanan ng sambahayan ng Israel.
Et super principem erunt holocausta, et sacrificium, et libamina, in solemnitatibus, et in calendis, et in sabbatis, et in universis solemnitatibus domus Israël: ipse faciet pro peccato sacrificium, et holocaustum, et pacifica, ad expiandum pro domo Israël.
18 Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Sa unang buwan, sa unang araw ng unang buwan, kukuha kayo ng isang torong walang kapintasan mula sa kawan at magsagawa ng isang paghahandog dahil sa kasalanan para sa santuwaryo.
Hæc dicit Dominus Deus: In primo mense, una mensis, sumes vitulum de armento immaculatum, et expiabis sanctuarium.
19 Kukuha ang pari ng kaunting dugo ng handog dahil sa kasalanan at ilalagay niya ito sa mga haligi ng pintuan ng tahanan at sa apat na sulok ng hangganan ng altar, at sa mga haligi ng pintuan ng tarangkahan sa panloob na patyo.
Et tollet sacerdos de sanguine quod erit pro peccato, et ponet in postibus domus, et in quatuor angulis crepidinis altaris, et in postibus portæ atrii interioris.
20 Gagawin ninyo ito sa ikapito ng buwan para sa bawat taong nagkasala ng hindi sinasadya o dahil sa kamangmangan; sa paraang ito, malilinis ninyo ang templo.
Et sic facies in septima mensis, pro unoquoque qui ignoravit, et errore deceptus est: et expiabis pro domo.
21 Sa ikalabing apat na araw ng unang buwan, magkakaroon sa inyo ng isang pagdiriwang, pitong araw na pagdiriwang. Kakain kayo ng tinapay na walang pampaalsa.
In primo mense, quartadecima die mensis, erit vobis Paschæ solemnitas: septem diebus azyma comedentur.
22 Sa araw na iyon, maghahanda ang prinsipe ng isang toro bilang handog dahil sa kasalanan, para sa kaniyang sarili at para sa lahat ng tao sa lupain.
Et faciet princeps in die illa, pro se et pro universo populo terræ, vitulum pro peccato.
23 Para sa pitong araw ng pagdiriwang, maghahanda ang prinsipe ng handog na susunugin para kay Yahweh: pitong toro at pitong walang kapintasang lalaking tupa sa bawat araw para sa pitong araw, at isang lalaking kambing sa bawat araw bilang handog dahil sa kasalanan.
Et in septem dierum solemnitate faciet holocaustum Domino, septem vitulos et septem arietes immaculatos, quotidie septem diebus: et pro peccato hircum caprarum quotidie.
24 Pagkatapos, magsasagawa ang prinsipe ng isang handog na pagkain ng isang efa para sa bawat toro at isang efa para sa bawat lalaking tupa kasama ang isang hin ng langis para sa bawat efa.
Et sacrificium ephi per vitulum, et ephi per arietem faciet, et olei hin per singula ephi.
25 Sa ika labinlimang araw ng ikapitong buwan, sa pagdiriwang, magsasagawa ang prinsipe ng mga paghahandog sa pitong araw na ito: mga handog dahil sa kasalanan, mga handog na susunugin, handog na pagkain at mga handog na langis.
Septimo mense, quintadecima die mensis, in solemnitate, faciet sicut supra dicta sunt per septem dies, tam pro peccato quam pro holocausto, et in sacrificio, et in oleo.